Filipino 10 Modyul

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 115

Holy Cross College

Departamento ng Junior High School


Sta. Lucia, Sta. Ana, Pampanga
Panuruang Taon 2020 – 2021

Inihanda ni:

Ephraim Jeremiah D. Matias, LPT


Tagapag-ugnay ng Asignatura
Introduksyon
Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral sa ika-sampung baitang sa Mataas na Paaralan.
Nilikha, nirebisa at iniwasto ito upang makaagapay sa pagbabago ng kurikulum na ipinatutupad ng
1
Kagawaran ng Edukasyon sa asignaturang Filipino. Sa madaling salita, umalinsunod ang modyul na ito sa
bagong disenyo ng kurikulum sa asignaturang Filipino na may pangkalahatang pamantayan na
maipamalas ng mag-aaral ang kanyang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang
pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng kamalayanag global tulad ng mga akdang Mediterranean, akdang
pampanitikan ng mga bansang Kanluranin, mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia, at El
Filibusterismo bilang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas na mapagkukunan ng mahahalagang
kaisipan na magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan.
Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kamalayan sa mga isyung panlipunan ang mag-aaral
upang mamulat ang kanyang diwa at kaisipan sa pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mabago ang
kanyang sariling paniniwala sa mga bagay-bagay sa tulong ng mga akdang pampanitikan na nasa inyong
mga aklat at modyul na ito.
Upang maisakatuparan ang mga nasabing hangarin at layunin, pinagsikapan sa modyul na ito na
makalikha ng iba’t ibang gawaing lilinang sa mga kasanayang makro (pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat at panonood) na kailangang matutuhan ng mag-aaral. Sinunod sa pagdidisenyo ng modyul na ito
ang paglalapat ng dulog na spiral progression upang magabayan ang mag-aaral tungo sa mas malalim na
pag-unawa sa bawat aralin.

Pagkilala

Ang pagpapa-abot ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng may-akda ng mga sanggunian at


manunulat ng mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng mga akdang pampanitikan na ginamit sa modyul na
ito. Ang kanilang mga kakayahan at katangi-tanging kaalaman sa pagsulat at paglikha ay lubos na
nakatulong sa pagpapayaman ng mga akdang pampanitikan ng daigdig at El Filibusterismo.

Sa Rex Bookstore na nagbigay ng mapagkukuhanang batayan upang magawa ang modyul na ito,
sa mga guro sa departamento ng Junior High School ng HCC na nagtiwala sa aking kakayahan at
kaalaman upang maituro at maibahagi sa mga mag-aaral ang aking talino sa asignaturang ito.

Sa pagbibigay motibasyon at tiwala ng mga kasamahan sa departamento ng Junior High School,


mga kaibigan at sa aking pamilya, kasama kayo sa maayos na pagpapatupad sa tagumpay na ito.

Mabuhay!
Ephraim Jeremiah D. Matias

pahina TALAAN NG NILALAMAN

1 Pabalat

2 Introduksyon

2 Pagkilala

3 Talaan ng Nilalaman

2
4-5 Mga Layunin

Aralin 1 – Pandaigdigang Kapayapaan, Pahalagahan


6 - 14 Panitikan: Mito
Gramatika: Gamit ng Pandiwa

Aralin 2 – Pagtitiwala
15 - 20 Panitikan: Parabula
Gramatika: Pang-ugnay

Aralin 3 – Pagsasantabi ng Sariling Kapakanan


21 - 27 Panitikan: Sanaysay
Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Aralin 4 – Ang Muling Pagbangon


28 - 32 Panitikan: Epiko
Gramatika: Mga Salitang Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag

Aralin 5 – Di – inaasahang Panauhin


33 - 38 Panitikan: Maikling Kwento
Gramatika: Panghalip Panao

Aralin 6 – Ang Kuba ng Notre Dame


39 - 44 Panitikan: Nobela
Gramatika: Hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

45 – 47 Aralin 7 – Pangwakas na Gawain: Paggawa ng Simposyum

Sanggunian

3
Mga Layunin
Yunit I – Pag – unawa at Pagpapahalaga sa Akdang Pampanitikang Mediterranean
Aralin 1 – Pandaigdig na Kapayapaan, Pahalagahan
A. Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya

B. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa:  Sariling
karanasan  pamilya  pamayanan  lipunan  daigdig
C. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
D. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya
E. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
F. Nagagamit ng wasto ang pandiwa 1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan; 2. pokus ng
pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing, pinaglalaaanan at kagamitan, sa pagsulat ng
saloobin sa paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; tagaganap at layon sa isinulat na sariling
kuwento
Aralin 2 - Pagtitiwala
A. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang -asal
B. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga ibinigay na tanong;
binasang mitolohiya
C. Nabibigyang - puna ang estilo ng may -akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa akda; ang
bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding damdamin
D. Nagagamit ang angkop na mga piling pang -ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula, pagpapatuloy
pagpapadaloyng mga pangyayari, pagwawakas)
Aralin 3 – Pagsasantabi ng Sariling Kapakanan
A. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang impormasyon sa
radyo o iba pang anyo ng media
B. Nabibigyang -reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging
makatotohanan/di -makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling kuwento
C. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
D. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig
E. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig
F. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
Aralin 4 – Ang Muling Pagbangon
A. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggang epiko
B. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng tauhan
C. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na sumasalamin ng isang
bansa
D. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda
E. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa
puwersa ng kalikasan
F. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba -iba at pagkakatulad ng mga epikong
pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; sariling

4
damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa; suring -
basa ng nobelang nabasa o napanood
G. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod -sunod ng mga pangyayari
Aralin 5 – Di-inaasahang Panauhin
A. Naipaliliwanag ang ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang mga
pangyayari sa daigdig
B. Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangyayari sa tunay na buhay kaugnay ng binasa)
C. Nabibigyang -kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap
D. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan
Aralin 6 – Ang Kuba ng Notre Dame
A. Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo
B. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo
o alinmang angkop na pananaw
C. Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag
nito (clining)
D. Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata ng
nobela
E. Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata
F. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggan
Aralin 7 – Pangwakas na Gawain: Paggawa ng Simposyum
A. Nakabubuo ng isang suring-basa sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean
B. Naibibigay ang kaugnay na mga konsepto ng piling salitang critique at simposyum

Aralin 1
Pandaigdig na Kapayapaan, Pahalagahan

Tunguhin
Suriin ang mga larawan upang malaman ang sinisimbolo ng bawat isa.

5
1. Ano-ano ang sinisimbolo ng bawat hayop sa mga larawan?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya ito ang mga sinisimbolo nila?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain
Magtala ng mga hayop at ibigay ang kahalagahan nito sa tao at kapaligiran. Tukuyin ang sinisimbolo ng
mga ito. Gamitin ang tsart sa inyong pagsagot.

Hayop Kahalagahan Simbolo

Isipin
Pokus na Katanungan:
Panitikan: Paano maaaring mapanatili ang kapayapaan, kaunlaran at kalayaan ng isang bansa?
- Mapananatili ang kapayapaan, kalayaan at kaunlaran ng isang bansang bansa sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamalasakit at pagpapadama ng mga mamamayan ng pag – ibig sa
bayan.

