Fil 12 Las q3 Week 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 3 /2nd SEMESTER, WEEK 5

Pangalan:__________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: _FILIPINO 12-FPL (Akademik)_Guro: _______________Petsa:
______

I. Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sinopsis/Buod at Sintesis

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa ng konsepto

Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)
I. MELC: Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.

III. Layunin ng Pag-aaral:

 Natutukoy ang hakbang sa pagsulat ng synopsis/buod at sintesis.
 Nakasusulat ng buod ng isang binasang akda at napanood na palabas.
 Napahahalagahan ang synopsis/buod at sintesis bilang isang akademikong
sulatin.
V. Sanggunian:
Print Material/s:
 Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ni Constantino Et. Al
 Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:

Sinopsis/Buod
Ang synopsis/buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit
sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay,
nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.
Ang buod ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng
ilang pangungusap lamang.
Sa pagsusulat ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng
synopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksiyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga
salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing pahayag
ng tesis nito.
Pahayag ng tesis
Maaaring maglantad na makikita sa akda o minsan naman ito ay di-tuwirang
nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang mga
sagot sa sumusnod: sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?.

1
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing
tauhan maging kanilang mga gampanin at mga suliraning
kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
kuwentong binubuod lalo na kung ang synopsis na ginawa ay binubuo ng
dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o
kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod.

1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha
ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kasipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kug maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-
kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Sintesis
1. Salitang Griyego – syntithenai (syn=kasama; magkasama; tithenai= ilagay;
sama-samang ilagay.
2. Pilosopiya – bahagi ito ng metodong diyalektal ni George Friedrich Hegel
kaugnay ng pagbuo o katuwiran.
3. Tesis o Argumento – iniuugnay ang antithesis o kontra-argumento, at, sa huli,
ang sintesis o rekonsilasyon ng mga ideya na nakapaloob sa naunang
dalawa. Ang buong proseso ay nakabubuo ng bagong tesis.
4. Pagsulat – ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa
maikling pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang
pinanggalingan (tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay mapagsama-sama at mapag-
isa tungo sa isang malinaw na kabuuan o identidad. Mula sa prosesong ito, kung
saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya, makabubuo ng bagong ideya.
Sa makatuwid, ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga ideya tungo
sa isang pangkalahatang kabuuan na nangangailangn ng analisis sa simula
(kabuuang datos, ideya at paksa).
2
Alibughang Anak

Larawan galing sa: https://wol.jw.org/tl/wol/mp/r27/lp-tg/w20/2020/106

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana
nito at kanyang ginugol sa mga makamundong Gawain. Dumating ang panahong
naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagsalita
at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil
sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kanyang
masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba,
at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso
niya itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na
ikinasama naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya
naranasang ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang
ama at ipinaliwanag na siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay
para sa kanya subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit
muling nabuhay, Nawala ngunit muling nasumpungan.
Sanggunian: Hinango sa Magandang Balita Bibliya, Lukas 15:11-32

Munting Prinsipe
Noong bata pa lamang ang piloto ay mahilig siyang gumuhit ng mga bagay-
bagay. Nang minsang gumuhit siya ng sawang nakalunok ng elepante, ipinakita niya
ang kanyang iginuhit sa mga nakatatanda. Itinanong niya kung nakakatakot ang
kanyang iginuhit. “Ano ang nakatatakot sa isang sombrero?” Tugon nila. Gumuhit
siyang muli at nilagyan ng mag detalye. Ipinakita niyang muli ito sa kanila ngunit
pinagsabihan siyang itigil na lamang ang pagguhit ng mga sawa at ituon na lamang
ang pansin sa mga importanteng bagay tulad ng pag-aaral ng Heograpiya,
Matematika, Kasaysayan, at Wika. Sinunod niya ang kanilang payo. Isinuko niya ang
dapat sana’y naging propesyon niya. Di naglaon ay naging piloto ang bata.
3
Habang nagpapalipad ng eroplano ang piloto ay nasira ang makina nito.
Bumagsak ito sa disyerto ng Sahara. Nang inaayos niya ang eroplano ay nagulat
siya nang makita niya ang maliit na taong nakasuot ng damit-prinsipe. Inutusan niya
ang pilotong gumuhit ng tupa. Ang alam lamang iguhit ng piloto ay sawang
nakalunok ng elepante. Iginuhit niya ito. Nang makita ng prinsipe ang iginuhit na
larawan ay naiinis na nagwika siya ng: “Hindi ko nais iguhit mo ang isang sawang
may nalunok na elepante masyado itong nakakatakot. Iguhit mo ang tupa.”
Paulit-ulit na gumuhit ng tupa ang piloto ngunit lahat ng iginuhit niya ay
tinanggihan ng munting prinsipe. Sa inis ng piloto gumuhit siya ng kahon at
sinabing, “Nariyan ang tupang nais mo.” Nagustuhan ito ng Munting Prinsipe.
Habang tumatagal ay lalong nakilala ng piloto ang Munting Prinsipe. Galing
ang prinsipe sa Asteroid B612. Sa planeta ng prinsipe, may isang rosas na
nagpaligaya sa kanya. Ibinibigay ng prinsipe ang lahat ng gusto ng rosas dahil sa
ganda at halimuyak na angkin nito.
Dumating ang araw ng kanyang pag-alis sa planeta upang tuklasin ang iba
pang bahagi ng kalawakan. Nagpaalam ang prinsipe sa kanyang rosas.

