FIL9 - Q3 Epiko Modyul 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Filipino

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Epiko ng Hindu
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Rama at Sita: Epiko ng Hindu
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elisha Grace R. Royo & Jean R. Acaso
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Vivencia Dumdum
Tagalapat: Elisha Grace R. Royo & Jean R. Acaso
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Region XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Epiko ng Hindu
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan

ii
Aralin
Epiko ng Hindu
1 Rama at Si

Magaling! Matagumpay mong natapos ang lahat ng modyul sa


ikalawang markahan. Nawa’y matapos at magustuhan mo ang susunod natin
na aralin sa Ikatlong Markahan. Sa ikatlong markahan ay tatalakayin natin
ang mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanlurang Asaya. Handa ka
na ba? Halika’t pag-aralan natin ang Epiko ng Hindu, Rama at Sita!

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo kaibigan!


Simulan natin ang ating pagkilala sa Kanlurang Asya sa pamamagitan
ng pagtuklas, pag-unawa, at pagpapahalaga ng akdang pampanitikan mula
sa bansang India.

Alam mo ba na ang bansang India ay matatagpuan sa Timog Kanlurang


Asya. Tulad ng maraming bansa sa mundo, mayaman ang bansang India sa
mga akdang pampanitikan tulad ng epiko. Masasalamin sa kanilang
panitikan ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura, at
tradisyon.

Tara! Sama-sama nating uunawain ang epiko mula sa India na may


pamagat na “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva.
Bahagi ng aralin na ito ang pagtatalakay sa mga uri ng paghahambing upang
higit mong maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bansa sa
Asya. Bibigyang-tuon din natin kung paano naipapakita sa mga epiko ang
kabayanihan ng isang tao.
Tandaan na sa araling ito ay inaasahang maipapamalas mo ang pag-
unawa sa epiko at mga katutubong kulay mula sa India sa tulong na rin ng
mga salitang naglalarawan gamit ang paghahambing.
Inaasahang:
nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin
sa epiko (F9PB-IIIg-h-54);

nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng


alinmang bansa sa kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56); at

nagagamit ang mga angkop na salita paglalarawan ng kulturang


Asyano at bayani ng kanlurang Asya (F9WG-IIIg-h-56)
1
Subukin Natin

Kumusta kaibigan! Handa ka na bang maglakbay patungo sa


bansang India? Bago natin basahin ang kanilang epiko ay nais ko munang
sukatin ang dati mong kaalaman na may kaugnayan sa akdang tatalakayin.
Basahin at unawain ang bawat tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong bansa ang nasa Timog-Kanlurang Asya kung saan makikita dito
ang gusaling ipinagawa ni Shah Jahan para sa kanyang minamahal na
asawang si Mumtaz Mahal?
A. China B. Lebanon C. Israel D. India

2. Sino ang gumagamit ng mga pinakatanyag na pagbati na “Namaskar at


Namaste” kapag bumabati sa pagdating o kaya’y pamamaalam?
A. Hindu B. Pilipino C. Malay D. Tsino

3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungghit sa pangungusap


na nasa ibaba?
Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang paring Brahman.

A. nabihag B. nagkunwari C. napaniwala D. nag-isip

4. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungghit sa pangungusap


na nasa ibaba?
Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

A. bitag B. paputok C. baril D. sandata

5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungghit sa pangungusap


na nasa ibaba?
Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan.

A. naiwasan B. nagkunwari C. napaniwala D. nabihag

2
Aralin Natin

Kaibigan, sa sandaling ito nawa’y nakahanda ka nang paglakbayin ang


malawak mong imahinasyon sa daigdig ng kabayanihan at pag-ibig.
Babasahin at uunawain mo ang epiko ng Hindu na may pamagat na, “Rama
at Sita”. Bigyang pansin ang mga kultura ng bansang India sa kanilang
epiko. Nawa’y masisiyahan ka sa iyong pagbabasa!

RAMA AT SITA (Isang kabanata)


Epiko – Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at


Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang
dumalaw sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si
Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng
mga higante at demonyo. “Gusto kitang
maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi
https://www.istockphoto.com/illustrations/rama-
and-sita maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”
Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya.
Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos ng husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para
patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo
kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang
kaniyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may
gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi
niyang nakakita siya ng pinakamagandng babae sa gubat at inalok niya itong
maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw niya,
tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako,
Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala
naman si Ravana sa kuwento ng kapatid, pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang
sarili sa kahit anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama
at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong. “kakampi nila
ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.

3
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita
nang hindi masasaktan si Rama. “Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-
isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Mga gabay na tanong:

- Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang magkapatid na Rama?


- Ang paglaban ba ay hindi naaayan sa pilosopiya ng India?