Balarila: Saan nagagamit ang mga pandiwa?

6
- Nagagamit ang mga pandiwa sa pagpapahayag ng aksiyon, pangyayari, karanasan at damdamin
ng isang tao.

Subukin
Nang panahon ng inyong kabataan ay malamang napakinggan, napanood at pamilyar kana sa mga palabas
na nakabatay sa mitolohiyang Griyego gaya ng Hercules, Clash of the Titans at Immortals.

1. Ano sa palagay mo ang tampok na katangian ng mga diyos at diyosa ng mga mitong Griyego batay sa
pagkakaalam mo sa mga palabas na ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Bakit kaya may sari-sariling katangian ang mga diyos at diyosa dito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Ano ang silbi nito sa kanilang mundo?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
May mga kayarian ang mga salita sa wikang Filipino. Ang mga ito ang nagpapayaman sa
bokabularyo o talasalitaan ng wika. Maaaring ito ay:
1. payak – salitang-ugat lamang ang bumubuo sa salitang ito.
Halimbawa: pulo – isla
Dumaong ang mga Griyego sa isang pulo sa Troya.
2. maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi (maaaring unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan o
laguhan).
Halimbawa: tinarakan – tinusok
7
Sa palagay ng mga Taga-Troya, pinarusahan ng mga bathala si Laocoon dahil tinarakan niya ng sibat
ang malaking kabayo.
3. inuulit – inuulit ang pantig at/o salitang-ugat sa isang salita. May pag-uulit na ganap at di-ganap.
A. di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: nahihimbing – natutulog
Nahihimbing ang mga taga-Troya nang pumasok sina Ulysses at Menelaus.
B. ganap – inuulit ang salitang-ugat
Halimbawa: basang-basa – napuno ng tubig
Isang lalaking basang-basa at nakagapos ang pinagkaguluhan ng mga taga-Troya.
4. tambalan – dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng salita. May tambalang ganap at di-ganap.
A. di – ganap – kung pinagsasama ang dalawang magkaibang salita at nananatili ang kahulugan ng bawat
salita. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan.
Halimbawa: kisap-mata – mabilis na pagpikit at pagdilat ng mga mata
Sa isang kisapmata, nakapasok ang mga Griyego sa Troya.
B. ganap – kung pinagsasama ang dalawang magkaibang salita at nababago ang kahulugan ng mga ito.
Hindi na ginagamitan ng gitling sa pagitan.
Halimbawa: hampaslupa – palaboy sa lansangan
Nagmistulang hampaslupa ang mga natalo sa digmaan.

Gawain:
Buksan ang pahina 5 – 6 ng inyong batayang aklat (Kalinangan 10) at sagutin ang mga
aytem 1 – 5.

B. Basahin
Matutunton ang sibilisasyong Griyego sa Sibilisasyong Aegean ng Bronze Period. Itinuturing
na sinapupunan ng sibilisasyong kanluranin, ang Gresya ang pinagmulan ng demokrasya, pilosopiya, at
panitikang kanluranin, historiograpiya, agham pulitikal, mga pangunahing prinsipyo sa matematika at
siyensiya at kanluraning dula (trahedya at komedya).
Ang Gresya (Ellada) at opisyal na Republikang Hellenic ay nakikilala bilang Hellas noong
sinaunang panahon. Nasa timog ng Europa ang bansang ito. Ang Athens ang kabisera at pinakamalaking
syudad ng Gresya. Ang di’ matatawarang tagumpay kultural at teknolohiko ng bansa ay
nakaimpluwensiya sa daigdig. Ipinamana ng kampanya ni Alexander the Great ang impluwensiyang
Griyego sa Silangan at Kanluran sa pagpaloob dito sa Imperyong Romano. Ang modernong estadong
Griyego ay itinatag noong 1830 pagkaraan ng digmaan para sa independensya mula sa Imperyong
Ottoman.
Libong taon na ang dinaan ng ebolusyon ng kulturang Griyego. Nagsimula ito sa Mycenaean,
Greece; nagpatuloy sa Klasikong Gresya sa pamamagitan ng impluwensiya ng Imperyong Romano
hanggang sa Imperyong Byzantine. Mahalagang bahagi rin ng tatak kultural ng mga Griyego ang iba’t
ibang anyong pampanitikan tulad ng mga pastoral, oda, epiko, dula at marami pang iba. Dalawang muhon
ng panitikang Griyego na akda ni Homer; ang Iliad –. ito ay isang epikong Griyego na tumatalakay sa
pakikipaglaban ng mga Griyego laban sa mga taga-Troya at ang Odyssey – na tumatalakay sa
pakikipagsapalaran ni Haring Odysseus matapos ang pagtatagumpay sa pakikipaglaban sa mga taga-

8
Troya. Hindi rin mawawala sa kasaysayan ng mga itinanghal na dulang trahedya nina Aeschylus,
Sophocles at Euripides at ang mga komedya nina Aristophanes na nabansagang Ama ng Komedyang
Griyego sa panahong klasiko.
Mayaman din ang sibilisasyong Griyego dahil sa kanilang mitolohiya na maraming salaysay ng
mga diyos at diyosa at demi-god (semi divine figures). Nilikha ng mga Griyego ang mga diyos, diyosa at
demi – god upang tugunan ang pangangailangan ng sinaunang Gresya. Ilan sa mga pangunahing diyos at
diyosa sina Aphrodite, Apollo, Ares, Artemis, Athena, Demeter, Dionysus, Hades, Hephaestus, Hera,
Hermes, Hestia, Poseidon at Zeus.

Mitolohiyang Griyego at Mitolohiyang Romano


1. Mitolohiyang Griyego: Aphrodite
Mitolohiyang Romano: Venus
Pagkakakilanlan: Diyosa ng kagandahan at pag-ibig

2. Mitolohiyang Griyego: Apollo


Mitolohiyang Romano: Pallas Apollo
Pagkakakilanlan: Diyos ng propesiya, araw,
liwanag, musika at
panulaan

3. Mitolohiyang Griyego: Ares


Mitolohiyang Romano: Mars
Pagkakakilanlan: Diyos ng digmaan

4. Mitolohiyang Griyego: Artemis


Mitolohiyang Romano: Diana
Pagkakakilanlan: Diyosa ng pangangaso,
buwan, ligaw na hayop at
tagapagtanggol ng mga
bata.

5. Mitolohiyang Griyego: Athena


Mitolohiyang Romano: Minerva
Pagkakakilanlan: Diyosa ng karunungan, sining, industriya
digmaan at katusuhan.

