Mata NG Agila Script

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

VIDEO AUDIO

OBB MATA NG AGILA NEWS THEME

[VO] SA ULO NG NAGLALAKIHANG BALITA


 LUNGSOD NG BALANGA, BUMABANGON MATAPOS ANG
MATINDING BAHA
HEADLINES  MODEL NA FIL-ITALIAN, TANGGAP SA VICTORIA’S SECRET
Preview ng  SONA NI DUTERTE, PASADO SA MGA OFWs
mga  BAGYONG KARDING HUMAHAGUPIT
balita  PAGTATAYO NG SPORTS FACILITIES PARA SA SEA GAMES,
SINIMULAN NA
 VIDEO NI MOCHA USON SA PEDERALISMO, UMANI NG MADAMING
BATIKOS

BOTH: MAGANDANG HAPON PILIPINAS

ANCHOR MIG: AKO SI MIGUEL APAYOR

ANCHOR LJ: AKO NAMAN SI LJ APORTO


INTRO
ANCHORS ON BOTH: ANG INYONG TAGAPAGHATID NG PINAKABAGONG BALITA SA
CAM ARAW NA ITO

ANCHOR MIG: SULONG PILIPINAS, ITO ANG BOSES NG KATOTOHANAN

ANCHOR LJ: PULSO NG BAYAN.

LOCAL NEWS ANCHOR LJ:


ANCHOR ON PARA SA DETALYE NG MGA BALITA…
HUMUPA NA ANG BAHANG DULOT NI BAGYONG JOSIE AT NG
CAM HANGING HABAGAT SA PROBINSYA NG BATAAN AT PATULOY NA
SINOSOLUSYONAN NG GOBYERNO ANG MGA PINSALANG DINULOT NITO.
KUMIKILOS NA ANG LOKAL NA PAMAHALAAN AT ANG PROVINCIAL
DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE SA PAG-ALIS NG
MGA GUMUHONG LUPA AT PAMIMIGAY NG RELIEF GOODS SA MGA
NASAWI.
SAMANTALA, NANANATILI PA RING BARADO NG MGA GUMUHONG
LUPA ANG ILANG BAYAN SA BATAAN GAYA NG DINALUPIHAN AT
HERMOSA AT GINAGAWAN NA ITO NG MABILISANG PARAAN.
LIMANG KATAO NAMAN ANG NAIULAT NA NAMATAY SA BATAAN
DAHIL SA NANGYARING PAGSALANTA NG BAHA.
INTERNAT’L ANCHOR MIG
NEWS SAMANTALA, ISANG FILIPINO-ITALIAN MODEL, NATANGGAP SA
ANCHOR ON VICTORIA’S SECRET. PARA SA IBA PANG DETALYE, NARITO SI BHOY
FLORES PARA MAG-ULAT.
CAM
REPORTER BHOY:
ISANG FILIPINO-ITALIAN NA MODEL NA NAGNGANGALANG AMBRA
GUTIERREZ ANG NATUPAD ANG PANGARAP MATAPOS MAGING ISANG
MODELO PARA SA SIKAT NA LINGERIE MEGA BRAND, ANG VICTORIA'S
SECRET.
HINASA NI AMBRA GUTIERREZ ANG KANYANG PAGKATAO,
SALOOBIN, AT KUMPIYANSA TULAD NG NAGING PAGAALAGA NYA SA
KANYANG KATAWAN.
SA KASALUKUYAN AY MAYROON NA SYANG IPINAGMAMALAKING
MAHIGIT SA 120,000 NA FOLLOWERS SA INSTAGRAM.
AT NARITO NGAYON SI AMBRA UPANG MAGBIGAY NG
EKSLUSIBONG INTERVIEW SA KANYANG TAGUMPAY AT PAGKATUPAD NG
PANGARAP.
[Interview portion]
MARAMING SALAMAT AMBRA, BALIK SA’YO MIGUEL.
LOCAL NEWS ANCHOR MIG:
ANCHOR ON PARA NAMAN SA BALITANG IBAYONG DAGAT…
PASADO ANG IBINIGAY NA MARKA NG MGA OVERSEAS FILIPINO
CAM WORKER SA MIDDLE EAST PARA SA IKATLONG STATE OF THE NATION
ADDRESS O SONA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.
IKINATUWA NILA ANG NAGING TALUMPATI NI DUTERTE KUNG
SAAN WALA UMANO SILANG NARINIG NA PAGMUMURANG KADALASANG
SINASABI NG PANGULO.
NATUWA MAN SILA NGUNIT MADAMI PA RIN ANG HINDI
NAIWASANG MAGULAT SA UMANONG ‘PLOT TWIST’ O ‘DRAMA’ NA
NANGYARI BAGO ANG SONA.
KAUGNAY NITO, SA PAG-UPO NI CONGRESSWOMAN GLORIA
MACAPAGAL-ARROYO BILANG SPEAKER MATAPOS ANG SONA, UMAASA
ANG ILANG NA MAS MARAMING PANUKALA PARA SA MGA OFW ANG
MAIPAPASA.
TEASER BOTH: SUSUNOD,
ANCHOR ON
CAM  BAGYONG KARDING HUMAHAGUPIT
 SPORTS FACILITIES SA SEA GAMES 2019, GINAGAWA NA
 VIDEO NI MOCHA USON SA PEDERALISMO, UMANI NG MADAMING
BATIKOS

[VO]

COMMERCIAL

WEATHER ANCHOR LJ
REPORT BAGYONG KARDING, HUMAHAGUPIT. PARA SA WEATHER
UPDATES, ATING PAKINGGAN ANG ULAT NG ATING RESIDENT
ANCHOR ON METEOROLOGIST, MANG JOSH. MANG JOSH ANO NA BA ANG LAGAY NG
CAM BAGYONG KARDING SA NGAYON?

