TV Script
TV Script
TV Script
(sound effect)
Anchor 1: sa ulo ng mga nag babagang balita
Anchor 2: Bagyong Karding patuloy na lumalakas at inaasahang magdadala ng matinding lakas ng hangin at
ulan.
Anchor 1: Nasa tatlong daang estudyante ng FNX Elementary School ang isinugod sa ospital matapos
uminom ng gamut pampurga ng DOH.
Anchor 2: Pangulong Rodrigo Duterte nais na isara ang isla ng Boracay ng anim na buwan, Department of
Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo gusting mapabilis ito upang mabawasan ang mawawalang kita ng
bansa.
(Introduction Video)
Anchor 1: Magandang hapon Luzon, Visayas at Mindanao, ngayon ay ika dalawamput isa ng Enero taong
kasalukuyan. Narito kami at mag hahatid sainyo ng mga bagong balita mula sa loob at labas ng ating bansa.
Ako ang iyong linkod ___________
(Station Music)
Anchor 2: Bagyong Karding isa ng ganap na bagyo. Patuloy itong lumalakas at inaasahang magdadala ng
matinding lakas ng hangin at ulan, sa pag pasok nito sa ating bansa pinag iingat ang lahat. Para sa detalye
narito si _________
News Anchor 1: Patuloy na lumalakas ang bagyong Karding na inaasahang magdadala ng matinding pag-
ulan sa Isabela, Cagayan, Aurora at iba't ibang parte ng Central Luzon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, kung patuloy ang pag-usad nito sa west
southwest direction ay maaari itong tumama sa Kalakhang Maynila at Calabarzon.
Ramond Ordinario: "Halos sumasadsad pa ang track ni Karding kaya binabantayan na natin ngayon ang
area ng CALABARZON at Metro Manila dahil posibleng kung patuloy na sasadsad si Karding, ay maaaring
nitong matamaan o mahagip ang Metro Manila,"
Maaari pa aniyang magtaas ng signal storm number 3 sa ilang bahagi ng bansa Sabado ng gabi.
Ramond Ordinario: "Antabayanan natin kapag nag typhoon intensity itong si Karding, ay magkakaroon
na tayo ng signal number 4,".
Maaring bahagyang humina ang bagyo kapag sumalpok sa Sierra Madre mountain range at Zambales
mountain range.
Inaahasang lalabas ng kalupaan ng Pilipinas ang bagyo madaling-araw ng Lunes at posibleng umalis ng
Philippine area of responsibility sa Martes.
Nananawagan ang PAGASA sa mga residente ng Central Luzon na paghandaan ang pagdaan ng bagyo.
Ako si ________________ nag uulat.
Anchor 1: Salamat ___________, samantala, Nasa tatlong daang estudyante ng FNX Elementary School ang
isinugod sa ospital matapos uminom ng gamut pampurga ng DOH. Nakaranas kase ng pananakit ng
tiyan,pagsusuka at pagkahilo ang mga estudyante. Pero nilinaw naman ng Department of Health, side
effect lang ng gamot ang ilan sa mga naransan ng mga bata. Narito ang ating reporter na si _________
News anchor 2: Magkasabay na uminom ng gamot pampurga ang mga kinder at elementary students sa
mga public school sa buong bansa kaninang umaga, parte ito ng “OPLAN GOODBYE BULATE”ng DOH para
maiwasan ang parasitic infection na nagiging sanhi ng mahinang performance ng mga bata sa klase.
Pero pagkalipas lang ng ilang oras, Magkakasunod na dinala sa ospital ang nasa tatlong dang estudyante
mula sa Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Misamis Oriental, Hligan City at San Carlos City,
matapos mahilo, magsuka at sumakit ang tiyan. Hindi naman lahat ay naconfine. Ang sabi ng DOH, normal
lang ang pagsakit ng tiyan na side effect ng gamot pampurga.
Sec. Garin: “nagsuka ang ibang bata dahil nilunok ng buo ang chewable tablet. Dumami Jang ang
naospital matapos magpanic ang mga magulang nang kumalat ang text message na may namatay umano
sa pagpupurga, bukod sa pagkalat sa social media na expired na umano ang mga gamot na ibinigay sa
mga bata.”
News anchor 2: Hindi raw sang-ayon ang mga mga magulang sa sinabi ng Health Secretary. Giit ng mga
magulang, bakit ‘Ngayon lang ito nangyari. Sabi pa ng DOH, hindi naman sila nagkulang sa Paalala sa mga
guro at mga magulang Sa side effect ng gamot. At iyan po Muna sa mga oras na ito. Manatili Jamang pong
nakatutok para sa mga nagbabagang Balita, Ako po si _________ ng News Balita.
Anchor 2: Sa ibang balita naman, Pangulong Rodrigo Duterte nais na isara ang isla ng Boracay ng anim na
buwan, Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo gustong mapabilis ito upang mabawasan ang
mawawalang kita ng bansa. Para sa detalye narito si ___________
News anchor 3: Sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang isla ng Boracay ng anim na
buwan, nais naman ni Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na mapabilis ito upang mabawasan
ang mawawalang kita ng bansa.
Sinabi ni Teo na nais niyang madaliin ang pagsasaayos sa isla kaya naman isinusulong nila ang total closure ng
pamosong tourist destination sa buong mundo.
Teo: “That’s why I wanted it total closure for us to do it fast. If it’s total closure, no tourist can enter the
island so we really have to work fast,”
Sinabi ito ng kalihim sa kabila ng tingin ng Department of Interior and Local Government na kukulangin ang
anim na buwan upang maisaayos ang isla.
Tinayang nasa 30,000 katao ang mawawalan ng pagkakakitaan sa pagsasara ng isla kaya naman nakatakdang
isailalim sa state of calamity ang Boracay upang magalawa ng nasa P2 bilyon calamity fund.
Nasa P20 bilyon naman ang pinaniniwalaang mawawala sa gobyerno dahil sa pagsasara ng isla kung saan lubos
na maaapektuha ang sektor ng turismo. ________________ nag uulat.