AP9 LeaP - Q3
AP9 LeaP - Q3
AP9 LeaP - Q3
Teresa, Rizal
ARALING PANLIPUNAN 9
LEARNER’S PACKET- WEEK 1
PANIMULA
Ayon sa Investopedia.com, ang makroekonomiks ay larangan ng ekonomiks na pinag-aaralan ang
gawi ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-
ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product,
implasyon, at antas ng presyo.
May apat na pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang makroekonomiks:
Una, binibigyang pansin nito ang kabuuang antas ng presyo.
Pangalawa, binibigyan-pansin ang kabuuang produksiyon o ang bilang ng kalakal at paglilingkod
na nagawa sa ekonomiya.
Pangatlo, binibigyang pansin ng makroekonomiks ang kabuuang empleyo.
Pang-apat, at panghuli, tinitingnan din ang ibang bahagi ng mundo ang relasyon nito sa panloob na
ekonomiya.
SAMBAHAYAN-
-Kumukonsumo ng kalakal at paglilingkod
-May-ari at nagbebenta ng mga salik ng
produksiyon
BAHAY-KALAKAL
-Nagpoprodyus at nagbibili ng kalakal at
paglilingkod
-Kumukunsumo ng mga salik ng produksiyon
PAMAHALAAN
-Nangongolekta ng buwis
-Nagkakaloob ng produkto at serbisyong
pampubliko
PANLABAS NA SEKTOR
-Nagbebenta sa ibang bansa (export)
-Bumibili sa ibang bansa (import)
Paraan ng Pagsukat sa
Pambansang Kita
ANG IMPLASYON
Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo
ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods,
Ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng
presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang
kondisyon ng implasyon ay nagaganap.
Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at lingo.
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay pangkaraniwang
nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa
halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Ayon sa
The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga
piling produkto na nakapaloob sa basket of goods. Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade
(2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng
presyo. Kaya sa tuwing may pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya, ang
kondisyon ng implasyon ay nagaganap. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng produkto na maaaring
mabili ng mamimili. Ang pagtaas ng presyo ay sinasabing kaakibat na ng ating buhay. Hindi na bago sa
mga bansa na makaranas ng implasyon, kahit noong Panahong Midyebal, ang presyo ay tumaas ng apat
na doble sa Europe. Maliban sa implasyon, mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang
presyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong dekada 1920.
Maging sa Pilipinas ay naranasan ang ganitong sitwasyon sa panahon ng pananakop ng Japan kung kailan
ang salapi ay nawalan ng halaga. Dahil sa napakataas na presyo ng bilihin at pagbagsak sa halaga ng
pera, kakaunti na lamang ang kayang mabili ng salapi noong panahon ng digmaan. Kahit sa kasalukuyang
panahon, ang implasyon ay isang suliraning hindi mapigilan. Ang mga pangunahing produkto tulad ng
bigas, asukal, manok, karne, isda at iba pa ay hindi nakaliligtas sa pagtaas ng presyo.
DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON
Maraming salik ang nakaaapekto sa presyo sa pamilihan na nagiging daan sa pagkakaroon ng implasyon.
CONTENT/CORE CONTENT:
Konsepto ng Patakarang Piskal
Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan
Mga Uri ng Buwis
Learning Resources:
Ekonomiks Learners’s Module pp. 286- 303
https://www.slideshare.net/edmond84/aralin-5-patakarang-piskal?qid=a97913b1-3369-4304-a33a-
3dae7cc40e5b&v=&b=&from_search
PANIMULA:
Sa araling ito, ating tatalakayin sa pamamagitan ng pagsusuri ng layunin at pamamaraan ng
patakarang piskal.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
naipaliliwanag ang konsepto at layunin ng patakarang piskal
naiisa-isa ng mga hakbang sa paghahanda ng pambansang badyet at ang pinagmumulan nito
nakapagbibigay-halaga sa gampanin ng isang mamamayan sa pagbabayad ng tamang buwis.
Simulan ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa ng mga paksang nakasaad Ekonomiks LM na may
paksang:
KONSEPTO NG PATAKARANG PISKAL
Mula sa aklat nina Case, Fair, at Oster (2012), ang patakarang piskal ay tumutukoy sa behavior ng
pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan. Sa madaling salita, ito ay tungkol sa
polisiya sa pagbabadyet. Ito rin ang isinasaad sa aklat nina Balitao et. al (2014), kung saan ang patakarang
ito ay “tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang galaw ng
ekonomiya”. Ayon kay John Maynard Keynes (1935), ang pamahalaan ay may malaking papel na
ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya. Simula pa noong Great Depression, nabuo
ang paniniwalang ang pamahalaan ay may kakayahan na mapanatiling ligtas ang ekonomiya tulad ng
banta ng kawalan ng trabaho. Kaya ang interbensiyon ng pamahalaan, sa isang banda, ay may malaking
kontribusyon upang masiguro ang pagsasaayos ng isang ekonomiya. Ang paggasta ng pamahalaan ayon
kay Keynes halimbawa, ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng
resources ayon sa pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na makapagdudulot ng full employment.
Sa kabilang banda, ang pakikialam ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga polisiya sa paggasta at
pagbubuwis ay makapagpapababa o makapagpapataas naman ng kabuuang output higit sa panahon ng
recession o depression.
May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang
mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.
Expansionary Fiscal Policy. Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng pamahalaan upang
mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output
ay mababa ng higit sa inaasahan. Kaakibat ng mababang output ay mataas na gastos dahil hindi
episyenteng nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa ang pangkalahatang demand ng
sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon.
Magdudulot ang ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa
pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad
ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa
panahong ang pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta. Dahil dito, ang
mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi
ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang
mamamayan at ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat gastos ng pamahalaan,
nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya kung kaya’t maaasahan ang mas malaking
kabuuang kita para sa bansa. Ganito rin ang epektong pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang
panggastos ng mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya asahang
tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo.
Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng pamahalaan kung nasa bingit
ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla
ang ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na pangkalahatang
output at employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila pataas sa pangkalahatang demand sa
sambahayan at insentibo naman sa mamumuhunan na patuloy na magdagdag ng produksiyon.
Magdudulot ang sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o implasyon. Sa ganitong
pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin nito upang mahila pababa ang
kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng
insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng pagbagal ng
ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at makokontrol ang
implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis.
Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil bahagi ng
kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na makaaapekto sa kabuuang demand sa
pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang maibalik sa
normal na direksyon ng ekonomiya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung expansionary o contractionary fiscal policy ang mga
sitwasyon. Gamitin ang simbolong kung expansionary fiscal policy at naman kung contractionary
fiscal policy.
PANIMULA:
Sa araling ito ay iyong matututunan ang konsepto ng patakarang pananalapi na ipinatutupad ng
pamahalaan. Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:
a) natutukoy ang mga konsepto ng patakarang pananalapi
b) naipaliliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi
c) napahahalagahan ang patakarang ipinapatupad ng pamahalaan para sa kakayahang pinansiyal ng
bansa
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang patakarang piskal. Natunghayan natin ang mahalagang
papel na ginagampanan ng pamahalaan upang ang ekonomiya ay maging ganap na maayos at matatag.
Maaaring maimpluwensiyahan at makontrol ng pamahalaan ang buong ekonomiya sa pamamagitan ng
pagbubuwis at paggastang nababatay sa badyet. Samantala sa bahaging ito, isa pang mahalagang
patakaran ang maaring gamitin ng pamahalaan upang mapaunlad ang ekonomiya, ang patakaran sa
pananalapi.
Konsepto ng Pera
Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. Ang pera ay
instrumento na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of
exchange). Maliban sa gamit sa pagbili, ito rin ay itinuturing bilang isang unit of account. At ang panghuli,
ang salapi ay mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon.
Ang salapi ay mahalagang bahagi sa buhay ng tao ngunit ang pangangasiwa rito ay isang malaking
hamon sa lahat ng bansa. Ang dami ng salapi sa sirkulasyon ay maaaring magdulot ng kasaganahan o
suliranin sa mga mamamayan. Dahil dito, ang pag-iingat at matalinong pamamahala ay kinakailangan
upang masiguro na ang bilang ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang mapanatili ang
kaayusan.
Ang Konsepto ng Patakarang Pananalapi
Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagtatakda ng mga
pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo. Ito ay bilang
katiyakan na ang mamamayan ay patuloy na magkaroon ng kakayahan na makabili at matugunan ang mga
pangangailangan gamit ang kanilang kinita mula sa pagtatrabaho. Ito ay isang pagkakataon na maisulong
ang kalagayang pang-ekonomiya at makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mamamayan
bunsod ng matatag na pamamahala sa pananalapi ng bansa.
Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng
salapi sa sirkulasyon. Kaugnay nito, ang BSP ay maaaring magpatupad ng expansionary money policy at
contractionary money policy.
Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas
ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy.
Karaniwang nagpapatupad ng contractionary money policy ang BSP upang mabawasan ang
paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan.
Ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan ay paraan upang mapangasiwaan nang wasto
ang kakayahang pinansiyal ng bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: (Written Work)
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang konsepto sa gamit ng salapi?
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay kinapapalooban ng
pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon at iba pa. Pangkaraniwan na ang mga
mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang
institusyon sa pananalapi. Ang perang ipinapautang ay nagmula sa idineposito ng mamamayan. Kung kaya
ang perang lumabas sa sirkulasyon sa anyo ng inimpok sa bangko, ay muling bumabalik dahil ipinahihiram
ang mga ito sa mga negosyante upang gamitin sa pamumuhunan. Ipinakikita nito ang ugnayan ng bangko
at iba pang institusyon sa pananalapi bilang mga daanan sa pagdaloy ng pera sa loob ng ekonomiya.
Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya. Ayon sa Philippine
Deposit Insurance Corporation (PDIC), kapag maraming mamamayan ay natutong mag-impok, maraming
bansa ang mahihikayat na mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag na bansa ang mataas
na antas ng pag-iimpok.
Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Kapag maraming
namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang ipinakikita sa pamamagitan ng
pagtatayo ng mas maraming negosyo. Mas maraming negosyo, mas maraming trabaho, mas maraming
mamamayan ang magkakaroon ng kakayahang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ito ay
hindi malayong magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.
Ang salapi sa loob at labas ng ekonomiya ay marapat na mapangasiwaan nang maayos upang
masiguro na magiging matatag at malusog ang takbo ng patakarang pananalapi ng bansa. Bunga nito,
kinakailangan ang pagkakaroon ng mga institusyon na makapag-iingat at makapagpapatakbo ng mga
wastong proseso sa loob ng ekonomiya patungkol sa paghawak ng salapi. Ito ay paraan upang maging
maayos ang daloy ng pananalapi ng bansa.