9
6. Mitolohiyang Griyego: Demeter
Mitolohiyang Romano: Ceres
Pagkakakilanlan: Diyosa ng butil, halaman at agrikultura

7. Mitolohiyang Griyego: Dionysus


Mitolohiyang Romano: Bacchus
Pagkakakilanlan: Diyos ng alak, pista, kasiyahan at
kaguluhan

8. Mitolohiyang Griyego: Hades


Mitolohiyang Romano: Pluto
Pagkakakilanlan: Diyos ng Kamatayan

9. Mitolohiyang Griyego: Hephaestus


Mitolohiyang Romano: Vulcan
Pagkakakilanlan: Diyos ng apoy at sining eskultura

10. Mitolohiyang Griyego: Hera


Mitolohiyang Romano: Juno
Pagkakakilanlan: Diyosa ng langit, mga babae,
kasal at panganganak

10
11. Mitolohiyang Griyego: Hermes
Mitolohiyang Romano: Mercury
Pagkakakilanlan: Mensahero ng mga Diyos, Diyos ng
komersyo, siyensiya at medisina

12. Mitolohiyang Griyego: Hestia


Mitolohiyang Romano: Vesta
Pagkakakilanlan: Diyosa ng apoy at tahanan

13. Mitolohiyang Griyego: Poseidon


Mitolohiyang Romano: Neptune
Pagkakakilanlan: Diyos ng karagatan

14. Mitolohiyang Griyego: Zeus


Mitolohiyang Romano: Jupiter
Pagkakakilanlan: Pinakamakapangyarihan,
pinuno at pinakamataas na
Diyos

Gawain:

Basahin ang teksto:

Ang Kabayong Kahoy


(Gresya)
Isinalin ni Lynniel P. Carbonel
Kalinangan 10 / pahina 6 – 8

C. Talakayin

11
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Kalinangan 10 / pahina 8 – 10

Suriin

A. Pagbasa
Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyari sa sarili, pamilya, lipunan at
daigdig.
Kalinangan 10 / pahina 10 – 11

B. Pagsasalita

Kalinangan 10 / pahina 11 – 12

Sukatin

A. aytem 1 – 5 B. aytem 1 - 5
Kalinangan 10 / pahina 13 – 14
Paunlarin
A. Wika at Gramatika

Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksyon o galaw, proseso o pangyayaring


karaniwang sadya o di-sadya, likas o di-likas, at karanasan o damdamin.

1. Pokus sa Aksiyon o aktor – may aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ang kilos o
aksiyon. Mabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping um, mag, ma,
mang.

Halimbawa:
A. Nagpanggap na nagsisisi ang mga Griyego.
B. Nagpakilala si Sinon at sinabing hinatulan siya ng kamatayan.

2. Pokus sa Karanasan o damdamin - Nagpapahayag ng ekspiryensa ang pandiwa kung nagpapahayag


din ito ng damdamin o saloobin. Inihuhudyat ng pandiwa ang damdamin kapag may naranasan.

Halimbawa:
A. Natuwa ang mga taga-Troya sa kabayong inihandog sa kanila.
B. Naawa sila kay Sinon matapos malaman na hinatulan siya ng kamatayan.

3. Pokus sa Pangyayari – kapag ang pangyayari ang ipinapahayag ng pandiwa.

Halimbawa:
A. Binuksan ni Sinon ang lihim na pinto ng kabayong kahoy.
B. Dumaong ang mga sasakyang-pandagat ng mga Griyego na lulan ang kanilang mga sandatahan.

B. Pagsasanay

Sagutin: I. aytem 1 – 5 II. aytem 1 – 5


Kalinangan 10 / pahina 15

Payamanin
A. Pagsulat / Paglikha

12
Sa mga diyos at diyosa ng mitolohiyang Romano at Griyego na nabanggit sa nakalipas na aralin,
pumili ng isa sa mga ito at magbihis tulad ng isang diyos at diyosa. Pagmasdan ang simbolo ng mga diyos
at diyosa na inyong gagayahain. Maaaring ito ay edited, ipasa ang mga ito sa aking messenger account o
sa aking e-mail account na ephraimjeremiahm@gmail.com.

Pagnilayin
Magbigay ng sariling repleksyon sa katatapos na aralin.

A. Kumpletuhin ang mga pangungusap upang maipahayag ang sariling repleksiyon sa mitolohiyang
binasa.

1. Kung ako ay taga-Troya, sa salaysay ni Sinon, ako ay ________________________ dahil


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Sa sinabi ni Laocoon bilang pagbibigay ng babala sa salaysay ni Sinon, ako ay


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

B. Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang iyong natutuhan sa naranasang digmaan ng mga taga-Troya at taga-Gresya?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Naniniwala ka bas a kasabihang, “Walang tunay na nagwawagi sa digmaan”? Ipaliwanag ang sagot.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

13
Aralin 2
Pagtitiwala

Tunguhin
Suriin ang mga larawan at pagkatapos, talakayin ang iyong nakita at naging saloobin sa ilang
empleyado na naglilingkod sa pribadong kompanya.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Isipin
Pokus na tanong:
Panitikan: Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa iyong kapwa?
- Malaking puhunan sa pakikipagkapwa ang pagkatiwalaan ka nang lubusan. Mahalaga ang
pagtitiwalang ganito dahil napabubuti nito ang relasyon ng bawat isa sa loob ng organisasyon o
pamayanang kinabibilangan.
Balarila: Paano nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay?
- Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsisimula, pagpapadaloy ng mga
pangyayari at pagwawakas ng anumang akdang nagsasalaysay.

14
Subukin
Pakikinig
Sagutin ang mga pagsasanay A (aytem 1 – 5) at B sa inyong aklat (Kalinangan 10)
pahina 20.
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang mga pagsasanay aytem 1 – 5 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina
21.

B. Basahin
Ang pabula ay isang uri ng akdang pampanitikan na ang mga gumaganap na mga
tauhan ay mga hayop o mga bagay na walang buhay na kung saan ang kwento ay kinapupulutan ng aral,
samantalang ang parabula naman ay mga kwentong may aral na hinango sa bibliya. Tinatawag din itong
talinhaga. Nagmula ito sa salitang Griyego na “parabole” na nangangahulugang pagkukumpara.
Basahin ang teksto:
Ang Talinghaga Tungkol sa mga Aliping Pinagkakatiwalaan ng Salapi
(Mateo 25: 14 – 30)
Kalinangan 10 / pahina 22

C. Talakayin
Sagutin ang mga pagsasanay aytem 1 – 5 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 22
– 23.

Suriin
A. Pagbasa
Sagutin ang mga pagsasanay aytem 1 – 2 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 23
– 24.

