Module Pagsulat Grade12

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

JESUS REIGNS CHRISTIAN ACADEMY

Senior High School Department

LEARNING
&
MODULES
LEARNER’S WORKSHEET

Grade 12
FILIPINO SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
FIRST MIDTERMS

COMPLETE NAME: _____________________________________________

SECTION: _____________________
TEACHER: _____________________
DATE SUBMITTED: _____________________

WEEK 1 PAGKILALA SA PAGSULAT

LET’S SET TARGETS!

 Nabibigyang kahulugan ang pagsula at naipapaliwanag ang kalikasan nito

 Nailalarawan ang pagsulat batay sa mga pananaw hinggil ditto.
 Natutukoy ang layunin sa pagsulat
 Nailalarawan ang proseso ng pagsulat batay sa mga hakbang sa pagsasagawa nito.
 Natutukoy ang mga uri ng pagsulat at nabibigyang kahulugan at halimbawa ang bawat isa.

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA

Magbigay ng puna sa sumusunod na mga pahayag na nasa loob ng ULAP.

Naku! Hindi naman Ano baa ng

ako mahusay
magsulat tulad ng iba. isusulat ko rito?
Hay! Grabe na ito! Maiibigan kaya
ito

Ang dami naming

ideya ang nasa
Sa papel na ito, isip ko! Paano ko
ano kaya ang ba isusulat ang
Isusulat ko? mga ito?
Tama kaya ang
gramatika at wasto
kaya ang pagkasunod-
sunod ng mga ideya

ARALIN 1 PAGSULAT

PANIMULA

Ang pagsulat ay isa sa mga pangunahing kasanayan na natututuhan at pinauunlad sa loob ng

paaralan. Hindi mahihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng isang indibidwal. Upang
maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng tao, marapat ito lalong palakasin batay sa kahingian at
pangangailangan ng panahon; isang makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.

Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika (Austera et.al, 2009) sinasabi
rin na ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng
tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anuang kagamitang
maaring pagsulatan (Mabilin, et.al, 2012). Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng
isipan, damdamin, paniniwala at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng
pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o ulatin.

Sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng pagsulat. Tatalakayin ang
kahulugan at kalikasan ng pagsulat, mga pananaw sa pagsulat, mga layunin sa pagsulat, ang proseso ng
pagsulat, at mga uri ng pagsulat

May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba, ito ay nagsisilbing libangan sapagkat
sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila. Sa mga propesyon manunulat tulad ng mga awtor, peryodista, sekretarya,
guro at iba pa, ito ay kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabahong kanilang
ginagampanan sa lipunan. Sa mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng pagsusulat ay ang
matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.

Anuman ang dahilan ng pagsusulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga
taong nakababasa nito, at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga isinulat ay
magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng
susunod na henerasyon. Ayon nga kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Maaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman.

A. ANG PAGSULAT

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapan maaaring magamit na

mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o ng mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan.

Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin

Ayon kina Xin at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. (1989, sa Bernales, et al., 2006)

Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Badayos (2000)

Para naman kay Keller, ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito. (1985, sa Bernales, et al., 2006)

Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa. Peck at Buckingham (sa Bernales, et al., 2006)

B. PANANAW SA PAGSULAT

1.SOSYO-KOGNITIBO

Ang sosyo ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao, samantalang ang kognitibo naman
ay ano mang tumutukoy sa pag-iisip.

Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat, isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa mental
na aktibiti ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat. Nakapaloob naman sa sosyal na aktibiti
ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.

2. MULTI-DIMENSYONAL

Ito ay isang gawaing personal at sosyal, tulad ng nabanggit na. Bilang personal na gawain, ang
pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin, karanasan. Bilang sosyal na
gawain, nakatutulong ito sa ating pagganap sa ating mga tungkuling panlipunan at pakikisalamuha sa isa’t
isa.

Ano man ang maging layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat bilang isang multi-
dimensyonal na proseso ay binubuo ng dalawang dimension.

2.1 Oral na Dimensyon – Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat,
masasabing nakikinig na rn siya sa iyo. Hindi ka man niya personal na kilala, o kahit pa hindi ka niya
nakikita, nagkakaroon siya ng ideya kung sino at ano ka, kung ano ang iyong kaalaman at kasanayan at
kung paano ka magsalita na inilalantad ng teksto mismo at ng iyong estilo at organisasyon sa teksto.
Samakatuwid, masasabing ang pagsulat ay isang pakikipagusap sa mga mambabasa

2.2 Biswal na Dimensyon – Ang dimension na ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng
ginamit ng isang awtor sa kanyang tekto na inilalantad ng mga nakalimbag na simbolo. Sa dimensyong ito,
kailangang maisaalang-alang, kung gayon, ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat, upang ang mga
simbolong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat.

C. MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

a. LAYUNING EKSPRESIBO

• Personal na gawain
• Pagpapahayag ng iniisip o nadarama

b. LAYUNING TRANSAKSYONAL

• Sosyal na gawaing pagsulat

• Tinatawag na Sosyal na gawain, ginagamit para sa layuning panlipunan.

Uri ng layunin sa pagsulat ayon kina Bernales et al. (2001)

a. IMPORMATIBONG PAGSULAT

 Expository Writing
 Naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag

b. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

 Persuasive writing
 Mahikayat ang mambabasa tungkol sa katwiran, opinyon, o paniniwala

c. MALIKHAING PAGSULAT

 pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

D. MGA PROSESO NG PAGSULAT

Ang pagbasa at ang pagsulat ay resiprokal na proseso sa pagbuo ng kahulugan, pagaanalisa,

pagbibigay-interpretasyon, at pakikipagtalastasan ng ideya. Sa mga gawaing ito, kailangan ang
karanasan, kaalaman, sariling paniniwala, at saloobin ng mga mag-aaral. Sa tradisyonal na
pagpapakahulugan, ang pagsulat ay isang Sistema ng komunikasyong interpersonal na gumagamit ng
simbolo at isinasalin gamit ang papel at panulat. Ito rin ay isang continuum process ng mga Gawain sa
pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat bilang masalimuot na Gawain sapagkat
nangangailangan ng kasanayan (skill)
1. Bago sumulat (Prewriting)

Ang mga mag-aaral ay dumaraan muna sa brainstorming. Dito ay malaya silang magisip at
magtala ng kanilang mga kaalaman at karanasan na may kinalaman sa paksa. Dito rin
mapagpapasiyahan kung ano ang susulatin ng mag-aaral, ano ang layunin sa pagsulat at ang
estilong kanyang gagamitin.

