Aralin 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

WIKA

(Emmert at Donagby, 1981)


- sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga
tunog
- Mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga
kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.

(Henry Gleason, 1988)


- Isang sistematikong balangkas ng mga
sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabilang sa isang kultura.
WIKA
- Tunog at simbolo
- Kodipikadong paraan ng pagsulat
- Pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na
ginagamit sa komunikasyon (Bloch at
Trager, 1942; Peng, 2005)
DALUYAN NG
PAGPAPAKAHULUGAN

1.Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa


tunog.
2.Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na
larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa
o maraming kahulugan.
3.Kodipikadong pagsulat ang sistema ng
pagsulat.
DALUYAN NG
PAGPAPAKAHULUGAN
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng
mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan
o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng
kahuluga o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang
ipinapahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao
tulad ng pag-awit, patulong sa tumatawid sa
daan at iba pa.
GAMIT NG WIKA
1.GAMIT SA TALASTASAN – ang wika ay
pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.

2.LUMILINANG NG PAGKATUTO– ang mga naisulat


nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat
henerasyon.

3.SAKSI SA PANLIPUNANG PAGKILOS– Ito ang


nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para
sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat,
talumpati, at mga akda.
GAMIT NG WIKA
4. LALAGYAN O IMABAKAN – hulugan, taguan,
imbakan, o deposito ng kaalaman ng isang
bansa.

5. TAGAPAGSIWALAT NG DAMDAMIN –
pagpapahayag ng nararamdaman

6. GAMIT SA IMAHINATIBONG PAGSULAT –


paglikha ng mga tula, kuwento, at iba pang
akdang pampanitikan na nangangailanganng
malikhaing imahinasyon.
KATEGORYA AT
KAANTASAN NG WIKA

Dalawang kategorya:

1.PORMAL - kinikilala at ginagamit ng higit na


nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang
lugar.

2.DI-PORMAL – madalas gamitin sa pang-araw-


araw na pakikipagtalastasan.
Dalawang antas ng PORMAL

a. Opisyal na wikang pambansa at panturo


- ginagamit sa pamahalaan ajt mga aklat pangwika
sa paaralan; wikang panturo;wikang ginagamit sa
buong bansa

b. Wikang Pampanitikan
- ginagamit sa akdang pampanitikan
- masining at malikhain ang kahulugan ng mga
salitang ito
Tatlong antas ng DI-PORMAL

a. Wikang Panlalawiganin – salitang diyalektikal


Hal: adlaw (araw), ambot (ewan)

b. Wikang balbal (slang) – madalas marinig ang mga


salitang ito sa lansangan.
Hal: epal (mapapel), utol (kapatid)

c. Wikang kolokyal - ginagamit sa pang araw-araw na


pakikipag-usap
Hal: ewan, musta
KOMUNIKASYON

- Ang pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng


impormasyon sa mabisang paraan. Isa itong
pakikipag-ugnayan, o pakikipag-unawaan.

- Proseso ng pagbibigay at pagtanggap,


nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang
mgamimpormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon
at damdamin. Nagbubunga ang ganitong
pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng
lipunan.
ANTAS NG
KOMUNIKASYON

1. INTRAPERSONAL

2. INTERPERSONAL

3. ORGANISASYONAL
ANTAS NG
KOMUNIKASYON
1. INTRAPERSONAL – komunikayon na nakatuon sa sarili

2. INTERPERSONAL – nagaganap sa dalawa o higit pang


kalahok

3. ORGANISASYONAL – nagaganap sa loob ng isang


organisayon tulad ng paaralan, kompanya, simbahan, at
pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang
posisyon, obligasyon at responsibilidad.
Iba pang ANTAS NG
KOMUNIKASYON
4. PAMPUBLIKO- pakikipag-usap sa maraming tao

5. PANG-MASA- panglahatan

6. PANGKULTURA- pakikipag-usap tungkol sa kultura

7. PANGKAUNLARAN – komunikasyong naglalayong gamitin


sa pagpapaunlad ng bansa
PANGKARANIWANG
MODELO NG
KOMUNIKAYON

1. Tagapagdala (sender) – pinagmulan ng mensahe

2. Tsanel (channel) – dumadaan ang mensahe

3. Tagapagtanggap (receiver) – pinadadalhan ng mensahe

4. Tugon, puna, o reaksiyon (feedback) – tagatanggap hinggil


sa mensahe ng tagapagpadala.
TUGON/
PUNA/
REAKSIYON

TAGAPAGPADALA MENSAHE TAGATANGGAP

(TSANEL)

INGAY
TUGON/
PUNA/
REAKSIYON

PAYO SA PAG-
DJ SA
IBIG TAGAPAKINIG
RADYONG FM
RADYO
TATLONG URI NG
KOMUNIKASYON

1. KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS

2. KOMUNIKASYONG PASULAT

3. PAKIKIPAGTALASATASAN SA PAMAMAGITAN
NG KOMPYUTER
1. KOMUNIKASYONG PAGBIGKAS
- Ang pinkapondasyon ng anumang wika at pagsasaling-
kalinangan sa mahabang henerasyon. Ang sinaunang
kalinangan ay nakabatay sa pagbigkas o pasalitang
tradisyon.

2. KOMUNIKASYONG PASULAT
- Isa sa mahahalagang salik ng kaalaman at edukasyon ng tao.
3. PAKIKIPAGTALASTASAN SA PAMAMAGITAN
NG KOMPYUTER
(Computer Mediated Communication o CMC)
- Nagkakaroon ng aktuwal at tuluyang
komunikasyon habang gamit ang e-mail, chat,
messenger, at social networking site
- Maaaring oral, pasulat, o kombinasyon ng oral at
pasulat ang nagaganap na komunikasyon gamit
ang Internet

You might also like