Activity Book Sa Filipino Modyul 9 Module 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

FILIPINO BAITANG 9 – LIBRONG GAWAIN 2

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG SILANGANG ASYA


B. PANIMULANG PAGTATAYA
1. Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan.
A. morpema C. salitang – ugat
B. ponema D. pantig

2. Tulang mula Hapon na binubuo ng 31 na pantig.


A. Ambahan C. Tanaga
B. Haiku D. Tanka

3. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.


A. maikling kuwento C. parabula
B. kuwentong bayan D. pabula

4. Pamuno sa pandiwa o tinatawag din itong malapandiwa.


A. aspekto C. pangatnig
B. modal D. pawatas

Para sa mga bilang 5-7


Mula sa isang tuldok ng kaluwalhatian, anak, ikaw ay sumilang. Inaruga ka ng iyong ama at ipinaghehele
sa oyayi nang walang pag-iimbot na pag-ibig. Ni sa lamok ay ayaw kang padapuan. Ni sa langgam ay
ayaw kang pagapangan.

Ngunit paminsa-minsan, anak, ikaw ay umaatungal ng iyak. Pagkat ayaw mo sa iyong yaya. Ni sa iyong
mga tiya. Ang gusto mo’y sa akin magpaalaga, magpakuwento, magpatulog. Gusto mo’y magpaheleng
katulad noong ikaw ‘y sanggol pa. Kung kailan pa naman ako subsob sa pagmamakinilya. Paano ko
ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsan ay mas kailangang mas harapin ko pa ang
pagmamakinilya kaysa sa pagkarga sa iyo? (Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G.
Tiamson Rubin)

5. Alin sa magkapares na salita ang magkasingkahulugan?


A. padapuan-pagapangan C. wagas-dalisay
B. iyak na iyak- umaatungal D. magpahele-magpa-alaga

6. Alin sa talaan ang mga halimbawa ng pangatnig?


A. mo, iyo, ikaw C. ang, si, sina
B. ni, kung, ngunit D. mas, kaysa

7. Ang pangatnig ay mga kataga o salita na ___________ ng dalawang salita, parirala, o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
A. nagsasama C. nag-uukol
B. nagtuturing D. nag-uugnay

8. Ano ang hindi kabilang sa pangkat?


A. direktor C. kariktan
B. iskrip D. tanghalan

9. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?


A. aktor C. iskrip
B. direktor D. manonood

10. Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, siya ay ang ______.
A. aktor C. manonood
B. direktor D. tanghalan

11. Ano ang mga kohesiyong pangramatika na pagpapatungkol?


A. Anapora at Katapora C. Pangatnig na Pananhi at Temporal
B. Nominal at Berbal D. Pangatnig na Pandagdag at Panalungat

12. Paano ginamit ang modal sa pangungusap: “Ibig ng mga tutubi na ipaghiganti ang kanilang prinsesa.”
A. malapandiwa C. pandiwa
B. panuring D. pawatas

13. Hindi maganda ang tubo ng halaman kaya namatay. Paano binibigkas ang salitang nasalungguhitan
sa pangungusap?
A. /tu.boh/ C. /tu.bo?/
B. /TU.bo/ D. /tu.BO/

14. Ama ng maikling: Edgar Allan Poe, Ama ng sinaunang pabula: _____________
A. Aesop C. Nukada
B. Basho D. Ki no Tomonori

Para sa mga bilang 15-19


Hindi na kaila sa mga taga-Tulikan ang pakikipagkasintahan ni Derang sa inhinyerong namamahala sa
binuksang lansangang nagmumula sa kabayanan, bumabagtas sa nayong ito, at patungo sa kabundukan
ng Sinukuan. Hindi nila dinaramdam ang gayon, sapagkat wika nila’y likas na yaon sa mga taong
magkakatugon ang damdamin. Bagaman nagkagayon si Derang ay walang pinag-uukulan ng sali-salitaan
kundi ang ama nitong si Mang Tiyago, sapagkat magmula nang mangibig ang inhinyero’y nawala na ang
dating mairog na pakikisama sa kanyang mga kanayon. Hindi nila sinisisi si Derang, sapagkat naniniwala
ang mga taga-Tulikan na sa puso ng dalaga ay hindi nagbuko ang damdaming nagnanasa ng karangalan.
Ang tanging dinaramdam ng lamang nila’y ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang
na si Tandang Tiyago. (Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal)

15. Ang ibig sabihin ng pariralang ang pagkawala ng dating mainam na ugali ng ama ni Derang ay
__________.
A. naging mayabang C. nagbago ang pakikitungo sa kapwa
B. mahirap itong pakisamahan D. nagbago ang magandang pag-uugali

16. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay____________.


A. pareho ang minamahal C. iisa ang itinitibok ng puso
B. pareho ang iniibig D. iisa ang isinisigaw

17. Ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwento ay ang ________.


A. tauhan C. pangyayari
B. lugar D. aral

18. Ang kuwentong ito ay mauuri sa___________.


A. pangkatauhan C. makabanghay
B. pangkatutubong-kulay D. pangkaisipan

19. Ang dahilan ng pagdaramdam ng mga taga-Tulikan ay ___________.


A. pagbabago ng pakikitungo ni Mang Tiyago
B. pagdating ng mga taga-Maynila
C. pagbabago ng kanilang lugar
D. pangingibig ni Derang sa iba

20. Ano ang ikinaiba ng dula sa ibang genre ng panitikan?


A. Ito ay binibigkas nang maindayog.
B. Ito ay itinatanghal.
C. Ito ay masining na isinasalaysay.
D. Ito ay mayaman sa supernatural na pangyayari.

21. Ano ang kadalasang ipinapakita sa isang dula?


A. Kabayanihan ng mga tauhan
B. Pinagmulan ng isang bagay
C. Nagaganap sa buhay ng tao
D. Kagandahan ng kapaligiran

22. “Siya ang Ina ng Demokrasya, hindi matatawaran ang kontribusiyon ni dating pangulong Cory Aquino
sa samabayanang Pilipino.” Sa pangungusap, anong kohesiyong gramatikal ang ginamit?
A. sa C. siya
B. hindi D. ni

23. Batay sa sagot sa blg.7, anong uri ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol ang ginamit?
A. anapora C. nominal
B. berbal D. katapora

23. Bakit mahalaga ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa pagbuo ng mga pahayag o
diyalogo?
A. Binibigyang-turing nito ang mga pangngalan
B. Iniiwasan nito ang pag-uulit ng mga pangangalan
C. Napaiikli nito ang mga pangungusap
D. Napalalawak nito ang mga pangungusap

24. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.
B. Mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa mga hayop.
C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.
D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang kuwento.

25. Ano ang ibig sabihin ng paglagas ng Cherry Blossoms sa mga Tanka ng Hapon.
A. paglipas ng panahon C. Mainit na ang panahon.
B. Malapit na ang taglamig. D. Nalanta na ang Cherry Blossoms.

26. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan upang
___________
A. mas maging malakas ang ating tinig sa pagbigkas.
B. maging wasto ang baybay ng mga salitang ating isinusulat.
C. maging malinaw ang kahulugan ng nais nating maipabatid
D. maipaabot sa kausap ang tumapak na mensahe at damdamin.

