AP10Quarter4week8 For LR
AP10Quarter4week8 For LR
AP10Quarter4week8 For LR
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8
Mabuting Pamamahala o
Good Governance
1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Mabuting Pamamahala o Good Governance
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
i
Alamin
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin at susuriin ang mga katangian kung paano
makamit ang mabuting pamamahala o good governance.
MGA LAYUNIN
K- Naipaliliwanag ang mga katangian tungo sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala.
1
Subukin Paano mo ito ipinakita o
ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Isulat ang sagot sa kwaderno.
3. Ang mga sumusunod ay mga indikasyon sa pagtataya ng good governance maliban sa:
a. Weak governance
b. Pananagutang pinansiyal
c. Transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement
process
d. Partisipasyan ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang
pangkaunlaran.
4. Ano ang good governance ayon sa Office of the High Commissioner for Human Rights
(2004)?
a. Isa sa apat na salik na nakakaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources
upang mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa isang bansa.
b. Tumutukoy ito sa isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay
nahahatid ng kapakanang pampubliko, at tinitiyak na mapapangalagaan ang mga
karapatang pantao, maging malaya sa pangangabuso at korapsyon, at may
pagpapa-halaga sa rule of law.
c. Isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic
and social resources” ng bansa.
d. Wala sa nabanggit
2
5. Ano ang nakasaad sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?
a. Pakikilahok ng mga mamayan sa pampolitikang Gawain
b. Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan
c. Kapanagutan ng mga mamayan
d. Lahat ng nabanggit
B. Tama o Mali
Panuto: Suriin ang mga sinalunguhitang salita o mga salita sa pangungusap ukol sa mga
katangian ng good governance kung ito ay tama o mali. Isulat ang T kung ito’y tama; M naman
kung mali.
1. Sa rule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang
pantao nang patas at walang kinikilingan.
2. Sa consensus orientation, nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng
mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng
lipunan at pag-unlad ng tao.
3. Sa strategic vision, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan
ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang
organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.
4. Ayon sa partnership, hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong
pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o
pribado.
5. Ang equity o pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
Balikan
Panuto: Unawain ang bawat katanungan tungkol sa nakaraang paksa na natalakay at isulat
ang iyong mga sagot sa kwaderno.
3
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang komiks na nasa ibaba at sagutan pagkatapos ang mga
katanungan na may kinalaman sa larawan na iyong nakita.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fline.17qq.com%2Farticles%2Fswactcqhx.html&psig=AOvVaw2Ke4Kr-
Y2MmqYfPH_LA1k2&ust=1619748896783000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMCEkIGxovACFQAAAAAdAAAAABAD
PAMPROSESONG KATANUNGAN:
1. Ano ang ipinapahiwatig sa komiks?
2. Mahalaga ba ang partisipasyon ng bawat mamayan sa mga pampolitikong gawain?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa maliit man o malaki tungo sa
pagkamit ng maayos na pamamahala sa gobyerno?
4
Suriin
Maliban sa World Bank at IDA, inilahad din ng OHCHR o Office of the High
Commissioner for Human Rights (2014) ang pakahulugan nito sa good governance.
Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng
kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon,
at may pagpapahalaga sa rule of law. Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good
governance ay ang antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa
lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.
6
Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat
ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan.
Sarule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao
nang patas at walang kinikilingan. Binibigyang-pansin din sa good governance ang equity o
pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang
kagalingan. Sa consensus orientation, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay
pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti
sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan. Sa strategic vision, nakikiisa ang
mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term
perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao. Ayon sa partnership, hindi
kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang
lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.
Bukod sa tinalakay na mga katangian ng good governance, mahalaga ring pagtuunan
ng pansin ang dalawa sa katangian ng good governance: ang kapananagutang politikal at
katapatan. Ipinakikita ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging
ang pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan pagdating sa mga
pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng bansa sa
kabuuan.
Binibigyang-linaw ng kapananagutanang taglay na kapangyarihan at katungkulan ng
mga pinuno upang gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Sa pagkakataong
ito, madaling matukoy kung sino ang responsable at may pananagutan sa komunidad.
Ipinahayag din ni Bulatao na kabilang sa may pananagutang ito ang lahat ng stakeholder tulad
ng mga negosyante at community-based organization ngunit higit ang pananagutan ng mga
inihalal at hinirang na mga opisyal ng pamahalaan.