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak,


nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad
niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa
na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka
higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil
mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang
kanyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita
kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong
tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa
http://clipart- rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan
library.com/clipart/158091.htm
na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang
bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay
nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa
takot pero ayaw paring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro
gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,” sabi nito kay
Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para
patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala
silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa.
Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot
ng isang kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi
nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin
kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang
hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana.
Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng
hila ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si
Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.

4
Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at
maligtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni
Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang
agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong
agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay.
Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila
upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa
Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako
ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi
niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang
Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero
mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si
Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni
Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang
makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa
asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Mga gabay na tanong:

- Paano pinatunayan ni Rama at Sita ang kanilang


pagmamahalan?
- Makatotohanan ba ang kanilang ginawa upang patunayan ang
kanilang pagmamahalan?

Nagustuhan mo ba ang epiko? Mabuti naman at nagustuhan mo ito!


Sana ay isinulat mo ang mga kultura’t tradisyon na nakuha mo sa epiko.
Upang hindi masayang ang iyong naunawaan sa kuwento, tara at pag-usapan
natin ang mga salitang ginagamit sa paghahambing ng antas o lebel na
katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa
malawak mong pagtingin sa mga ito. Ating pag-aralan ang panggramatikang
ito.

Gawin Natin

Sa pagbabasa ng epiko, madalas inilalarawan ang mga supernatural na


katangian ng pangunahing tauhan. Madalas gumagamit din ng mga salitang
naglalarawan ng taglay nilang kakayahan. Sa pagkakataong ito, malalaman

5
at mauunawaan mo kung ano ang mga salitang ginagamit sa paghahambing
ng antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya, at iba pa na
makakatulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito.

Dalawang Uri ng Paghahambing

Paghahambing na Paghahambing na Di-


Magkatulad magkatulad

Hambingang
Pasahol

Hambingang Palamang

Modernisasyon/Katamtaman

Paghahambing na Magkatulad- ginagamit kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping:

ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad

Halimbawa: Ang India ay kabilang sa mga bansa sa Timog Kanlurang


Asya.

magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad

Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

6
sing-/kasing-/magsing-/magkasing- gaya rin ng ka-, ginagamit ang
mga ito sa lahat ng uri ng pagtutulad

Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore

ga-/gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para, paris

Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at


relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa. (Ibig sabihin ay napakalaki
ng kanilang pagpapahalaga.)

Paghahambing na Di-magkatulad- nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,


pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap

1. Hambingang Pasahol- may higit na katangian ang pinaghahambingan


sa bagay na inihahambing. Ginagamitan ito ng mga salitang:

lalo- pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan


ito ng kaysa kay(tao ang pinaghahambing) at kaysa o kaysa sa(bagay o
pangyayari)

Halimbawa: Lalong magaspang ang ugali ni Ravana kaysa kay Maritsa.

di-gasino- ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.


Sinusundan ng mga katagang gaya, tulad, kumpara o paris

Halimbawa: Di-gasinong maganda si Surpanaka kumpara ni Sita.

7
di-gaano- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay
lamang ginagamit.

Halimbawa: Di-gaanong masukal ang gubat na tinitirhan nina Rama


tulad ng kina Ravana.

di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang


uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano

Halimbawa: Di-totoong masama ang hangarin ni Lakshamanan gaya


ng bintang ni Sita.

2. Hambingang Palamang- may higit na katangian ang inihahambing sa


bagay na pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang:

lalo- ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di


kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng
kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigitan. Muli, katuwang nito ang
kaysa/kaysa sa/kay

Halimbawa: Lalong maunlad ang Singapore kaysa sa India.

higit/mas- tulad ng kaysa/kaysa sa/kay; sa sarili ay nagsasaad ng


kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing

8
Halimbawa: Higit na matapang si Rama kaysa kay Ravana.

labis- tulad din ng higit o mas

Halimbawa: Labis ang pagmamahal ni Rama kay Sita.

di-hamak- karaniwang isinusunod sa pang-uri

Halimabawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean kaysa sa mga


Hindu.

3. Modernisasyon/katamtaman- naipapakita ito sa pag-uulit ng pang-


uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo sinusundan
ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-
uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaan ka-han.

Halimbawa: Medyo maunlad na ang bansang India sa kasalukuyan.

Sanayin Natin

Kaibigan, dahil naintidihan mo na ang dalawang uri ng


paghahambing, kaya sagutan mo na ang bahaging ito ng modyul. Piliin sa
loob ng panaklong ang wastong salita na angkop gamitin upang mabuo ang
9
pangungusap na naghahambing. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Maaari
mong balikan ang mga halimbawa sa bawat uri ng paghahambing upang ito
ay iyong maging gabay.