27. Paano naiiba ang tanaga sa Pilipinas at Tanka ng Japan?


A. May tugma sa tanaga sa Tanka ay wala.
B. Mas mahaba ang Tanka kaysa sa tanaga.
C. Malalim ang kahulugan ng Tanka, ang tanaga’y mababaw
D. Ang paksa ng tanaga ay tungkol sa pag-ibig, ang Tanka ay sa panahon

28. Hindi ganap na pandiwa ang mga modal sapagkat ________


A. hindi ito nagsasaad ng kilos
B. ito ay nasa anyong pawatas
C. ginagamit lamang itong panuring sa pandiwa
D. wala itong ganap na kahulugan kapag nag-iisa

Para sa mga bilang 29-31


Paano ko ipaliliwanag sa iyo, anak, kung bakit kung minsa’y kailangan kong umalis ng bahay at sa gabi na
bumalik habang iyak ka nang iyak at ako ang palaging tinatawag ? Kung sa ngayon, anak, ako muna’y
patawarin. Ngunit baling-araw sana’y maunawaan mong ang pagmamahal na iyan ang siyang tunay na
dahilan kung bakit kung minsan ay mas hinaharap ko pa ang pagmamakinilya kaysa paghele sa iyo.
Halaw sa: Paano Nagsusulat ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson Rubin

29. Ang tono ng nagsasalita sa sanaysay ay


A. nagdaramdam C. nagpapaunawa
B. nagtatampo D. nanghihikayat

30. Ang layunin ng sumulat ng tekstong ito ay upang ____________


A. isa-isahin ang pagkukulang ng ina
B. ipaunawa sa anak ang sitwasyon ng ina
C. ipaunawa sa anak kung bakit nagtatrabaho ang ina
D. makonsensiya ang ina sa kawalan ng panahon sa anak

31. Ipinapakita sa teksto ang realidad sa lipunan na ang babae ay:


A. pantahanan lamang
B. abala sa labas ng tahanan
C. aktibong bahagi ng lipunan
D. katuwang sa paghahanapbuhay

para sa mga bilang 32-34


Nagugunita pa ng mga taga-Tulikan ang unang pagkakarinig nila sa pangalang Rosauro Santos. Isang trak
ang unang naghatid ng pangalang ito sa Tulikan, trak na kinalululanan ng mga piko at pala. Ipinagtanong
ng tsuper ng sasakyan ang bahay ang tininti sa nayon upang ihabilin dito ang mga kagamitan. Ang
inhinyero ay kasunod na kinabukasan at sa bahay ng tininti nanuluyan. Hindi na nga naglaon at
umalingasngas ang balitang nangingibig ang inhinyero sa anak ng tininti, kay Derang na lalabing-animing
taon lamang. Halaw sa: Nagbibihis na ang Nayon ni Brigido Batungbakal

32. Ang sadya ng inhinyero sa bayan ng Tulikan ay upang __________.


A. makilala si Derang C. mamahala sa mga kagamitan
B. makilala ang bayan D. mamahala sa pagbubukas ng daan

33. Batay sa reaksiyon ng mga taga-Tulikan sa mga pangyayari sa kuwento, masasabing sila ay
__________.
A. malapit sa isa’t isa C. hindi nagkakasundo
B. mainggitin sa kapwa D. hindi nagkakaisa

34.Ang layunin ng may-akda sa paghahatid ng kanyang kuwento ay


A. ipakilala ang mga tauhan
B. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
C. isalaysay ang mga pangyayari
D. maghatid ng mga aral

Para sa mga bilang 35-37


Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng
sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng
sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ni Kulas ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at
pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Hango sa dulang: Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo

35. Ano ang senaryong ipinakita sa bahagi ng dulang “Sa Pula, Sa Puti”?
A. pagsisisi sa huli C. panghihinayang sanhi ng pagkatalo
B. pagkahilig sa sugal D. pag-aaway

36. Alin sa sumusunod ang angkop na ayos ng tanghalan o tagpuan ng dulang nasa itaas.
A. sa bakuran ng mag-asawang Kulas at Celing
B. sa dampa ng mag-asawang Kulas at Celing
C. sa sala ng mag-asawang Kulas at Celing
D. sa tarangkahan ng mag-asawang Kulas at Celing

37.“Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong!” Kung isasaayos mo ang pahayag na ito
at gagamitan ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol, anong kohesiyong gramatikal na
pagpapatungkol ang angkop?
A. ito C. sila
B. iyan D. siya

Para sa mga bilang 38-39


38. Anong kulturang Pilipino ang lantad sa bahaging ito ng dula?
A. Maluwag na pagtanggap sa kamatayan
B. Pag-iiwan ng habilin bago lumisan
C. Paghingi ng tawad sa naging pagkakasala
D. Pagmamahal at pagmamalasakit sa magulang

39. “Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala!” Kung durugtungan ang pahayag na ito at gagamitan
ng kohesiyong gramatikal, ano sa sumusunod na panghalip ang angkop?
A. nila C. sila
B. niya D. siya

40-50. Sumulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng kultura ng alinmang bansa sa Silangang Asya.
Maaaring ito ay pormal o di-pormal at hindi bababa sa 200 salita.

C. YUGTO NG PAGKATUTO

I. Tuklasin
Alamin natin ang baon mong kaalaman tungkol sa mga araling nakapaloob dito upang sa pagtatapos ay
maipaliwanag mo kung gaano Tenyong: Tatang, ikaw po’ y ititihaya ko nang hindi mangalay… Inggo:
Huwag na… anak ko…hindi na maaari…luray-luray na ang katawan ko…Tayo’y maghihiwalay nang walang
pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin… Julia-Juana… kayo na
lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila…Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala! Adyos mga
kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y iyong patawarin… Naluoy na yata ang puso ng mga
Kastila. Hango sa dulang: Walang Sugat ni Severino Reyes

kabisa ang mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura at kaugalian ng mga
bansa nito. Subukin mo ngang isakatuparan ang kasunod na gawain sa ibaba. Gawin mo ito sa sagutang
papel. Ipagpagpatuloy ang pagpapalawak ng iyong kaalaman sa araling ito.

Watawat Anong bansa ito? Ano ang pagkakakilanlan o tatak ng bansang ito?
INSERT MONGOLIA
FLAG

A. Tuklasin
Panimulang Pagtataya
Sa kasunod na mga gawain, tuklasin natin kung may alam ka na sa pagkakaiba ng Tanka at Haiku.

GAWAIN 1. Suriin Mo
Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa at mensaheng nais ipabatid nito.
Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Naghihintay Ako Anyaya
ni Prinsesa Nukada ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Ulilang damo
Naghintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sa ‘yo. Halika, sinta
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay Ako
Katapusan ng Aking Paglalakbay
Haiku
Tutubi
Anyaya

GAWAIN 2. Paghambingin Mo
Mula sa binasang Tanka at Haiku, isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito batay sa
kayarian. Kopyahin sa iyong sagutang papel ang graphic
organizer.

Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Masasalamin ba sa mga akda ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Ipaliwanag.
2. Bakit kinahiligan ng mga Hapon ang pagsulat ng maiikling tula?
Nasiyahan ka ba sa naging resulta ng gawain? Huwag kang magaalala, nais lamang nitong sukatin ang
taglay mo ng kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

Tanka
Pagkakaiba
Haiku
Pagkakaiba
Pagkakatulad
Tanka at Haiku

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Batay sa kultura ng mga Hapon, isulat sa loob ng kahon ang mga salitang kaugnay ng kahulugan o
ipinahihiwatig ng mga salitang nasa biluhaba. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

GAWAIN 4. Kahon ng Kaalaman


Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa binasang kaligirang
pangkasaysayan ng Tanka at Haiku. Hanguin ang pormat sa papel.
Kahulugan
kaugnay o konotasyong
kahulugan
kaugnay o konotasyong
kahulugan
Kahulugan
kaugnay o konotasyong
kahulugan
kahulugan
palaka
Cherry
Blossoms taglagas
Tanka
panahon kung kailan
naisulat

paksa at tema

sukat

Haiku
panahon kung kailan naisulat

paksa at tema

sukat

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga tanong.
1. Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng Tanka at Haiku na tinalakay? Ganito rin ba
ang iyong naramdaman? Bakit?
2. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku? Ano ang nais ipahiwatig nito?
3. Paano nakatutulong ang Tanka at Haiku sa pagpapakilala ng kultura ng bansang pinagmulan nito?
4. May pagkakaiba ba ang pagbigkas ng Tanka at Haiku? Sa paanong paraan?
5. Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang nais mong talakayin? Ipaliwanag.

GAWAIN 6. Pagapapaunlad ng Kaalaman


Basahin at unawain ang halimbawa ng Haiku, Tanka at Tanaga.
Sagutin ang kasunod na mga tanong.
Haiku Tanaga
Haiku ni Natsume Soseki Tag-init
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
ni Ildefonso Santos
Sa kagubatan
Alipatong lumapag
Hangi’y umaalulong
Sa lupa, nagkabitak
Walang matangay
Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, nagagablab
Haiku ni Bashō Kabibe
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat ni Ildefonso Santos
Ambong kaylamig Kabibe ano ka ba
Maging matsing ay nais May perlas maganda ka
ng kapang damo Kung idiit sa tainga
Nagbubuntong hininga

Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking Paglalakbay
ni Ki Tsurayuki ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Isinalin ni M.O. Jocson
Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga
Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa lilim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.

Sagutin ang mga gabay na tanong


1. Ipaliwanag ang konotasyon at denotasyon ng salitang nasa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel.
denotasyon konotasyon
Umaalulong
Damo
Alipato
Kabibe
Ligaya
Paglalakbay
2. Paghambingin ang ilang halimbawa ng Tanka, Haiku, at Tanaga batay sa sukat, tugma at pagbigkas.
3. May pagkakatulad ba ang pagsulat ng mga Pilipino ng Tanaga sa pagsulat ng Tanka at Haiku ng mga
Hapon? Patunayan.
4. Masasalamin ba sa halimbawang Haiku, Tanka at Tanaga na naibigay ang kultura ng bansang
pinagmulan nito? Ipaliwanag.
5. Batay sa mga nabasang halimbawa ng tula, anong mga isyung panlipunan ang maaaring maiugnay sa
mga ito?
Pagsasanay 1. Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang
bigkas.
1. / SA:ka/ - _________________ /sa:KA/- _________________
2. /BU:hay/- _________________ /bu:HAY/-________________
3./ki:ta/ - ___________________ /ki:tah/- __________________
4. /ta:la/ - ___________________ /ta:la?/ - _________________
5. /ba.lah/ -__________________ /ba.la?/- _________________

Pagsasanay 2. Tono
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa
mababa, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel.
1. kanina = _______, pag-aalinlangan
kanina = _______, pagpapatibay, pagpapahyag
2. mayaman = _______, pagtatanong
mayaman = _______, pagpapahayag
3. magaling = _______, pagpupuri
magaling = _______, pag-aalinlangan
4. kumusta = _______, pagtatanong na masaya
kumusta = _______, pag-aalala
5. Ayaw mo = _______, paghamon
Ayaw mo = _______, pagtatanong

Pagsasanay 3. Diin
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa
diin.
Halimbawa: /SA:ka/ - bukid, /saKA/ - at saka (also)
1. /BA:ba/ - ________________ /ba:BA/ - ________________
2. /BA: ta/ - ________________ /ba:TA/ - ________________
3. /BA: ga/ - ________________ /ba:GA/ - ________________
4. /LA:bi/ - ________________ /la:BI/ - ________________
5. /BA:sa/ - ________________ /ba:SA/ - ________________

Pagsasanay 4. Hinto/ Antala


Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay
sa paggamit ng hinto at intonasyon.
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.

C. Pagnilayan at unawain
1. Paano naiiba ang Tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula?
2. Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula?
Ngayong natutuhan mo ang pagkakaiba ng Tanka at Haiku sa iba pang uri ng tula tulad ng Tanaga at
kung paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula, ilipat mo sa isang
mahalagang gawain.

D. Ilipat
Basahin ang sitwasyon sa loob ng kahon. Makiisa sa pangkatang gawain sapagkat nakasalalay rito ang
inyong tagumpay.

GAWAIN 7. Masining na Pagbigkas


Magkakaroon kayo ng Grand Family Reunion bilang pagdiriwang sa ika- 80 kaarawan ng inyong lolo.
Napagkasunduan ng angkan na magsagawa ng paligsahan sa pagtatanghal. Upang maging kakaiba sa
lahat, naisip ninyo na sariwain ang mga Tanka at Haiku na nasulat ng inyong lolo noong panahon ng mga
Hapones. Sa iyong pagtatanghal, tiyaking masusunod mo ang mga pamantayan:
A. Wastong bigkas ................................................ 40%
B. Malinaw na pagbasa at interpretasyon ............. 40%
C. May damdamin ................................................. 20%
Kabuuan ......................................................... 100%

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos
na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang modyul o dili kaya’y magtanong sa iyong guro.
Tandaang ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat
ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay. Ang bansang susunod mong papasyalan ay ang
Korea. Maligayang paglalakbay at pag-aaral.

Yugto ng Pagkatuto
A. Tuklasin

GAWAIN 1. Iguhit Mo
Mula sa mga tauhan ng mga pabulang nabasa mo gumuhit ng isang hayop na sumisimbolo sa iyong
pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop. Gawin ito sa sagutang papel.

GAWAIN 2. Iugnay Mo
Pakinggan ang pabulang babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Pasaway na Palaka” na isinalin
sa Filipino ni Vilma C. Ambat mula sa Korea at isagawa ang sumusunod na gawain:

Pabula

1. Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula batay sa pabulang napakinggan. Kopyahin
ang pormat sa sagutang papel.
2. Bakit hayop ang ginamit na tauhan sa kuwento?

Nagsisimula pa lamang ang masaya mong paglalakbay sa mundo ng pabula. Magpatuloy ka lamang sa
pag-aaral ng araling ito sapagkat mas marami ka pang matutunghayang hiwaga.

GAWAIN 3. Tukuyin ang Ipinahihiwatig


Ipaliwanag ang nais ipahiwatig ng mga sumusunod na pahayag batay sa pagkakagamit sa binasang
pabula. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Kinabukasan ipinagpatuloy ng tigre ang paghingi ng tulong hanggang siya’y mapagaw. Nang walang
tulong na dumarating lumupasay siya sa lupa.
2. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
3. Nais sanang tulungan ng lalaki ang tigre subalit nangibabaw ang kaniyang pangamba.
4. “Mga taon ang binibilang namin upang lumaki pagkatapos puputulin lang ng mga tao!” sumbat ng
puno ng Pino.
5. “Dapat kainin ng tigre ang tao” ang hatol ng punong Pino at baka.

