Ang Kakapusan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ANG KAKAPUSAN

GAWAIN 1: T-CHART

Suriin ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-chart. Ihambing ang dalawang hanay at
sagutan ang mga pamprosesong tanong.

HANAY A HANAY B

Bangus Kerosene
Pechay Pilak
Sibuyas Tanso
Bigas Copper
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang produkto sa hanay A at hanay B?


2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang mga produkto sa iisang hanay?
Ipaliwanag

GAWAIN 2: PICTURE ANALYSIS

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano ang ipinahihiwatig nito?

8
3. Bakit ito nagaganap?

Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan


Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng konsepto ng kakapusan at kakulangan upang
malinaw na maunawaan ang mga ito sa gagawing mga pagtalakay.
Ang kakapusan ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Halimbawa, kakapusan sa supply ng nickel, chromite, natural
gas at iba pang non-renewable resources dahilan sa likas na kalagayan ng mga ito. Ang kakapusan
sa mga nabanggit na halimbawa ay itinakda ng kalikasan. Ang kondisyong ito ay nagtakda ng
limitasyon sa lahat at naging isang pangunahing suliraning pang-ekonomiya.
Ang kakulangan o shortage ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa
supply ng isang produkto. Halimbawa, kakulangan ng supply ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo,
peste, El Niño at iba pang kalamidad. Upang malunasan ang kakulangan sa bigas, ang pamahalaan
ay maaaring umangkat ng bigas sa ibang bansa. Inaasahan na babalik sa normal ang supply ng bigas
sa sandaling bumuti ang panahon at magkaroon ng saganang ani ng palay. Ang kakulangan ay
pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyonan ito
Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Buhay
Inilarawan ni N. Gregory Mankiw (1997) ang kakapusan bilang isang pamayanan na may
limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na
gusto at kailangan ng tao. Ang katulad nito ayon sa kanya ay isang pamilya na hindi kayang ibigay sa
bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan. Katulad ng isang pamayanan, ang pamilya ay
hindi rin maibibigay sa lahat ng tao ang lahat ng pangangailangan.
Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng
gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga ito?
Alin ang higit na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili? Saang
alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang? Gaano kalaki ang halaga
ng mawawalang oportunidad. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012).
Sa paggawa ng desisyon, makatutulong ang pagkakaroon ng plano ng produksiyon at
masusing pag-aaral kung saan higit na makikinabang. Pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong
produkto o serbisyo at timbangin ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung
magiging episyente ang plano ng produksiyon at ilalagay ito sa graph, maaaring makalikha ng isang
kurba katulad ng inilalarawan sa Production Possibility Frontier (PPF). Ito ang paraan upang
mapamahalaan ang limitadong kalagayan ng pinagkukunang-yaman.
PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER
Ang Production Possibility Frontier o PPF ay isang modelo na nagpapakita ng mga
estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto. Nailarawan din sa
pamamagitan nito ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan. Mahalaga ito

9
sa pagpapakita ng mga choice na mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga ito. Sa
paggamit ng PPF, kailangang isaalangalang ang mga hinuha na:
1. Mayroon lamang dalawang produktong maaaring likhain. Halimbawa, pagkain at tela; at
2. Ang pamayanan ay may limitadong resources (fixed supply).
Ang pinakamataas na produksiyon ng ekonomiya ay ang hangganan ng PPF. Sa mga
hangganang ito ay maituturing na efficient ang produksiyon. Kinakatawan ito ng choices sa plano A,
B, C, D, E at F. Tingnan ang production plan ng isang particular na teknolohiya sa ibaba
Option Pagkain Tela Maaaring malikha ang
mga kumbinasyong ito
A 0 1000
kung magagamit ang
B 100 950 lahat ng resources.
C 200 850 Kapag nagamit lahat,
ang produksiyon ay
D 300 650 efficient.
E 400 400 0 unit ng pagkain at
F 500 0 1000 unit ng tela
200 unit ng pagkain at
850 unit ng tela

Kahit alin sa mga punto sa hangganan ng PPF ang gamitin ay masasabing efficient ang produksiyon.
• Plano A, kung saan maaaring gamitin ang lahat ng salik ng produksiyon upang makalikha ng 1000
units ng tela kaya walang magagawang pagkain. Upang makalikha ng pagkain, mangangailangan ito
ng salik ng produksiyon na kukunin mula sa produksiyon ng tela; dahil dito, mababawasan ang
gagawing tela (trade-off). Magkakaroon lamang ng pagbabago sa dami ng magagawa sa pagitan ng
pinag-aaralang produkto ayon sa magiging desisyon. Ito ay batay sa konsepto ng Ceteris paribus –
other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik na pinag-aaralan
(Balitao et, al. 2012). Ang pamamaraang ito sa ekonomiks ay ginagamit upang maging mas simple
ang pagpapakita sa relasyon ng pinag-aaralan. Ang opportunity cost ng paglikha ng 1000 units ng
tela ay 0 unit ng pagkain. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
• Plano B, makalilikha ng 950 units ng tela at makagagawa ng 100 units ng pagkain
• Plano C makalilikha ng 850 units ng tela at 200 units ng pagkain
• Plano D makalilikha ng 650 units ng tela at 300 units ng pagkain
• Plano E makalilikha ng 400 units ng tela at 400 units ng pagkain
• Plano F makalilikha ng 0 unit ng tela at 500 units ng pagkain
Maaaring tumaas ang produksiyon ng pagkain kapag nagpalit ng plano mula A patungo sa F na
magdudulot ng pagbaba sa produksiyon ng tela. Samantala, tataas ang produksiyon ng tela kung
magpapalit ng plano mula F patungo sa A. Magdudulot ito ng pagbaba sa produksiyon ng pagkain

10
(movement along the curve). Nailalarawan ang trade-off sa pagpapalit ng plano ng produksiyon. Ang
trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay

Ang punto na nasa labas ng kurba ay naglalarawan ng konseptong infeasible na plano ng


produksiyon. Ito ay magandang plano subalit hindi makatotohanan. Sa mga hangganan ng PPF,
ipinagpapalagay na lubos na nagamit ang lahat ng salik ng produksiyon sa paglikha ng produkto.
Gayumpaman, maaari pa ring maisakatuparan ang infeasible na plano sa pamamagitan ng paggamit
ng angkop at makabagong teknolohiya, at paglinang sa kakayahan ng mga manggagawa. Tingnan
ang pigura sa susunod na pahina.

11
Samantala, kung hindi magagamit ang lahat ng salik ng produksiyon ay masasabing hindi
rin efficient ang paglikha ng produkto dahil hindi nagagamit lahat ng salik na mayroon ang lipunan,
ito ang inilalarawan ng punto na nasa loob ng kurba. Maaaring magdulot ng suliraning pang-
ekonomiya ang planong ito tulad ng kawalan ng trabaho
Sa bawat desisyon ay mahalagang isaisip ang pagtugon sa suliranin ng kakapusan. Dahilan
sa kakapusan, kailangan mamili ang tao, mamili at lumikha ng naaayon sa kanyang pangangailangan
at kagustuhan nang walang nasasayang at nasisirang pinagkukunang-yaman.
GAWAIN 3: PRODUCTION PLAN
Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit ito sa graph at lagyan ng interpretasyon at kongklusyon
ang punto A, F, at C.

12
Palatandaan ng Kakapusan

Ang kakapusan ang tuon ng pag-aaral ng ekonomiks. May limitasyon ang pinagkukunang-
yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa katotohanang ito,
nararanasan ang kakapusan sa mga pinagkukunangyaman.

Ang kagubatan halimbawa na isa sa mga likas na yaman, ay maaaring maubos at magdulot ng
pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng mga species ng halaman at hayop at
pagkasira ng biodiversity. Bagaman maaaring magsagawa ng reforestation, ang patuloy na paglaki
ng populasyon na umaasa sa produkto ng kagubatan ay mabilis ding lumalaki

Samantala, bumababa rin ang bilang ng nahuhuling isda at iba pang lamang dagat dahilan sa
pagkasira ng mga coral reefs. Ang produktong agrikultural na nakukuha mula sa lupa ay maaaring
mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at umiinit na klima.

Ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng
produkto ay naluluma, maaaring masira at may limitasyon din ang maaaring malikha.

Maging ang oras ay hindi mapapahaba, mayroon lamang tayong 24 oras sa isang araw. Sa
loob ng oras na ito, hindi mo magagawa ang lahat ng bagay na nais mo sapagkat kailangan mong
magpahinga, matulog, at kumain. Ang panahong lumipas ay hindi na muling maibabalik. Ang gamit
ng pera ay may limitasyon din sapagkat hindi nito mabibili ang lahat ng bagay.

Ang nararanasang limitasyon sa mga pinagkukunang-yaman at patuloy na paglaki ng


umaasang populasyon ay palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan.

Kakapusan bilang Suliraning Panlipunan

Walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao, samantalang ang mga


pinagkukunang-yaman ay kapos o may limitasyon. Dahilan sa kalagayang ito, ang kakapusan ay
maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan.

Marapat na maunawaan ng bawat isa na sa paglipas na panahon, maaaring maubos pa ang


mga pinagkukunang-yaman kasabay ng patuloy na lumalaking populasyong umaasa dito. Magiging
dahilan ito ng malawakang kahirapan at pagkakasakit ng mga mamamayan. Maaari din itong
magdulot ng sigalot, pagaaway-away, at kompetisyon. Upang mapamahalaan ang kakapusan,
kailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang isinasakatuparan ang
magkakaibang layunin sa ngalan ng katahimikan at kasaganaan sa buhay.

13
Kailangan din ang matalinong pagdedesisyon kung ano, paano, para kanino at gaano karami
ang dapat na magawang mga produkto. Kailangan ang kasiguruhan na ang limitadong likas na
yaman ay magagamit ng angkop sa kinakailangan ng mamamayan.

Paraan upang Mapamahalaan ang Kakapusan

Upang mapamahalaan ang kakapusan natukoy na mahalagang suriin kung ano ang
produktong lilikhain, paano lilikhain, gaano karami at kung para kanino ang mga lilikhaing produkto.
Bunsod nito, inaasahan na ang sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaaring isagawa upang
mapamahalaan ang suliranin sa kakapusan.

• Kailangan din ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon,

• pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng
produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

• Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makakapagpalakas sa organisasyon, at


mga institusyong (institutional development) nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya, at

• Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga pinagkukunang-


yaman

Sa pamamagitan ng mga ito ay maaaring lumipat sa kanan ang mga punto sa production possibility
frontier at makamit ang infeasible na produksiyon. Samantala, habang nababawasan ang mga
kinukuha mula sa mga yamang likas, natutugunan naman ang mga pangangailangan at kagustuhan
ng mga tao

Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran (environmentalist), binuo nila ang mga programang


pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Ayon kina
Balitao, et. al (2012) kabilang sa mga isinusulong ng mga programang pangkonserbasyon ang
sumusunod:

1. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran;


2. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na
nakalilikha ng polusyon;
3. Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance (protected
areas program); at 4. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga
hayop (endangered species).
GAWAIN 4: OPEN-ENDED STORY
Lagyan ng maikling katapusan ang kuwento. Iugnay ang kuwento sa suliraning panlipunan na nagaganap dahilan sa
kakapusan. Tingnan ang rubrik sa ibaba at gamitin itong batayan sa iyong pagsusulat.
1. Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahilan sa walang mabiling gasolina na ginagamit upang mapaandar
ang mga planta ng koryente

14
RUBRIK PARA SA OPEN ENDED STORY
10 8 6 4 2
Naipakita sa mga Naipakita sa mga Naipakita sa mga Hindi naipakita sa Walang
detalye ng detalye ng detalye ng mga detalye ng kaugnayan ang
kuwento kung kuwento kung kuwento kung kuwento kung kuwento sa
bakit at paano bakit at paano bakit at paano bakit at paano kakapusan bilang
nagkakaroon ng nagkakaroon ng nagkakaroon ng nagkakaroon ng suliraning
suliraning suliraning suliraning suliraning panlipunan
panlipunan dahil panlipunan dahil panlipunan dahil panlipunan dahil
sa kakapusan na sa kakapusan sa kakapusan sa kakapusan
hindi na kailangan subalit ang subalit masyadong
pa ng nagsusuri ay malawak o kulang.
karagdagang nangangailangan Ang nagsusuri nito
impormasyon pa ng ay kailangan pa
upang ito ay impormasyon ng karagdagang
lubusang upang ito ay lubos impormasyon
maunawaan na maunawaan upang lubos na
maunawaan

15

You might also like