Lecture PAGSULAT

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

 Minsa’y may nagsasabing “tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa
pag-iisip”. Isang mapapanigang pananaw ito sa pagpapaunlad ng isang tao.
 Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon, at pinapangarap ng
tao dahil nakapaloob ditto ang aspektong kognitibo , sosyolohikal , linggwistika at iba pa.
 Ang pagsulat ay prosesong sosyal o panlipunan at bunga ng interaksyon ng taong
sumusulat at taong tumatanggap ng mensahe mula sa ipinadalang tekstong isinulat.

DEPINISYON NG PAGSULAT

Ang Pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit


na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan. (Bernales, et al.2001)

LAYUNIN NG PAGSULAT

 Impormatib na pagsulat (Expository Writing) ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang
tinatalakay sa teksto.
 Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive Writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga
mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinion o paniniwala . Ang pokus nito ay
maimpluwensyahan ng isang awtor ang mambabasa.
 Malikhaing Pagsulat (Creative Writiing) ay isang pagtuklas sa kakayahang pagsulat ng
sarili o ng manunulat tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal (Arrogante,2000)

PROSESO O HAKBANG SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang gawaing hindi ginagawa ng dalawang tao sa magkatulad na


paraan, may mga lohikal na hakbang na sinusunod ng mga manunulat sa pagbuo ng isang
papel.

1. Bago Sumulat (Pre-writing) sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa


pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga
datos o impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono o perspektib na
gagamitin sa hakbang na ito.
2. Habang sumusulay ( Actual writing) ditto isinasagawa ang aktwal na pagsulat.
Napapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
3. Pagkatapos sumulat (Re-writing) dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng
draft batay sa wastong grammar, boabulari at pagkakasuno-sunod ng mga ideya o
lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto at epektibo kung hindi ito dadaan
sa editing at rebisyon .

MGA UR NG PAGSULAT

1. AKADEMIK- Ang akademik na pagsulat ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab


report, eksperimento , term paper, o pamanahong papel, tisis o disertasyon. Itinuturing
itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
2. TEKNIKAL- ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitib
at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa. Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaarig makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong
suliranin. Hal. Pagsulat ng feasibility study at mga korespondensyang
pampangangalakal.
3. DYORNALISTIK- Pamamahayag ang uri ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum,
lathalain at iba pa,
4. REPERENSYAL- ito ay naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors
hinggil sa isang paksa. Madalas pinaiikli o binubuod ang mga ideya ng ibang
manunulat , tinutukoy ang pinaghanguan na maaaring sa paraang parentetikal. Layunin
nito ang paggawa ng bibliograpi, indeks, at pagtatala ng mga impormasyon.
5. PROPESYONAL- ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusib sa isang tiyak na
propesyon. Hal. Police report, investigative report, briefs and pleading ng mga abogado
at patients journal ng mga doctor at nurses.
6. MALIKHAIN- masining ang uring ito ng pagsulat . ang pokus ditto ay ang imahinasyon
ng manunulat, layunin nitong paganahin ang imahinasyon . samakatuwid , ang pagsulat
ng tula, nobela, maiklingkatha, dula at malikahing sanaysay ang maihahanay sa uring
ito.

ELEMENTO NG PAGSULAT

 PAKSA –kailangang pag-isipan ng isang manunulat ang kaniyang paksa bago pa man
ilapat ang lapis sa papel. Ang paksa ay dapat kawili-wili at napapanahon.

 LAYUNIN- isa pang mahalagang bagay na dapat isa-isip habang nagsusulat ay ang
dahilan ng pagsulat at ang layunin kung ano ang gusto mong ipaalam sa inyong
mambabasa.

 AWDYENS- ang kabatirang ito ay makakatulong sa iyo upang magdesisyon agad kung
anu-anong detalye ang isasama sa isang sulatin.

 WIKA- ang wika ay instrumentong ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaniyang


kaisipan at damdamin maging ito man ay sa paraang pasulat o pasalita.

MGA BAHAGI NG TEKSTO

PANIMULA/INTRODUKSYON- ito ay nagbibigay ideya sa mga mambabasa,


nagsisilbi itong pang-akit at panawag pansin.
KATAWAN- nilalaman nito ang pinakakaluluwa ng isang teksto at pagtukoy ng
mahalagang impormasyong dapat ipaloob sa teksto.
WAKAS- Nagsisilbing huling impresyon na dapat manatili sa isipan ng
mambabasa, hindi dapat maging maligoy at mahaba ang pagwawakas ng teksto.

4 NA PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

1. PAGSASALAYSAY (narrative) – sa payak na pakahulugan, ito ay isang pagkukuwento ,


nagsasaad kung kalian, saan, at paano ang mga pangyayari.
2. PAGLALARAWAN (Descriptive) – Nagsasaad o nagpapakita ng anyo, hugis, kulay, at
katangian.
3. PAGLALAHAD (Expository) – ito ay isang anyo ng pagpapahayag na ang hangarin ay
magpaliwanag, Nagsasaad ng isang katotohanan, palagay, o opinion.
4. PANGANGATUWIRAN (Argumentative) – Ang pangangatuwiran ay
“Pagpapakahulugan”
Ayon kay alejandro (1970) . isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na
katibayan o patnubay at maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala ang
isang panukala.

You might also like