Masining Na Pagpapahayag Lesson 1
Masining Na Pagpapahayag Lesson 1
Masining Na Pagpapahayag Lesson 1
5 HOURS)
1. Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawain ang mga nakalagay na mga inaasahang
bunga ng pagkatuto na nakasulat sa itaas at ito ang kanilang magiging gabay kung ano
ang inaasahang matutunan ppagkatapos ng aralin. Ito rin nag gabay ng guro sa
pagbibigay ng pagsusulit pagkatapos ng kabanata.
2. Ang mga mag-aaral ay babasahin at uunawain ang bawat aralin na inihanda ng guro at
itatala ang mga paksa na hindi gaanong maintindihan . Ibabahagi ito sa sa oras na
itinalaga ng guro para sa konsultasyon.
3. Pagkatapos Aralin ang mga nakalagay na paksa ay gagawin ang mga inihandang
aktibidad at bawat gawain ay may naklagay na Quiz(Q) o Performance(P). Ang bawat
aktibidad ay bibigyan ng puntos ayon sa pamantayan na nakalagay sa appendices.
Kabanata 1
ANG RETORIKA
Halina’t Alamin
KAHULUGAN NG RETORIKA
Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang
sariling pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan
sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa dipinisyon ng
retorika.
a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng paghimok o
pagpapasang-ayon.”
KASAYSAYAN NG RETORIKA
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos
at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa
talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang
salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang
pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento (supporting arguments); at ang
konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang
pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag- apila sa emosyon at di
gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga
sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay
angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang
pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito
ni Socrates (c. 470–399 B.C.)
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika
sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa
tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o
maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme
kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na
silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa
pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay
hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang
pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t
sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang
maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting
pangungusap.
SANGKAP NG RETORIKA
1. Ang kaisipang gustong ipahayag- Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais
nating magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag
Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may kakulangan naman sa hikayat, kulay at
kagandahan, hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang pahayag. Hindi maitatanggi kung
ganoon na ang retorika ay isang sangkap na kailangang kasama ng balarila upang magkaroon
ng init at buhay ang pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na binibitawan ng tao
Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at
angkop na salita batay sa kahulugan at damdaming ibig ipaabot
subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa tuntunin ng
gramatika. Samakatuwid, ang sining ng pagpapahayag ay
naipamamalas sa mabisang paglalangkap ng gramatika at
retorika. Ang gramatika ay gagabay sa kawastuan ng pahayag
at ang retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pahayag
nito.