1. (Magsing-, Kasing-, Magka-) kisig ni Rama ang kanyang kapatid.

2. (Ka-, Magka-, Magkasing-) kampi ng magkapatid na Rama at


Lakshamanan ang mga diyos.

3. Ang pangkat ng mga higante at mga unggoy ay (magsing, ka, magka)


tunggali.

4. (Di-hamak, Di-gasinong, Di-gaanong) magaling ang mga higante gaya


ng mga unggoy.

5. (Di-hamak, Di-gasinong, Di-gaanong) totohanan ang pagmamahal ni


Surpanaka gaya ng kay Sita.

6. (Di-hamak, Di-gasino, Di-gaano) na mapagmahal si Rama kaysa kay


Ravana.

7. (Lalo, Higit, Di-totoo) na masama si Ravana kaysa sa kapatid.

8. (Lalong, Higit, Di-totoong) kinamuhian ni Sita si Ravana kaysa kay


Supranaka.

9. (Di-gaanong, Di-totoong, Di-gasinong) gusto ni Lakshamanan na


mamatay si Rama gaya ng akala ni Sita.

10. (Di-gaano, Medyo, Lalo) takot si Maritsa na labanan ang


magkapatid.

Tandaan Natin

Kaibigan, sa bahagi ng modyul na ito ay susulat ka ng sarili mong


pangungusap gamit ang paghahambing na magkatulad, pasahol, palamang
at modernisasyon/katamtaman. Isulat mo ito sa sagutang papel.

10
1. Ilarawan ang kultura ng bansang India sa iba pang mga bansa sa Asya
gamit ang paghahambing na magkatulad.

Pangungusap: ______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ihambing ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ni Surpanaka sa


pagmamahal ni Sita gamit ang hambingang pasahol.

Pangungusap: ______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

11
3. Ihambing ang katangiang taglay ni Rama sa kay Ravana gamit ang
hambingang palamang.

Pangungusap: ______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. Ihambing ang nararamdaman ni Sita nang tumanggi si Lakshamanan


na sundan sa gubat si Rama gamit ang modernisasyon/katamtaman.

Pangungusap: ______________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
Suriin Natin

Alam kong naunawaan mo nang mabuti ang dalawang uri ng


paghahambing. Sa bahagi ng modyul na ito, tukuyin mo kung anong uri ng
paghahambing ang ginamit sa pangungusap. Isulat mo ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.

A. magkatulad B. pasahol C. palamang D. modernisasyon

_____1. Di-hamak na nakakatakot ang Corona virus kaysa sa Evola virus.

_____2. Di-gaanong malubha ang epekto ng virus sa mga edad 30-40 kumpara
sa mga senior citizen.

_____3. Mas marami ang bilang ng natatamaan ng Covid-19 sa Davao del


Norte kaysa sa Davao Occidental.

_____4. Higit na marami ang nakaranas ng gutom sa siyudad kaysa sa mga


nakatira sa probinsiya.

_____5. Kasabay ng pagtaas ng porsiyento ng natatamaan ng Covid-19 ang


pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

_____6. Gamunggo ang pag-asang bababa pa ang presyo ng mga bilihin


ngayon.

_____7. Labis ang pagmahal ng presyo ng baboy ngayon kaysa sa noong


nakaraang taon.

_____8. Medyo matumal ang bumibili ng karneng baboy kaysa manok.

_____9. Di-hamak na matindi ang kalamidad at pagsubok ang hatid sa atin


ng taong 2020.

_____10. Lalong babagsak ang ekonomiya ng bansa kapag patuloy ang


ganitong sitwasyon natin

13
Payabungin Natin

Basahin at unawain ang bawat tanong na may kaugnayan sa binasang epiko


at dalawang uri ng paghahambing. Piliin ang letra ng tamang sagot ayon sa
iyong natutuhan sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang magkapatid na Rama?


A. Dahil masyado silang makapangyarihan
B. Dahil maraming kakampi sina Rama at Lakshamanan
C. Dahil alam ni Marist ana kakampi ng magkapatid na Rama ang mga
Diyos
D. Dahil mas maraming sundalo sina Rama at Lakshamanan

2. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kababalaghan.


A. Si Rita ay namitas ng mga bulaklak.
B. Nilundagan ni Surpanaka si Rita upang patayin.
C. Nakakita si Rita ng isang gintong usa.
D. Naglaban sina Rama at Ravana.

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahiwatig ng


kabayanihan?
A. Kinuha ni Rama ang kaniyang pana at busog upang hulihin ang
gintong usa.
B. Sinalakay ng magkapatid na Rama ang kaharian ni Ravana upang
iligtas si Sita.
C. Nagyakap sina Rama at Sita nang mahigpit.
D. Itinapon ni Sita ang mga bulaklak mula sa kaniyang buhok.
Nagbabasakali siya na makita iyon ni Rama.

