Cot 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Paaralan Estefania Montemayor National High School Antas 9

PANG-ARAW ARAW NA TALA


Guro Christian B. Barrientos Asignatura AP
SA PAGTUTURO
Petsa/Oras Markahan Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong
Pangnilalalaman pagdedesisyon ng sambahayan at bahaykalakal tungo sa pambansang kaunlaran
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng
Pagganap matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahay kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa suplay
Pagkatuto
1. Natutukoy ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa supply
2. Nasusuri ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa supply
3. Nakagagawa ng matalinong pagpapasya sa pagtugon sa pagbabago ng salik na nakakaapekto sa supply

II. NILALAMAN YUNIT II: MAYKROEKONOMIKS ARALIN 3: SUPLAY (MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPLAY)
PAGPAPAHALAGA Maging matalino sa desisyon sa pagpoprodyus ng supply
III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN
1. Mga pahina sa Gabay ng guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang 147-148
Pang mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning Resource
B.Iba pang Kagamitang Panturo Cartolina, PowerPoint Presentation
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL PUNA
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Panimulang Gawain Indicator 7
at/o pagsisimula ng bagong A.Panalangin
aralin B. Pagbati
C. Pagtala ng may liban sa klase
D. Drill: “WikaRambolan” Indicator 1,2
Panuto: Alamin ang salitang hinahanap sa pamamagitan ng tamang
pagbigkas ng bawat salita.

1.Thick Gnaw Low Heyah 1.Teknolohiya


2.Soup Fly 2.Supply
3.Press Shoe 3.Presyo
4.Knee Go Show 4.Negosyo
5.Pro Duck Shoe own 5.Produksiyon
6.Nug Tea Tin The 6.Nagtitinda
7.Ache Spec Tea Shoe Own 7.Ekspektasyon

E. Pagganyak “Go Negosyo” Indicator 3


Panuto: Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang
mga katanungan.

Suriin ninyong mabuti ang larawan. Sa inyong palagay, tungkol saan ang Sir, pinag-uusapan po nila ang tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga school
pinag-uusapan ng dalawang prodyuser? supplies.

Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag may Sir, batay sa usapan ay dadagdagan ng negosyante ang dami ng kanilang
inaasahang pagtaas ng presyo? produkto

Sa inyong hinuha, ano ang relasyon ng inaasahang pagtaas ng presyo Sa tingin ko po sir ay nakakaapekto sa dami ng supply ang inaasahang
ng mga produkto sa pagdagdag ng produkiyon? pagtaas ng presyo.

B. Paghahabi sa layunin ng Ibabahagi ng guro ang mga layuning kinakailangang matamo sa araw na (Babasahin ang mga layuning nakapaskil sa pisara.)
aralin ito.
C.Pag-uugnay ng mga Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan Indicator 1,2,7
halimbawa sa bagong aralin ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumaas ang
presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami
ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Bukod sa presyo ay
meron pang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa supply. Ang mga salik
na ito ay nakakaapekto sa supply habang hindi nagbabago ang presyo
ng produkto.
D.Pagtalakay ng bagong Malayang Talakayan:
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang tungkol sa iba pang mga salik Indicator 7
na nakakaapekto sa supply

Magbigay kayo ng iba pang mga salik na nakakaapekto sa supply.  Pagbabago sa Teknolohiya Indicator 3
 Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
 Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda
 Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto
 Ekspektasyon ng Presyo
Magaling! Klas, sa tingin niyo ba ay may mga paraan upang matugunan
ang mga pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply? Opo Sir
Upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paksang ito,
magkakaroon tayo ng isang pangkatang Gawain

E. Pagtalakay ng bagong Pagpapangkat: Indicator 4,6,7


konsepto at paglalahad ng Panuto: Hahatiin ang klase sa limang na pangkat. Ang bawat pangkat ay
bagong kasanayan magkakaroon ng isang lider, isang tagasulat, at isang tagapangalaga ng
kapayapaan
Ipakita sa klase kung paano nakakaapekto sa suplay ang ibat ibang salik

Gawin ang mga sumusunod:


1. Pagtitipon ng mga datos mula sa batayang aklat
2. Pag-oorganisa ng mga datos
3. Iuulat ang mga datos sa pamamagitan ng:
“Flash Report” - unang pangkat,
“Symposium” - ikalawang pangkat,
“Patalastas” - ikatlong pangkat,
“Dula-dulaan” - ikaapat na pangkat,
“Talk show” - ikalimang pangkat,
“Sabayang Pagbigkas” - ikaanim na pangkat.
Pamantayan
Organisasyon ---------------------------15%
Lohikal ang presentasyon at nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga
ideya
Nilalaman -------------------------------35%
Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nakabatay ang nilalaman sa
tinatalakay na paksa
Presentasyon ----------------------------35%
Wasto ang mga pangungusap at inilahad ayon sa kasunduan
Paggamit ng tinig-----------------------15%
Malinaw at malakas, magandang pakinggan.
F.Paglinang sa Pangkatang Pagtatanghal
kabihasaan
Matapos nating matunghayan ang presentasyon ng bawat pangkat ay nagkaroon Indicator 3,4,6,7
tayo ng ideya kung paano nakakaapekto ang mga salik sa ating supply.
“GIVE ME THE MICROPHONE”

Panuto: Ipapasa ninyo ang “microphone” habang nagpapatugtog ako ng


kanta.Kung sino man ang nakahawak sa microphone kasabay ng pagkawala ng
kanta ay ang sasagot ng aking mga katanungan
Paano ba nakakaapekto sa supply ang pagbabago sa teknolohiya? Ang mga modernong teknolohiya ay nakakatulong upang maging mas
mabilis, matipid at dekalidad ang mga produktong ipinoprodyus na nagiging
dahilan upang magkaroon ng mas maraming supply sa mas mababang
presyo.
Tama! Katulad ng halimbawang ipinakita kung saan mas dumami ang supply dahil
sa makabagong teknolohiya.

paano ba nakakaapekto sa supply ang pagbabago sa halaga ng mga salik Sa bawat pagtaas ng presyo ng salik produksiyon, mangangahulugan ito ng
produksiyon? pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang
dami ng supply.

