Pagsusulit Sa Pf2f
Pagsusulit Sa Pf2f
Pagsusulit Sa Pf2f
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Pangasinan II
BATASAN NATIONAL HIGH SCHOOL
PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
I.PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa loob ng pangungusap. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Galit at panibugho ang naramdaman ni Adolfo kay Florante dahil nalipat sa kanya ang karangalan at
paghanga ng mga tao.
a. inis b. selos c. habag d. lungkot
2. Paimbabaw lamang ang ipinakitang kabaitan ni Adolfo sa kanyang kababayang si Florante.
a. pakunwari b. totoo c. mababaw d. taksil
3. Si Maestro Antenor ang nagbibigay ng kaaliwan sa tuwing si Florante ay nakararanas ng kalumbayan.
a. kahinaan b. kalungkutan c. dalamhati d. pag-iisa
4. Nabulagta si Florante sa pag-iwas niya sa taga ni Adolfo.
a. napailag b. nabalian c. napahiga d. napaigtad
5. Kinailangang magbata ni Florante sa lahat ng hamon sa kaniyang buhay.
a. matatag b. malakas c. magtrabaho d. magtiis
II.TAMA o MALI
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag, pagkatapos, isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang.
Nagkaroon ng galit at panibugho si Adolfo nang malampasan siya ni Florante at maagaw sa kanya ang
karangalan. Nagawa niyang traydurin ang kaniyang kababayan. Kung ikaw si Adolfo , gagawin mo rin ba ang kaniyang
ginawa? Oo o Hindi? Bakit.
Inihanda ni:
I.TAMA o MALI:
Isulat ang T kung ang pahayag ay Tama at M kung ito ay Mali. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_______1. Taong 1950 iginawad ang karapatang bumoto sa mga kababaihan sa India.
_______2. Mahalaga ang pag-oorganisa ng kababaihan ng mga kilusan upang maisulong ang kanilang
interes at marinig ang kanilan boses.
_______3.Ang Mother’s Front ay mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa Sri Lanka bilang protesta
sa pagkawala ng miyembro ng isang pamilya na inaresto at ikinulong ng mga sundalo.
_______4. Isinilang ang kilusan ng mga kababaihan sa Bangladesh bunga ng kilusang nasyonalista.
_______5. Nanguna sa kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan sa Jordan si Sarojini Naidu.
_______6. Binigyang-pansin ng All Indian Coordination Committee ang pagkakaroon ng hiwalay na
palikuran ng lalaki at babae.
_______7. Ang hindi makatwirang bilang ng oras sa pagtatrabaho ng kababaihan ay binigyang-pansin ng
Indian Factory Act 1891).
_______8. Ang SriLanka ay may malakas na kilusan ng kababaihan na nakatulong upang ipagtanggol ang
proseso ng demokrasya sa bansa.
_______9. Noong ika-19 siglo ang mga kababaihan sa India ay aktibo sa mga kilusang nagtataguyod ng
repormang panlipunan.
_______10. Itinatag ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang isang malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka.
I.MARAMIHANG PAGPILI
Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan, pagkatapos, bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Pinamunuan ni____________ ang Rebelyong Taiping upang labanan ang dinastiyang Qing na
pinamunuan ng mga dayuhang Manchu.
a. Mutsuhito b. Hung Hsiu Ch’uan c. Sun-Yat-Sen d. Shi’h Huang Ti
2. Ang pangunahing layunin ng rebelyong ito ay patalsikin ang lahat ng mga dayuhang
nasa bansa nila.
a. Boxer b. Taiping c. Digmaang Opyo d. Open Door Policy
3. Ang Confucianismo at Buddhism ay ipinalit sa relihiyong _________________.
a. Islam b. Shintoismo c. Hinduismo d. Kristiyanismo
4. Ang Ikalawang Digmaang Opyo sa China ay naganap sa pagitan ng __________.
a. France at Great Britain c. Great Britain at Russia
b. France at Russia d. Spain at France
5. Ang pagmamahal sa bayan ay tinatawag na ___________.
a. Imperyalismo b. Nasyonalismo c. Kolonyalismo d. Sosyalismo
6. Siya ang tinaguriang “Ama ng republikang Tsino.”
a. Mutsuhito b. Hung Hsiu Ch’uan c. Sun-Yat-Sen d. Shi’h Huang Ti
7. Tawag sa bagong grupo ng maykaya at nakapag-aral.
a. Ilustrado b. Indiyo c. Principalia d. Dominiko
8. Ang pahayagan ng mga Propagandista
a. Abante b. La Solidaridad c. La Liga Filipina d. Liwayway
9. Pinamunuan ni ___________ ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892
a. Jose Rizal b. Diego Silang c. Marcelo Del Pilar d. Andres Bonifacio
10. Natamo ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan mula sa mga Espanyol noong_________.
a. Hunyo 12, 1888 b. Hunyo 12, 1896 c. Hunyo 12, 1898 d. Hunyo 12, 1908
Inihanda ni:
PAGSUSULIT sa FILIPINO 10
I. Suriin ang kahulugan ng mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. ”Sapagkat pinili ninyo ang isang paraan na hindi niya masasang-ayunan!” Ang matigas na sagot ng pari nang
tanungin siya ni Simoun kung bakit siya pinabayaan ng Diyos.
a. Kinokonsensiya ng pari si simoun sa kanyang mga kasalanan dahil hindi siya nito tinulungan.
b. Tinutulungan ng Diyos ang taong may matuwid na paraan upang matanggap ang inaasahang sagot.
2. Hindi kinakailangang matamo ang kalayaan sa pamamagitan ng sandata. Ang espada ay di na gaanong
kasangkapan sa mga bagong kabuhayan,’ ang paliwanag ng pari.
a. Ang kalayaan ay makakamit hindi sa madugong paraan.
b. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at kayamanan.
3. “Ano ang halaga ng pagsasarili kung ang mga alipin ngayon ay siyang magiging maniniil bukas?” Ang tanong muli
ni Simoun.
a. Ang nakaranas maging alipin, matututo ring mang-alipin kaya wala ring saysay kung maging Malaya.
b. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at kayamanan.
4. “…samantalang an gating bayan ay hindi pa nakahanda, samantalang ito”y tumutungo sa labanan ng nadadaya o
naitataboy na walang tiyak na kaalaman sa gagawin, mabibigo ang lalong matalinong pagtatangka.”
a. Hindi magtatagumpay ang mamamayang walang sapat na kaalaman at kakayahan sa anumang labanan.
b. Ang matatalino ay nabibigo sa paglulunsad nglaban sa mga mandaraya.
5. Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasama ng mga korales at mga perlas sa walang
katapusang dagat. Kung sa isang banal at dakilang layunin ay kakailanganin ka ng tao, matututuhan kang kunin ng
DIyos sa sinapupunan ng mga alon. Samantala, diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan, hindi mo ililiko ang
katwiran, at hindi ka mag-uudyok ng kasakiman,” ang wika ni Padre Florentino nang ihagis sa dagat ang maleta ng
kayaman ni Simoun.
a. Ang kayamanan ni Simoun ay maghahasik ng kasamaan at magtuturo na naman ng likong-daan kapag
natagpuan sa dagat.
b. Ang kayamanan ni Simoun ay nararapat mapunta sa may mabuting kalooban at tamang paraan sa paggamit
nito kung matatagpuan sa dagat.