Larawan galing sa: https://images.app.goo.gl/dC8W47SdB9XMHeY59

Una niyang pinuntahan ang planeta ng hari. Namangha siya sa lawak ng

kanyang kaharian subalit nagtataka siya sa kabila ng lawak ng kanyang kaharian ay
wala naman siyang nasasakupan. Pinilit siyang maging gobernador ng hari sa
kanyang planeta subalit tumanggi siya.
Sumunod namang narating ng prinsipe ang planeta ng taong mayabang.
Kontento ang taong ito sa paghanga ng iba. Gusto niyang lagi siyang
4
Dumaan naman ang prinsipe sa planeta ng taong lasenggero. Umiinom siya
para makalimot sa kahihiyan ng kanyang pagiging lasenggo.
Halos di siya mapansin ng dumaan siya sa planeta ng mangangalakal na
walang ginawa kundi bilangin ang mga butuin. Ang mga nakikita niyang mga bituin
ay itinuturing niyang mga kayamanan. Inililista niya ang mga ito at inaangking
kayamanan.
Nakarating din siya sa planeta ng tagasindi ng ilaw. Humanga ang Munting
Prinsipe rito dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang trabaho. Hindi siya napapagod
kahit bawat minuto ay kailangan niyang patayin at sindihan ang ilawan. Nagbago at
bumilis na ang takbo ng panahon ay ganoon pa rin ang pagharap niya sa kanyang
gawain. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan niya itong gawin. ang alam
lang niya ay ito ang ibinigay sa kanyang gawain kaya isinasagawa niya ang
inaasahan sa kanya bilang isang manggagawa.
Muli siyang naglakbay at nakarating sa heograpo na walang alam tungkol sa
kanyang paligid. Itinatala lamang niya ng sinasabi ng mga eksplorer. Itinanong niya
sa heograpo kung saang lugar mabuting pumunta at sinabi niyang sa Lupa.
Maraming katanungan ang nabuo sa kanyang isip sa mga paglalakbay na iyon.
Nang makarating siya sa daigdig ay marami siyang nakita at natuklasan sa
mga naninirahan dito. Isa sa nakilala niya ang ahas. Nang makasama at makausap
niya ang ahas at alamid ay nabuksan ang kanyang isipan. Sa kanyang paghahanap
ay natagpuan niya ang kasagutang, “Sa pamamagitan lamang ng puso nakikita ang
mga bagay na mahalaga. Nakatago sa mata ang tunay na halaga ng mga bagay.”
Naging magkaibigan ang piloto at ang Munting Prinsipe. Nagbahaginan sila ng
tungkol sa iba’t ibang katangian ng taong katulad ng mga nakilala ng prinsipe sa
iba’t ibang planetang kanyang narating.
Dumating na nga ang araw ng kanilang pamamaalam. Mabigat man sa loob
ng bawat isa ang paghihiwalay ay tinanggap nila, ang katotohanang may misyon
sila sa buhay. Lumisan ang prinsipe upang bumalik sa kanyang planeta. Alam
niyang kailangan na siya ng kanyang bulaklak. Ang kanyang pagkalinga ay lagi
nitong inaasahan.
Nagbalik na rin ang piloto sa dati niyang buhay. Bakas ang pangungulila niya
sa kanyang kaibigan. Kapag tumutingin siya sa mga tala ay parang nakikita niyang
kumakaway sa kanya ang Munting Prinsipe.
-Isang malayang pagsasalin sa Filipino ng buod ng
The Little Prince ni Antoine de Saint-Exupery ni Emily Marsigan

5
KAYA MO ITO

Gawain 1
Panuto: Punan ang patlang para mabuo ang pahayag tungkol sa synopsis at buod.
Piliin ang mga salita sa loob ng kahon.

buod sinopsis diwa ng seleksiyon

payak pangunahing pahayag
layunin bionote

Ang ____________ ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng

ilang pangungusap lamang.
Sa pagsusulat ng ____________, mahalagang maibuod ang nilalaman ng
binasang akda gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng synopsis ay
naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa ____________ o akda, kung
kaya’t nararapat na maging ____________ ang mga salitang gagamitin. Layunin din
nitong maisulat ang ____________ ng tesis nito.

Gawain 2
Panuto: Magbigay ng limang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng synopsis o buod.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Synopsis o Buod

1
2
3
4
5

Gawain 3
Panuto: Magbigay ng limang magkakasunod na hakbang sa pagsulat ng synopsis o
buod.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Synopsis o Buod
1
2
3
4

6
5
MARAMI KA PANG MAGAGAWA

Gawain 4
Panuto: Basahin ang akdang “Alibughang Anak” at sagutin ang mga katanungan sa
bawat bilang.
1. Sino sa dalawang anak ang humingi ng kanyang mana?
2. Saan ginastos ng anak ang kanyang minana?
3. Ano ang ginawa ng anak nang maubos ang perang minana?
4. Ano ang naramdaman ng panganay na anak nang bumalik ang kapatid?
5. Anong katangian ang ipinakita ng ama sa anak?

Gawain 5
Panuto: Muling ibuod ang “Alibughang Anak” sa loob ng 3-5 pangungusap lamang.
Isulat ang sariling buod sa sa loob ng aklat.

Gawain 6
Panuto: Batay sa akdang binasa na may pamagat na “Alibughang Anak”, Ano ang
aral na mapupulot sa akda bilang isang anak, mag-aaral at kapatid.

BUOD:_________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_____________________________
7
SUBUKIN ANG IYONG SARILI

Gawain 7
Panuto: Basahin ang akdang “Munting Prinsepe” at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat ang sagot pagkatapos ng bawat bilang.
1. Saang planeta galing ang munting prinsipe? __________________
2. Sino ang nakasalamuha ng munting prinsipe? __________________
3. Kaninong planeta unang pumunta ang munting prinsipe noong nilisan niya ang
kanyang planeta? __________________
4. Anong rason kung bakit naglalasing ang tao sa kuwento? ______________
5. Ano ang ipinaguhit ng munting prinsipe na hindi nasunod ng tao?
______________

Gawain 8
Panuto: Muling ibuod ang “Munting Prinsipe” gamit ang 3-5 pangungusap lamang.
Isulat ang sariling buod sa sa loob ng ulap.

Gawain 9
Panuto: Batay sa akdang binasa na may pamagat na “Munting Prinsepe”, Ano ang
aral na mapupulot sa akda bilang isang anak, mag-aaral at kapatid.

BUOD:_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
8
_____________________________
DAGDAGAN MO PA

Gawain 10
Panuto: Pumili ng panonooring dokumentaryo ng alinman sa isa sa mga sumusnod
na palabas sa telebisyon o Internet. Isulat ang buod ng panonoorin sa loob ng
kahon.

Mga link:
 I-Witness: ‘Minsan sa Isang Taon,’ dokumentaryo ni Kara David.
https://www.youtube.com/watch?v=yW9tT0XafhY
 I-Witness: 'Kaharian sa Ilalim,' dokumentaryo ni Kara David.
https://www.youtube.com/watch?v=_mwSM4CZ9s0
 I-Witness: ‘Vanished in the Lake,' a documentary by Howie Severino.
https://www.youtube.com/watch?v=QUelc85jKmQ
 I-Witness: 'Emergency Room,' a documentary by Jay Taruc.
https://www.youtube.com/watch?v=lcB2wLjAkA4

BUOD:_________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 11
Panuto: Pumili ng panonooring episode/serye ng isa sa mga palabas sa telebisyon
na Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman. Isulat ang buod ng panonoorin sa loob ng
kahon.

BUOD:_________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
9
______________________________________________________________________
_____________________________
Gawain 12
Panuto: Panuto: sagutin ang katanungan sa loob ng ulap. Isulat ang sagot sa
nailaang kahon.

Ano ang kahalagahan ng synopsis

at buod para sa isang mag-aaral na
katulad mo?

Sagot:

_________________________________________________________________

Para sa gawain 5, 6, 8, 9, 10, 11, at 12 narito ang rubriks na gagamitin.

Rubriks sa Pagbibigay Puntos

May kanya-kanyang sagot ang mga mag-aaral

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Kumpleto at
Wasto ang May ilang Maraming
wasto ang lahat
mga nakasaad detalye na kakulangan sa
ng detalyeng
sa talata. hindi dapat nilalaman ng
nakasaad sa isama sa talata.
talata. talata.
Presentasyon Organisado at
Maayos ang Hindi gaanong Hindi gaanong
sinuring mabuti
pagkakasunid maayos ang maunawaan
ang sunod ng mga nailahad na ang nilalaman
pagkakasunod- detalye talata. Hindi ng talata.
sunod ng mga gaanong
ideya o kaisipan maunawaan
ang nilalaman.
Wastong Tama ang Tama ang Tama ang mga Hindi wasto ang
Baybay at pagkakabaybay baybay ngunit bantas ndunit baybay at gamit
Bantas. at paggamit ng may ilan na may ilang ng bantas
mga bantas. hindi nagamit kamalaian sa

10
ng wasto ang baybay.
bantas.

11

You might also like