B. Pagsasalita
Talakayan
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ito ay nagmula sa
salitang Latin na commūnicāre na nangangahulugang “ibahagi”.
Dalawang uri ng komunikasyon:
Ang berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa
pagpapahayag ng saloobin at damdamin ng isang tao. Kongkretong anyo rin ito ng komunikasyon dahil
tiyak at espesipiko ang pagpaparating ng mensahe sa kinakausap. Bagama’t may mga mensahe na
nagtataglay ng tagong kahulugan, ito ay masasabing kongkreto pa rin dahil ang katiyakan ay tumutukoy
sa salita at hindi sa mismong mensahe. Maaaring ito ay pasulat at pasalita.
Ang di-berbal na komunikasyon ay nakikita sa gawaing pakilos at nahihinuha nito
ang saloobin at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mukha, galaw ng ulo, kamay at iba pa.
Halimbawa:
15
pag – iling ng ulo – pagtutol
pagtango ng ulo – pagsang-ayon
pagngiti – kasiyahan
Mga Anyo ng Komunikasyong Di – Berbal
1. oras (chronemics) – maaaring magtaglay ng mensahe ang oras.
2. espasyo (proxemics) – ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao ay
maaaring may kahulugan.
3. katawan (kinesics) – maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit sa mga tunog na
lumalabas sa ating bibig. Kabilang dito ang sign at body language,
4. pandama (haptics) – ito ay tumutukoy sa sense of touch bilang tagahatid ng mensahe.
5. simbolo (iconics) – ito ay mga larawan na may ibig sabihin.
6. kulay (color) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
7. paralanguage – ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita.

Proseso ng Komunikasyon

Sangkap ng Komunikasyon
1. Tagahatid o encoder – ito ang nagpapadala o ang pinagmulan ng mensahe, ang bumubuo sa mensahe
at nagpapasya sa layunin.
2. Mensahe – ito ang paksa, at ang ipinadadalang salita
3. Tsanel – ito ang nagsisilbing daluyan ng mensahe, na maaaring berbal o di-berbal
4. Tagatanggap / decoder – tumatanggap sa mensahe at ang nag-iinterpret o nagbibigay kahulugan sa
mensahe
5. Ganting-tugon o feedback – proseso sa pagbabalikan ng mensahe at ang patuloy na paghahatid ng
mensahe sa bawat panig ng kasangkot sa komunikasyon.
6. Ingay – ito ang mga hadlang sa komunikasyon
7. Konteksto – tumutukoy ito sa kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.

16
Limang Dimensyon ng Konteksto
A. pisikal – kalagayan ng pinangyarihan ng komunikasyon
B. sosyal – ano o uri ng relasyon ng dalawang kalahok sa komunikasyon
C. pangkasaysayan – may kaugnayan sa sinaunang pangyayari
D. kultural – kinagisnan ng bawat indibidwal
E. sikolohikal – tumutukoy ito sa kasalukuyang kalaagayan ng indibidwal

Gawain:
Gumuhit sa loob ng kahon ng inyong sariling modelo ng proseso ng komunikasyon na isinaalang-alang
ang mga sangkap sa komunikasyon. Ipaliwanag sa ilalim ng kahon ang iginuhit na modelo ng
komunikasyon.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Sukatin
Sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 10 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 27 – 28.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika

17
Ang isa sa limang makrong kasanayan ay ang pagsasalita. Ito ang pangalawang natutuhan
ng tao bago pa man maisagawa ang pagbabasa at pagsusulat. Ang pagsulat ay nagkakaroon ng lubos na
kaganapang kabisaan kung ang taong nagsusulat ay palabasa.
Kung paghahambing ang pagsasalita at pagsulat ay parehong magagamit sa pagpapahayag
ng ating saloobin, damdamin, at mga karanasang nais nating ilahad sa iba. Nakapagpapalabas ng output
ang isang tao gamit ang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat.
Mahalaga sa isang taong matutuhan ang kakayahang magpahayag o mailahad ang kanyang
damdamin, saloobin, at karanasang namasid o naranasan. Sa ganitong paraan, maaaring ang kwento niya
ay magdulot ng kaaliwan, kagaanan, aral, at inspirasyon sa nakikinig ng kanyang sinasabi o nagbabasa ng
kanyang isinusulat.
Sa pagpapahayag ng pagsasalaysay, kinakailangang magkaroon ito ng buo at organisadong
balangkas. Maaaring gamitin ang mga parirala sa ibaba upang masimulan, mapagdaloy o maiusad ang
kuwentong inilahad at nang matapos nang may kalinawan.
Isang…
Na nagnanais…
Subalit…
Kaya…
Isang araw…
Ilang sandal lang…
Matapos…
Ang pangyayaring ito ay…
Bilang pangwakas…
Sa paggamit ng mga parirala, kailangang isaalang-alang ang katiyakan ng mga
impormasyon at pagkakasunud-sunod nito upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga nakikinig o
mambabasa.

B. Pagsasanay.
Sumulat ng isang talata tungkol sa napapanahong pandemya na lumalaganap ngayon sa buong mundo ang
Novel Corona Virus. Isaalang-alang ang mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay sa paglalahad ng
inyong sulatin. Bilugan ang mga ginamit na mga pang-ugnay. (10 puntos)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

18
Payamanin
A. Pagsulat
Ang collage ay ang pagsasama ng mga larawang magkakaugnay sa iisang tema. Ito ay
nagtataglay ng mga masining na paglalarawan na nakabubuo ng iisang kaisipan.
Pumili ng isa sa mga pagpipilian sa ibaba at bumuo ng collage. Gamitin ang mga recycled
materials sa pagbuo ng collage. Gawin ang collage sa isang mahabang bond paper.
A. Pagbuo ng collage tungkol sa tapat na Pakikipagkaibigan
B. Paggawa ng collage tungkol sa pagtitiwala
C. Paggawa ng collage sa Pagtanaw ng Utang na Loob

Pagnilayin
Bumuo ng apat na mensahe na nakuha sa tinalakay na aralin. Ilagay ito sa ibaba.
Pagkuha ng Apat na Mensahe

4–3–2–1

Aralin 3
Pagsasantabi ng Sariling Kapakanan
Tunguhin
A. Pagmasdan ang larawan at tukuyin ang mensaheng ipinahahayag nito.

B. Basahin at suriin ang saknong at pagkatapos, iugnay ang larawan sa itaas sa mensaheng ipinahihiwatig
ng saknong.

19
Kung nais mabuhay nang maligaya at masagana,
Unahin ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa,
Isantabi ang sariling interes o sariling kapakanan,
Tiyak na tunay na kaligayahan ang mararamdaman.

C. Pag-ugnayin ang mga mensaheng ipinahihiwatig ng mga larawan sa pamamagitan ng paglalahad. Itala
ito sa nakalaang espasyo sa ibaba.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Paano maipadarama ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa?
- Maipakikita at maipadarama ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa kung
isasantabi ang sariling interes o kapakanan lamang at sa halip, titingnan ang kagalingan ng higit na
nakararami.
Gramatika: Bakit kailangang gumamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw?
- Malinaw na maibibigay ang sariling pananaw kung gagamit ng wasto at angkop na
pahayag.

Subukin
Pakikinig
Manood o makinig ng isang balita sa telebisyon o radyo.
Mula sa katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 34, isulat ang inyong mga
kasagutan sa modyul.
1. __________________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________________
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 34.

B. Basahin
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na
kuro-kuro ng may-akda.

ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY

20
1580 - nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa
katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael
de Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais.
- sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang
Essais ay kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga
pagsubok at mga pagsisikap ng mga may-akda.

1597 - nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si 


Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at
kaisipang punung-puno ng buhay. Ito ang dahilan
upang kilalanin siya bilang “Ama ng Sanaysay na
Nasusulat sa Ingles “.

1700 - kakaunti lamang ang mga naisulat na


sanaysay. Ngunit maraming naghangad na sundan
ang mga yapak ni Bacon. Isa narito sina: Sir
Izaak Walton– sumulat ng aklat na pinamagatang The
Compleat Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa
pamimingwit at pakikipagkaibigan.

John Dryden - ang kanyang mga opinyon tungkol sa


panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng mga
nag papahalaga sa dalawang disiplinang nabanggit.
Itinuturing na pinakamahusay na sanaysay ni Dryden
ang An Essay of Dramatics Poesy.

1800 –sumigla ang sa pagsulat ng sanaysay sina Richard Steele, Joseph Addison, Samuel Johnson, Oliver
Smith atb.

1900 – patuloy na namulaklak ang paglaganap ng sanaysay. –bukod sa panitikan at sining naging
malaganap ang paksang panlipunan at panrelihiyon. –nanaluktok sa panahong ito ang pangalang John
Ruskin, Thomas Henry Huxley, Matthew Arnold atb.

Sa Pransya - hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne.
Binigyan lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang
Pranses. -ang mga sanaysay na isnilat ni Francois de Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay
mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay siVoltaire. Noong ika-19 dantaon sumikat ang mga
pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at Anatole France.

21
Sa Pilipinas - ang kasaysayan ng sanaysay saTagalog bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga
isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People at The Philippines. Ang “A
Century Hence” ni Marcelo H. del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at
itinuturing na nangunasap angkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez
Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.

Sa mga Pilipinong mananaysay na sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa tulong ng The College Folio at
Literary Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas. Kilalang mahusay na mananaysay sa panahong ito sina
I. V. Mallari, Francisco B. Icasiano, Salvador P. Lopez,atb.

Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklakan nina Pascual Poblete, Lope k. Santos, Julian Cruz
Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa panahong iyon ang magasing Liwayway
nanaglalthalang maiklingkwento at sanaysay bago makidigma ang mga sanaysay ay kina Pedro S.
Dandan, Pablo Bautista ang kinagiliwan ng mga tao.

Noong 1945 hanggang 1950 nanaluktok sina Teodoro A. Agoncillo, Liwayway Arceo, Brigdo C.


Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio Matute, Clodualdo del
Mundo, Macario Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso G. Reyes at Vito C. Santos.
Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang na dito ang Mga Piling Sanaysay ni
Alejandro G. Abadilla, Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa AmingSulok ni Paraluman Aspillera at
Ako’y isang Tinig ni Genoveva Edroza. Sa mga aklat na pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan
na nalathala nasa sanaysay tulad ng DiwangGinto, Diwang Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na
Paaralan

Sa mga magasin na nalathala ay ang Panitikan ni Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng
mga sanaysay ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na pinamagatang “ Lubos na Sumasainyo” Si Direktor
Ponciano ng Surian ng Wikang Pambansa ay may aklat na naipalimbag, ang Bato sa Katedral na
katipunan ng kanyan ilang piling sanaysay na karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling
pangwika. Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa taunang patimpalak ng Carlos
Memorial Awards For Literature ang pagsulat ng sanaysay. Ang ilan sa mga sanaysay na nagwagi ay
yaong nahihingil sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay
na mananaysay ng“Palanca” sina Pedro L. Ricarte, VirgilioAlmario, RuelAguila, Rosario Torres, atb.

Basahin ang isang teksto sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 35.

“Ang Kapighatian ng Isa ay Pinsala sa Iba”

ni Michael de Montaigne

Isinalin ni Jaime Villafuerte

C. Talakayin

Sagutin ang pagsasanay aytem 1 - 5 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 36.

Suriin

22
A. Pagbasa

Suriin ang sumusunod na mga kaisipan. Ang mga kaisipang ito ay ilan lamang sa binigyang-diin
sa binasang akda.

Kaisipan 1 – Ang humahanap ng tubong malaki,

lampas sa puhunan ang pgkalugi.

Kaisipan 2 – Ang maghangad ng kagitna,

isang salop ang nawala.

Kaisipan 3 – Ang taong labis na magulang,

karaniwang siyang nawawalan.

Kaisipan 4 – Kung labis ang kasakiman,

napulas ang kayamanan.

B. Pagsasalita

Pumili ng dalawa sa mga kaisipan sa itaas at magbigay ng reaksiyon tungkol dito. Irecord ang inyong
pagpapaliwanag sa inyong cellphone at kung maaari ay i-send ito sa messenger account ng inyong guro.

C. Panonood

Ang kasakiman at pangingibabaw ng sariling interes ay ilan lamang sa mga suliraning


kinahaharap ng iba’t ibang bansa kung kaya’t maituturing itong isyung pandaigdig na dapat harapin at
bigyan ng solusyon.

1. Manood ng isang episode ng teleseryeng “Ang Probinsyano” na tumatalakay sa nabanggit na isyung


pandaigdig o isang pelikula na tumatalakay sa temang “kasakiman”. O iba pang mga pelikula o palabas
na may kaangkupan sat ema.

2. Piliin ang mga eksena o bahagi ng pinanood na tumatalakay sa naturang isyu.

3. Suriin ito kaugnay sa paksang tinatalakay sa akda tulad ng:

A. pagkita nang malaki kahit mula sa ilegal na gawain gaya ng pagnenegosyo ng droga at iba pa

B. pangangalakal ng iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao.

C. kidnap for ransom

Isulat sa nakalaang espasyo ang inyong ginawang pagsusuri. Ilahad ang inyong kasagutan ng may
katalinuhan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

D. Pagpapahalagang Pangkatauhan

23
Ipaliwanag ang kaisipang tinalakay sa akda na binigyang – diin ni Michael de Montaigne at magbigay ng
halimbawang scenario. “Ang pagkakamit ng anumang kapakinabangan ay masama kung ito naman ay
makapipinsala sa iba.”

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Sukatin

Sagutin ang pagsasanay aytem 1 -5 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 39.

Paunlarin

A. Wika at Gramatika

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

1. ayon sa / ayon kay

- Ang Bagyong Butchoy ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ayon sa PAGASA

2. hinggil sa / hinggil kay

- Ginagawa ng ating pangulo ang lahat ng kanyang makakaya para hindi mapabayaan ang ating bansa
ngayong panahon ng pandemya hinggil kay Spokesperson Harry Roque.

3. sinabi ni

- Sinabi ni Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

4. sa paningin ni

- Sa paningin ni Kalihim na Duque, mapipigilan ang paglaganap ng Corona Virus kung ang mga Pilipino
ay susunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.

5. batay sa / batay kay

Batay sa saligang batas tayong mga mamamayang Pilipino ay may karapatang pumili ng magiging lider
ng ating bansa.

6. sang-ayon sa / sang-ayon kay

Ang DILG ay sang-ayon sa utos ng SC na bawasan ang mga tao sa mga bilangguan sa gitna ng
pandemya.

7. sa pananaw ni

Sa pananaw ni Coach Anzai, mananalo ang koponan kung ang kanilang mga kalahok ay magkakaisa.

8. sa palagay ko

Sa palagay ko, hindi ka na babalikan pa ng iyong taong minamahal.

