Handouts Retorika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

RETORIKA

Definisyon ng Retorika
Plato - “Ang retorika ay sining ng pagwawagi ng kaluluwa sa pamamagitan ng diskors.”
Cicero - “Ang retorika ay isang mataas na sining na binubuo ng: invention (invention),
dispositio (argument), elocution (style), memorya (memory), at pronunciato (delivery).”
Quintillian - “Ang retorika ay ang sining ng pagpapahayag nang mahusay.”
Richard Whately - “Ang retorika ay isang pampublikong komunikasyon kung saan ang
gumagamit at nakaiintindi nito ay nagkakamit ng resulta.”
Francis Bacon - “Ang retorika ay aplikasyon ng rason sa imahinasyon at pagpapatuloy ng
“will”.
Kenneth Burke - “Ang retorika ay nakaugat sa essensyal na fanksyon ng wika – fanksyon
na realistiko at patuloy; ito ay paggamit ng wika bilang simbolong nagpapakilos sa tao na
tumutugon sa mga simbolo. Kung saan may panghihikayat, naroon ang retorika; at kung
saan may retorika, mayroong kahulugan.”
Andrea Lunsford - “Ang retorika ay sining, pagsasanay at pag-aaralng pantaong
komunikasyon. Katulad din ito ngipinahayag Hill, A.S. na ang retorika ay siningng mahusay
na komunikasyon gamit ang wika.”
Austero, Bandril at De Castro (1999) - “Ang retorika ay mabisang pagpapahayag ng
damdamin at kaisipan na taglay ang kariktansa wastong paggamit ng wika, pasalita o
pasulatman. ”
Prop. Rubin (1987) - “Ang retorika ay sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.”
G. Tumangan - “Ang retorika ay tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at
pagsulat kungsaan pinag-aaralan ditto ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at
kaakit-akitna pagpapahayag. ”
Badayos(2001) - “Ang retorika ay susi sa mabisang pagpapahayagna nauukol sa kaakit-
akit, kaiga-igaya atepektibong pagsasalita at pagsulat. ”
Sebastian - “Ang retorika ay nagsabing ang retorika ay isang mahalagang karunungan sa
mabisang pagpapahayag. Isang sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat.”
Austero, Mateo, Abueg, Sitjar - “Ang retorika ay ang hulmaan at pandayanng masining na
pagpapahayag. ”

Paglaganap ng Retorika
Gresya- dito nagsimula ang retorika sa mga paaralan ng mga sophista.
Rhetor- tawag sa mga orador (mananalumpati/ mambibigkas ng gresya).
Isocrates at Aristotle- dalawang rhetor na sumunod kay Corax
Sophistri- Ang pagpapahayag upang baligtarin ang katotohanan, iligaw ang isyu at lituhin
ang tagapakinig ay nangyayari. Ang mga salita ay maaaring magbigay-linaw, manghikayat o
manlito. Sa matandang Gresya ito ay kinukunsiderang hindi magandang beheybyor.

Retorika vs Sophistri
Retorika- sa kasalukuyan nagagamit ito ng ilan sa di magandang Gawain. Isang halimbawa
ang mga usapin sa husgado kung saan ang magagaling magsalita ay napapanigan (nguni’t
hindi lahat) sa pagrerepresenta ng kanilang mga argumento Ang mga salita ay nagwawagi
laban sa katotohanan.
Sa makabagong panahon, inihahalintulad ang Retorika sa “trickery” (maaaring paglilisya sa
katotohanan; pagbabaligtad/ pagtugis sa argumento ng kalaban) upang maipanalo ang
katwiran sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng wika.
Ang ethos, logos at pathos
Para kay Aristotle, ang retorika ay isang pantaong sining (human art) o iskil (techne). Isa
itong paraan o sining sa pagsasalita, isang diskoberi na nagbibigay ng emphasis sa
lohikal/rason/katwiran (logos) na pinoproseso (istilo at deliveri) kakambal ng emosyunal
(pathos) at ang pagtingin sa karakter (ethos) ng tagapagsalita.
Ethos – kung paanong ang “karakter” o “kredibilidad” ng tagapagsalita ay nakaiimpluwesya
sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kaniyang sinasabi.
• Kung ang tagapagsalita ay kilala bilang isang awtoriti sa paksang kaniyang
tinatalakay o kaya ay personal na kilala niya ang taong tinutukoy niya sa kaniyang
panayam o lektyur.
• Kapag binanggit ng tagapagsalita ang pangalan ng tao/bagay na totoong kilala sa
larangang kaniyang tinatalakay.
Pathos – ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig na
mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kaniyang pananalita gamit ang emosyon.
Logos – ito ay paggamit ng katwiran/rason (maging ito ay sa paraang induktibo o
deduktibo) upang bumuo ng mga argumento. Ang apela sa logos ay maaaring maipakita sa
paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lihika at objektiviti.
• Induktibo – nagsisimula sa maliit na impormasyon hanggang sa marating ang
konklusyon.
• Deduktibo – nagsisimula ang panlahat na isteytment at mula rito ay kumukuha ng
ispesipikong isteytment.
3 Genre ng Retorika - ayon kay Aristotle
Forensic – (kilala bilang judisyal o panghukuman) konsern nito ang pagdedetermina ng
katotohanan o kasinungalingan hinggil sa nakaraang pangyayari. Na-eestablis ditto ang
isyu ng “guilt” dahil sa mga dokumentong nakuha na sumasailalim sa siyentipikong
pagsusuri.
Deliberative – (kilala bilang political o pampulitika) konsern nito ang pagdedetermina kung
ang isang aksyon ay isasagawa pa o hindi na sa hinaharap.
Epideictic – (kilala bilang seremonyal) konsern nito ang pagpaparangal (praise) o pagtugis,
pagtuligsa o pagpaparatang (blame), pagpapakita ng valyu, (tama o mali).
Katangian ng Retorika -ayon kay Roderick P. Hart
1. Ang retorika ay nagbibigay ngalan/katawagan – pinayabong pa ang kanilang ngalan
para sa higit na pagkakakilanlan/pagkilala. Hal. Manny “Pacman” Pacquio
2. Ang retorika ay nagbibigay lakas/kapangyarihan – Ang kapangyarihang panlipunan
ay karaniwang nakukuha sa galing ng pagsasalita sa harap ng publiko.
Hal. Politiko, Pastor, Negosyante, Titser,
3. Ang retorika ay nakapagpapalawak ng ating mundo – Mula sa simple, nagging
kompleks na ang ating mga binibitawang salita.
Hal. Hindi na lang tayo basta tumatango, nagtatanong at nag-aanalisa rin tayo.
4. Ang retorika ay nagdidistrak/kukukuha ng atensyon ng tagapakinig – Upang
makuhang