Paano naman kapag bumaba ang presyo ng salik produksiyon? Kapag bumaba naman ang presyo ng salik produksiyon, mangangahulugan
ito ng pagbaba sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring tumaas
ang dami ng supply.

Magaling! Katulad ng halimbawang ipinakita ng ikalawang pangkat kung saan


naapektuhan ang supply dahil sa pagbabago sa halaga ng salik produksiyon.

paano ba nakakaapekto sa supply ang pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda? Kapag mayroong nauusong produkto nahihikayat ang mga prodyuser na
magtinda ng mga produktong ito na nagiging dahilan upang mas tumaas
ang supply.
Magaling! Naipakita ng ikatlong pangkat ang halimbawa kung saan nakakaapekto
sa supply ang pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda.
paano ba nakakaapekto sa supply ang pagbabago sa presyo ng kaugnay na Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa
produkto? quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito.

Tama! Katulad ng inyong ipinakita kung saan ang magkaugnay na produkto ay


naapektuhan ang supply dahil sa pagbabago sa presyo ng kaugnay nitong
produkto.

Paano ba nakakaapekto sa supply ang ekspektasyon ng presyo. Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang
produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang
maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap na nagbubunga ng
pagbaba ng supply.

Ano ang tawag sa pagtatago ng mga produkto upang maibenta ito sa hinaharap Tinatawag po itong Hoarding
sa mas mataas na presyo?

Magaling! Naipakita niyo ng mahusay ang halimbawa kung saan nakakaapekto sa


supply ang ekspektasyon ng presyo.
Ngayon ay alam niyo na kung ano pa ang iba pang salik na nakakaapekto sa Bilang isang prodyuser, dapat ay magkaroon tayo ng matalinong
supply. Bilang isang prodyuser, paano natin matutugunan ang mga pagbabago ng pagpapasya katulad ng pagiging efficient sa pagpoprodyus ng mga
mga salik na nakakaapekto sa supply? produkto, paghingi ng payo mula sa mga eksperto, pagiging handa sa
anumang natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya, at pag-iwas sa
pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan
Magaling at nakagawa tayo ng matalinong pagpapasya sa pagtugon sa
pagbabago ng mga salik na nakakaapekto sa supply .

Bigyan ang inyong mga sarili ng masigabong palakpakan

Ngayon tingnan natin kung sapat na ang inyong kaalaman tungkol sa ating paksa.
G, Paglalapat ng aralin Napag-aralan ninyo sa inyong EsP na ang Karapatan sa buhay ang pinakamataas Pangunahing layunin ng bawat produyser ang kumita mula sa kanilang
sa pang-araw araw na sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng tao negosyo ngunit merong pananagutan ang mga ito na pangalagaan ang mga
pamumuhay ang ibang karapatan tulad ng karapatan mong magmay-ari ng produkto. mamimili sa pamamagitan ng matalinong pagtugon sa bawat pagbabago ng Indicator 1,3
(EsP9TT-IIa-5.1) salik ng supply.
Paano mapapangalagaan ng isang prodyuser ang kapakanan ng mga mamimili?

H.Paglalahat ng aralin Ibigay ang iba’t ibang salik na nakakaapekto sa supply at ang mga matatalinong Indicator 3,4,6,7
pagpapasya na makakatugon rito.

I.Pagtataya ng Aralin “Tataas o Bababa” Indicator 3,4,6,7


Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng arrow up/arrow down ang naging epekto ng pagbabago ng mga salik sa supply ng isang produkto. Iguhit ang arrow up
kung dumami ang supply at iguhit naman ang arrow down kung ito ay bumaba.

Produkto Sitwasyon Arrow Up / Arrow Down

1. Palay Karagdagang subsidiya ng pamahalaan para sa mga magsasaka

2. Sapatos Pagtaas ng presyo ng balat na gamit sa paggawa ng sapatos

3. Asukal Inaasahan ng mga nagbebenta ng asukal na tataas ang presyo nito sa


susunod na lingo

4. Tilapia at Bangus Makabagong teknolohiya sa pagpaparami ng tilapia at bangus

5. Manufactured Goods Pagtaas ng presyo ng salik sa paggawa ng manufactured goods

6. Patis at Toyo Inaasahan ng mga prodyuser na bababa ang presyo ng patis at toyo sa
susunod na lingo.

7. Bigas Makalumang pamamaraan ng pagtatanim ng palay ang sinusunod ng


nakararaming magsasaka sa bansa.

8. Produktong Agrikultural Sunod-sunod na kalamidad tulad ng bagyo at banta ng El Nino


IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nagangailangan pa ng iba pang
gawain para sa remediation
C.Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiyang
ginamit ang nakatulong ng
lubos?Paano ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan ng
aking punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo
ang aking nabuo na nais kong
ibahagi sa aking kapwa guros?

Inihanda ni:
CHRISTIAN B. BARRIENTOS
Guro

Binigyang pansin:
ROLANDO B. RICARDO, Jr., Ed.D
Punong Guro III

You might also like