GAWAIN 4. Ikuwento Mong Muli


a. Ayusin ang mga larawan batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabula.
Gamitin ang bilang 1-5. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

b. Ilarawan ang katangian at ginampanan ng bawat tauhan sa pabula.


Kopyahin ang porma sa sagutang papel.
Pangalan ng Tauhan Katangian Ginampanan

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki? Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho? Ipaliwanag.
3. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano kaya
ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
5. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-aabuso
sa sumusunod:
a. hayop
b. kalikasan
6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea?
7. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

GAWAIN 7. Story Ladder


Isulat ang mahahalagang pangyayari sa pabulang “Nagkamali Ang Utos”. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
wakas
kakalasan
kasukdulan
tunggalian
Simula

GAWAIN 8. Mga Gabay na Tanong


1. Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?
2. Nasasalamin ba sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang kultura nating mga Pilipino? Ipaliwanag.
3. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng hari ng tutubi sa pabulang “Nagkamali
ng Utos” at ang kuneho sa “Ang Hatol ng Kuneho”?

Pagsasanay 1
Halawin mula sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang mga pangungusap na nagtataglay ng modal at
tukuyin kung paano ginamit ito. Isulat ang A kung ito ay ginamit bilang malapandiwa at B kung ito ay
ginamit bilang panuring.

Pagsasanay 2
Dugtungan ang mga pangungusap upang mapalawak ang kaisipang nais ipabatid.

_____1. Dapat nating alagaan ang kalikasan.


_____2. Ibig kong umahon sa kahirapan.
_____3. Kailangan natin ng pagbabago.
_____4. Gusto kong marating ang magagandang tanawin sa ating bansa.
_____5. Maaari pa kaya ito?

Pagsasanay 3
Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel.
Mga Pagpipilian:
a - Nagsasaad ng posibilidad c – Hinihinging mangyari
b - Nagsasaad ng pagnanasa d – Sapilitang mangyari
___1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula
___2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
___3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka ngayon.
___4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
___5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
___6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa ng mga taga-
Korea.
___7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
___8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipinas at Korea.
___9. Maaari kang maging manunulat ng pabula tulad ni Aesop.
__10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

Pagsasanay 4.
Bilang kabataan, magmungkahi ng isang batas na nais mong maipatupad o mga dapat gawin sa
sumusunod na isyung panlipunan sa ating bansa. Kopyahin sa sagutang papel ang kasunod na porma.
korupsyon
reporma sa edukasyon
pangkapayapaan

C. Pagnilayan at Unawain

1. Batay sa iyong nasaliksik at napag-aralan, may pagkakaiba ba ang katangian ng mga hayop na ginamit
sa pabula ng Korea at ng Pilipinas?

2. Masasabi bang ang mga katangian na taglay ng mga hayop na tauhan sa pabula ay sumasalamin sa
mga katangian ng mga tao sa bansang kanilang pinagmulan? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalaga ang pabula?


Binabati kita at narating mo na ang bahaging ito ng aralin. Alam kong nanabik ka nang gamitin ang lahat
ng iyong natutuhan para sa pangwakas na gawain. Unawain ang mga panuto ng iyong guro upang
maisagawa ito nang maayos.

D. Ilipat

GAWAIN 9. Malikhaing Pagsulat


Basahin ang sitwasyong inilahad. Isagawa ito nang buong husay. Makiisa at mag-ambag ng kaalaman sa
pangkatang gawain. Wika nga “ang tingting kapag nag-iisa ay hindi makalilinis nang mahusay subalit
kapag sama-sama’y maraming magagawa.” Alam mo ‘yan, di ba? Binabati kita sa pakikiisa mo sa mga
gawain. Sa paligsahan ay may nananalo at natatalo. Ang higit na mahalaga’y buong puso mong ibinigay
ang lahat ng iyong makakaya. Alam na alam mo ‘yan!

Pinuno ka ng Human Resource Department ng isang kompanya. Magsasagawa ka ng Team Building


Workshop upang pagtibayin ang pagkakaroon ng pagkakaisa, pagmamalasakit, at dedikasyon sa trabaho
ng iyong mga empleyado. Magsasagawa ka ng paligsahan sa pangkatang pagsulat ng pabula bilang isa sa
mga bahagi ng workshop. Ang bawat pangkat ay dapat pumili ng isang hayop na sisimbolo sa isa sa mga
katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na empleyado. Ang napiling hayop ang gagawin nilang
tauhan sa kanilang isusulat na pabula. Dapat isaalang-alang sa paghuhusga ang sumusunod na
pamantayan:
a. Orihinalidad...................................................... 25 %
b. Pagiging malikhain ......................................... 25 %
c. Pagkakabuo ng kuwento.................................. 25 %
d. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe ......... 25%
Kabuuan ............................................. 100 %

Ang susunod na bansang ating lalakbayin ay ang Taiwan.

GAWAIN 1. Ang Malaking Katanungan


Batay sa binasang talata, sagutin ang mga tanong. Isulat sa papel ang sagot.
Ano ang nais sabihin ng may-akda?
Sino ang kinakausap ng may-akda?
Saan madalas mamasyal ang kabataan noon?
Bakit nagbago ang uri ng pamumuhay ng mga kabataan?
Paano nakaapekto ang pagkakaroon ng mga mall sa pamumuhay ng mga Pilipino?
Ano ang pangunahing ideya ng akdang binasa mo?
Mahusay ! Nasagot mo nang wasto ang mga katanungan. Ngayon, unawain mo naman ang ilang bahagi
ng awit na pinamagatang “Dalagang Pilipina” na isinulat ni Jose Corazon De Jesus.

GAWAIN 2. Awit ay Unawain


Basahin at unawaing mabuti ang ilang bahagi ng awit na “Dalagang Pilipina” na isinulat ni Jose Corazon
De Jesus at sa musika ni Jose G. Santos.

Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga


Kung tanawin ay nakaliligaya
May ningning na tangi at dakilang ganda
Maging sa ugali, maging sa kumilos
mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos
Malinis ang puso maging sa pag-irog
may tibay at tining ng loob

Bulaklak na tanging marilag,


ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
pang-aliw sa pusong may hirap.
Batis ng ligaya at galak,
hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta.

Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Ilarawan ang dalagang Pilipina.
2. Patunayan na karapat-dapat ang dalagang Pilipina sa isang tunay na pagtatangi.
Pagkatapos mong sagutin nang mahusay ang gawain inaasahan ko na handa ka na upang pag-aralan ang
sanaysay mula sa Taiwan.

B. Linangin
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay upang malaman kung paano masasalamin ang kalagayang
panlipunan at kultura ng Silangang Asya.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Suriin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit nito sa sanaysay. Isulat sa papel
ang sagot.
1. parehong pagkakataon _______________________________
2. pantay na karapatan _______________________________
3. naiiba na ang gampanin ______________________________
4. hindi makatarungan ang trato ___________________________
5. higit na mapanghamon ________________________________
Kahanga-hanga ang iyong galing sa talasalitaan! Tiyak kong handa ka na upang linangin at paunlarin ang
iyong pag-unawa sa tulong ng mga inihandang gawain.

