Radio Broadcasting
Radio Broadcasting
Radio Broadcasting
INTRO:
[ background music ]
Host: Eto ang express balita, unang una, bagong bago, sainyong mga radio DZ-
BSIT. Sa buong pwersa ng DZ-BSIT news information center. Saan mang-dako ng
mundo, huminpapawid at mapalupa man.Kami ng radiong unang una sa lahat.
[ Transition]
Host: Para sa detalya ng mga nag babagang balita. Deped may bagong Curriculum na
inimplement,para sa detalye magbabalita sa Radio express DZ-BSIT [ pangalan ].
Reporter: Sa isang pahayag ni DepEd Undersecretary at tagapagsalita, Michael
Poa, ito ang kanyang sinabi ukol sa unang araw ng pilot implementation ng
"Matatag" curriculum.
Reporter: "Generally speaking, the first day of the pilot implementation of the
MATATAG K to 10 Curriculum was met with positivity as learners, teachers, and schools
were receptive to the new curriculum," aniya. "The participating regions reported that
teachers were adequately prepared for the pilot implementation, due to capacity-
building activities and orientation sessions on the new curriculum conducted prior to
the first day of implementation."
[Transition Music]
Reporter: Ayon kay Poa, ilang designs ng class program ang ina-adjust sa ilang paaralan
para ma-accommodate ang mga pagbabago sa oras ng itinakda para sa iba't ibang
learning areas.
[Background Music]
Reporter: "This period of adjustment is expected — as the very purpose of the pilot
implementation is to monitor and determine areas that may need to be improved or
enhancements that may be put in place in preparation for the nationwide phased-
implementation of the Matatag Curriculum come SY 2024-2025," paliwanag niya.
[Transition Music]
Reporter: Ang pilot implementation ng Matatag curriculum ay ginaganap sa 35 paaralan
sa pitong rehiyon, kabilang ang National Capital Region, Cordillera Administrative
Region, Regions 1, 2, 7, 12, at Caraga.
[Background Music]
Reporter: Sa ilalim ng bagong curriculum, nabawasan ng mga 70 porsyento ang bilang
ng competencies na dapat matutunan ng mga estudyante para mas mailaan ng mas
maraming oras ang foundational skills at mas mahusay na learning outcomes.
[Transition Music]
Reporter: Ang opisyal na rollout ay magsisimula sa Kinder at Grade levels 1, 4, at 7 sa
School Year (SY) 2024-2025; Grades 2, 5, at 8 sa SY 2025-2026; Grades 3, 6, at 9 sa SY
2026-2027; at Grade 10 sa SY 2027-2028.
Host: [ Pangalan ], para sa DZ-BSIT express balita.
[Transition Music]
Host:
Samantala, Sa Jerusalem, nangyari ang isang trahedya sa isang refugee camp sa West
Bank kamakailan. Ang mag hahatid ng Balita mula express radio DZ-BSIT, [Pangalan]
Ayon sa mga opisyal ng Palestina, dalawang tinaguriang nagtutulungan sa Israel ang
binaril at pinatay ng mga militanteng Palestino. Pagkatapos ng insidente, nakunan sa
social media ang mga video kung saan itinutulak ang mga bangkay sa kalsada at hinihila
patungo sa isang electrical tower.
[Background Music]
Reporter:
Ang pangyayaring ito ay nagpapamukha ng mga kahirapan na kinakaharap ng lipunan ng
Palestina habang mas lumalala ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas. Mataas na
bilang ng mga Palestino ang napatay sa West Bank sa nakaraang pito't linggo, karamihan
sa kanila ay biktima ng military raids ng Israel na naglalayong habulin ang mga
militanteng grupong umatake.
[Transition Music]
Reporter:
Sa Tulkarem refugee camp, inakusahan ng isang lokal na militanteng grupo ang
dalawang Palestino na tumulong sa Israeli security forces para masundan at mapatay
ang tatlong key militants noong Nobyembre 6. Ayon sa isang opisyal ng Palestina,
parehong nasa late 20s at early 30s ang dalawang inaakusahan, at isa sa kanila ay taga
mismong kampo.
[Background Music]
Reporter:
May mga video ding lumabas online na nagpapakita ng mga parang-awang confession
ng dalawang lalaki, kung saan kanilang inamin na binayaran sila ng libu-libong dolyar ng
Israeli intelligence officials para sa impormasyon.
[Transition Music]
Reporter:
Sa ngayon, hindi pa nagbigay ng pahayag ang Israel's Shin Bet security service tungkol sa
insidente na ito. Sa mga susunod na araw, inaasahan nating magkakaroon ng masusing
imbestigasyon mula sa Palestinian authorities.
[Closing Music]
Reporter:
Ito ang mga pinakabagong pangyayari sa larangan ng internasyonal na balita. Eto si
[ Pangalan ] para sa DZ-BSIT express balita.
Host:
Babalik ang balitaan pag tapos ng paalalang ito.
[background music]
[ paalala sound effect]( any medical commercial)
Host:
Radio Express Balita DZ-BSIT. Oras ngayon [ Time]
[Background Music]
Host: Balik sa mga balita