Masining Na Pagpapahayag Lesson 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 2

pagpapahayag ng ideya sa Matalinhagang estilo

Sa pang-araw-araw na buhay, higit na ninanais ng mga karaniwang tao ang mga


karaniwang sa kanilang mga mata at pandinig. Kung maaari nga, ayaw na nilang mag-
isip ng kahu8lugang malalim. Ngunit may mga pagkakataong kai8lnagn ng sinumang
manunulat o mambibigkas na gumamit ng mga salitang kasasalaminan ng lawak ng
kanyang karanasan, dami ng nabasa at lalim ng kanyang kultura.
Lalo sa larangan ng panitikan, sukatan ng galing ng isang manunulat ang
paggamit niya ng mga salitang makapagtatago sa literal na kahulugan ng kanyang akda.
Sa mga mambibigkas naman, isang hikayat sa madlang nakikinig ang mahusay na
pagkakagamit ng mga talinhaga at alusyong angkop sa kanyang inihahtid na mensahe.
Sa paanomang paraan , pasalita man o pasulat, walang dudang lubhang
napatitingkad ang kariktan ng pagpapahayag kung sinsasangkapan ng ibat ibang estilo.

Halina’t Alamin

ARALIN 4

IDYOMA
Ang pag-aaral ng idyoma (idiomatic expressions) ay
kaugnay ng kaalamang panretorika. Ito ay nagpapabisa , nagpapakulay at nagpapakahulugan
sa pagpapahayag. Ang idyoma ay di tuwiran o di tahasang pagpapahayag ng gusting
sabihin na may kahulugang patalinhaga.

Mga ilang halimbawa:

IDYOMA KAHULUGAN

Butas ang bulsa Walang pera

Ikurus sa kamay tandaan

madilim ang mukha taong simangot, problemado

salin-pusa pansamantalang kasali sa laro o trabaho

namamangka sa dalawang ilog salawahan

tawang-aso nagmamayabang, nangmamaliit


pantay ang mga paa patay na

Butas ang bulsa - walang pera walang pera

di makabasag pinggan mahinhin

naniningalang-pugad nanliligaw

ningas-kugon panandalian, di pang-matagalan

Makapal ang bulsa maraming pera

sampid-bakod nakikisunod, nakikikain, o nakikitira

putok sa buho anak sa labas

May gatas pa sa labi bata pa

Amoy lupa matanda na

Hawak sa tainga sunud-sunuran

Nagtataingang kawali nagbingi-bingihan

Bukas ang palad matulungin

Balat sibuyas Madaling masaktan

Bahag ang buntot duwag

1. Mababaw ang luha ng guro naming.(madaling umiyak)


2. Hindi siya sanay maglubid ng buhangin.(magsinungaling)
3. Matuto kang magbatak ng buto kung nais mong umasenso sa iyong buhay.
(magtrabaho)
4. Tampulan siya ng tuksop kasi siya ay putok sa buho.(anak sa labas0
5. Patuloy si kanor sa pagbibilang ng poste.(walang trabaho)

TAYUTAY

Ang tayutay ay isang uri ng pagpapahayag kung saan ay sadyang inilalayo ang
mga salita sa karaniwang kahulugan nito upang makabuo ng mapanghamong pahayag sa
isipan ng kahit na sinong indibidwal. Kailangang maunawaang mabuti ang talinghagang
bumabalot sa pahayag upang maihiwatigan ang diwang di-tuwiran na ipinahayag nito.
Karaniwang ginagamit ang mga tayutay sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula,
maikling kuwento, dula, sanaysay at sa pagbuo ng mga awit. Naririnig ang mga ito sa
lalawigang gumagamit ng taal na pananagalog.

MGA URI NG TAYUTAY

Maraming tayutay ang ginagamit sa pagpapahayag. Hindi mabilang sapagkat hidi lahat
ng mga pahayag na ginagawa ng tao sa lipunan ay naitatala.

1.Aliterasyon. Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita. (pag-


ibig,pananampalataya, at pag-asa/lungkot at ligaya/masama o mabuti).

Halimbawa:

Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdobniyang


pagtatanggi sa mahal niyang bayan.

2.Asonans. Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita (hirap,
pighati at tiisin/salamat at paalam/buhay na pagulong-gulong).

Halimbawa:

Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.

3.Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging pinal


naman(kahapon at ngayon/tunay na buhay/ulan sa bubungan).

Halimbawa:

Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamut sa isang pusong wasak.

4.Onomatopiya. Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang


kahulugan nito.

Halimbawa:

Langitngit ng kawayan,lagaslas na tubig,dagundong ng kulog,hanginit ng hangin

Tulad ni Bisa may binabanggit din si Alejandro tungkol sa pag-uulit,ngunit hindi lamang
ang tunogkundi ang buong salita.Pansinin ang mga sumusunod:

5.Anapora. Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang tuludtod.

Halimbawa:

Kabataan ang sinabing pag-asa ng ating bayan.


Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang
sisira sa kanyang sariling kinabukasan? At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng
kanyang kapwa?

6.Epipora. Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag taludtod.

Halimbawa:

Ang Konstitusyon o Saligang-Batas ay para sa mamayan, gawa ng mamamayan at


mula sa mamamayan.

7.Anadiplos. Kakaiba ito sapagkat at ang pag-uulit ay sa una at huli.

Magandang halimbawa nito ang tula ni juseng Sisiw o Jose Dela Cruz:

Matay ko man yatang pigili’t pigilin

pigilan ang sintang sa puso’y tumiim:

tumiim na sinta’y kung akin pawiin,

pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.

8.Pagtutulad o Simili. Di-tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay,tao o


pangyayari’pagkat gumagamit ng mga pariralang tulad ng,kawangis ng,para ng,at gaya ng.

Halimbawa:

Tumakbo siya ng tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit na kaaway.

9.Pagwawangis o Metapor. Ito ay tuwirang paghahambing’pagkat hindi na gumagamit ng


mga nabanggit na parirala sa itaas.

Halimbawa:

Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay,kaya’t huwag ka nang mahiya pa.

10.Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon. Inaaring tao ang mga bagay na walang


buhay sa pamamagitan ng pagkkapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.

Halimbawa:

Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanyang malagim na wakas.

11.Pagmamalabis o iperboli. Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung


pakasuriin.

Halimbawa:
Sa dami ng mga inimbitang kababayan,bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inumin
ang mga dumalo sa kasalang iyon.

12.Pagpapalit-tawag o Metonimi. Ayon kay Sebastian (sa Bernales,etal.,2002), ang


panlaping meto ay nangangahulugan ng pagpapalit o paghahalili. Dahil dito,nagpaplit ito ng
katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:

Malakas talaga siyang uminom, sampong bote ay agad niyang naubos nang ganoon na
lamang.

13.Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki. Binabanggit ditto ang bahagi bilang pagtukoy sa


kabuunan.

Halimbawa:

Kagabi’y dumalaw siya kasama amg kanyang mga magulang upang hingin ang kamay ng
dalagang kanyang napupusuan.

14.Paglumay o Eupinismo. Paggamit ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan


ng orihinal na salita.

Halimbawa:

Magkakaroon din lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isa pang mababa ang lipad
(prostityut).

15.Retorikal na Tanong. Isang uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng


sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig na mensahe.

Halimbawa:

Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit at
nagmamakaawa.

16.Pagsusukdol o Klaymaks. Paghahanay ng mga pangyayaring may papataas na tinig,


sitwasyon o antas.

Halimbawa:

Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang
liwanag ng araw na nagbabadya ng panibaging oag-asa!
17. Antiklaymaks. Ito naman ang kabaligtaran ng sinundan nito.

Halimbawa:

Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong tagahanga,hanggang sa


unti-unting nababwasan ang mga nanonood,padalang ng padalang ang mga pumapalakpak at
ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kaniyang pandinig.

18.Pagtatambis o Okismoron. Paggamit ng mga salita o pahayag na magkasalungat.

Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatwa: may lungkot at may tuwa, may hirap at may
ginhawa, may dusa at may pag-asa.

19.Pag-uyam o Ironiya. May layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring


nagbibigay-puri.

Halimbawa:

Kahanga-hanga rin naman ang taong iyan, matapos mong arugain, pakainin at damitan
ay siya pa ang unang mag-iisip na masama sa iyo.

SALAWIKAIN

Ang salawikain ay isang uri ng matalinhagang pagpapahayag na karaniwang binubuo ng


dalawang masining nan ppangungusap na binuo upang magpahayag ng kaisipan, kaaralan,
ppagpapahalaga at mabuting gawaing pantao. Sa ating araw-araw na kagawian ay
nangangailangan tayo ng mga pahayag na dapat nating malinang upang patuloy na maging
mabuti ang ppalagayang personal , sosyal at kultural.

Halimbawa;
1.Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.
2.Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.
3.Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
4.Hamak mang basahan,may panahong kailangan.
5.Habang maiksi ang kumot,magtitiis mamaluktot.

Karagdagang kaalaman mula sa Guro

Ito ay mga kaisipang nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng


kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ito’y parang parabolang patalinghaga at nag bibigay
nang aral.
KAWIKAAN

Ang mga kawikaan ay paalalana may dalang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa bibliya.

Halimbawa;
1.Ang panahon ay samantalhin sapagkat ginto ang kahambing.
2.ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan,at wala sa kasaganaan.
3.Ang katotohanan ang mag papalaya sayo inyo.
4.Ang gumawa ng masama ay ayaw sa ilaw.
5.Ang nagpapakababa ay itataas;ang nag papakataas ay ibaba.

KASABIHAN

Ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na nagsisilbing


patnubay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon.

Halimbawa;
1.Ang araw bago sumikat,nakikita muna,y banaag.
2.Ang sinungaling at bulaan ay kapatid nang mag nanakaw.
3.Ang hipong tulog, tinatangay nang agos.
4.Ang maniwala sa sabi sabi,walang bait sa sarili.
5.Magbiro kana sa lasing,huwag lang sa bagong gising.

Ang kasabihan din ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pag puna sa kilos ng


isang tao,

Halimabawa;
Putak,putak
Batang duwag
Matapang ka,t
Nasa pugad

Sa mga katutubong pahayag ay mag sasalamin ang


kultura,gawi,paniniwala,at heograpiya at lugar sa pilipinas na
pinagmulan nito.Bagama,t marmi sa mga ito ay nasalin na sa
wikang Filipino,mababanag pa rin sa mga pahayag ang
pinagmulan ng mga nasabing katutubong pahayag.
Magkagayunpaman ang mga katutubong, saanman ito nag
mula ay ginagamit na at palasak na sa buong sambayanan
Pilipino.

You might also like