GAWAIN 4. Grapiko ng Talakayan


Sagutin ang mga gabay na tanong na nasa loob ng kahon at ang iba pang kasunod na mga tanong.
Gayahin ang pormat sa papel.
Noon Ngayon
Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan ngayon at noong
nakaraang 50 taon.

Kongklusyon:

1. Nagbago ba ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan noong nakalipas na 50 taon at sa kasalukuyan?


BIgyang- patotoo ang iyong sagot.
2. Anong kongklusyon ang nabuo ng may -akda sa wakas ng sanaysay?

GAWAIN 5. Sanaysay ay Suriin


Sagutin nang mahusay ang mga tanong tungkol sa binasang talataan.
1. Ano ang paksa ng binasa?
2. Ano ang layunin ng sumulat nito?
3. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan:
a. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan.”
b. “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung ihahambing 50 taon ang nakalipas.”
c. “Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.”

4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay?


5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya?

Natutuwa ako at mahusay mong naisagawa ang mga gawain. Ngayon nama’y ituloy mo pa ang
pagbabasa. Ang iyong babasahin ay isang paglalahad tungkol sa kababaihang Pilipino. May kaibahan
kaya sa kalagayan at pagtanggap na ibinibigay sa kababaihang Pilipino kung ihahambing sa mga taga-
Taiwan? Paano mo mabisang maipahahayag ang iyong mga opinyon at pananaw gamit ang mga
pangatnig?

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng


Estadistikang Kasarian
“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging
panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.

Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming
tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang
dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa
sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na
pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng
lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.

Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na
ganap dahil sa patuloy na
mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual
harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning
pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat
ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at
kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na
ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa
lahat ng panahon.

Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga


kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang
mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng
kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga
karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. - halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga
Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada

Tingnan natin kung naunawaan mo ang pangalawang teksto na iyong binasa. Sagutin mo ang mga
tanong.

GAWAIN 6. Tugunang Tanong Sagot


Sagutin ang mga tanong sa bawat hanay nang naaayon sa naunawaan mo sa tekstong binasa.

Nandiyan Na Pag-isipan Sariling Sikap


Ano ang kalagayan ng 1. Paano mo ihahambing ang 1.Bumuo ng sariling pananaw
kababaihang Pilipino sa ating kalagayan ng Pilipina sa babaing kung ano ang dapat na maging
lipunan sa kasalukuyan? Taiwanese? katayuan ng kababaihan sa
2. Ano ang tono ng may-akda sa lipunan.
isinulat na sanaysay? Ipaliwanag. 2. Isa-isahin ang katangiang
3. Ano ang layunin ng may-akda sa taglay ng sanaysay.
pagsulat ng ganitong uri ng
sanaysay?

Binabati kita sa husay at tiyaga na iyong ipinamalas. Balikan natin ang tanong sa panimula. Paano mo
mabisang maipahahayag ang iyong mga opinyon/pananaw? Makatutulong sa iyo ang kaalamang
makukuha tungkol sa mga pangatnig. Ipagpatuloy mo pa ang iyong pag-aaral.

Pagsasanay 1. Magtala at Magsuri


Basahin ang talataan at pagkatapos ay itala ang mga pangatnig na ginamit at suriin kung magkatimbang
o di-magkatimbang. Ilagay sa kasunod na tsart ang iyong sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Inaasahan na malinaw na sa iyo ang pangatnig at mga pangkat nito. Palalimin mo pa ang iyong
kasanayang panggramatika sa pamamagitan ng paggamit ng pangatnig sa pagbibigay ng sariling opinyon
o pananaw.

Sa pagharap sa maraming hamon sa buhay, kailangangkailangan ang edukasyon sa


pagpupunyaging makamit ang ideyal na kapayapaan, kalayaan, at panlipunang katarungan.
Hindi sa dahilang ang edukasyon ay mapaghimalang gamot o majik na magbubukas sa
mundong ideyal kundi ito’y isa sa pangunahing paraan upang mapagyaman ang higit na
magkakatugma at malalim na uri sa pagdebelop ng tao para mabawasan ang kahirapan,
eksklusyon, kamangmangan, pang-aapi at giyera. Batay sa report sa UNESCO ng Internasyunal
na Komisyon sa Edukasyon para sa ika-21 dantaon, malaki ang maitutulong ng mga polisiya sa
edukasyon upang makabuo nang higit na mabuting daigdig. -halaw sa “Edukasyon: Ang
Kinakailangang Utopia” ni Jaques Delors
Mga Pangatnig na Magkatimbang Mga Pangatnig na Di-Magkatimbang

Pagsasanay 2. Opinyon Mo’y Ipahayag


Pagmasdan mo ang sumusunod na larawan. Bumuo ka ng mga pangungusap na magpapahayag ng iyong
opinyon at pananaw tungkol sa mga larawan. Gumamit ng mga pangatnig. Isulat sa papel ang iyong
sagot.

Pangyayari Opinyon Mo
1. Pagwawagi ni Megan Young bilang Miss World
2013 Opinyon

2. Krisis sa Zamboanga Opinyon

3. Ang Usapin Tungkol sa Priority Dev’t Assistance


Fund (PDAF) Opinyon
C. Pagnilayan at Unawain
1. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng Silangang Asya?
2. Paano mabisang maipahahayag ang iyong mga opinyon at pananaw gamit ang mga pangatnig?
Ilahad mo nga ang iyong mga natutuhan sa araling ito.

Napagalaman kong ....


Masasabi kong ….
Natuklasan kong ….

D. Ilipat
GAWAIN 8. Masubok Nga
Ito na ang pagkakataon upang ilipat mo na iyong natutuhan sa araling ito.
Naniniwala ako na kayang-kaya mo itong gawin. Ngayon naman ay tiyak na
makasusulat ka ng isang editoryal na maglalahad ng iyong opinyon/pananaw
tungkol sa napapanahong isyung panlipunan sa Silangang Asya. Basahin mo ang ilang paalala sa gagawin
mong editoryal. Isa kang editor sa isang pahayagan. Susulat ka ng editoryal tungkol sa isang
napapanahong isyung panlipunan sa alinmang bansa sa Silangang
Asya. Tatayain ang iyong editoryal batay sa sumusunod na pamantayan:
A. Mapanghikayat
B. Makatotohanan
C. Kaangkupan sa Paksa
D. Kawastuhan ng balangkas

Ang katumbas na iskor ay tingnan sa kasunod na iskala:


4 - Napakahusay
3 - Mahusay
2 - Hindi mahusay
1 - Kailangan pang linangin

Binabati kita sa ipinakita mong kahusayan. Nagtagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Kung may mga
bagay pa na hindi malinaw sa iyo, balikan lamang ang bawat bahagi ng modyul na ito o magtanong sa
iyong guro. Maghanda ka na para sa ikaapat na aralin. Ang akda naman na iyong babasahin at pag-
aaralan ay tungkol sa maikling kuwento ng Tsina. Maligayang paglalakbay at pag-aaral.

Yugto ng Pagkatuto
A. Tuklasin
Basahin mo muna ang ilang bahagi ng maikling kuwento at suriin kung ano ang binibigyang-pansin dito.
Tauhan ba, lugar, o pangyayari?

GAWAIN 1. Kuwento ay Suriin


Tukuyin ang nais bigyang-pansin sa sumusunod na bahagi ng kuwento. Gamitin mo ang mga simbolo na
nasa ibaba at ilagay sa patlang bago ang bawat bilang. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Tauhan
Lugar
Pangyayari
__________1. Unti- unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw at dahop na kapaligiran.
Ang mga bahay na malalayo ang agwat, nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at
kawayan, ay waring nagsisipagbantang lumupasay sa anumang sandali. Sa malayang hangin ay
nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng mga kalabaw, langitngit ng
nagtatayugang kawayan at pagaspas ng dahon. (mula sa Lugmok Na Ang Nayon ni Edgardo Reyes)

__________2. Dinalaw siya mula noon ng pag-aagam-agam sa kaniyang pag-aanluwage. Hinahanap-


hanap niya mula noon ang bagay na dapat niyang malikha; at sa palagay niya’y waring nagkukulang at
hindi tumpak ang bawat gawin at likhain niya. Dumaan ang mga taon at siya’y nakaramdam ng
panghihina. Mabilis ang pagtanda niya, ngunit ang kanyang alalahanin ay hindi nababawasan. (mula sa
Anluwage ni Hilario L. Coronel)

_________3. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod niya
ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at buka ang
labing nag-angat siya ng mukha. (mula sa Impeng Negro ni Rogelio Sikat)

_________4. Tunay ngang isang malaking pangyayari ang nakaakit sa pansin ng San Joaquin. Hindi sila
magkasundo sa pagtinging ibibigay nila kay Lea. Sa isang banda, siya ang anak ni Aling Clara na
magpapaahon sa kanya pamilya mula sa kahirapan; kaiinggitan, kamumuhian, masarap siraan. Subalit
siya rin ang anak ng San Joaquin na kapupulutan ng pag-asa; pupurihin, tatangkilin, gagawing
pangunahing tauhan sa kwentong isasalaysay sa ilang henerasyon ng kabataan. (mula sa Bagong Bayani
ni Joseph Salazar)

_________5. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka
dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka
aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang ito’y umungol na ang alingawngaw ay ano’t hanggang sa
kalagitnaan ng bayan. Kung di niya makita na halos apoy na ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop
ay hindi pa niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. (mula
sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)

Mahusay! Nasuri mo nang tama kung ano ang binibigyang-pansin sa mga kuwento. Handa ka na para
basahin ang komiks strip.
GAWAIN 2. Paglalarawan ng Tauhan
Dalawang magka-opisina ang nag-uusap.
Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Batay sa binasa, ipakilala ang tauhan na pinag-uusapan ng dalawang magkaopisina.
2. Ikuwento kung paano nakamit ni Amy ang kanyang pangarap sa buhay.
3. Ipahayag ang iyong opinyon kung naniniwala ka sa kasabihang: “Ang kabuluhan ng buhay ng tao ay
nakabatay sa kaniyang kakayahang magpasya.”

GAWAIN 3. Makikilala mo ba?


Gaano mo kilala ang mga kapatid nating Tsino? Magbigay ng kanilang mga tradisyon at kaugalian. Isulat
sa papel ang iyong sagot. Ngayon ay tapos mo nang sagutan ang mga pagsasanay na may kinalaman sa
paksang ating tatalakayin. Alam kong handa ka na upang basahin ang maikling kuwento mula sa Tsina.

GAWAIN 3. Pagpapalawak ng Kaisipan


Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa.

Kaisipang Hango sa Kuwento Paliwanag


1. Kailangang palakasin niya ang kaniyang loob;
kung ididilat lamang niya ang kanyang mata,
paaandarin ang utak, at di-matatakot
magtrabaho, maaayos ang lahat.
2. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi
sa kaniya kung ano ang dapat at di-dapat gawin;
sa pagtingin sa kaniya nang mababa, umaangat
ang kanilang sarili.
3. Gusto niyang lumaban, pero wala siyang lakas.
Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa
mga nagmamasid at nagmamatyag.
4. Isa siyang basurahan o isang pirasong basahan
na nais magtago sa isang butas.
5. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil
walang nakakaalam kung kailan kakatok ang
oportunidad.

Natutuwa ako sa ipinakita mong kahusayan. Alam kong handa ka nang linangin at paunlarin pa ang
kakailanganing pang-unawa sa tulong ng mga inilaang gawain.

GAWAIN 4. Kayarian ng Kuwento


Buuin ang kayarian ng kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong na nasa loob ng
kasunod na graphic organizer. Sagutin sa sagutang-papel

NIYEBENG ITIM ni Liu Heng Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra


1.Tauhan
2. Tagpuan Lugar Panahon
3.Paksa /Tema
4. Banghay
5. Wakas
a. Panimula
b. Suliranin
c.Reaksyon
d.Layunin
e. Ginawa
f. Kinalabasan

Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? Ipakilala.
2. Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa iyong palagay, anong panahon naganap ito? Patunayan.
3. Ano ang tema ng kuwentong binasa?
4. a. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
b. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
c. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema?
d. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kanyang suliranin?
e. Ano ang mga hakbang na kanyang isinagawa?
f. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?
5. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?
Inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga pangyayari sa kuwento.
Suriin natin ang kaugalian at uri ng pamumuhay ng Tsino na inilalarawan sa
kuwento.
GAWAIN 5.
Mailalarawan
Mo Ba?
Pag-aralang
mabuti ang mga
ilustrasyon.
Ilarawan ang
lugar na
kinabilangan ni
Huiquan.
Ilarawan din ang
kaniyang
kilos/gawi at
paniniwala.
Huiquan
Habang nasa
loob ng
bilangguan
nakalaya na
kasama ang
kaniyang Tiya
Luo
Nagtitinda ng
angora at iba pa

Pagkatapos mong pag-aralan kung paano mo mapapalawak ang pangungusap, gawin mo na ang kasunod
na mga pagsasanay.

Pagsasanay 1. Isip… Isip…


Mula sa mga pangungusap na hango sa mga tekstong binasa, palawakin ang pangungusap batay sa
dalawang kategorya na iyong pinagaralan. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-uri Si Tiyo Li ay pulis.
2. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-abay Bumili ang ale.

Pagsasanay 2. Saliksik… Dunong


Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang
Asya. Pumili lamang ng isang bansa ito ba ay sa bansang Hapon, Taiwan, Hilagang Korea, Timog Korea,
Mongolia o Tsina. Itala ang mga impormasyong iyong nakuha at sikaping gumamit ng mga panuring sa
pagpapalawak ng pangungusap. Maging handa sa pag-uulat sa klase. Gawin nang dalawahan.

C. Pagnilayan at Unawain
1. Paano naiiba ang maikling kwento ng katutubong-kulay sa iba pang uri ng kwento?
2. Paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura?

D. Ilipat
GAWAIN 8. Masubok Nga
Isa kang tourist guide at ang iyong mga kamag-aral ay mga turista na galing sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Hihikayatin mo sila na magustuhan ang bansang bibisitahin. Kaya ikaw ay magsasagawa ng pasalitang
paglalarawan ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Ang paglalarawan mo bilang tourist guide ay
tatayain sa mga sumusunod na pamantayan.

A. Tiyak ang mga Datos na Ginamit sa Paglalarawan ……. 50 %


B. Wastong Bigkas at Intonasyon ……………………………. 30 %
C. Tiwala sa Sarili, Panghikayat at Presentasyon …………… 20 %
Kabuuan ……………………………………………………100 %
Binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Mayroon pa bang konsepto na
hindi malinaw sa iyo. Balikan lamang ang bawat bahagi ng modyul na ito o huwag kang mahiyang
magtanong sa iyong guro sa Filipino.

Alam mo bang isa na lamang at matatapos mo na ang ikalawang markahan. Ang kultura naman ng
bansang Mongolia ang ihahatid sa iyo ng susunod na aralin. Maligayang paglalakbay at pag-aaral!

Yugto ng Pagkatuto sa Araling 2.5


A. Tuklasin
Isagawa mong mabuti ang mga panimulang gawain sa ibaba, huwag kang mag-alala madali lamang iyan
sa iyo. Sagot na!

GAWAIN 1. Piliin Mo!

Piliin ang mga elemento ng dula sa kaliwang maskara at isulat ito sa loob ng maskara sa gawing kanan.

GAWAIN 2. Kaya Mo!


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano-anong mga pangyayari
ang kadalasang ipinakikita sa
dula?
2. Ano ang nauunawaan mo sa
cohesive device o kohesiyong
gramatikal?

GAWAIN 3. Ibahagi Mo!


Itala ang mga karaniwang
pangyayari sa iyong buhay at
tukuyin kung anong elemento
ng dula ito naangkop mula sa
isinagot mo sa Gawain 1.
Ibahagi ito sa isasagawang
brainstorming sa klase.

GAWAIN 4. Ayusin Mo!


Isulat sa patlang ang kahulugan
ng mga salita sa bawat bilang
sa pamamagitan nang
pagsasaayos ng mga titik na
nasa loob ng bubble balloon.

GAWAIN 5. Unawain Mo!


Sagutin ang mga tanong at mga gawain sa isang sagutang papel.
1. Isulat sa iba pang mga bilog ang hinihingi sa gitnang bilog.

Isa-Isahin Ang Mga Bahagi Ng Dula Na Naglalarawan Ng Karaniwang Pamumuhay

2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
3. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya? Bakit?
4. Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa mga magulang na nagpapasya para sa kanilang anak?
6. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaing mapapangasawa ng isang lalaking taga-
Mongolia? Ipaliwanag.
7. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa maagang pag-aasawa? Sangayon ka ba rito o hindi?
Pangatuwiranan.

GAWAIN 6. Sagutin Mo!


Sagutin ang mga tanong na nasa graphic organizer sa sagutang papel.
1. Makatotohanan ba ang pagganap ng mga tauhan batay sa diyalogo? Patunayan.
2. Akma ba ang tanghalan/tagpuan sa mga pangyayari sa akda? Ipaliwanag.
2.Mahusay ba ang iskrip/banghay/ diyalogo ng dula? Bakit
3. Nailarawan ba ang karaniwang pamumuhay ng tao sa dula? Ipaliwanag.
4.Naiugnay mo ba sa iyong buhay ang mga pangyayari sa akda? Patunayan.
Mongol: Ang Pagtatagumpay ni Genghis Khan
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

GAWAIN 7. Paghambingin Mo!


Gamit ang graphic organizer, paghambingin ang dulang “Munting Pagsinta” at dulang “Dahil sa Anak.”
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagsasanay 1. Iguhit Mo!


Suriin ang mga pahayag. Bilugan ang kohesiyong gramatikal na ginamit at isulat patlang bago ang bilang
kung ito ay Anapora o Katapora.
_____ 1. Nakiusap ang pangulo sa kanila, pumayag naman ang mga pulis at sundalo.
_____ 2. Dito naganap ang isang himala, tunay na natatangi ang Simbahan ng Lourdes.
_____3. Ang mga kababaihan ngayon ay hindi pahuhuli sa pagsabay sa pagbabagong bunsod ng
modernisasyon, sila’y namamayagpag sa iba’t ibang karera katulad ng mga kalalakihan.
_____4. Iyan ang mga kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay, sipag At tiyaga talaga ang karaniwang
susi sa pagtatagumpay.
_____5. Mamamayan ang buhay ng isang bansa kayat tayo’y nagsisipag sa paghahanap-buhay.

Pagsasanay 2. Subukin Mo!


Basahin ang mga pahayag. Punan ng wastong kohesiyong gramatikal ang patlang. Tukuyin kung ito ay
anapora o katapora.
1. Matutuwa ______ dahil higit na pinagbubuti ang kurikulum para sa mga mag-aaral.
2. Nagwika _____ na “Kabataan ang Pag-asa ng Bayan,” ipinaliwang ni Jose Rizal ang tungkuling
ginagampanan ng mga kabataan sa lipunan.
3. Ang pagmamahal ng guro sa kaniyang mag-aaral ay hindi mapasusubalian, ____ay taglay niya
hanggang kamatayan.
4. Maraming natutuhan ang mga kabataan gamit ang ICT, _____ nila nakukuha ang mga mahahalagang
impormasyon kailangan sa pag-aaral.
5. Sa panahon ng ________ pag-aaral, matinding pagsusunog ng kilay ang kailangan upang makamit ng
mga mag-aaral ang inaasam na diploma.

Pagsasanay 3. Hanapin Mo!


Piliin ang mga pahayag o diyalogo sa dulang “Munting Pagsinta” na ginamitan ng kohesiyong gramatikal.
Gayahin ang pormat sa kasunod na graphic organizer at gawin ito sa sagutang papel.
Pahayag/Diyalogo Kohesiyong Gramatikal (Anapora o Katapora)

Pagsasanay 4. Likhain Mo!


Sumulat ng isang maikling eksena tungkol sa nagaganap sa loob ng iyong tahanan. Gamitan ang mga
pahayag ng may kohesiyong gramatikal na
Anapora at Katapora. Matiwasay mong nairaos ang ikalawang yugto, ipagpatuloy mong gawin ang
susunod na yugto.

C. Pagnilayan at Unawain
Sagutin mo ang mga tanong sa kasunod na graphic organizer ng kaliwanagan. Ikinalulugod ko na
pinagbutihan mo nang lubos at naisakatuparan nang wasto ang bawat gawaing inihanda.Sumapit ka na
ngayon sa huling hamon sa araling ito.

KALIWANAGAN
Paano mabisang makabubuo ng pahayag o Bakit mabisa ang dula sa paglalarawan sa
diyalogo ng dula? karaniwang buhay ng tao?

D. Ilipat
Ito ang yugto kung saan magkakaroon na ng bunga ang pagtitiyaga mo sa pag-aaral ng dula at
kohesiyong gramatikal. Mailalapat mo na ang mahahalagang konseptong iyong natutuhan. Kung
mayroon ka pang mga alinlangan tungkol sa aralin, mainam na magtanong ka sa iyong guro o balikan mo
ang mga naunang yugto ng pagkatuto.

Miyembro ka ng kilalang grupo ng performing artists ng bansa. Naatasan kayong magtanghal ng isang
dula mula sa Silangang Asya na sumasalamin sa karaniwang pamumuhay ng alinmang bansang
pinagmulan nito. Itatanghal ninyo ito sa Cultural Center of the Philippines (CCP) bilang isa sa mga
atraksyon sa unang gabi ng pagbisita ng mga dignitaryo mula sa Hapon, Korea, Taiwan, Tsina at
Mongolia.
Upang makatiyak na maiibigan ang inyong pagtatanghal, tiyaking mayroon itong kahusayan sa
pagganap, orihinalidad ng iskrip, kaangkupan ng mga elemento, at makatotohanan.