9. sa tingin ko

24
Sa tingin ko, bukas na darating ang iyong hinihintay na bigay ng Shopee.

10. pinaniniwalaan, iniisip, inaakala

Iniisip niyang hindi na magbabago pa ang desisyon ng kanyang ama.

Mga eskpresyong nagpapakilala ng pag-iiba ng pananaw

1. samantala

2. sa kabilang dako / sa isang banda

B. Pagsasanay

Basahin ang teksto at sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 3 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina
40 – 41.

Payamanin

A. Pagsulat

Ang kasakiman o pagiging gahaman ay naituturing na ugat ng suliraning umiiral sa sandiganbayan. Dahil
nais lamang pangibabawin ang sariling interes at makamit ang ninanais, nagiging sakim o gahaman ang
iba. Ni hindi inaalala kung may maaapektuhan ito o mapipinsalang ibang tao.

Narito ang ilang isyung pandaigdig na naging suliranin ng iba’t ibang bansa. Pumili ng isa at magsaliksik
ng ilang impormasyon.
A. digmaan / giyera

B. pedopilya at pornograpiya

C. polusyon

D. droga

E. human trafficking

Gamiting gabay ang talahanayan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga suliranin o isyung
pandaigdig.

Ano ang isyung pandigdig na ang iyong pananaw sa isyung


nasaliksik? nasaliksik?

Saan nakuha ang impormasyon dito? pa makukuha ng ibang


impormasyon tungkol dito?

Kailan dapat kumilos upang malutas dapat humingi ng tulong para


ang suliraning ito? dito?

Bakit mahalagang pagtuunan ito ng kailangang ipaalam sa sam-


pansin? bayanan at sandaigdigan ang
isyung ito?

Paano ito malulutas? ito nalutas para sa kinabukasan

25
ng bayan at sandaigdigan

Gumamit ng lond bond paper para sa inyong pananaliksik na gagawin.

Pagnilayin

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 43.

Aralin 4
Ang Muling Pagbangon
Tunguhin
1. Suriin ang mga larawan at pagkatapos, magbigay ng hinuha sa ipinakitang pangyayari sa mga larawan.

Bumuo ng isang kongklusyon sa kabuuang mensaheng ipinahihiwatig ng mga larawan.


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Subukin
Pakikinig
Mula sa mga diyalogo o pahaygg na binitiwan ng mga tauhan sa mga epiko, ibigay ang hinuha kung bakit
siya itinuring na bayani ng kanilang bayan. Basahin ang mga diyalogo sa inyong aklat (Kalinangan 10)
pahina 45 – 46, at isulat ang inyong hinuha sa mga patlang na nakalaan.
1. Sundiata: Epiko ng Mali

26
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Epiko ng Gilgamesh
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong Aklat (Kalinangan 10) pahina 46, aytem 1 – 5.

B. Basahin
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
Sa tradisyunal na kahulugan, ang isang epiko ay isang uri ng panulaan, na kilala rin bilang
panulaang epiko. Bagaman, sa makabagong katawagan, kadalasang napapalawig ito sa ibang anyo
ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa
mga larong bidyo, kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan, katulad
sa panulaang epiko.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ilang mga kilalang epiko sa mundo
Epiko ng Gilgamesh – pinakamatandang epiko sa buong mundo
Mahabharata – pinakamahabang epiko sa buong mundo
Iliad at Odyssey – mga kilalang epiko ng Greece
Alim – pinakamatandang epiko sa Pilipinas
El Cid – kilalang epiko ng Espanya

Basahin ang teksto sa inyong aklat na isang epiko.


El Cid
“Katotohanan ang Magpapalaya”
Epiko ng Espanya
pahina 47 – 48
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay aytem, 1 – 9 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 48 – 49.

27
Suriin
A. Pagbasa
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 49

Pagpapahalagang Pangkatauhan
May mga sitwasyong itinakda sa bawat bilang, magbigay ng mungkahi kung paano ito haharapin at
bibigyan ng solusyon.
1. Nakaranas ng mababang pagtingin ang isang mag-aaral dahil sa kanyang kulay sa isang international
school. Paano niya patutunayan na hindi hadlang ang kulay upang makamit ang isang tagumpay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Dahil sa isang aksidente, namatay pareho ang mga magulang ng isang dalagita. Dahil nag-iisang anak,
wala na siyang matatakbuhan kung hindi ang lola niyang may edad na. Paano niya haharapin ang
pagsubokna ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Nasama ang pangalan mo sa talaan ng mga kabataang subersibo at sinabing kabilang ka sa mga mag-
aaral na nagpaplano ng destabilisasyon ng pamahalaan. Paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Sukatin
Sagutin ang pagsasanay, aytem 1 – 10 sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 51

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Mga Salitang Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag
May mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang anumang paglalahad ng
mga pahayag. Narito ang ilang halimbawa:
1. Kung nais bigyang-diin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari maaaring gamitin ang mga
salitang:
una pangalawa pangatlo noon
nang samantala pagkatapos sumusunod
Halimbawa:
Inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid pagkatapos niyang maghugas ng mga
pinagkainang pinggan.
2. Kung nais magbigay ng halimbawa at paliwanag, maaaring gamitin ang mga ito:
bilang karagdagan dagdag pa rito
halimbawa nito kabilang dito

28
Halimbawa:
Napakaraming mga anyong lupa dito sa ating bansa, halimbawa nito ay mga bundok,
bulkan, bulubundukin, burol, talampas, kapatagan at lambak.
3. Kung nais ng pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang:
bukod dito kabilang dito
at saka karagdagan nito
Halimbawa:
Giniba ng mga awtoridad ang mga bahay na makakasagabal sa proyekto ng gobyerno na
road widening kabilang dito ang mga informal settlers na hindi alam kung saan sila lilipat ng tirahan.
4. Kung nais ipakita ang paghahambing, kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin ang:
sa kabilang dako di tulad ng
sa kabilang banda sa halip na
Halimbawa:
Napakatahimik naman ng mga mag-aaral ng 10 – St. Raphael di tulad ng mga nasa 10 –
St. Michael.
5. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
kung gayon sa gayon
dahil dito samakatuwid
Halimbawa:
Kinakailangan mong mag-aral nang mabuti nang sa gayon ay makapagtapos ka ng iyong
pag-aaral.
6. Kung nais magbigay diin, gamitin ang mga ito:
sa madaling salita sa totoo lang
higit sa lahat tunay na
Halimbawa:
Walang makakapantay sa tunay na kalinga at pagmamahal ng iyong magulang.
7. Maaari ding gamitin ang mga pangatnig upang maging malinaw ang paglalahad:
a. pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na nakapag-iisa
at ngunit ni datapwat
saka subalit maging at iba pa

Halimbawa:
Nagpunta sa bahay ni Lisa ang kanyang mga kaibigan na sina Lorna, Aida at Fe.
b. pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala at sugnay na di-nakapag-iisa.
kung kaya kapag
dahil sa pag sapagkat
Halimbawa:
Hindi na ako papasok pag hindi ka rin papasok.