2. Habang sumusulat (Actual Writing)

Naisusulat ang unang borador (draft) na ihaharap ng bawat mag-aaral sa isang maliit na grupo
upang magkaroon ng interaksiyon, kung saan tatalakayin ang mga mungkahing pagbabago o mga
puna, Karaniwang tuon ng bahaging ito ang halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-aaral, at lohika sa
loob ng sulatin.

3. Pagkatapos Sumulat (Rewriting)

Ginagawa ang mga pagbabago sa paamagitan ng pagdaragdag, pagkakaltas, at paglilipat-lipat
ng mga salita, pangungusap, o talata. Bilang pangwakas na hakbang, pagtutuonan na ang mekaniks
ng sulatin tulad ng baybay, bantas o gramatika.

Pansini ang kasunod na ilustrasyon.

Mapapansing hindi linear ang proseso ng pagsulat. May mga pagkakataong ang isang
manunulat ay kailangang magpabalik-balik sa una, ikalawa o ikatlong hakbang bago pa maprodyus
ang pinal na awtput o sulatin.

Sa proseso ng pagsulat, mahalaga ring bigyang-pansin ang mga bahagi ng teksto ayon sa
sumusunod:
1. Panimula
Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat. Ang bahaging ito ay
nararapat na maging kawili-wili upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na
tapusing basahin ang teksto.

2. Katawan
Sa pagsulat ng baaging ito, matatagpuan ang wastong paglalahad ng ga detalye at
kaisipang nais ipahayag sa akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga
kaisiang ipinahahayag upang hindi mailto ang mambabasa dahil ito ang pinakamalaking bahagi ng
teksto. May tatlong hakbang para maisagawa ang panggitnang bahagi ng sulatin.
• Pagpili ng organisasyon
• Pagbabalangkas ng nilalaman
• Paghahanda sa transisyon ng talataan
3. Wakas
Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapagiwan ng
isang kakintalan sa isip ng mambabasa na maaaring magbigay buod sa paksang tinatalakay o
mag-iiwan ng isang makabuluhang pag-iisip at repleksiyon.

E. MGA URI NG PAGSULAT

a. AKADEMIKO

Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas primarya

hanggang sa doktoradong pag-aaral.

Ito ay maaaring kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper o pamanahong papel, at tesis.
Itinuturing na intelektwal na pagsulat

b. TEKNIKAL

Nagsasaad ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang

komplikadong suliranin. Nakatuon ito sa isang ispesipikong audience o pangkat ng mambabasa
Halimbawa, ulat panlaboratoryo, komputer, at iba pa.

c. JOURNALISTIC

Pampamamahayag ang uri ng pagsulat na isinasagawa ng mga journalist. Pagsulat ng balita,

editoryal, lathalain at iba pang akdang makikita sa pahayagan o magasin.

d. REPERENSYAL

Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang
paksa. Madalas itong makikita sa mga teksbuk, pamanahong-papel, at tesis

e. PROPESYONAL

Uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon. Itinuturo ito sa mga
paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon.

Halimbawa, Pagsulat ng police report, investigative report, legal forms, pleadings, legal researchers,
medical report at patient’s journal.

f. MALIKHAIN
Pokus nito ang imahinasyon ng manunulat. Maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang
isinusulat. Layunin nito paganahin ang imahinasyon Halimbawa nito ay ang mga akdang pampanitikan.

PAGSUSURI
GAWAIN 1
PANUTO:Gumupit ng isang pangulong-tudling mula sa kinahihiligan mong pahayagan. Pagkatapos idikit ito
sa isang bond paper. Suriin at ipaliwanag ito ayon sa sumusunod na mga pamantayan.

1. Uri ng mambabasa na kinauukulan ng teksto

2. Organisasyon ng sulatin
3. Katangian ng sulatin at wikang ginamit
4. Layunin ng sulatin
5. Damdami ng sulatin
6. Mensahe ng sulatin para sa iyo.

PAGSASANAY
GAWAIN 2 !
PANUTO: Pumili ng isang pinakamasayang pangyayari sa iyong buhay
ngayong taon. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil dito. Sundin ang tinalakay na proseso ng pagsulat at
mga bahagi ng isang teksto. Ilagay ito sa Yellow Pad Paper.

Panimula
Dapat na ang panimula ay: KAYANG- KAYA MO !
Isang pangungusap na makatawag-pansin
GAWAIN 3 Isang pambungad na salaysay

Katawan
Dapat na ang katawan ay:
Pagbabalangkas ng nilalaman (mahalagang ideya, o kaisipan ng mga pangyayari na
may wastong pagkasunod-sunod)

Wakas
Dapat na ang wakas ay:
Pag-iiwan ng isang makabuluhang diwa o kaisipan

PANUTO: Magbigay ng dahilan kung bakit mahalagang malaman ang proseso ng pagsulat at kung ano
ang maitutulong nito sa iyong kurso. Bakit kailangang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral na tulad
mo ang mga layunin ng pagsulat?
Sanggunian:

• Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc.
Quezon City.
• Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

WEEK 2
LET’S SET TARGETS!
 Nabibigyang kahulugan ang Akademikong Pagsulat
 Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa
 Layunin
 Tungkulin/ Gamit
 Katangian
 Anyo
 Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng
iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA

PANUTO: Magbigay ng salitang may kaugnayan sa AKADEMIKONG PAGSULAT at gamit ang mga
salitang ito ay bumuo ng sariling kahulugan nito.

AKADEMIKONG PAGSULAT

KAHULUGAN:

ARALIN 2 AKADEMIKONG PAGSULAT

7
PANIMULA
Isa sa pinakamahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa
akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang
panlipunan na maaaring maging batayan ng marami oang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng
lipunan.

Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat, sapagkat kung marunong sumulat

nang maayos at may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakakaangat siya sa iba dala na rin ng
mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at trabaho. Sa Pagaaral mahalagang
masagot nang maayos ng mga mag-aaral ang mga pagsusulit na nangangailangan ng masusing
pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at
eksperimentasyon, at higit sa lahat ay makalikha ng mga papel na pananaliksk. Sa mundo naman ng
manggagawa o empleyado ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng aplikasyon, may
kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo, umapela sa paglikom ng pondo, sumagot
sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinapagawa ng
manager, at marami pang iba. Kaya naman, sa mga paaralan at unibersidad ay sinasanay ang bawat
mag-aaral na matututo at magkakaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat.
Sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng Akademikong Pagsulat.
Tatalakayin ang kahulugan at kalikasan ng Akademikong Pagsulat, Layunin ng Akademikong Pagsulat,
Katangian ng Akademikong Pagsulat, Tungkulin o Gamit ng Akademikong Pagsulat at Mga Anyo ng
Akademikong Pagsulat.

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

 Ang pagsulat nito ay tumpak, pormal, impersonal at obhetibo.
 Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata at seksiyon.
 Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula, gitna, at
wakas.
 Layunin nito ang magbigay impormasyon, sa halip na umaliw

Kailangang tandaan ng sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komundad na may
malnaw na inaasahan o ekspektasyon ng iba-ibang komundad, may ilang kalikasan ng
akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kina Fulwiler at
Hayakawa (2003), ay ang mga sumusunod:

1. Katotohanan – Nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo

ng disiplinang makatotohanan.

2. Ebidensya – Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga

mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

3. Balanse – Nagkakasundo ang lahat ng akademya na sa paglalahad ng ga haka, opinyon

at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at diemosyonal nang
maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. KOMPLEKS
▪ Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika.
▪ Kompleksidad ng gramatika na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na
gawain.

2. PORMAL
▪ Hindi angkop ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.

3. TUMPAK
▪ Ang mga datos ay walang labis at walang kulang.

4. OBHETIBO
▪ Ang akademikong pagsulat sa pangkalahatan ay obhetibo sa halip na personal.

5. EKSPLISIT
▪ Responsibilidad ng manunulat na gawing eksplisit sa mambabasa.

6. WASTO
▪ Maingat sa paggamit ng mga salita bokabularyo
7. RESPONSABLE
▪ Sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang
argumento.
▪ Sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong ginamit.

LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa, at
ang mga tanong na ito ay makapagbibigay ng layunin ng isang akademikong papel. Ang mga
karaniwang layunin ng akademikong pagsulat ay mangikayat, magsuri at/o magbigay-
impormasyon na sa mga kasunod na talataan ay pinaliliwanag.

1. MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN - Layunin ng akademikong pagsulat ay mahikayat ang

mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa. Sinusuportahan ng mga
katwiran at ebidensya.
2. MAPANURING LAYUNIN - Tinatawag ding analitikal na pagsulat. Layunin nitong
ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na
sagot batay sa ilang pamantayan.
3. IMPORMATIBONG LAYUNIN - Mabigyan ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa
isang paksa. Pinapalawak ng manunulat ang isang paksa

TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. LUMILINANG NG KAHUSAYAN SA WIKA – Nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng
mga mag-aaral. Sa pamamagitan kasi ng aplikasyon ng kaalaman sa gramatika at sintatika sa
mga gawaing pasulat, nalilinang ang kakayahang linggwistik ng mga mag-aaral. Sa
pamamagitan naman ng paglalapat ng mga prinsipyong pangkomunikasyon sa mga gawaing
pasulat, nallinang ang kakayahang pragmatic ng mga mag-aaral. Samantala, sap ag-
oorganisa ng mga akademikong paperl, nalilinang ang kakayahang diskorsal ng mga mag-
aaral. Mga kakayahan itong humuhog sa mga mag-aaral pang maging mabisang
komyunikeytor.

2. LUMILINANG NG MAPANURING PAG-IISIP – Sa yugong ito, ang manunulat ay

nagsusuri rin ng kanyang binabasa. Hindi lahat ng kanyang binabasa kasi ay kanyang
tinatanggap at ginagamit. Pumapaloob din siya sa mga sub-proseso ng mapanuring pagbasa
tulad ng pagkaklasipay o pag-uuri, pag-uugnay ng mga konsepto, pagbuo ng lagom at
kongklusyon at iba pa.

3. LUMILINANG NG MGA PAGPAPAHALAGANG PANTAO – Hindi lamang kaalaman

at kasanayan ang nililinang sa paaralan. Higit na mahalaga sa mga ito, tungkulin din ng
edukasyon ang linangin ang mga kaaya-ayang pagpapahalaga o values sa bawat mag-
aaral.

4. ISANG PAGHAHANDA SA PROPESYON – Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad

ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat. Halos lahat ng maiisip na propesyon
ay kinasasangkutan ng pagsulat.

MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Maraming anyo ang akademikong pagsulat. Pinakapopular na marahil sa mga ito ang reaction
paper at term paper dahil sad alas ng pagpapagawa ng mga ito sa mga mag-aaral sa mataas na paaralan.
May labing-tatlong anyo ng akademikong papel ang pagtutuunan ng pansin, at nahahati ito sa tatlo

Karaniwang anyo ng Personal na anyo ng Di kabilang sa una at

akademikong pagsulat Akademikong Pagsulat ikalawang kategorya
(Walang Dahilan)
 Sintesis  Replektibong sanaysay  Bionote
 Buod  Posisyong papel  Panukalang proyekto
 Abstrak  Lakbay-sanaysay  Agenda
 Talumpati  Pictorial essay  Katitikan ng Pulong
 Rebyu
HANAPIN MO AKO!
GAWAIN 1
PANUTO: Kahunan ang mga katangian ng sulating akademiko.

SOCIAL MEDIA KO TO.

GAWAIN 2

Ang islogang “Think before you click” ng isang kilalang estasyon ng telebisyon sa Pilipinas ay nagsusulong
sa responsableng pagpapahayag particular sa Facebook, twitter, o iba pang social media. Nagbibigay ito
ng babala na anuman ang iyong ipahayag o i-post nang pasulat ay hindi na mababawi pa at magagamit na
matibay na ebidensya laban sa iyo.

Bilang isang mag-aaral na nag-aaral ngayon ng Akademikong Pagsulat ay magbigay ka ng mga paraang
magpapaalala lalo na sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable at makapagbibigay ng
inspirasyon sa ating mga isinusulat o i-pino-post sa ating mga social media account. Gamitin ang official
#ABM12 at sekyon na kinabibilangan. Halimbawa #ABM12JEZREEL, #STEM12JUDAH
#HUMSS12NAHUM

GAWAIN 3
SALIKSIKIN MO
AKO

PANUTO: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling tatlong

uri ng akademikong suatin sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng Akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:
_____________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Sanggunian:

 Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc. Malabon
City

WEEK 3
7
PAGSULAT NG BUOD AT SINTESIS

LET’S SET TARGETS!

 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng pulong
at sintesis
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA
PANUTO: Naalala mo a baa ng isa o ilan sa mga akdang ito?
Isalaysay sa klase sa pinakamaikling paraan ang naaalala mo sa akdang iyong napili.

_______________________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________

ARALIN 3 & 4 BUOD AT SINTESIS

33 7

PANIMULA
Sa komunikasyong interpersonal, isa sa pinakamadalas gawin ng mga kasangkot ang pagbubuod
at pagsasama-sama ng mga ideya mula sa iba’t ibang impormasyong napakinggan o nabasa. Sa
pakikipag-ugnayang itong ginagawa ng tao, ibinabahagi sa iba ang mga kaalamang nalamao napa-aralan
sa pinakamadaling paraan. Maraming mga pagkakataong ang konsteksto ng komunikasyon ay kailangang
talakayin o ibahagi ng mga participant gamit ang iba’t ibang mga kaalaman na nagmumula sa ibang
hanguan.
Sa larangang akademiko, karaniwan ang pagsasagawa sa mga ito sa mga oral na diskurso, lalo na
sa mga pasulat na diskurso. Dahil kakaunti lamang ang oras o espasyong nakalaan para sa tugunan, ang
mga detalyeng mahahalaga ba lamang ang inilalahad? Dito ipinaliliwanag kung ano ang pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga napag-aralang konsepto. Maari ring pinag-uugnay-ugnay ng mga iyon batay sa
implikasyon ng isang konsepto sa isa.
Sa larangang akademiko, mas kilala ang dalawang prosesong ito bilang pagbubuod at
pagsisintesis.
Sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng Kahulugan at Katangian ng
Buod, Katangian ng Mahusay na Buod, Mga Hakbangin sa Pagbubuod, Kahulugan at
Katangian ng Sintesis, Katangian ng Mahusay na Sintesis, Mga Hakbangin sa Sintesis,

KAHULUGAN AT KAHINGIAN NG BUOD

Buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig
o nabasang artikulo, balita, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
May tatlong mahigpit na pangangailangan sa pagsulat ng isang buod o summary. Ang
tatlong pangangailangang ito ay siya ring repleksyon ng mga marapat na taglayin ng isang
sulating buod. -Swales at Feat (1994)
1. Kailangang Ang Isang Buod Ay Tumatalakay Sa Kabuuan Ng Orihinal Na Teksto.
2. Kailangang Nailahad Ang Sulatin Sa Pamamaraang Nyutral O Walang Kinikilingan
3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling
pananalita ng gumawa.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto
4. Gumagamit ng mga susing salita
5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe

MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD

1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mahahalagang punto at detalye
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal.
4. Kung gumamit ng unang panuhan (hal. ako) ang awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng
Ang manunulat o siya.
5. Isulat ang Buod

KAHULUGAN AT ANYO NG SINTESIS

Sintesis ay pagsasama ng dalawang o higit pang buod. Ito ay paggawa ng koneksyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang akda o sulatin. Ayon kay Warwick (2011), ito ay isang sulating maayos at
malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa maraming sangguniang ginagamit. Ang sintesis
ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na nangangahulugan sa Ingles ay put together or
combine (Harper, 2016).

Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga impormasyon,

mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro, mabuo ang isang agong
kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon lamang.

Sa akademikong larangan, ang sintesis ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o explanatory

synthesis, o argumentatibo o argumentative synthesis
1. Explanatory Synthesis - Sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na
lalong maunawaan ang mga bagay na tinalakay.
2. Argumentative Synthesis - Sulating maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS
1. Background Synthesis - Isang uri ng sintesis na nangangailang pagsama-samahin ang
mga sanligang Impormasyon
2. Thesis-Driven Synthesis - Malinaw na nag-uugnay sa mga punto sa tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the literature - Sintesis na ginagamit sa mga sulating pananaliksik.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1. Linawin ang layunin sa Pagsulat
2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin nang mabuti
3. Buuin ang tesis na sulatin
4. Bumuo ng plano sa organisayon ng sulatin
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na sintesis

KAYANG- KAYA MO!

GAWAIN 1
PANUTO: Ibuod ang naging karanasan mo simula noong nagsimula
ang Pandemic hanggang sa kasalukuyan. Gamitin ang sekwensiyal na paraan ng pagsusunod-sunod ng
mga panyayari sa pagbubuod.
Una:
____________________________________________________________________________

Pangalawa:

Pangatlo:

Pang-apat:

Panlima:

PAGSUSURI !
GAWAIN 2
PANUTO: Suriin maigi ang term paper na nasa ibabang bahagi, kulayan ang pinakamahalagang detalye at gawan ng
sintesis, mula sa mga kinulayan

Sanggunian:

• Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc.
Quezon City.
• Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City
PAGSULAT NG ABSTRAK
WEEK 4
LET’S SET TARGETS!

 Nabibigyang-kahulugan ang abstrak

 Nasusuri ang nilalaman ng isang pag-aaral mula sa abstrak nito
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA
Basahing mabuti ang kasunod na sii mula sa artikulong Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang
Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo ni David Michael San Juan. Nalathala ang
pananaliksik na ito sa ikalawang tomo ng Hasaan Journal (2015).

