Module - Masining Na Pagpapahayag
Module - Masining Na Pagpapahayag
Module - Masining Na Pagpapahayag
MODYUL
SA
MASINING NA
PAGPAPAHAYAG
Pangalan: ______________________
Kurso: _________________
Guro: Rica Mae C. San Jose, LPT
Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
Halimbawa:
Ang mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas maging sa iba’t
ibang bansa. Masasalamin sa kanilang mga kasaysayan ang mga
pagrerebelde ng taong-bayan sa pamahalaan. Nagkakaroon ng mga
pagdiriwang at isang lupon ng mga tao na tumutuligsa sa uri ng
pamamahala ng isang tao. Hinihiling nila na gumising ang diwang
makabayan ng mga tao, partikular sa Pilipinas. Ang ginagawang
panghihikayat na sumama sa pagtuligsa ay isang uri ng retorika, sining na
kung saan sat alas ng dila ng mga tagapagsalita ay kaya niyang baguhin
ang paniniwala at pilosopiya ng isang tao.
Bilang pagpapatunay sa ganitong pagpapakahulugan ni Aristotle,
maraming mga Pilipino ang naloloko sa mabulaklak na dila ng mga politico
ng bansa. Sa husay ng kanilang pagsasalita ay napapaniwala nila na sila
ang karapatdapat na iluklok sa posisyon na kanilang ninanais.
a. Lakas ng Pagbigkas
b. Bilis ng Pagbigkas
c. Linaw ng Pagbigkas
d. Hinto
e. Kilos at Kumpas
2. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga kasangkapan ng
isang tagapagsalita.
a.Kaalaman sa paksa
b.Tiwala sa sarili
c.Tindig
d. Kasanayan sa pagsasalita
e. Lugar
f. Papel na ginagampanan
g. Paksang tatalakayin
3. Ayon kina Mangahis (2005), ang katangian ng mahusay na
tagapagsalita ay ang sumusunod:
a.Kahandaan
b Kaalaman sa paksa
c. Kahusayan sa pagsasalita
MALING HALIMBAWA:
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibigng bulkan.
WASTONG HALIMBAWA:
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bungangang bulkan.
Tamang Salita at Kahulugan
Watong gamit ng Salita
Nang at Ng
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi
masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa atin, sa ating
pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung
nabaliktad ang ating paggamit sa ngat nang, kaya mahalagang malaman
ang wastong paggamit ng mga ito.
Sa lesson na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para
malaman kung ano ang dapat gamitin sa ng o nang sa isang
pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung
kailan kailangang gamitin ang nangang sa isang pangungusap:
1. Pag-uulit ng pandiwa
Halimbawa:
Talon nang talon ang mga bata.
Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Ibang halimbawa:
Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya ng kanyang kasintahan.
Biglang nagkagulo ang mga tao nang lumabas sa pinto si Lovi Poe.
Talinghaga
Ang talinghaga o parabula ay isang maikling kuwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na
maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay
walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang
katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita
ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan
sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na
nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Pagsasanay
Alusyon sa MITOLOHIYA
Halimbawa:
Unang Saknong ng tulang “Felicitacion” (Maligayg Bati) ni Dr. Jose Rizal:
Kung si Filomena ang dila’y may tamisang sa kay Apolo, sa kanyang
pagsilip,sa may kabukira’t bundok na masungit,ang may dalang awit.
Alusyon sa LITERATURA
Halimbawa:
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag –asang kanyang
maililigtas ang kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.
Alusyon sa KULTURANG POPULAR
Halimbawa:
Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Prestley ng lungsod ng Davao at ang
anak niyang si Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.
Pagsasanay
Ang iyong gawain ay ... ipahatid ang nilalaman, kaya huwag matakot na
lokalisahin ang orihinal na teksto kahit na ito'y ibang-iba (dapat akma,
siyempre). Basahin ang orihinal na teksto, unawain ang nilalaman nito, at
isaalang-alang kung paano mo nais na ibalangkas ang teksto sa iyong
wika (kung hindi mo pa naririnig ang orihinal na teksto).
Kung wala, suriin kung may akmang salita mula sa mga pinaka-malalawak
na wika ng Pilipinas gaya ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray-Waray,
Kapampangan, Northern Bicolano, Chavacano, Pangasinense, Southern
Bicolano, Maranao , Maguindanao, Kinaray-a, at Tausug.
Kung wala pa rin, suriin pa kung may akmang salita mula sa iba pang wika
ng Pilipinas.
makatutulong sa pagpapanayam
ng bokabularyo.
MGA PARAAN:
PAGLALAPI
PAG-UULIT
PAGTATAMBAL
PINAGSANIB
PAG-UUNLAPI
PAGGIGITLAPI
PAGHUHULAPI
PAG-UUNLAPI at PAGGIGITLAPI
PAG-UUNLAPI at PAGHUHULAPI
PAGGIGITLAPI at PAGHUHULAPI
Halimbawa:
b + um + asa = bumasa
h + in + asa = hinasa
Halimbawa:
aklat + an = aklatan
hamak + in = hamakin
Halimbawa:
nag + amin + an
= nagaminan
= nagustuhan
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
MGA PARAAN:
PAG-UULIT NA PARSYAL
PAG-UULIT NA GANAP
Halimbawa:
Halimbawa:
Mag+la+lakad+lakad
= maglalakad-lakad
A+alis+alis = aalis-alis
Halimbawa:
Anak+pawis = anakpawis
Balik+bayan = balikbayan
PAGTATAMBAL NA GANAP
Halimbawa:
basag+ulo = basagulo
bahag+hari = bahaghari
Halimbawa:
nag+ha+hanap+buhay = naghahanapbuhay
araw+araw+in = araw-arawin
- may mga salitang maylapi na ang inuulit ay ang unang katinig o patinig
nga salitang-ugat
Halimbawa:
bali-balita
sali-salita
dala-dalawa
Halimbawa:
a+alis = aalis
ba+basa = babasa
ga+ganda = gaganda
Halimbawa:
bulaklak
paruparo
alaala
1. PAYAK
– salitang-ugat lamang
Halimbawa: araw
2. INUULIT
– inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito.
halimbawa: araw-araw
Halimbawa: kakanta
3. MAYLAPI
Halimbawa:
unlapi – umayaw
gitlapi- sinulat
hulapi – patayin
4. TAMBALAN
Halimbawa:
asal-hayop
bahaghari
silid-aralan
Pagsasanay
Pagsasanay
Halimbawa
a. Natatanging karanasan
b. Pagbibigay-interpretasyon
d. Puna sa napanood
Uri ng Komposisyon
Hal.mga editoryal
PAGSULAT NG KOMPOSISYON
Talata
Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lupon ng mga pangungusap na
naglalahad ng isang bahagi ng buong kurokuro, palagay o paksang diwa.
a. Panimulang talata
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng
komposisyon.
b. Talatang ganap
Matatagpuan ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon.
Tungkulin nitong idebelop ang pangunahing paksa ng komposisyon.
Sinasabi rito kung ano ang paliwanag, ang isasalaysay, ang inilalarawan o
bibigyang katwiran.
c. Talata ng paglilipat-diwa
Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng
mga pahayag sa mga talataan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang
ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod na talata.
Sinasalungat ba ng talatang sinundan o dinaragdagan nito ang isipan
niyon? Ipinahihiwatig din nito ang debelopment ng paksang tinatalakay.
d. Talatang pabuod
Kadalasan ito ang pangwakas na talata o mga talata ng
komposisyon. Inilalagay rito ang mahalagang kaisipan o pahayag na
tinatalakay sa gitna ng komposisyon. Maaarin ring gamitin ang talatang ito
upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng awtor ng isang
komposisyon.
Katangian ng Mabuting Talata
1. Mga nominal
Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.
I. PASALAYSAY
May layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari;
makukulay na karanasan sa buhay.
URI NG PASALAYSAY
a. Pagsasalaysay na totoo- base sa tumpak, tiyak at tunay
na mga pangyayari.
b. Pagsasalaysay na likhang-isip- kinabibilangan ng mga
mito, parabola, pabula, anekdota, palaisipan, maikling
kwento at nobela.
c. Pananaw sa pagsasalaysay- nagsasaad ng personal na
kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang
tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.
SANGKAP SA PAGSASALAYSAY
a. Tema
b. Tauhan
c. Aksyon o pangyayari
d. Tagpuan
e. Himig
II. PAGLALARAWAN
Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig.
URI NG PAGLALARAWAN
IV. PANGANGATWIRAN
May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan
ng makatwirang mga pananalita.
DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN
a. Pabuod o inductive method- sinisimulan ito sa particular
na pangyayari at tinatapos sa isang katotohanang
pangkalahatan sapagkat dinaraan muna sa iba’t-ibang
obserbasyon at paulit ulit na eksperimentasyon at
pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang
katotohanan.
b. Silohismo o deductive method- pangangatwiran na lohikal
kung maghayag ng katotohanan; panghahawakan muna
ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng
pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang
konklusyon.
PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag.
* Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)
*Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)
* Pagtanggi (Litotes)
Mga halimbawa:
a. Ang pangaral ng kanyang inay katulad ng isang sulongtumanglaw sa
kanyangnadirimlang kaisipan.
b. Ang kawangis niyay isang ibongnabalian ng pakpak.
c. Si Lolitay katulad ng isang kandilang unti-unting nauupos.
d. Si Rodel ay kagaya ng isang maiming tupanang humingi ng tawad sa
ina.
2.) Pagwawangis (Metaphor)-Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad
ngunit tiyakang naghahambing at hindi na gumagamit ng mga pariralang
katulad ng, tulad ng,kapara ng, para ng,kagayangatgaya ng.
Mga halimbawa:
a. Ikaw ay tinik sa lalamunan ni Mercy.b. Ang papuri ni Mario ay musika sa
pandinig ni Leni.
c.Isang bukas na aklat sa kaibigan ang buhay ni Delia.
d. Ang buhay ng maysakit ay aandap-andap na tinghoy na maaaring
mamatay ano mangoras.
3.) Pagmamalabis (Hyperbole or Exaggeration)-Lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay atpangyayari.
Mga halimbawa:
a.Pumutok angkanyang ulosa dami ng mga problema.
b.Nabali ang balak angni Liezel sa baku-bakong daan.
c.Nagliliyab ang mga matang galit na galit na lalaki.
d.Nadurog ang pusoni Celia sa makabagbag damdaming tagpong
kanyang nasaksihan.
4.) Pagbibigay-katauhan (Personification)-Itoy pagsasalin ng talino at
katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.
Mga halimbawa:
a.Ngumiti ang bulaklak sa liwanag ng buwan.
b.Humahalak hak ang musika kayat sandaling nalimot niya ang
kalungkutan.
c.Sumasayawang mga alonsa karagatan.
d.Lumuluha ang liham na tinanggap ni Rosalie, hindi niya napigilan ang
mapaiyak.
5.) Pagbibigay-aral (Parable, Fable, Allegory)-Sumasaklaw ito sa
tatlong uri ng salaysay gaya ng mga sumusunod : parabula,pabula at
alegorya.Ang parabula ay buhat sa banal na kasulatan, nagpapahayag ito
ng katotohanano kayay may layuning magbigay ng aral.
Halimbawa:
ANG ALIBUGHANG ANAK
May mag-aamang naninirahan sa isang nayon. Silay nakaririwasa
sa buhay. Angamay isang amang uliran at pinagpapasunuran niyang
mabuti ang dalawangpinakamahal ng anak.Isang araw ay nilapitan ng
bunsong anak ang ama at hiniling na ibigay na angama ang kanyang
mamanahing ari-arian at ibig na niyang magsarili. Hindi namantumutol ang
ama sa kahilingan ng bunsong anak. Nang makuha na ang ari-
ariangnauukol sa kanya, ang bunsong anak ay nagtango sa isang
malayong bayan atnagpakalayaw sa buhay. Nilustay niya ang ari-ariang
ipinagkaloob ng ama.Namulubi siya at sumala sa oras kayat naisipan
niyang bumalik sa nilisangtahanan upang makain man lamang ang
kinakain ng utusan ng kanyang ama. Nagalaknang gayon na lamang ang
ama nang muling Makita ang bunsong anak. Niyakap athinagkan niya ito
at inutusan ang isa sa mga utusan na bigyan ng pinakamagarang
damitang anak, isuot sa daliri nito ang isang mamahaling singsing at
maghanda ng masasarapna pagkain sapagkay silay maghahandog ng
isang piging.
Namangha ang panganay na kapatid nang dumating siya mula sa
bukid. Nagalitsiya nang gayon na lamang nang malaman niyang ang
kasayahan ay para sa kanyangmasamang kapatid na bumalik. Buong
pagdaramdam niyang hinarap ang ama atsinabing Naglilingkod ako sa
inyo, sinusunod ko ang lahat ng inyong utos at pangaral athindi ko kayo
sinuway kahit kalian. Ni isang guya ay hindi ninyo ako ipinagpatay
ngunitang aking masamang kapatid ay hinandugan pa ninyo
ng piging.Sumagot ang ama sa panganay niyang anak. Anak, ikaw ay
laging nasa akingpiling at ang lahat ng akin ay sayo. Nagsasaya tayo
ngayon sapagkat ang iyong namatay nak apatid ay muling nabuhay , ang
nawala ay muling nakita.Ang pabula ay katulad ng layunin ng parabula na
magbigay ng aral. Ang kaibahannito sa parabula ay mga hayop ang
gumaganap na binigayan ng mga katangian ng tao.
6.) Pagpapalit-Saklaw (Synecdoche)-Naisasagawa ang pagpapahayag
dito sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahaging pagtukoy sa kabuuan at
maaari namang isang tao ang kumatawan sa isang pangkat.
Mga halimbawa:
a. Sampung bibig ang umaasa kay Anthony.
b. Apat na maliliit na paa ang tumatakbong sumalubong sa ama.
c. Isang kayumanggi ang nabuwal sa Bagumbayan nang dahil sa
pagmamahal sa Inang Bayan.
d. Isang katipunero ang nagdulot ng tabak upang ipagtanggol ang aping
bayan.
7.) Pagpapalit-tawag (Metonymy)-Nagpapalit ng katawagan o pangalan
sa bagay na tinutukoy ng uring ito ngpagpapahayag
Mga halimbawa:
a. Dapat nating igalang ang puting buhok
.b. Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang
kasalanan.
c.Tatlong basi ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
d. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
8.) Paglilipat-lipat (Transferred Epithets)-Sa uring itoy inililipat sa mga
bagay ang mga pang-uring ginagamit lamang sa tao.
Mga halimbawa:
a. Nagtago sa ulap angmapanibughuing buwan.
b. Hinaganap ng magkakahoy angmapaglingkod niyang gulok.
c. Ang kahabag-habagna pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog.
d. Ang inulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa Maynila.
9.) Paglumanay (Euphemism)-Tinutukoy dito sa lalong malumanay,
magaganda at mabuting pananalita ang tao, bagay at pangyayaring
karaniwan ay hindi naman pinag-uukulan ng gayon.
Mga halimbawa:
a. Ang pusakal na manggagantso at nakatagpo ng isang malungkot at
nakahahambal na kamatayan sa kamay ng kilabot na criminal.
b. Ang lalaking mapagwasak ng tahanan ay nagdanas ng kalunus-lunos at
nakahahabagna parusa sa kamay ng taong may malasakit sa kanyang
kapatid na babae.
c. Ang babaeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag-
damdaming tagpo sa harap ng mga kapitbahay.
d. Ang kaawa-awang dispalkador ay tumanggap ng mabigat na kamao ng
kanyang niloko.
10.) Pag-uyam (Irony or Sarcasm)-Ginagamitan ito ng mga salitang
nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ngmga salitang tila kapuri-
puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa paraan ng
pagsasalita ng isang tao.
Mga halimbawa:
a. Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang
hindi nagpapaalam sa mga magulang.
b. Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
c. Talagang mapagkakatiwalaan si Dennis, siya lamang ang pumasok sa
kwarto ni Robertat nawala na ang relo nito.
d. Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo
sa paa ng iyongkapareha.
11.) Pagtanggi (Litotes)-Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang hindi
upang maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi
ng salitang sumusunod.
Mga halimbawa:
a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang
ipinagtapat sakanyang lihim ng matalik niyang kaibigan.
b. Su Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
c. Ang binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag
sinisita ng katalo.
d. Hindi ka nga makulit, ilang beses mo lang sinabing isama ka.
12.) Pagtatambis o Tambisan (Antithesis)-Inilalahad dito ang isang
bagay laban sa iba namang bagay, binabanggit ang mga bagay na
nagkakasalungatan upang higit na maging mabisa ang pangingibabaw ng
isang kaisipang natatangi.
Mga halimbawa:
a. Naranasan na ni Lito ang ibat ibang mukha ng buhay. Narating na niya
maraming pook, malapit at malayo, naranasan niyang maging panginoon
at alipin, maging maluho sa buhay at magdildil ng asin, dumugin ang mga
kaibigan dahil sa kanyang salapi at layuan ng mga ito nang siyay
mamulubi. Anupat siyay taong hinog na sa karanasan kayat lubos na
niyang nababatid ang liwanag at dilim ng buhay.
b. Ang batang si Rowenay napakahirap unawain, hinahanap ang ina
ngunit itinataboy kapag dumadating, inaantok daw siya ngunit ayaw
matulog, nagugutom daw ngunit ayaw kumain, ayaw ng maingay ngunit
ayaw rin ng tahimik dahil malulungkot daw siya
13.) Pagsalungat (Epigram)-Kahawig ito ng pagtatambis ngunit higit itong
maikli kaysa pagtatambis.Magkasalungat ang kahulugan ng mga salitang
pinag-uugnay sa uring ito.
Mga halimbawa:
a. Ang ama ang nakasaya sa kanilang pamilya
b. Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.
c. Nasa katamaran ng tao ang pag-unlad ng daigdig.
d. Namatay ang bayani upang mabuhay.
14.) Pagtawag (Apostrophe)-Kahawig ito ng pagbibigay-katauhan. Ditoy
ginagawa ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-
usap sa isang buhay na tao.
.Mga halimbawa:
a.Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
b.Panibugho,layuan mo kaming magsing-irog at nang kamiy magkaroon
ng kapayapaan
.c.Buwan,sumikat ka na at pawiin ang kadilimang lumulukob sa kapaligiran
.d.Pag-asa,halika at tugunin ang mga tanong kong magbibigay-buhay sa
akin.
15.) Tanong Retorikal-Isang uri nito ng pagtatanong na hindi naghihintay
ng sagot at ang malimit nitong bigyang diin ay ang kabaligtaran ng
itinatanong.
Mga halimbawa:
a. Ang isa kayang matalinong propesyonal ay agad maniniwala sa mga
sabi-sabi?
b. May ina kayang makatitiis na makitang nagugutom ang mga anak
samantalang siyay nagpapakasawa sa masasarap na pagkain?
c. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad, sugarol,
lasenggo at nambubugbog?
d. Ang mga hayop bay may talinong katulad ng tao?
16.) Pag-uulit(Alliteration)-Ang uring ito ay gumagamit ng magkatulad na
titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa
isang pangungusap.
.Mga halimbawa:
a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang napakabilis na
pagpapasyang nakalikhang pagkabalisa sa kanyang puso umiibig.
b. Lumingap si Rosy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang,lumingon
sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lu-
mang gusaling mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang
yayat na katawan.
c. Hinahanap at hinihintay ng iyong ina ang maituturing na himalang
pagbabago sa iyong katauhan sapagkat ikaw ay hinog na sa panahon at
ni sa hinagap ay hindi aakalaing malilihis ng landas.
17.) Paghihimig (Onomaopoeia)-Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa
pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Mga halimbawa:
a.Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan pa pagguhit
ng matatalim na kidlat.
b.Kumalabogsa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula
sa trak.
19.) Pagsusukdol (Climax)-Ang uring ito ng pagpapahayag ay baiting-
baitang na pataas na nagsasaad ngmga bagay at pangyayari hanggang
sa umabot sa pinakamahalaga o karurukan.
Mga halimbawa:
a. Sa simulay naramdaman ni Sally na siyay nahihilo. Ginitian siya ng
butil-butil napawis.Nadama siya ng panginginig ng katawan at paninikip ng
dibdib. Pamayamaya ay nagdilim ang kanyang paningin at bigla
na lamang siyang nahandusay.
Pagsasanay