29
B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 53.

Payamanin
A. Pagsulat
Magsaliksik at magbasa ng ilan pang epikong pandaigdig. Gamit ang grapikong pantulong, ilahad ang
naging pananaw tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga epiko. Sumipi ng ilang piling saknong ng
naturang epiko.

B. Pagsasalita
1. Batay sa gawaing itinakda sa bahagi ng pagsulat, maghanda sa pagbasa nang paawit sa siniping
saknong.
2. Maaaring i-voice record ang pagbasa ng paawit sa siniping saknong at i-send ito sa messenger account
ng inyong guro.

Pagnilayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 55.

Aralin 5
Di-inaasahang Panauhin
Tunguhin
1. Suriin ang larawan at isalaysay ang mga pangyayari sa bawat larawan.

30
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________
_____________________________________ _____________________________________

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
2. Anu-ano ang pangyayaring ipinahihiwatig ng mga larawan? _______________________
3. Isulat sa ibaba ng bawat larawan na nasa itaas ang mga pangyayaring ipinakikita ng mga ito.

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Paano mo maipadarama ang damdaming nasyonalismo sa iyong bayan?
- Naipadarama ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay-pugay sa
kultura at tradisyon nito, at pagmamalasakit para sa kaniyang pag-unlad.
Gramatika: Paano mo isasalaysay ang mga tauhan sa isang kwento nang maayos at hindi paulit-ulit na
binibigkas ang kanilang pangalan?
- Gumagamit ng panghalip panao bilang pamalit sa mga pangalan ng mga tauhan upang hindi
paulit-ulit na binibigkas ang kanilang pangalan.

Subukin
Pakikinig
Saliksikin sa Youtube ang awiting “Tatsulok”. Pakinggan at unawain ang liriko ng
awitin. Tukuyin ang mga pangyayaring nakapalob sa awitin at itala ang mga kaganapang pandaigdig na
may kinalaman sa mga ito. Itala ang iyong kasagutan sa loob ng piramide.

31
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10), aytem 1 – 10, pahina 58 – 59.

B. Basahin
Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon sa mga mambabasa.

Edgar Allan Poe – Ama ng Maikling Kwento

Deogracias A. Rosario – Ama ng Maikling Kwentong


Tagalog

Dagli - Ito ang tawag sa maikling kwento noong panahon ng mga Amerikano na ginagawang libangan ng
mga sundalo
Panahon ng Hapon - Ito ang tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang Filipino” dahil pinairal ang
paggamit ng wikang pambansa bilang midyum ng pagsulat.
- Tinaguriang “Kontemporaryong Maikling kwento”.
Uri ng Maikling Kwento
1. Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

32
7. Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
9. Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
10. Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.

France – isang bansang saklaw ng kontinenteng Europa.


- ang kabisera nito ay Paris
- ang pamahalaan nito ay semi-presidensyal

Ilan sa mga lugar sa Paris, France


1. Argenteuil 4. Rue Notre Dame de Lorette
2. Colombes 5. Ile Marante
3. Nanterre 6. Mont-Valerien

Basahin ang teksto sa inyong aklat na isang maikling kwento mula sa bansang Pransya
Les Deux Amis / Ang Magkaibigan
Isinalin ni Eduard R. Suarez
Kalinangan 10 – pahina 59 -66
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 66 – 67.

Suriin
A. Pagbasa
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan10) pahina 67 – 68.

B. Panonood
May ipapasa ang inyong guro sa inyong messenger account, panoorin ito at sagutin ang pagsasanay sa
inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 68.

C. Pagpapahalagang Pangkatauhan
Pumili ng dalawa sa mga gawain mula sa sumusunod.
1. Sumulat ng pagpapaliwanag kung paano niyo maipadarama ang tunay na pagmamahal na sa kaibigan.
Sa kasalukuyan, may nabasa, napanood o nasaksihan ba kayong nagpamalas ng tunay na pagkakaibigan?
Ilahad kung bakit masasabing tunay ang pagkakaibigan ng mga tauhan sa kwento.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

33
2. Sumulat ng pagpapaliwanag sa ginawang pagsasakrispisyo ng magkaibigan na pinili pa ang kamatayan
kaysa ibunyag ang code na hinihingi ng pinuno o opisyal na Prusyan. Magbigay ng halimbawa ng
pangyayaring nagpakita rin ng pagsasakripisyo para sa bayan na ipinamalas ng ilang Pilipino. Talakayin
din ang kahalagahan at epekto ng katapatan sa bansa.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Sumulat ng paglalahad kung paano maaaring maipamalas ng mga kabataan ang paglilingkod sa bayan
kung sakaling dumating ang panahong may ibang dayuhan na nais sakupin ang bansa. Talakayin ang
paninindigan ng pangkat kung papayag sila na muling masakop ng dayuhan ang ating bansa.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 69 – 70.
Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Araw – araw kang gumagamit ng panghalip sa iyong pagsasalita at pagsusulat. Ngunit bukas
ba ang inyong kamalayan na nagagamit mo ang mga ito?
Ang mga panghalip o pronoun ay mga salitang ipinamamalit sa pangngalan. Ginagawa ito
upang maiwasan ang palagiang pag-uulit sa mga salitang tinuturingan ng mga ito.
Panghalip Panao
Ang mga panghalip ay mga salitang ginagamit na panghalili sa pangalan ng tao. Ang ilan sa
mga salitang halimbawa ng panghalip panao ay ang sumusunod. ako, siya, ikaw, ko, akin, atin, inyo, kita,
kata, mo, kanila, kanya, kaniya, at tayo.
Narito ang mga halimbawa ng mga pangungusap gamit ang mga panghalip panao.
Unawain ang usapan ng magkaibigan na ibinigay sa bilang isa.
1. “Iyan ang buhay!” pahayag ni Monsieur Sauvage.
Ang sabihin mo, iyan ang kamatayan!” sagot ni Morissot at tumawa.
Ngunit bigla silang nagambala ng tunog ng mga yabag ng paa sa likuran, bumalikwas sila at nakita ang
apat na matangkad na mga lalaki, balbas sarado, magkatulad ang mga suot at maninipis na sombrero sa
ulo.
Sa pangungusap na ito, binibigyang-turing ng panghalip na sila ay sina Monsieur Sauvage at Morissot.

2. Tuluyang huminahon ang opisyal at natuwang sinabi na “Bahala na ang mga isda sa kanila” at siya ay
tumungo sa kanyang tirahan.
Sa ikalawang pangungusap, binibigyang-turing ng panghalip na siya ang opisyal.

B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10), aytem a – e, pahina 71

34
Payamanin
A. Pagsulat
Sa isang Long Bond Paper, pumili ng isa sa mga sumusunod na gawain.
A. Magsaliksik sa internet tungkol sa isyung deployment ban ng ating pamahalaan sa Kuwait. Alamin ang
sanhi at bunga nito sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa gayundin sa ekonomiya ng bansa.

B. Magsaliksik sa internet tungkol sa kaguluhang nangyayari sa Iraq, Syria at Iran. Alamin ang sanhi at
bunga ng kaguluhang ito sa daigdig.