Ang katapatan naman ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng
transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan. Sa pagkakaroon ng transparency,
binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa
pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng
pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas na pinamagatang
“Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan.” Nakasaad sa loob ng kahon ang tungkol sa
Seksiyon 1 ng naturang artikulo.
7
Pagyamanin
8
Isaisip
Isagawa
Panuto: Gumawa ng maikling sanaysay base sa mga katanungan sa ibaba na magsisilbing
gabay niyo para sa gagawin na sanaysay.
9
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Ngayon, subukin mong sagutin ang pangwakas na pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Isulat ang sagot sa kwaderno.
Panuto: Suriin ang bawat katanungan at isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno.
3. Ang mga sumusunod ay mga indikasyon sa pagtataya ng good governance maliban sa:
a. Weak governance
b. Pananagutang pinansiyal
c. Transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement
process
d. Partisipasyan ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang
pangkaunlaran.
4. Ano ang good governance ayon sa Office of the High Commissioner for Human Rights
(2004)?
a. Isa sa apat na salik na nakakaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources
upang mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa isang bansa.
b. Tumutukoy ito sa isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay
nahahatid ng kapakanang pampubliko, at tinitiyak na mapapangalagaan ang mga
karapatang pantao, maging malaya sa pangangabuso at korapsyon, at may
10
pagpapa-halaga sa rule of law.
c. Isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic
and social resources” ng bansa.
d. Wala sa nabanggit
B. Tama o Mali
Panuto: Suriin ang mga sinalanguhitang salita o mga salita sa pangungusap ukol sa mga
katangian ng good governance kung ito ay tama o mali. Isulat ang T kung ito’y tama; M naman
kung mali.
1. Sa rule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang
pantao nang patas at walang kinikilingan.
11
Karagdagang Gawain
RUBRIK SA POSTER
DI-
KAHANGA- KATANGGAP-
KRAYTIRYA PANGKARANIWAN PAGTATANGKA
HANGA (3) TANGGAP
(4)
Angkop na angkop
at eksakto ang May kaugnayan sa May maliit na
1. Paksa Walang kaugnayan
kaugnayan sa paksa kaugnayan
paksa
Gumagamit ng
Gumamit ng kulay
maraming kulay at Makulay subalit
at iilang kagamitan
2. Pagkamalikhain kagamitan na may hindi tiyak ang Hindi makulay
na may kaugnayan
kaugnayan sa kaugnayan
sa paksa
paksa
Nakapagsumite Higit sa isang
Nakapagsumite sa Nagsumite sa
3. Takdang-oras ngunit huli sa linggo ang
mas mahabang oras tamang oras
itinakdang oras kahulihan
Pansinin ngunit Di pansinin, di
4. Kalidad ng Makapukaw interes
Makatawag pansin hindi makapukaw makapukaw ng
ginawa at tumitimo sa isipan
isipan interes at isipan
Maganda, malinis at Ginawa ng Inapura ang
5. Kalinisan kahanga-hanga ang Malinis apurahan ngunit paggawa at
pagkakagawa hindi marumi marumi
12
13
Paunang Pagtataya Tuklasin
1. B 1. T (ANSWERS MAY VARY)
2. D 2. M
3. A 3. M
4. B 4. T
5. B 5. T
Pagyamanin
Unang kahon:
Ang good governance ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang
mangasiwa sa “economic and social resources” ng bansa para sa kaunlaran nito (1992
Report on “Governance and Development).
Pangalawang kahon:
Ayon sa IDA o International Development Association
Ang good governance bilang isa sa apat na salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit
ng yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng poverty o kahirapan sa isang
bansa.
Pangatlong kahon:
Ayon sa OHCHR o Office of the High Commissioner for Human Rights (2014)
Susi sa Pagwawasto
14
Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng
kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pangaabuso at
korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law.
Pang-apat na kahon:
Mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran man o sa
pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan.
Panglimang kahon:
Mahalagang magsagawa ang mamamayan ng iba’t ibang paraan ng politikal na
pakikilahok: pagboto, pagsali sa civil society, at pakikilahok sa participatory governance.
Isaisip
1. Pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
2. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan ang pag-
iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang
organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.
3. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao
nang patas at walang kinikilingan.
4. Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy
ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-
unlad ng tao.
5. Hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang
hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.
Panghuling Pagtataya
1. B 1. T
2. D 2. M
3. A 3. M
4. B 4. T
5. B 5. T
Sanggunian
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: