Bangkang Papel
Bangkang Papel
Bangkang Papel
ASIGNATURANG PAGBASA’T
PAGSULAT TUNGO SA
PANANALIKSIK
II. Buod
Isang batang lalaki ang gumawa ng tatalong malalaking bangkang papael na hindiniya
napalutangsa tubig kailanman. Hindi niya malaman kung ano ang dagundong angbiglang
pumuno sa bahay o ang biglang pagliliwanag.Nagsunud-sunod ang tila malalalaking batong
gumugulong sa kanilang bubungan.Ang paggulong ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at
pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag muli. At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan
ang kahuli-hulihangpangarap ng batang yaon, ang panahon at patuloy sa pagliliwanag at
pagdiidlim, sapananahimik at pag-uumugong,sapagbabata ng walang awing hampas ng hangin
at ulan. Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanog ng mga bangkang papel
aydumatingngunit kakaibang kinabukasan. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalakiang
kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sakanyang kandungan ay nakasubsob si Miling .at ang
buhok nito ay talang tigil na hinahaplosng kanyang ina. Ang mukha ng kanyangina ay nakita ng
batang higit na pumuti kaysa rati, ngunit ang mgamata noo’y hindi pumipikit , nakatingin sa
wala. Lahat ng lapitan niya’y nanatiling pinid sa labi. Ipinatongang kamay sa kanyang balikat o
kak’y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.Salabinlimang nangapat kagabi ay kabilang ang
kanynag ama«sa labas ng bayan sasagupaan ng mga kawal at tanong-bayan.Nag-aalinlangan,
ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. Sa
bawathakabang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukod na kanyang
tahananaynararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing iyon ang kahuli-
hulihan sa kabataang sasansagalit lamang tumagal.
III. Pagsusuri
A. Uring pampanitikan
Ang sunuring akda ay isang maikling kwento. “Isang akdang pampanitikang likha
ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.” ang
pagpapakahulugan ni Edgar Allan Poe, (ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento) sa maikling
kwento. Ito rin ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay din sa maikling kwento ang
natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
B. Istilo ng paglalahad
Mga Dagundong ugong tila mga bato na gumugulong sa kanilang bubungan (Pagtutulad)
- May gyera na nagaganap
D. Sariling reaksyon
1. Pananalig pampanitikan o teorya
Ang gamit na dulog sa panunuring papel na ito ay Pagdulog Realismo. Ayon sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo ang teoryang realismo ay ang paniniwala na
ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali,
kundi lohikal at paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay na mundo".
Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman
kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).
Ayon naman sa http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-
pampanitikan.html ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng
kanyang sinulat.
Sa maikling kwentong ito, tunay na naliwagan ang aming mga isipan at diwa sa ipinakitang
lantad na katotohanang maaaninag sa masalimoot nating lipunan. Ang palasak na tunggalian ng
mga paniniwala, ang paninindigan ng mga taong nasa tuktok ng tatsulok at ng mga mamamayang
nasa paanan nito.
Sa mga mata ng isang bata, lahat ng bagay ay maganda at makulay. Lahat ay simple at
hindi komplekado. Walang kadenang galit, poot, inggit at pagkukunwaring gumagapos at unti-
unting nagpapatigas sa puso ng mga tao. Puro at totoo ang kanilang pagkatao, sumasalamin sa
personang bigong maisakatauhan ng nakararami sa atin.
Sa ating lipunan tunay na masasaksihan ang mga batang mababaw ang kaisipan, walang
pakialam sa mundo at ang nais lamang ay ang maglaro at magsaya sa kahit anong paraan na
makapagbibigay sa kanila ng kaligayahang walang katapusan. Ang mga bagay na nais nilang
gawin ay nagsisilbing mga pangarap na kay hirap abutin, dahil kaakibat nito ang mga dahilang
hindi nila maiintindihan, para bang sinadyang ginawan sila ng utak na hindi maunawaan ang
realidad ng buhay. Ang mga musmos na nilalang sa ating lipunan ay patuloy na dadalhin ang mga
inipong mga tanong kung bakit sila napapagitnaan ng lungkot at kapighatian habang sila’y
nakikipagsapalaran.
Kalakip sa pagiging bata ang pagiging sensitibo at mahina. Bagong usbong ang kanilang
kamalayan at hilaw pa ang naturang mga karanasan kaya kailangan nila ng magiging panulukang
bato para sa binibuong pagkatao. Kailangan nila ng kamay na aakay at huhubog sa kanilang
murang pag-iisip. Dito na pumapasok ang mga responsibilidad ng isang magulang. Ang kanilang
katauhan ay nagdudulot ng napakalaking impak sa paglinang ng mga kabataang magtataguyod ng
kinabukasan ng ating bansa. Sa mga katagang “Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba
ang Tatay?” makikita ang simpleng paghahanap ng isang anak sa kanyang ama. Ngunit kung
iisiping mabuti ay may nakatago itong mabigat na suliranin. Ang mga katagang iyon ay
nagpapahiwatig na ito’y nangangailangan ng presensya na kakalinga at papawi sa walang muwang
niyang pagka-uhaw sa kaloob-looban na tanging ang isang ama lamang ang makakapagbigay.
Kung tutuusin, nasa harapan ng bata ang kanyang ina ngunit hinahanap-hanap niya parin ang
presensya ng kanyang ama. Tila ba may kakaibang init na dala ang pagkalinga ng isang ama na
tanging makapapawi sa lamig na tumusok sa kanyang pagkatao. Pinatunayan pa ito ng linyang,
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?” “Ewan ko,” ang
sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang
ginawa mo.” Dagdag pa dito’y ang mga katagang, “Sa kanyang tabi’y naroon ang kapatid na si
Miling. Sa tabi nito’y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito’y nakita niya
ang banig na walang tao”. Maaaninag na hindi sapat ang dalang init ng yakap ng isang ina sa
paggamot ng dalang lamig sa pagkatao ng isang bata. Walang damit o alinmang kumot ang
makakapawi dito dahil ang presenya ng isa lamang sa kanila’y di makasasakop sa laki ng butas na
naililikha ng kanilang pagkawala sa diwa at pagkatao ng isang murang bata.
Sa pagbabasa ng kwento, makakalikha ng isang malaking tanong sa iyong isipan ang hindi
pag-uwi ng ama ng bata sa kwento at ang mahiwagang pagkamatay nito sa hulihang bahagi.
Kung titingnan at hihimayhimayin ng mabuti ay mapapansing gumamit ang awtor ng hindi
direktang pagpapahayag sa pagsiwalat ng tunay na dahilan ng pagkawala ng ama sa simula ng
kwento. Sa bahaging nagsasabi na “Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon
din ay magsialis na kayo. Kayo’y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan,
isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t walang maaaring maiwan.” ay
makikita ang hindi inaasahang pagliko ng daloy ng kwento. Nakalilikha ng isang malaking
palaisipan ang pagpapalisan sa kanila sa naturang lugar na tinitirahan. Nagsasaad ang mga linyang
ito na may nangyayaring kaguluhan kaya nais na masiguro ang kanilang kaligtasan. Ang mga
katagang ito ay sinundan pa ng pagsisisiwalat na “Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang
ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.” Pansinin ang
mga linyang, “Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila’y papasok dito... Kaya’t
walang maaaring maiwan.”, sa unang bahagi at ang pariralang “sa sagupaan ng mga kawal at
taong-bayan.” Maipagtatagpi-tagpi mo ang mga pangayari at masasagot ang iyong katanungan.
Mapapansin na ang salitang “papasok dito” ay nagpapahiwatig na sila’y nasa loob ng isang tagong
lugar o pamayanan o maaring masabi nating kuta ng isang hindi kinikilalang grupo o samahan. Sa
pagbanggit naman ng mga salitang “kawal at taong-bayan” ay mapapatunan ang naging hinuha.
Ang sagupaang naganap sa bayan ay labanan ng rebelde at kawal ng pamahalaan. Isang
kaganapang palasak at napapanahon saan mang sulok ng mundo. Mga labanan ng magkakalahi at
magkababayan. Isang masakit na realidad na unti-unting sumasakal sa ating bansa. Ang tatsulok
na sistema ng lipunan ang nagpapabulok dito. Ang patuloy na sagupaan ng mga nasa taas at nasa
paanan nito’y patuloy na umiiral, patuloy na nag-aalab. Mas pinapagsalita pa ang mga putok ng
baril kaysa sa mga labi.
Ang masakit na realidad na ito’y nagdudulot pa ng mas malaking sigwa sa bayan kung ang
pag-uusapan ay ang kabataan. Mga kabataang walang muwang at inosente. Silang mga anghel na
unti-unting dinudurog ng malademonyong kaguluhan. Silang hindi paman nagsisimulang mabuo
ang pagkatao ay natatapos na. Silang mga nagtitiis at nagbabayad sa mga kabulastugang ginagawa
ng mga taong dapat na magprotekta at malinang sa kanila. Ang linyang “Inay, bakit pinatay ng
mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?” ay ang tanong ng nakararaming kabataang nasasangkot sa
labanan. Silang naiipit sa gulo at nakasasaksi ng patayan. “Bakit?” bakit nga ba? Sapat kaya ang
magiging dahilan ng bawat panig upang mabayaran ang sirang naidulot nila sa bawat kinabukasan
ng kabataan?
Mahirap bilang isang Pilipino ang makisalamuha sa magulong sistema ng isang lipunan.
Ang pahayag na ito “Hindi nabuhay ang takot. Kahit araw-araw na panganib ang sinusuyod” na
mababasa sa akdang Inukit na Pag-ibig at Kabayanihan ni Itay, ito’y simpleng pangungusap pero
may nakatagong malalim na kahulugan. Hindi madaling maunawaan kung ano ang kinakatakutan
at kung anong panganib ang nag-aabang, maaring makabubuo ito ng isang katanungan kung ano
nga ba ang pinagmulan. Mahirap sagutin sapagkat ang pangungusap ay mahirap din intindihin.
Narito pa ang ibang mga pangungusap na siyang magpapaliwanag ng iyong iniisip “Kung maaari
nga, mga ibon ang magdala ng pagmamahal ko patungo sa'yo” sa pangungusap na ito’y ikaw ay
makakapagtanong, nasaan ba siya at bakit parang ang layo nila sa isa’t isa? “Kailan kaya
matatapos itong gulo? Kailan kaya tayo magiging mga bata muli upang maiduyan kita sa ating
tagpuan”. Maaaring sa mga pangungusap na ito’y masasagot na ang iyong mga katanungan, dahil
ito’y nagpapahiwatig kung saan siya naroroon. Kung iisipin o iintindihing mabuti ang mga sunod-
sunod na mga pangungusap madali itong maintindihan kung ano nga ba ang kanyang trabaho. Siya
ay isang kawal ng Gobyerno. Ang dalawang akdang sinuri at ang iniugnay ay parehong ang mga
namatay ay waring sinusuong ang kahirapan ng buhay.
Malaki ang maitutulong ng mga magulang sa kanilang mga anak, dahil sila ang nagiging
inspirasyon ng kanilang mga anak sa pagbuo at pagkamit ng kanilang mga pangarap, ang
magtuturo, mag-aalaga, at magmamahal sa kanila. maglaro at makisalamuha sa ibang bata dahil
ginugugol niya nag kanyang buong panahon sa pag-aalaga sa kanyang mga kapatid.
A. Tauhan
Batang Lalaki: Gumawa ng tatlong malalakingbangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig
kailanman.
Ina: Ina ng batang lalaki at ni Miling
Miling: Kapatid ng batang lalaki
Tatay: Ama nina Miling at ng batang lalaki nanapaslang ng mga kawal
Mga Kapitbahay: Aling Berta, Mang Pedring, Aling Ading, Feli, Turing, Pepe.
B. Galaw at pangyayari
Ang mga salitang ginamit sa akda ay karaniwang pormal. Kapansin-pansin din ang paggamit ng
awtor ng mga salitang hindi pamilyar sa mga mambabasa. Sa halip na gumamit ang awtor ng mga
salitang mas madaling maunawaan ay gumamit ito ng mga salitang di-pamilyar na siyang
nagdagdag sa kasiningan ng kwento.
Halimbawa:
“Wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis.”
“Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin.”
“Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. ”
“Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli.”
“Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba…”
Sa halip na gamitin ang salitang sinag ay silahis ang ginamit, hagibis sa halip na belosidad,
salitang naparam na maaari namang gamitan ng salitang naglaho, nagugulumihan sa halip na
naguguluhan at tigib ng pangamba na maaari namang sabihing puno ng pangamba.
Gumamit din ang awtor ng salitang konotasyon (Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa
pangkaraniwang pakahulugan), narito ang pahayag:
Ang kwento ay tungkol sa batang lalaki na hinihintay ang pagdating ng kanyang ama,
kasama na dito ang paghahangad niya na palutangin ang mga bangkang papel na kanyang ginawa.
Ang akdang ito ay hindi lang tungkol sa literal na paglalaro ng bata sa bangkang yari sa
papel. Ito ay sumisimbolo rin sa pangarap ng bata sa kwento na naudlot dahil sa pagkasawi ng
kanyang ama. Isa lamang siya sa mga batang maagang naulila dahil sa pangyayaring naganap sa
kanyang ama na namatay sa kasagsagan ng giyera. Mahirap mamuhay lalo na kung ang nasa
paligid mo ay hindi payapa. Sa madaling salita, ipinapakita dito ang masamang epekto ng giyera
lalo na sa mga kaanak ng mga taong nasawi. Ganito rin ang magiging epekto kapag patuloy ang
tunggalian sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde, maraming pamilya ang magkakawatak-
watak at maraming mga bata ang masisira ang kinabukasan.
Ito ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy tayong mag-aaway lalo na kung patuloy
ang pagrerebelde ng mga tao. Sa madaling salita, walang kapayapaan at katahimikan.
3. Bisang Pampanitikan
A. BISA SA ISIP
Natutunan ko sa maikling kwentong ito na maging bukas ang ating mga kaisipan sa lahat ng
possible at maaaring mangyayari sa hinaharap. May mga bagay na bigla na lang mawawal sa atin
ng hindi natin inaasahan. Maging matatag, matapang at magpursigi tayo sa sa ating mga pangarap
sapagkat may mga hadlang na maaaring pumawi nito.
B. BISA SA DAMDAMIN
C. BISA SA KAASALAN
Hindi natin hawak ang kapalaran kaya mahalin at pahalagahan ang ating mga magulang. Sila ang
nagbigay buhay sa atin kung gayon ay huwag natin silang pabayaan at lagging alalahanin. Hindi
sa panghabang buhay ay sila ang ating kasama.
D. BISA SA LIPUNAN
Ang mga gyera at gulo ang nagiging sanhi ng mga pagkapawi ng buhay ng mga sundalong
nagtatanggol sa bayan. Ang sanhi naman ng gulo at gyera ay ang hindi pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan ng mga tao sa gobyerno or sa kahit anong antas ng lipunan. Dapat tayong
magsuportahan sa anumang bagay o pangyayari na dumadating sa atin.