Tunghayan ang rubric kung paano mamarkahan ang nilikhang produkto:


Pamantayan Bahagdan
Pagkamakatotohanan 10%
Kahusayan Sa Pagganap 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanghal 30%
Kabuuang Marka 100%

Marka:
Nagsisimula- 74%-pababa
Mahusay-husay- 80 - 75%
Mahusay- 90 - 81%
Napakahusay- 91 - 100-%

Binabati kita sa iyong mabilis na pagkatuto! Nawa’y ipagpatuloy mong tuklasin ang ilan pang bahagi ng
modyul na ito.

Pagnilayan at Unawain (para sa Modyul 2)


Ang mga komposisyong pampanitikan tulad ng tanka at haiku, pabula, sanaysay, maikling kuwento at
dula ay kinapapalooban ng katotohanang masagisag o masining na sumisirit at umaantig sa ating
kamalayan at damdamin. Inaalayan ka ng dagdag na karunungan at pangitaing lalong dakila na
gumigising sa lalong malalim na pag-iisip. Hindi lamang ito naglalayong magpahayag ng kaalaman o
magpaliwanag o dili kaya’y manlibang at magpagaan ng kalooban kundi upang tuminag at tumimo sa
kaisipan. Ayon nga kay Jacques Barzun, “Ang isang alagad ng sining ay may karapatan o maaari ring
sabihing tungkulin na itanghal ang kaniyang mga obra upang lumaganap at mabatid ito ng madla.” Hindi
ba’t nakasisiyang maging isang alagad ng sining?

Sa sandaling ito, bilang pangwakas na gawain sa Ikalawang Markahan, ikaw ay may pagkakataong
maging isang alagad ng sining. Gamit ang mga naipon mong konsepto tungkol sa mga araling tinalakay
kasama ang mga kulturang Silangang Asya na iyong natutuhan, walang alinlangang makakakatha kang
isang natatanging obra. At habang ika’y sumusulat, lagi mong isaisip ang winika ni Keller. “ang pagsulat
ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.”

Tatayain ang iyong obra batay sa kalinawan, kaangkupan, kahustuhan, katiyakan, kawastuhan at may
layunin. Ngunit bago ito, kailangang patunayan mo munang malawak na ang iyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagsagot sa ilang gawain.

GAWAIN 1. Ibuod Mo!


Ibuod ang iyong napag-aralan sa pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na gawain. Isagawa ito
sasagutang papel.
Tanka at Haiku
Pabula
Sanaysay
Maikling Kuwento
Dula
Kultura ng Bansang
Pinagmulan ng Uri ng Panitikan
Halimbawa ng Uri ng Panitikan at Pagkakatulad ng mga Kultura
Kultura ng Pilipinas

GAWAIN 2.Kumpletuhin Mo!


Isulat ang natuklasan sa mga genre ng panitikang tinalakay sa modyul gamit ang dayagram. Ilagay ang
sagot sa sagutang papel.

GAWAIN 3.Linawin Mo!


Sagutin ang mahalagang tanong na nakasulat sa aklat sa iyong sagutang papel.
ANG NATUTUHAN KO SA PAG-AARAL NG...
Pabula
Tanka at Haiku
Sanaysay
Maikling Kuwento
Dula
ANG NATUTUHAN KO SA PAG-AARAL NG...
Modal
Ponemang Suprasegmental
Pangatnig na Magkatimbang at Di-Magkatimbang na Yunit
Pagpapalawak ng Pangungusap Gamit ang Panuring
Kohesiyong Gramatikal na Anapora at Katapora

Paano nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa pagpapakilala ng kultura at
kaugalian ng mga bansa nito sa mga mambabasa?

Mahusay! Maaari ka nang umusad sa kasunod na yugto.

IV. Ilipat
Pag-aralan ang ilang pahabol na impormasyon na magiging gabay mo sa pagsasakatuparan ng
pangwakas na gawain.

Alam mo ba na...
Para kay Dr. Paquito Badayos, multidimensyonal na proseso ang pagsulat na binubuo ng sumusunod na
proseso:
 Bago Sumulat
- Binubuo ito ng pagpiling paksa, paglikhang mga ideya at pagbuo ng mga ideya
 Pagsulat
- Pagbuo ng draft, pagtanggap ng feedback, pagsangguni, at pagrerebisa
 Paglalathala
- Kabilang dito ang pagdidisplay ng komposisyon o sulatin sa bulletin board o kaya ay
paglilimbag

Mga Hakbang sa Pagsulat


 Pre-writing- Dito ang pamimili ng paksa at pangangalap ng impormasyon para sa susulatin.
 Actual Writing-Nakapaloob dito ang pagsulat ng borador/draft.
 Rewriting- Nagaganap dito ang pagrerebisa, pagwawasto at paghahanay Ng ideya o lohika.

Mga Mungkahing Tanong sa Pagsulat


 Ano ang paksa ng teksto ng aking isusulat?
 Ano ang layunin sa pagsulat nito?
 Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
 Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang
aking paksa?

Mga Tanong sa Pagrerebisa ng Sinulat


 Tama ba ang aking pangungusap?
 Maayos at malinaw ba ang pagkakalahad?
 May pagkakaugnay ba ang aking mga ideya?
 May malabo bang ideya?
 Angkop ba ang ginamit kong salita?
 May kaisahan ba ang bawat talataan?
 Malinaw ba ang pangkalahatang mensahe?

Basahin, unawain at isagawa mo ang nakaatang na gawain.

Bahagi ng Social Awareness Program ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa sa Silangang Asya ang
paglulunsad ng isang Literary Exhibit na pinamagatang Ani ng Panitikan.Layon nitong magkaroon ng
kamalayan ang mga Asyano sa tunay na nangyayari sa lipunang ginagalawan. Matatampok dito ang iba’t
ibang anyo ng akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga kalagayang panlipunan at kultura ng
Silangang Asya. Naimbitihan kang maging isa sa mga kontribyutor. Bilang isa sa mga kontribyutor,
itinagubilin sa iyo na ang ipapasa mong akda ay marapat na pasok sa pamantayan nito, ito ang
kalinawan, kaangkupan, kahustuhan, katiyakan, kawastuhan, at may layunin.

Naririto ang pamantayan sa isusulat na sanaysay.


Akda
Blg. Deskripsiyon Bahagdan
1 Kalinawan 25%
2 Kaangkupan 15%
3 Kahustuhan 15%
4 Katiyakan 15%
5 Kawastuhan 15%
6 May layunin 15%
Kabuuan 100%

Kapuri-puri ang ipinamalas mong pagsisikap na makasulat ng isang de-kalidad na akdang pampanitikan.
Pero hindi pa dito nagwawakas ang lahat, kailangang makabuo ka ng isang paglalagom sa mga
natutuhan mo rito sa Aralin 2. Kumpletuhin ang Hagdan ng mga Konsepto.
Natutuhan ko sa buong modyul na...
Natuklasan ko na...
Ngayon, masasabi ko na...
Tanggapin mo ang taos-puso kong pagbati, nalampasan mo nang matiwasay ang mga yugto ng
pagkatuto sa lahat ng aralin.

You might also like