Lesson Plan Sample Grade 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ikalawang Baitang

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 maibigay ang mga yamang tao sa pamayanan;
 masabi ang tungkulin at serbisyo ng bawat yamang tao sa pamayanan; at
 maipakita ang pagkakaiba sa kaanyuan ng bawat isa.
II. PAKSANG ARALIN
 Paksa: Yamang Tao: Produkto at Serbisyo
 Kagamitan: Laptop na may Internet at Projector
 Mabuting Asal: Pagkakaisa ng Layunin. Damdamin, at sa Gawain
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Balik-Aral
Pambansang Simbolo ng Pilipinas.
http://www.youtube.com/watch?v=Y_FMclNoBPs&feature=related
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
Ipapakita ng guro ang larawan at sasagutin ito kung anong sagisag ito ng bansa.
2. Paglinang ng Gawain
 Pagganyak
http://www.onetruemedia.com/otm_site/auth_preview?work_id=18410479

Ano-ano ang inyong mga nakita sa ating napanuod? Maaari niyo bang sabihin kung sino-sino
sila?
 Paglalahad
YAMANG TAO: PRODUKTO AT SERBISYO
Napakahalaga ng yamang – tao ng isang bansa. Lahat ng mamamayan ay
nakikinabang sa mga produkto at serbisyong ihahatid ng mga ito.
Ang mga kasapi ng pamilya na naghahanapbuhay ang gumagawa at kumikita para sa
pangangailangan ng mag-anak. Sila ang yamang – tao ng bansa.
Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Produkto
Pangunahing kailangan ng mga mamamayan ang produktong tulad ng pagkain, damit at
tirahan. May mga mamamayang nagtutulungan upang tugunan ang pangangailangang ito.
1. Magsasaka
Ang mga magsasaka ang nagtatrabaho upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan sa pagkain. Kailangan dito ang bigas, gulay, prutas at pagkaing ugat tulad ng
kamote, patatas, ube, at iba pa. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga produktong ito ay
nabibili sa mga pamilihan.

2. Mangingisda

Hinuhuli ng mga mangingisda ang mga isda at mga pagkaing dagat tulad ng hipon,
alimasag at pusit.

3. Arkitekto
Inihahanda ng arkitekto ang mga plano ng bahay, gusali at mga disenyo na bahagi ng
iba’t-ibang konstruksyon. Katulong niya ang inhinyero upang mapabuti at maayos ang plano
sa anumang gagawing konstruksyon.

4. Panadero

Ang panadero ang gumagawa ng tinapay at iba pang mga produktong gawa sa arina tulad
ng cake, biskwit at cookies.
Manggagawa
Ang mga manggagawa naman ang gumagawa sa maraming produktong kailangan ng mga
mamamayan. Sa mga pabrika sila nagtatrabaho. Sila ang taga-gawa ng mga bagay na nabibili
sa mga pamilihan tulad ng sabon, asukal, kape at iba pa.
1. Mananahi
Gumagawa ng mga damit para sa mga mag-anak ang mananahi. Kabilang din sa
kanilang ginagawa ang kurtina, punda ng unan, sapin sa kama at mantel.
2. Minero

Kinukuha ng minero ang mga likas na kayamanan tulad ng ginto, pilak, bakal at iba pa.
Ang mga ito’y ginagawang alahas. Sila rin ang nagmimina ng semento, buhangin, apog at
marmol ng ginagamit sa paggawa ng bahay.
3. Magtotroso

Pinuputol ng magtotroso ang mga katawan ng punong malalaki at matatanda. Gingamit


ang troso sa paggawa ng bahay at iba pang mga bagay.
Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Serbisyo

Nagbibigay rin ng mga serbisyo o paglilingkod ang yamang tao upang matugunan ang
panagngailangan ng pamayanan.
1. Doktor

Gawain ng doktor ang gamutin ang may mga sakit.


2. Nars

Gawain ng nars ang pangalagaan ang kalusugan at tulungan ang manggamot o doktor.
3. Dentista

Ang dentista ang nangangalaga sa ngipin ng mga mamamayan.


4. Guro

Mahalagang serbisyo ng mga guro ang turuan ang mga batang magbasa, magsulat at
magkwenta. Tinuturuan din ng yuro ang mga bata na maging mabuting mamamayang at
lumaking may magandang asal.
5. Pulis

Tumutulong ang mga pulis upang maging ligtas sa panganib ang mga tao.
Pinangangalagaan nila ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan. Sila ang humuhuli sa
mga taong hindi sumusunod sa batas.
6. Kaminero
Magkatulong ang kaminero at tagahakot ng basura sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ng pamayanan. Sa tulong nila, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng
maruming paligid.
7. Tsuper

Ang pagmamaneho ng dyip, bus, traysikel at taksi ang serbisyong ibinibigay ng mga tsuper.
Sa tulong nila, nakararating sa iba’t-ibang lugar na pupuntahan ang mga mamamayan.
8. Karpintero
Pangunahing gawain ng mga karpintero ang pagtatayo ng mga bahay at iba pang mga
gusali. Kinukumpuni rin nila ang mga sirang muwebles.
9. Tubero

Ang pagkukumpuni ng sirang gripo ay serbisyo ng mga tubero. Sila ang katulng ng
pamayanan sa pagkakaroon ng tubig sa kabahayan.
10. Bumbero
Serbisyo naman ng mga bumbero ang pagsagip ng mga bahay at gusali sa sunog. Buhay ang
puhunan ng mga bumbero. Peligroso ang ganitong gawain.
IV. Pagtataya
Ako ay may ihihandang pagsusulit upang makita kung sino ang nakaunawa ng ating aralin
ngayon.
Pumunta sa: http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=aralingpanlipunan
Piliin ang tamang tinutukoy na yamang tao sa pangugusap.
Good luck! 🙂
V. Kasunduan
Maglista ng iba pang yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay ng produkto. Isulat
ang mga produktong kanilang naibigay.
VI. Pagdarasal
Paalam mga bata! :)))

You might also like