Kabanata 3 Mga Retorikal Na Transisyunal Na Pagsasalita

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

KABANATA 3: MGA RETORIKAL NA TRANSISYUNAL NA PAGSASALITA

LAYUNIN:

1. Matalakay ang kahulugan ng retorika, mabisang pagpapahayag


at mga salik sa pagbuo ng isang sulatin/ komposisyon.
2. Maiuugnay ang balarila sa retorika.
3. Magagamit ang mga matatalinhagang salita sa pagpapahayag
ng damdamin.

IDYOMA

 Ito ang mga di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gustong


sabihin na may kahulugang patalinghaga.
 Ang kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o denotatibong
kahulugan ng salita.
 Ito ay tinatawag ding idyomatikong pahayag o sawikain sa ating
wika.
 Idyomatikong pagpapahayag ang tawag sa mga pariralang ang
kahulugan ay hindi mahahango sa alinmang bahagi ng pananalita.

Halimbawa:
IDYOMATIKO KAHULUGAN
Abo ang laman ng ulo Walang nalalaman
Alimuom Tsismis
Anak-pawis Dukha / mahirap
Babaha ng dugo Malaking gulo
Bahag ang buntot Takot / Duwag
Balat-sibuyas Maramdamin
Basa ang papel Masama ang record
Basang sisiw Kaawa-awa
Batak ang katawan Malakas, sanay sa mabibigat na gawain
Bigatin May kaya sa buhay
Bilugin ang ulo Lukohin
Biniyak ang ulo Magkahawig/ Magkamukha
Bukang-bibig Madalas na banggitin
Bukas na aklat Alam ang lahat
Bugtong na anak Kaisa-isang anak

Page 1
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Buhatin ang sariling bangko Purihin ang sarili


Bulaklak ng dila Mga pangungusap na hindi mataimtim
Buo ang loob Malakas ang loob
Kalamayin ang loob Ipanatag ang isip at katawan
Kinakalawang na Lumalaos na
Kinukulili ang tainga Pagkayamot sa sinasabi nang paulit-ulit
Kisap-mata Saglit, sandali
Kumukulo ang dugo Nagagalit
Kusang-palo Kusang gumawa ng isang bagay
Kutong-lupa Taong maliit, pandak
Di makabasag pinggan Napakabait, mahinhin
Di-maliparang uwak Napakalawak (tumutukoy sa lupain)
Gasgas ang bulsa Malaki ang nagasta
Halang ang bituka Hindi natatakot mamatay
Hampas ng langit Parusa ng Diyos
Hampas-lupa Palaboy
Hindi gawang biro Lubhang mahirap
Hulog ng langit Kapalaran
Humahalik sa yapak Sumasamba
Hunos-dili Pagpigil sa sarili
Igagapang Pagtitiyagang itaguyod
Ihatid sa Dambana Pakasalan ang tao
Libing sa limot Kalimutan
Ilista sa tubig Pagkakutang na hindi nabayaran
Isang bakol na mukha Nakasimangot
Isang kahig, isang tuka Ang kinikita ay hustongh-husto lamang
Laki sa nuno Lumaking nasusunod ang maibigan
Ligaw na bituka Mga lihim o kaya’y pag-uugaling hindi alam
Ligaw-tingin Patanaw-tanaw
Lumagay sa tahimik Mag-asawa
Lumang tugtugin Luma na
Mababang loob Mapagpakumbaba
Mabigat ang katawan May kaunting dinaramdam
Mabilis ang kamay Maliksing magnakaw
Makapal ang mukha Walang damdamin/ hiya
Makati ang dila Mapaggawa ng usap sa ibang tao
Makitid ang kumot Kinakapos sa salapi
Magbatak ng buto Magtrabaho
Magbibig anghel Maging totoo sa sinasabi
Magdildil ng asin Naghihikahos sa pamumuhay
Magpatulo ng pawis Gumawa upang may makain
Magsunog ng kilay Magtiyagang mag-aral
Mahangin ang ulo Mayabang, hambog
Maikli ang pisi Kaunti ang salapi/ pasensya
Mainit ang mata Ang matitigan ay nagkakasakit o nangangayayat

Page 2
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Maitim ang buto Masamang tao


Malabnaw ang utak Mahina
Malakas ang loob Matapang
Maliit ang sisidlan Madaling mainis
Mapagtanim Hindi nakakalimot ng sama ng loob
Mataas ang lipad Mayabang
Matigas nang mukha Hindi marunong mahiya
May sariling mundo Walang pakielam sa iba
May masasabi Marunong o matalino
Nakasandal sa pader May taong inaasahan
Nagbubuhat ng sariling bangko Pinupuri ang sarili
Naghuhugas ng kamay Ikinakaila ang kasalanang nagawa
Nagmumurang kamatis Matandang nagpapakababa
Nagpantig ang tainga Nayamot o nagalit
Nagsaulian ng kandila Nagkagalit
Nagtataingang kawali Nagbibing-bingihan
Namamangka sa dalawang ilog Nagiging salawahan sa pag-ibig
Nasa dulo ng dila Bagay na alam ngunit hindi agad maaalala
Pakitang-tao Pagkukunwari
Pagbuhatan ng kamay Saktan , parusahan
Pagputi ng uwak Pangyayaring tila malabong mangyari
Patawirin Malapit nang mamatay
Pikit-mata Buong lakas loob
Pinagsakluban ng langit at lupa Nagdilim ang isip; nakasimangot; nagulo
Puti ang tainga Maramot
Sumama sa agos Nakiisa
Taga sa panahon May sapat na gulang at karanasan na.
Tulog na lukan Mabagal na tao
Walang itulak-kabigin Mahirap pumili sa alternatibo
Wala sa kanyang sarili Walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid

Iba pang idyomatiko: Kahulugan


Kayod-kalabaw Halos walang tigil sa pagtatrabaho
Parang nilubugan ng araw Nawalan ng pag-asa
Hawak sa tainga Taong sunud-sunuran sa isang tao
Kalatog pinggan Taong nag-aabangsa kainan o handaan
Papatay-patay Mahiyain, pabagal-bagal
Binuksan ang dibdib Nagtapat
Kahig ng kahig Walang humpay sa pagtatrabaho
Ibayong dagat Ibang lupain
Di- mahayapang gatang Mayabang, palalo
Kahiramang-suklay Kaibigan
Kabungguang balikat Laging kasama
Dagok ng kapalaran Masamang kapalaran
Kaututang dila Kabidahan

Page 3
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Lagot ang pisi Naubusang ng pera/ pasensiya


Sumugba sa ningas Sumuong sa panganib
Umuusok ang tuktok Galit na galit
May uwang sa puwit Napakalikot
Bulangugo Gastador
Huling hantungan Libingan
Ikapitong langit Malaking katuwaan
Sanga-sangang dila Sinungaling
Kapit-tuko Mahigpit ang kapit
Hilong-talilong Litong-lito
Kapit patalim Mahigpit ang pangangailangan
Hagisan ng tuwalya Tapos na ang labanan dahil natalo na ang isa
Isilid sa bulsa Isama
Kagat ng buto Babae
Parang hipon Agad namumula ang pisngi sa hiya o tuwa

TAYUTAY
 Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang
diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na
gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyang diin ang kanyang saloobin.

 Sa diksyunaro ni WEBSTER, ito ay paggamit ng mga salita sa kanilang


di karaniwan at literal na kahulugan upang kaakit-akit at malinaw ang
estilo.

 Ayon naman kay DR. JOSE VILLA PANGANIBAN, ito ay isang


sinasadyang paglayo sa karaniwang gamit ng mga salita upang
pasarapin angang pag-unawa at gawing lalong maharaya, mabisa at
kaaakit-akit ang pagpapahayag.

Page 4
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MGA URI NG TAYUTAY (Figure of Speech)


1. Pagtutulad- di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang: tulad ng, parang, pares ng,
kawangis ng, animo, mistula, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba
pa.
Halimbawa: Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing
nagningning.
Gaya ng maamong tupa si AL kapag nagagalit.

2. Pagwawangis- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.


Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain,
tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Halimbawa: Siya’y langit na di kayang abutin ninuman.
Ahas siya sa grupong iyan.

3. Pagsasatao- ginagamit upang bigyang buhay, pagtaglayin ng mga katangiang


pantao-talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, pangngalang-
diwa.
Halimbawa: Hinalikan ako ng malamig na hangin.
Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

4. Pagmamalabis- ito ay lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan


ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan.
Halimbawa: Namuti ang kanyang buhok kakaintay sa iyo.
Bumaha ng dugo nang namatay ang pambansang
bayani.

5. Pagtawag- Ito’y tuwirang pagtawag sa o pakikipag-usap sa isang di-kaharap o


panawagan sa isang bagay na bagamat wika ay ipinapalagay na naroon at
nakauunawa.
Halimbawa: O tukso, layuan mo ako.
Ulan, ulan kami’y lubayan na.

6. Paghihimig- isinasagawa sa pamamagitan ng mga tunog na ito ang kumakatawan


sa kahulugan na pinagmulan nito. Ang mga tunog na ito ang kumakatawan sa
kahulugan.
Halimbawa: Himutok ng umaalingawngaw sa buong gubat.
Humahalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.

Page 5
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

7. Pagpapalit-saklaw- ito’y paggamit ng bahagi ng katawan sa halip na kabuuan.


Halimbawa: Walong bibig ang umaasa kay Romeo.
Hingin mo ang kaniyang kamay.

8. Pagpapalit-tawag- ito’y ang pansamantalang pagpapalit ngalan o pagbibigay ng


ibang katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, Nangangahulugan ay may
kaugnay sa pinalitan.
Halimbawa: Nadala niya ang mabigat na krus (pagpapakasakit) dahil
sa kanyang pananampalataya kay Hesus.
Ang iyong mga magulang ang tangi mong
tagapagtanggol (tagapagligtas) mula sa duyan
hanggang sa hukay.

9. Tanong-Retorikal- ginagamit upang tanggapin o di-tanggapin ang isang bagay.


Ang pagpapahayag na ito’y hindi naghihintay ng sagot.
Halimbawa: May magulang bang nagtatakwil sa kanyang anak?
May ina kayang makatiis na hindi damayan ang kanyang
anak?

10. Pagsalungat- ito ay paggamit ng mga salitang magkasalungat na salita o pahayag


na nagsasalungatan.
Halimbawa: Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.

11. Pag-uulit- ito’y paraan ng paggamit ng magkakatulad na mga unang titik o


pantig sa dalawa o higit pang mga salitang magkakasundo.
Halimbawa: Sa Luneta liligid, lilikmo’t lulunurin ang lungkot.

12. Balintunay- ang pagpapahayag ng ganito ay parang pumupuri ngunit kung


uunawaing mabuti ay pangungutya. Karaniwan, kapag pasalita ay
nararamdaman sa diin ng pananalita at ekspresyon ng mukha. Minsan ito’y biro
o kantiyaw, kalimita’y nanlilibak o nanunuligsa.
Halimbawa: Umuunlad ang ating bayan sa laki ng utang.
Ubod siya ng gara kapag lumalabas ng bahay!
Napakagulo naman ng bahay.

Page 6
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

PANGUNGUSAP
 Isa itong salita o grupo ng mga salita na nagpapahayag ng isang kumpletong
kaisipan.

BATAYANG PANGUNGUSAP AT MGA BAHAGI NITO


Ang batayang pangungusap ang pinakasimple at pinakamaikli ngunit
pinakumpleto ring uri ng pangungusap sa naturang wika.

A. Panaguri. Ito ang bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa impormasyong


sinasabi o inuugnay sa paksa. Sa Filipino, karaniwan sa ordinaryong usapan
ang pagsasabi muna ng panaguri kasunod ang paksa.
B. Paksa (simuno). Ito ang pinag-uusapan, sentro o pokus ng usapan sa
pangungusap.

