Pagbuo NG Pangungusap

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagbuo ng Pangungusap

1. Tiyakin ang timbang na Ideya at Paralelismo sa loob ng pangungusap

Di timbang :

Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater.

Timbang:

Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater.

2. Tiyakin ang timbang na Ideya at Paralelismo

Di Paralel :

Ang pag - eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

Timbang:

Ang pag - eehersisyo at pagkain ng masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating


kalusugan.

3. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspektong pandiwa sa

pangungusap

Mali:

Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

Tama:

Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina.

4. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.

Di Magkakaugnay:

Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan.

Wasto:

Hindi uunlad ang ating wika kapag hind natin ito ginamit.

5. Iwasan ang pagsama - sama ng maraming kaisipan.


Di - Mabisa:

Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga batang taguan kung gabing walang buwan at ng
pangdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na
nakakaaliw.

Mabisa:

Ang pagsasayaw, gaya ngpaglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay na nakakalibang.

6. Gawing malinaw ang pangungusap kung alin ang pangunahing sungay at ang panulong na sungay.

Hindi Malinaw:

Upang masagip niya iyon, lumusong siya sa baha para masagip ang bata.

Malinaw:

Upang masagip niya ang bata, lumusong siya sa baha.

7. Kapag ang simuno ay di gumaganap ng kilos gamitin ang tinig

na balintiyak ng pandiwa.

Mali:

Si Jose ay nagsulat ng liham para kay Ana.

Tama:

Ang liham ay sinulat ni Jose para kay Ana.

8. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.

Mali:

Mahirap ang buhay ngayon talaga.

Tama:

Mahiraptalagaangbuhayngayon.

9. lapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang

kinakatawan nito.

Mali:
Ginamit ni Ana ang perlas sa klase na bigay ng lola niya.

Tama:

Ginamitni Ana saklaseangperlas nabigay ng lola niya.

10. Sa Filipino, una ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap.

Minahal at ginamit niya ang sariling wika.

Keysa:

Ang sariling wika ay minahal at ginamit niya.

You might also like