Kapit sa Patalim, Liwanag sa Dilim: Ang Wika at Panitikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo
(1996-2014)

David Michael M. San Juan

Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum (GEC) alinsunod sa
programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal na Commission on Higher
Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado
na ang espasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong
protesta ng mga grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng konsultasyon ang
CHED hinggil sa posibilidad na magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang
gamitin bilang wikang panturo ang wikang Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad ang pagsulong at
pagbura sa mga tagumpay ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 hanggang
2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan ng
malalim na pagsusuri sa mga kaugnay na kontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. Sa
pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim na pag-iral nito sa panahong neokolonyal
na walang ipinag-iba sa

karimlang tinatanglawan ng sulong aandap-andap man ay hindi naman namamatay

Suriin ang binasa na teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

a. Ano ang paksa ng pananaliksik?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

b. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
c. Ano ang suliranin ng pananaliksik?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

d. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

e. Ano ang naging resulta ng pananaliksik?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Nakasulat ka na ba ng isang abstrak ng isang pananaliksik? O nakapagbasa ka na ba nito sa mga journal

ng pananaliksik?

Kung Oo ang sagot mo sa dalawang tanong, tiyak na nagkaroon ka na ng ideya hinggil sa nilalaman ng
isang papel-pananaliksik sa pamamagtan ng abstrak. O kung ikaw mismo ang gumawa ng isang
pananaliksik at nagsulat mismo ng abstrak, tiyak na naikahon moa ng mahalagang ideya ng iyong
pananaliksik sa abstrak niyon.

ARALIN 5 54 ABSTRAK

7
PANIMULA

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo
ng isang paglalagom. Ang lagom ay ang pinakasimple at pinakiling bersyon ng isang sulatin o
akda. Mahalagang makuha ang sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa aksang nilalaman ng sulatin o akda.
Sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto tungkol sa kahulugan at kabuluhan ng
Abstrak, mga uri at nilalaman ng Abstrak

KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away o extract
from (Harper, 2016). Ang abstrak ay maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o
katitikan ng kompetensya. Maarin rin itong maging buod ng ano mang malalalimang pagsusuri ng iba’t
ibang paksa na nagagamit ng mambabasa upang madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng
sulatin.

Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano
mang akademikong papel. Gumagamit ng abstrak ang akademikong papel upang madaling maipaunawa
ang isang malalim at kompleks na pananaliksik.

Karamihan sa online database ng mga pananaliksik sa internet ay naglalaman lamang ng abstrak

sa halip na buong transkripsyon ng pananaliksik. Maaring ipakita ng abstrak ang mahahalagang resulta at
kongklusyon ng pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo.

MGA URI AT NILALAMAN NG ABSTRAK

May tatlong uri ng abstrak:

1. IMPORMATIBO

Taglay ng isang impormatibong abstrak ang sumusunod na nilalaman:

a. Motibasyon

 Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik. b. Suliranin

• Kailangang masagot ng abstrak kung ano an sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik.

c. Pagdulog at Pamamaraan

• Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng
pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyong at datos. d. Resulta

• Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad
ng mga natuklasan ng mananaliksik.

e. Kongklusyon

• Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan.
2. DESKRIPTIBO

Naglalaman lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw

ng pananaliksik ngunit hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-
aaral.

3. KRITIKAL

Ang Kritikal na abstrak naman ang pinakamahabang uri ng abstrak sapagka’t halos kagaya na rin
ito ng isang rebyu. Bukod sa mga nilalaman ng isang impormatibong abstrak, binibigyang-ebalwasyon din
nito ang kabuluhan, kasapatan, at katumpakan ng isang pananaliksik.
Sa pamamagitan ng abstrak, kailangang maunawaan at magkaroon ng ideya ang isang
mambabasa sa nilalaman ng pananaliksik ngunit kailangang ding gustuhin niyang mapalalim pa ang
nauunawaan sa pamamagitan nang pagbasa sa buong pananaliksik.

PAGHAHAMBING
GAWAIN 1

PANUTO: Paghambingin ang iba’t ibang uri ng Abstrak. Gamitin ang mga kasunod na kahon para sa
iyong paghahambing.

IMPORMATIBO DESKRIPTIBO KRITIKAL

GAWAIN TUKUYIN NATIN!

2232
PANUTO: Tukuyin ang mga mahahalagang parte ng Abstrak, kulayan ito batay sa hinihingi sa ibaba

ABSTRAK

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang nabuong

kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating bansa. Sa
pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay gumagamit ng mga
konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng mga espesialista mula sa
kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at angkop ang siyentipikong
pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing sa katutubong karanasan ng
komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo ang malalim na pag-unawa sa
Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa kanyang kaugalian at mga elementong nagpapalakad ng
kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang
pagsisikap tungo sa
pambansang kaunlaran.

Green Highlight- Rasyunal

Blue Highlight- Metodolohiya

Red Highlight- Resulta

Yellow Highlight - Kongklusyon

PAGSASANAY !
GAWAIN 1
PANUTO: Sumulat ng abstrak batay sa nasaliksik na pananaliksik. Sipiin mula sa
binasang Journal o tesis/disertasyon ang mga impormasyong hinhingi ayon sa balangkas.

Pangalan ng Institusyon: ______________________________________________________

Address: : ___________________________________________________________________

Pamagat: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

May-akda; ___________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

I. MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL

II. SAKLAW AT LIMITASYON

III. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

IV. BUOD NG NATUKLASAN AT KONGKLUSYON a. Mga Natuklasan

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

b. Mga Kongklusyon

V. REKOMENDASYON

VI. ABSTRAK

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Sanggunian:

• Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc.
Quezon City.
• Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City
WEEK 5 55 PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

LET’S SET TARGETS!

 Natatalakay ang mahalagang katangian ng lakbay-sanaysay
 Natutukoy ang hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay
 Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa karanasan ng paglalakbay
 Natitiyak ang mga element ng aglalahad ng pinanood na episode ng isang programang
pampaglalakbay.

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating? Magbigay
ng isang natatanging lugar na iyo nang narrating. Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito
at paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar: _____________________________________________________

Ano ang iyong natuklasan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip, ayon kay
Seneca. Tunay ngang bukod sa porma ng pagpapahinga ang paglalakbay, binibigyan din tayo nito ng
oportunidad na pansamantalang tumigil at pag-isipan ang nakasanayan. Pinalalaya tayo ng paglalakbay sa
regularidad ng buhay at pinalalawak ang ating kamalayan at perspektiba. Sa pamamagitan ng paglalakbay,
nagkakaroon ka ng ideya at pagdanas sa kultura, pagpapahalaga at pamamaraan ng pamumuhay ng ibang
lahi. Nakakapagmuni ka sa sariling karanasan batay sa pagsasakonteksto nito sa mas malawak na
karanasan ng kapwa at lipunan.

ARALIN 6 LAKBAY-SANAYSAY

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa, sa pangunguna ng Kagawaran ng
Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo. Sa libolibon pulo rito sa Pilipinas ay talagang makikita na
napakaganda ng Pilipinas at dinadayo pa ito ng mga turista.

Tunay na mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi lamang sa taglay na likas na
kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na paksa para sa sulatin na lakbay-sanaysay.

Tungkol nga ba kanino o saan ang lakbay sanaysay?

Sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng ang paglalakbay at ang pagsusulat, mga gabay sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay.
ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSUSULAT
Ang travelogue ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabras sa telebisyon o ano mang bahagi ng
panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang lugar na binisita at mga karanasan dito ng
isang turista at dokumentarista.

Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang ito ay
pinanggalingan mula sa mga pnuntahang or “nilakbayang” mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura,
tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng
isang manlalakbay.

Malaki ang naitutulong ng mga travel blog para sa mga taong nagpaplano pa lamang ng kanilang
bakasyon.

Si Dinty W. Moore (2017) ay nagbigay ilang tip kung paano magiging mahusay ang gagawing lakbay-
sanaysay. Hinalaw ang kaniyang sinabi ayon sa sumusunod:

1. MAGSALIKSIK – Magsaliksik at magbasa nang malali tungkol sa iyong destinasyon bago dumating
sa lugar. Huwag lamang magpakuot sa mga guidebook.

2. MAG-ISIP NANG LABAS PA SA ORDINARYO – Kadalasang makikita sa mga guidebook ang

listahan ng mga hotel, kainan na pwede mong puntahan o mmga aktibidad na pwede mong gawin, ngunit
bilang isang mananaysay, kailangang mong magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta
namamalas ng mata.

3. MAGING ISANG MANUNULAT – Magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa isang turista.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Nagbigay rin si Moore (2013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat ng LakbaySanaysay.

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang
isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang naakaraming lugar sa iilang araw lamang
3. Ipakita ang kuwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
4. Huwag magpakuot sa mga normal na atraksyon at pasyalan
5. Hindi lahat ng paglalakbay at positibo at puno ng kaligayahan
6. Alamin mo ang natatanging pagkain na sa lugar lamang na binibisita matitikman at pag-aralang
lutuin ito.
7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na pooksambahan ng mga
taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalatay rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.

PAGSASANAY !
GAWAIN 1
PANUTO: Basahin ang isang lakbay-sanaysay na naranasn ng isang manlalakbay at sagutin ang mga tanong tungkol
dito.

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa paglalakbay
sa Romblon kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na sumakay sa
malaking barko. Maganda at maayos ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama sa presyo—
medyo mahal kompara sa ibang barko na mura nga subalit hindi gaanong maayos ang loob.

Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang unang uri
ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan.
Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay ang
tinatawag na cabin na may sariling kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang bahagi
ng Noli Me Tangere, tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga mamamayan sa
lipunan, may mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.

Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos naming mailagay ang mga
gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil maganda raw
pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang mag-agaw ang dilim
at liwanag.

Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa barko.
Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang minamasdan mo
ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na maihambing sa buhay ng tao
ang paglubog ng araw. Isang pamamaalam o isang kamatayan

ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy sa aking alaala ang mapait na kuwento ng aking
kaibigang marinero.

Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw ang
paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop sa
kalikasan na parang nakikipagpatintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay
hindi basta-basta kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa
matatalim na kidlat ay masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling magkamali
sa pagpihit ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.

Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang-tuwa sila
sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas. Grabe!
Pati ako ay natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan ang pag-ibabaw
nilang muli upang mag-selfie kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila
kasama ang aking sarili. Nice selfie.

Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala ka nang
mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na buhay at
baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.

Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako. Ayoko
ng malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na
kahapon ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.

Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming
higaan sa gitnang bahagi ng barko.

Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang nakahiga at
paminsan-minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.

Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming

sasakyan sa Romblon sa loob ng sampung minuto.

Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming destinasyon.

1. Paano tinukoy at inilarawan ng may-akda ang barko? Isulat ang mga pahayag dito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano-anong bagay sa kapaligiran ang binigyang-pansin ng may-akda? Paano niya ito binigyan ng
paglalarawan? Itala ang mga pahayag dito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Ano ang mahalagang impormasyon natutuhan mo sa binasang lakbay-sanaysay?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAGSASANAY !
GAWAIN 2
PANUTO : Sumulat ng isang lakbay-sanaysay tungkol sa isang lugar na iyong napuntahan gamit ang mga
ibinigay na hakbang sa pagsulat. Ilakip ang larawan ng lugar na iyong napuntahan sa paggawa ng
sanaysay. Ilagay ito sa Bondpaper, kasama ang panuto na ito.

____________________________________

PAGSUSURI !
GAWAIN 3
PANUTO: Manood ng isang programang pampaglalakbay. Suriin ang nilalaman nito ayon sa kalakasan at
kahinaan. Pagkatapos, ipaliwanag kung paano mapapabuti ang paggawa ng isang programang
pampaglalakbay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mungkahi.
Sanggunian:
• Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc. Quezon
City.
• Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc.
Malabon City

PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

WEEK 6 6

LET’S SET TARGETS!

 Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin.
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng mga
binasang halimbawa.
 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA
Paano mo paninindigan at ipagalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na mga sitwasyon.
1. Itinuro ka ng iyong kaklase sa iyong guro kaya ikaw ang napagkamalang naghagi ng balat ng saging sa sahig
upang madulas ang iyong kaklase.
2. Napulot mo ang wallet ng taong naiinis sa iyo. Iaabot mo sana ito sa kanya, subait pinagbintangan ka niya na
ikaw ang kumuha ng wallet niya.
3. Ang iyong ama ay dating mayor ng inyong bayan na nasangkot sa graft and corruption kaya nang ikaw ay
kumandidato bilang Kapitan sa inyong komunidad ay inaakusahan ka na isang magnanakaw.
ARALIN 7 6 POSISYONG PAPEL

Sa kabanatang ito, ang pagpili ng panig ay isang pangangailangan. Hindi maaaring walang
pinapanigan. Hindi pwedeng nyutral. Walang gitna. Kailangang may tiyak na posisyon.

Kaya naman sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng kahulugan ng
posisyong papel, mga batayang katangian ng posisyong papel.

A. KAHULUGAN NG POSISYONG PAPEL

Isang sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa
batas, akademiya, politika, at iba pang larangan.

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambababasa na magkaroon ng kamulatan sa

argumentong inihahain sa kanila. Maaring isgawa ang pagsulat ng posisyong papel ayon sa isyung
ipinaglalaban ng isang indibidwal o organisasyon uang maiparating ang kanilang mga opinyon at
paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu.

B. MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

1. Pagpili ng paksa batay sa interes

2. Magsagawa ng paunang pananaliksik

3. Hamunin ang iyong sariling paksa

4. Magpatuloy upang mangolekta ng sumusuportang katibayan

Lumikha ng balangkas.

KAYANG-KAYA MO!
GAWAIN 1
PANUTO: Pumili ng isang editorial cartoon mula sa local na pahayagan. Pagkaapos, idikit sa bondpaper. Tukuyin an
mahahalagang isyu na binibigyang-diin dito. Bumuo ng mga argumento at ipaliwanag nang matibay at
mapanghikayat ang iyong pinaninindigang opinyon. Iayos ang mga detalye uang makabuo ng posisyong papel.

KAYANG-KAYA MO!
GAWAIN 2
PANUTO: Pumili ng isang napapanahong paksang may implikasyong legal at/o political tulad ng
sumusunod:

a. Legalisasyon ng Same Sex Marriage

b. Legalisasyon ng Medikal na Paggamit ng Marijuana

c. Legalisasyon ng Organs-for-sale

d. Pag-aamyeda/ Pagpapalit ng Konsitusyon ng Pilipinas

e. Paglilimita sa Karapatang Bumuto sa mga Lehitimong Taxpayer.

Sanggunian:
 Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc. Quezon City.
WEEK 7 PAGSULAT NG BIONOTE

LET’S SET TARGETS!

 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong
sulatin
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!

SIMULAN MO NA
Ang nasa larawan ay isang kabataang politico. Angalanan mo siya at ipakilala.

Isa-isahin ang mga datos na kailangan upang mas makilala ang politikong si _______________________.
Ipagpalagay na kakailanganin ang mga datos na ito upang maipakilala mo siya nang mabuti sa kanyang
political rally sa inyong barangay. Ipakilala siya batay sa kanyang mga proyektong nagawa, edukasyong
natamo, at katangiang personal. Isulat ang mga hinihinging datos sa loob ng bawat kahon.
EDUKASYON: KATANGIANG PERSONAL

PROYEKTONG NAGAWA
ARALIN 8 BIONOTE
7
PANIMULA:
Sa mga nagdaang panahon, ang pagpapakilala sa mga susing tagapagsalita ay lubhang napakahaba at
nakakabagot para sa mga tagapakinig. Napakaraming impormasyon ang ibinabahagi, kaya kung minsan,
ito ay lubos nakauubos ng oras.

Ngayon ay ipinakikilala na lamang ang susing tagapagsalita sa pinakapayak na paraan kaya’t

mahalagang matutuhan ang pagsulat ng bionote.
Kaya naman sa modyul na ito mamamalas ang batayang konsepto kaugnay ng Kahulugan at
halaga ng bionote, mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Bionote at Hakbang sa pagsulat nito.

A. KAHULUGAN NG BIONOTE
Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “buhay”. Nagmula rin sa wikang Griyego
ang salitang graphia na ang ibig sabihin ay “tala” (Harper, 2016). Sa pagsasanib ng dalawang salita
nabubuo ang salitang biography o “tala ng buhay”. Ang bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga
impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa.

TANDAAN:
Binibigyang-diin ang mga sumusunod:
A. Parangal
B. Edukasyon
C. Nakamit
D. Paniniwala
Ang layunin nito ay pataasin ang kredibilidad ng susing tagapagsalita.
Maaaring mangyaring biglaang pagbabago sa isang bionote kaya dapat ay mahusay sumulat ng
komposisyon on-the-spot ang tagapagsalita (emcee)

B. DAPAT ISAALANG-ALANG
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng bionote

1. Balangkas sa pagsulat -
Dapat ay may organisasyon ang
sulatin. Gumamit ng inverted
pyramid.

2. Haba ng bionote -
Kadalasan ay may tatlong uri ng haba
ang bionote

URI NG HABA NG BIONOTE

✘ Micro-bionote: kadalasang
para sa social media o
business card. Pangalan>ginagawa>detalye sa kontak
✘ Maikling bionote: 1 – 3 talata. Ginagamit sa aklat, seminar, atbp.
✘ Mahabang bionote: May oras para sa pagbasa ng bionote.

3. Kaangkupan ng nilalaman - Hindi lahat ng natamo ng gagawan ng bionote ay isasama.

TANDAAN:
IWASAN
Paglalagay ng hindi naaayon sa magaganap o paggagamitan

ISAMA
Kilalanin ang awdyens o mga tagapakinig
4. Antas ng pormalidad – Antas ng mga salitang gagamitin Mahalaga: OKASYON at
TAGAPAKINIG.

5. Larawan
Malinaw, propesyonal tignan, pormal kung kailangan ang larawan

HAKBANG SA PAGBUO NG BIONOTE

I. Tiyakin ang layunin
II. Pagdesisyunan ang haba ng bionote
III. Gamitin ang ikatlong panauhan
IV. Simulan sa pangalan
V. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
VI. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay
VII. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye
VIII. Isama ang contact information
IX. Basahin at isulat muli ang bionote

WORKSHEET

GAWAIN 1

1. Magsagawa ng isang panayam o interbyu sa isa mga sumusunod na personalidad.

a. Isang gurong may naisulat nang aklat

b. Isang arkitekto o inhinyero na piniling tagapagsalita sa okasyon ng pagtatapos ng mga mag-
aaral
c. Isang manager o superbisor ng isang kompanya na magiging tagapagsalita sa isang
seminar.
d. Isang politico na naimbitahan sa isang programa ng non-governmental organization
e. Isang lider ng simbahan na tagapangasiwa sa isang retreat program
f. Isang guro na lubos mong hinahangaan dahil angking galling niya sa pagtuturo.

2. Maghanda ng mga gabay na tanong bago ang takdang araw ng interbyu at ipacheck sa guro.

3. Itala sa inyong kuwaderno ang mga datos o impormasyong nakalap sa isinagawang interbyu.

4. Gawan ng bionote ang taong inyong ininterbyu. Lakipan ito ng larawan ng paksa ng bionote.

KAYANG-KAYA MO !

GAWAIN 2 2
PANUTO: Kayo ay magsasagawa ng isang seminar na lalahukan ng mga Grade 10 Students. Bilang organizer, pumili
ng isang propesyonal na magiging susing tagapagsalita. Gawan ng bionote ang propesyonal na ito na sasabihin sa
harap ng mga tagapakinig.

NILALAMAN:

1. Mataas na gantimpala o pagkilalang natanggap: titulo at institusyon kung saan

2. Tinapos na kurso sa kolehiyo: gantimpala at pagkilala isama rin
3. Post graduate: Masteral / doctorate
4. Propesyon noon (kung meron) at ngayon: Kasalukuyang posisyon at mga pagkilala.
5. Ilang personal na detalye.

PORMAT:
I-download sa: http://bit.ly/2CpMKge
PAGTATALA !

GAWAIN 3
Sampung taon na ang nakalipas magmula nang magtapos ka sa JRCA. Matagumpay ka nang propesyonal at
ika’y inanyayahan ng JRCA na maging susing tagapagsalita sa Career Orientation ng mga outgoing Grade 10 students.
Paano mo ipakikilala ang iyong kapareha?

Halimbawang Bionote

Si Mary Grace I. Natuel ay dalawampu't dalawang taong gulang, kasalukuyang nagtuturo sa Jesus Reigns Christian
Academy. Nakapagtapos sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya medyor sa
Komunikasyong Pangmadla at Pagtuturo. Nakapagtapos na may karangalan
(President Lister).

Naging Tagapamahala ng Produksiyon (Production Manager) sa opisyal na dulaang pangtanghal sa nasabing

unibersidad.

Siya rin ay naging awtor sa Opisyal na Journal ng PUP at naging Editor-in-chief ng pahayagan ng kanilang kolehiyo.

Batang Maynila. Isinilang sa mayamang hanguan ng karanasan ng kahirapan sa distrito ng Sampaloc.

Sa ngayon ay kasalukuyan siyang SK CHAIRMAN sa kanilang barangay, isang kabataan na may magandang ehemplo sa
mga kabataan.

Sanggunian:
• Garcia, F. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Sibs Publishing House, Inc. Quezon City.
• Bernales, et. Al (2017). Filipino sa Larangang Akademiko. Mutya Publishing House, Inc. Malabon City.

WEEK 8
PAGSULAT NG PICTORIAL ESSAY

LET’S SET TARGETS!

 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga pinilingakademikong
sulatin.
 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.
 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
LET’S BUILD YOUR BACKGROUND!
SIMULAN MO NA
Pansinin ang bawat kasunod na larawan. Sa bawat kasunod na patlang, isulat ang iyong
paliwanag sa ibaba.

1________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________
PICTORIAL ESSAY
ARALIN 9
7
A. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PICTORIAL ESSAY
 Tinatawag din itong photo essay.
 Larawan at teksto ang pangkalahatang sangkap nito.
 Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa
pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada larawan.

B. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL ESSAY

1. Malinaw na paksa – Hindi kailangang napakaengrande ng paksa. Pumili ng paksang mahalaga
sayo at alam na alam mo.
2. Pokus – Ang iyong malalim napag-unawa, pagpapahalaga at na tamang oserbasyon sa paksa ay
mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pictorial essay.
3. Orihinalidad – Higit na mainam na kung ikaw mismo ang kukuha ng mga larawan.
4. Lohikal na Estruktura – Isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
5. Kawilihan – Ipahayag ang iyong kawilihan at interes sa iyong paksa.
6. Komposisyon – Huwag gumamit ng malalabo o madidilim na larawan.
7. Mahusay na Paggamit ng Wika – Tiyakin ang teksto ay tumatalakay sa larawan.

C. PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY.

1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda ng inyong guro
2. Isaalang-alang ang iyong audience.
3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong
layunin.
4. Kumuha ng maraming larawan.
5. Piliin at ayusin ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan.
WORKSHEET

GRAPHIC ORGANIZER: Balikan ang pinagawa ng guro sa SIMULAN MO

NA, pagkatapos, igawa mo ng salaysay ang mga pangyayaring isinasaad ng
mga larawan sa loob ng limang makabuluhang pangungusap. Angkupan ito
GAWAIN 1 ng mapanghikayat na pamagat.
Paano mo ba ginagamit nang may makabuluhan ang iyong cellphone?
GAWAIN 2 Gamit ang iyong cellphone, kumuha ka ng limang mahahalagang larawan
na bubuo sa mapipili mong paksa sa ibaba. Gumawa ng pictorial essay na
isasaayos sa isang 1/8 illustration board. Angkupan ng pamagat ang
kuwento nito.

Mga Paksa:
 Buhay ng isang mag-aaral
 Trabaho ng isang guro
 Buhay ng isang tindera sa maghapon
 Gawain ng isang kapitan ng barangay sa isang araw
 Buhay ng isang tambay
Manaliksik sa Internet ng dalawa hanggang tatlong halimbawa ng pictorial
GAWAIN 3 essay. Suriin.ang pagkakabuo nito ayon sa mga dapat isaalang-alang sa
paggawa g pictorial essay.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

You might also like