REPORTER ON REPORTER JOSH:


CAM PATULOY NA PALALAKASIN NG BAGYONG KARDING ANG HANGING
HABAGAT NA MAGIGING DAHILAN NG MGA PAG-ULAN SA BANSA.
HULING NAMATAAN ANG BAGYONG KARDING SA 1,150
KILOMETERS SILANGAN NG CAGAYAN DALA ANG HANGIN NA 55
KILOMETER PER HOUR (KPH) AT BUGSO NA 65 KPH.
HINDI TATAMA SA LUPA ANG BAGYO AT INAASAHANG LALABAS NG
PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY SA BIYERNES.
MAGKAKAROON NG MAULAP NA MAY KALAT-KALAT NA PAG-ULAN
SA METRO MANILA, ILOCOS REGION, CORDILLERA ADMINISTRATIVE
REGION, CENTRAL LUZON, CALABARZON, MIMAROPA, BICOL REGION, AT
WESTERN VISAYAS.
MAULAP NA KALANGITAN NAMAN ANG MARARANASAN NG IBA
PANG BAHAGI NG VISAYAS AT MINDANAO NA MAY MANAKANAKANG PAG-
ULAN.
AKO PONG MULI SI MANG JOSH, NA NAGSASABING ANG BUHAY AY
WEATHER-WEATHER LANG.

SPORTS ANCHOR MIG:


NEWS PAGTATAYO NG SPORTS FACILITIES PARA SA 2019 SEA GAMES,
SINIMULAN NA. BALITANG TINUTUKAN NG ATING TAGAULAT NALIZ DE
ANCHOR ON LEON.
CAM
REPORTER NALIZ:
ANG PHILIPPINE SEA GAMES ORGANIZING COMMITTEE (PHISGOC)
AY GUMAGAWA NA NG MGA SPORTS FACILITIES SA NEW CLARK CITY
PARA SA PAGHOHOST NG PILIPINAS SA 30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
SA TAONG 2019.
ANG SPORTS FACILITIES AY PARTE NG NEW CLARK CITY NA KUNG
SAAN ANG INFRASTRUCTURE DEVELOPER ALLOY MTD AY NAGLALAYON
NA MATAPOS ITO SA OKTUBRE TAONG 2019.
KASAMA SA WORLD-CLASS SPORTS COMPLEX ANG ATHLETIC
STADIUM NA MAYROONG 20,000 SEATING CAPACITY, AQUATIC CENTER
NA MAYROONG 2,000 SEATING CAPACITY, AT ISANG ATHLETES VILLAGE
NA MAAARING TUMANGGAP NG HANGGANG 1,000 NA ATLETA.
ANG CLARK AY MAGSISILBING PANGUNAHING HUB NG 2019 SEA
GAMES KASAMA ANG AQUATICS AT ATHLETICS EVENT NA GAGANAPIN
SA NEW CLARK CITY.

NAGMAMATYAG, RONNALIZ DE LEON.


SHOWBIZ ANCHOR LJ
NEWS AT PARA NAMAN SA BALITANG SHOWBIZ, VIDEO NI MOCHA USON
ANCHOR ON SA PEDERALISMO UMANI NG MADAMING BATIKOS. PARA SA
PAGBABALITA AT EKSLUSIBONG INTERVIEW, QUEN AUSAN I-CHIKA MO!
CAM

REPORTER QUEN:
SARI-SARING KRITISISMO ANG NATANGGAP NI
COMMUNICATIONS ASSISTANT SECRETARY MOCHA USON SA KANYANG
KONTROBERSIYAL NA VIDEO UKOL SA PEDERALISMO.
PINAYUHAN SIYA NI SENADOR KOKO PIMENTEL NA LUMAYO MUNA
SA USAPIN NG PEDERALISMO MATAPOS IKADISMAYA ANG DANCE VIDEO
NI USON KASAMA ANG BLOGGER NA SI DREW OLIVAR. ITO ANG
NASAING DANCE VIDEO.
NARITO NGAYON SI ASSISTANT SECRETARY MOCHA USON UPANG
MAGBIGAY NG PAHAYAG SA KANILANG VIDEO NI DREW OLIVAR
PATUNGKOL SA PEDERALISMO.
[Interview portion]
MARAMING SALAMAT MOCHA USON SA IYONG PAKIKIDALO, BALIK
SA’YO LJ.
ANCHORS ON ANCHOR LJ:
CAM INYONG NATUNGHAYAN ANG MGA KUMPREHENSIBONG
BALITANG HANDOG NAMIN SA ARAW NA ITO.
ANCHOR MIG:
BALITANG MAKATOTOHANAN MULA SA ISTASYONG
MAPAGKAKATIWALAAN. SA NGALAN NG MATA NG AGILA NEWS TEAM AT
PANGANGALAGANG TEKNIKAL NI JOLO ANDRES AT KENNETH ESCABILLO,
AKO PONG MULI SI MIGUEL APAYOR

ANCHOR LJ:
AT AKO NAMAN ANG INYONG LINGKOD LJ APORTO
BOTH:
BOSES NG KATOTOHANAN, PULSO NG BAYAN.
ANCHOR 1:
ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYONG LAHAT.
CBB ###

You might also like