buung-buo ang atensyon ng tagapakinig, pinupuno ng tagapagsalita ang ating utak ng


mga inpormasyon hanggang sa pansamantala nating nalimutan ang ating gawain.
5. Ang retorika ay nagpapaluwag ng daan para sa komunikasyon – May mga bagay na di
masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika. Ayaw nating makapanakit
kaya umiiwas tayong magpahayag nang walang pagsasaalang-alang sa akmang pagpili ng
salita.
Elemento ng Retorika
1. Paksa – Paano pinipili ang paksa? Paano pinagpapasiyahan ang gagamiting paksa?
Para sa ilan, may kahirapang humanap ng paksa. Kailangang tumipon ng mga
keyword upang makalikha ng paksa.
2. Kaayusan at Debelopment ng mga bahagi
I. May introduksyon na binubuo ng:
 Pambungad na pahayag o Tesis Isteyment
 Sumusuportang Ideya
II. Ang katawan na maayos na natalakay dahil masinop na inihanay ang mga detalye
sa pagdedebelop ng paksa. Hindi kailangang mabitin ang mambabasa dahil kung ang
datos/inpormasyon o may nawawalang bahagi ng sulatin. Kailangang makumpleto
ang ideyang gusting ipahayag.
III. May kongklusyon na nagbubuod sa paksa.
• Nagbabalik-tanaw sa tesis isteyment
• Nag-uulit ng mga susing pahayag
• Nagbibigay ng pangwakas na pahayag.
Maaaring magbigay ng hamon o “challenge” para sa mambabasa.
3. Estilo (Elucusio)
Paano nagkakaiba-iba ang mga kolumista, editor, nobelista, kwentista sa kanilang
panulat – estilo ang sasagot dito. “Light”, “humurous”, “heavy”, malungkot, may galit,
masaya, seryoso? Mababaw lamang ba?
4. Tono – Ito ang tinig ng manunulat na nadarama kapag binabasa ang kaniyang sulatin.
Umaapela ba sa damdamin o informative lang? Formal ba o informal ang tono?
5. Malinis na paglilipat ng Mensahe (Pronunciato)
Dahil sa may paksang pangungusap at sumusuportang pangungusap, nagkakaroon
ng ugnayan/koneksyon ang pangungusap sa sinundan at susundang pangungusap, at
naiiwasan ang pagtalon/pagsanib ng ideya sa kung anu-anong mga ideya lamang na walang
kinalaman sa paksa
6. Interaksyong “Shared knowledge” (Dispositio)
Madaling bumibilib ang mambabasa sa manunulat kapag nakapagrereleyt ang
tagabasa sa kaniyang binabasa. Kung nakaranas ng kahirapan ang tagapakinig, madali
niyang madarama ang damdamin ng awtor.

Limang kahalagahan ng Retorika


(Arrogante)
1. Kahalagahang panrelihiyon
2. Kahalagahang pampanitikan
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
4. Kahalagahang pangmedia
5. Kahalagahang pampulitika

You might also like