Halimbawa: Maganda siya. ( Karaniwang-ayos )


Siya ay maganda ( Di-karaniwang-ayos )

MGA PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA:


 PENOMINAL. Ito ang pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o
panahong pangyayaring pangkapaligiran.
Halimbawa: Bumabagyo, lumilindol.

 TEMPORAL. Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian.


Halimbawa: Biyernes ngayon (araw)
taglamig na (panahon)

 EKSISTENSYAL. Nagsasaad ito ng pagkakaroon o pagkawala.


Halimbawa: Wala pang suweldo.
May mga bata na sa silid.

 MODAL. Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat at


kailangan.
Halimbawa: Gusto kong manood.
kailangan ka rito.

Page 7
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

 MGA KA-PANDIWA. Nagsasaad ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit


itong may kasunod na lang o lamang.
Halimbawa: Kakainom ko lang.
Kakawalis lang ng nanay.

 MGA PAMBATING PANLIPUNAN. Magagalang na pananalita o ekspresyon


na mahahalaga sa pakikipagkapwa-tao.
Halimbawa: Kamusta ka?

 MGA PANAWAG. Matatawag din mga vocative ang mga ito. Maaari din itong
isang salita.
Halimbawa: Hoy! Halika!

 MGA PADAMDAM. Naghahayag ito ng matinding damdamin.


Halimbawa: Aray ko!

KAYARIAN NG PANGUNGUSAP

1. PAYAK. Nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak


o tambalang simuno at panaguri.
Halimbawa:
Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang
pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.

Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng


palatuntunan para sa darating na pista.

2. TAMBALAN. Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:


Halimbawa:
Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad
silang umisip ng magandang proyekto para sa mga
kabataan ng kanilang pook.

Maraming balak silang gawin sa Linggo:


magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang
lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa
mga batang ulila saka maghahandog sila ng
palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

Page 8
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

3. HUGNAYAN. Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang


sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa
mga pangaral ng inyong magulang.

Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay


gumuhit.
4. LANGKAPAN. Binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at
dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang
kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang
makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.

Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't


payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila
lamang ang gumugulo sa amin.

Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo


upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay
matahimik at lumigaya.

MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT


 PASALAYSAY. Ito ang pangungusap na na nagsasalaysay ng pangyayari o
katotohanan. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Lahat tayo ay pupunta sa Bulacan.
Tumakbo ng mabilis angh kabayo.

 PATANONG. Ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos sa tandang


pananong (?).
Halimbawa: Kumain na ba kayong lahat?
Bakit ka umiiyak?

 PAUTOS/ PAKIUSAP. Ito ay pangungusap na nag-uutos o nakikiusap.


Tuldok din ang bantas nito sa hulihan.
Halimbawa: Ipagluto mo si Anna ng Adobo.
Pakikuha mo nga ang libro sa aparador.

 PADAMDAM. Ito ay pangungusap na nagpapahayag ngf matinding


damdamin. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam. (!)
Halimbawa: May sunog!
Naalulunod ang bata!

Page 9
MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MGA SANGGUNIAN

AKLAT
Abad, Marietta.(2003).Retorika.Mandaluyong City; Cacho Hermanos, Inc
Badayos, Paquito B.et.al.(2010).Masining ng Pagpapahayag; Aklat sa Filipino 3-Antas
Tersyarya.Malabon City: Mutya Publishing House Inc
Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon
City:Mutya Publishing House Inc.
Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas
tersarya).Manila:UST Publishing House
Pangkalinawan.et.al.(2004).Filipino3 Retorikang Filipino. Valenzuela City: Mutya
Publishing House, Inc.

ONLINE
https://www.scribd.com/presentation/364118718/Group-1-Retorika
https://www.scribd.com/doc/234601167/Ang-Idyoma-Fil-7

Page 10

You might also like