4. Paano mo mailalarawan ang katangian ni Rama?


A. matapang at mapagmahal
B. matapang ngunit madaling sumuko
C. maunawain at matulungin
D. masama ang pag-uugali

5. Anong hinuha ang nabuo mo pagkatapos mong mabasa ang epiko ng


Hindu?
A. Hindi kayang ipaglaban ni Maritsa ang magkapatid
B. Ipinaglaban nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan.
C. Mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa paghihiganti.
D. Mas matimbang ang minamahal kaysa sa kapatid.
14
6. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap na nasa baba?
Magkamukha sina Rama at Lakshamanan.
A. Paghahambing na magkatulad
B. Paghahambing na di-magkatulad
C. Hambingang pasahol
D. Hambingang palamang

7. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap na nasa baba?


Hindi gaanong nagustuhan ni Lakshamanan ang sinabi ni Sita.
A. Paghahambing na magkatulad
B. Paghahambing na di-magkatulad
C. Hambingang pasahol
D. Hambingang palamang

8. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap na nasa baba?


Higit na matapang si Rama kaysa kay Lakshamanan.
A. Paghahambing na magkatulad
B. Paghahambing na di-magkatulad
C. Hambingang pasahol
D. Hambingang palamang
9. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap na nasa baba?
Di-totoong napatay ni Ravana si Rama.

A. Paghahambing na magkatulad
B. Paghahambing na di-magkatulad
C. Hambingang pasahol
D. Hambingang palamang

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng


hambingang pasahol?
A. Labis na minahal ni Rama si Sita.
B. Di-hamak na magaling sa labanan si Rama.
C. Lalong kinamuhian ni Sita si Ravana kaysa kay Supranaka.
D. Higit na masama si Ravana sa kanyang kapatid.

15
Pagnilayan Natin
Sa pagtatapos ng araling ito, sagutan mo ang sumusunod na
tanong para sa iyong maunlad na pagninilay kaugnay sa araling
napag-aralan natin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tauhan sa epikong “Rama at Sita ang mas nagtataglay ng


pambihirang lakas? Paano mo mailalarawan ang kanyang taglay na
lakas?

2. Anong epiko ang napag-aralan mo sa baitang 8? Paghambingin ang


napag-aralan mong epiko sa baitang 8 at epikong “Rama at Sita”.
Gumamit ka ng mga salitang naghahambing.

3. Ngayong napag-aralan mo ang panitikang epiko at napahalagahan mo


akdang tungkol sa kabayanihan sa isang bansa sa Timog Asya, paano
ka magiging bayani sa iyong sariling pamamaraan at sa iyong bansa?

16
Gawin mong gabay ang mga pamantayan sa ibaba sa pagsusulat ng iyong
sagot sa bahaging Pagnilayan natin.

PAMANTAYAN 5 4 3
Kaakmaan ng Akma ang sagot May iilang sagot Maraming mga
sagot sa katanungan na hindi akma sa sagot ang hindi
tanong akma sa tanong
Gramatika Naisulat na may Naisulat na may Naisulat ang
tamang kakaunting mali maraming mali
gramatika. sa gramatika. sa gramatika
KABUUAN

Dito nagtatapos ang ating pag-aaral sa maikling kuwento sa Timog-Silangang


Asya. Nawa’y naging masaya ang iyong pag-aaral sa panitikang ito! Alam kong
handang-handa ka na sa mga susunod pang mga aralin.

17
18
Pagnilayan Natin Payabungin Tandaan Natin Suriin Natin
Natin 1. C 6. a
Nasa guro ang 1. B Nasa guro ang 2. b 7. c
pagpapasiya. 2. C pagpapasiya.
3. c 8. d
3. A
4. A 4.c 9. c
5. B
6. A 5. a 10. b
7. C
8. D
9. C
10. C
Sanayin Natin Gawin Natin Subukin Natin
1. Si Tiyo ay
1. Kasing- mabuting 1. D
2. Ka- pulis.
3. Magka- 2. Bumili ng 2. A
4. Di-gasinong marami
5. Di-gaanong ang ale. 3. B
6. Di-hamak Nasa guro ang
7. 7. higit pagpapasiya 4. A
8. 8. lalo sa ibang
9. 9. Di-totoong sagot. 5. C
10. 10. Medyo
11.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, R. et.al. (2014). Panitikang Asyano Modyul ng Mag- aaral


sa Filipino, Kagawaran ng Edukasyon, Meralco
Avenue, Pasig City Philippines, Unang Edisyon 2014.

K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino.


Department of Education, 2016.

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino


Grade 9. Department of Education, Curriculum and
Instruction Strand 2020.

19
para sa mga katanungan, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum


Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100
Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

You might also like