C. Magsaliksik sa internet tungkol sa bagong plataporma ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos
sa mga dayuhang naninirahan sa kanilang bansa nang walang kaukulang papeles o legal na dokumento.
Alamin ang sanhi at bunga ng platapormang ito sa mga dayuhan at kasama na rito ang mga Pilipinong
nainirahan sa Estados Unidos.

Pagnilayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) aytem 1 – 5, pahina 73 – 74.

35
Aralin 6
Ang Kuba ng Notre Dame
Tunguhin
I. Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 75, suriin ang mga larawan at tukuyin ang mga pangyayaring
isinasagawa ng mga tauhan sa larawan. Isulat sa ibaba ng bawat larawan ang resulta ng pagsusuri.

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Ano ang pag-ibig? Paano ito maipadarama sa ating kapuwa?
- Ang tunay na pag-ibig na nagmumula sa Diyos. Hindi ito mapagmataas, matiyaga, at hindi
makasarili. Naipadarama ito sa pamamagitan ng pagtulong, pagkalinga, pakikibaka at pagsasakripisyo
para sa iba.
Balarila: Bakit mahalaga ang mga angkop na hudyat sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod na
pangyayari?
- Sa pagsasalaysay ng mga pangyayari, mahalaga ang wasto o angkop na hudyat sa
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang madaling masundan ang daloy ng salaysay.

Subukin
Pakikinig
A. Pakinggan ang isang dulang panradyo na ipapadala ng inyong guro sa pamamagitan ng voice record sa
messenger. Suriin ang katangian ng mga tauhan batay sa kanilang pananalita, kilos ayon sa tono at paraan
ng pananalita, at pananaw sa buhay partikular sa paksa ng dula.
B. Sagutin ang tsart sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 77.
C. Pagkatapos masuri ang mga tauhan. Pumili ng isa sa mga tauhan at ibigay ang iyong kongklusyon ukol
sa buo niyang pagkatao.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 77, aytem 1 – 4.

36
B. Basahin
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay
may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na
siyang pinakabuod ng nobela.
Layunin:
A. gumising sa diwa at damdamin
B. nananawagan sa talino ng guni-guni
C. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
D. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
E. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
F. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
G. napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian:
A. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
B. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
C. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
D. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
E. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
F. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
G. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
H. malinis at maayos ang pagkakasulat
I. maganda
J. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Bahagi:
A. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
B. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
C. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
D. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b.
pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
E. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
F. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
G. pamamaraan - istilo ng manunulat
H. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela

37
I. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan.

Basahin sa inyong aklat (Kalinangan 10) ang isang akdang pampanitikan pahina 78 – 79.
Ang Kuba sa Notre Dame
(Nobelang Mediterranean)
ni Victor Hugo
Muling pagkukwento ni Ma. Anna E. Villanueva

C. Talakayin
Sagutin ang mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 80 – 81.

Suriin
A. Pagbasa
Ang Humanismo ay isang pananaw na nakatuon sa kabutihan, kakayahan, at kalikasan ng
tao, kanyang paninindigan at paniniwala.

Ang eksistensyalismo, bilang isang paniniwala ay nangingibabaw sa maraming


manunula noong ika-18 at ika-20 siglo. Ang terminong ito ay nagpapahayag mahahalagang
paksa tulad ng pakikihamok at usaping pang indibidwal. Ang kalayaang pumili ng bawat
indibidwal ay kasabay ng komitment at responsibilidad.

Ayon sa eksistensyalismo, bawat isa ay may kalayaang pumili at kailangang


tanggapin ang panganib at may responsibilidad sa pagsunod sa anumang naisin, saan man ito
patungo o anoman ang kahihinatnan nito.

Nakapokus ang eksistensyalismo sa interpretasyon o pinaniniwalaan sa buhay ng isang tao.


Sa pananaw na ito, pinaniniwalaang:

1. Ito ay nakatuon lamang sa problema o ng isang pagiging nilalang.


2. Nagpapatuloy ang pagsusuring may iba’t ibang posibilidad.
3. Ang buhay ng tao ay itinakda ng kaniyang desisyon.

Aling pagdulog ang angkop sa binasang teksto? Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangyayari sa
tekstong binasa na magpapatunay sa pagdulog na ito at ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gamit ang grapikong pantulong, ibigay ang pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang angkop na
pananaw hinggil sa binasang kabanata ng nobela.

38
B. Pagsasalita
Matapos matalakay ang binasang akda, suriin ang mga larawan na nasa inyong aklat (Kalinangan 10)
pahina 82 at tukuyin ang mga kulturang matatagpuan sa nobelang binasa. I-record sa voice recorder ang
ginawang pagsusuri at i-send ito sa messenger account ng inyong guro.

C. Panonood
Pumili ng teleserye o dulang napanood o nasubaybayan sa telebisyonat ihambing sa nobelang nabasa
batay sa mga pangyayari sa mga tauhan at ang kinahinatnan ng kuwento. Sa pamamagitan ng Venn
Diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pangyayari sa Nobelang Pangyayari sa Dulang
Binasa Pantelebisyon
Pagkakatulad

D. Pagpapahalagang Pangkatauhan
Magsaliksik o bunuo ng iskrip ng isang dulang pantanghalan tungkol sa katapatan ng pag-ibig na nag-
uugnay sa iba pang katangian ng tunay na pag-ibig.

Sukatin
Sagutin ang mga pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) aytem 1 – 10, pahina 84 – 85.

Paunlarin

39
A. Wika at Gramatika
Bilang isag mag-aaral na madalas magkwento ng mga pangyayari, pasulat man o pasalita,
nararapat lamang na mapag-aralan mo ang paggamit ng angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari upang maging mabisa ang pagsasalaysay at hindi magdudulot ng kalituhan sa
mambabasa o sa tagapakinig.
Ilan sa mga salitang madalas gamitin ay:
1. Sinumulan o Nagsimula – ginagamit ito sa simula bilang pagbubukas ng isang salaysay ng kwento
upang ipahiwatig na dito nagsimula ang lahat ng mga pangyayari.
Halimbawa:
Nagsimula ang kwento ng aming pag-iibigan nang magkita kami sa paaralan kung saan
una ko siyang nasilayan…

2. Pagkatapos/kasunod nito/sinundan ito/nang – madalas namang gamitin ang mga salitang ito sa katawan
ng pagsasalaysay.
Halimbawa:
Pagkatapos niyang lisanin ang parang at tumungo sa bahay na kaniyang kinalakhan, dali-
dali siyang humanap ng salapi na gagamitin sa isasagawang balak…..

3. Sa wakas/sa pagtatapos – ginagamit ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ng huling pangyayari sa
isang kwento.
Halimbawa:
At sa wakas, muling nagkatagpo ang mag-inang napakatagal nang hindi nagkita, muling
napuno ng ngiti ang kanilang mga mukha at masayang ipinagpatuloy ang buhay.

B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 86.

Pagnilayin
1. Paano mo iuugnay ang iyong sarili sa mga tauhang iyong nabasa? Isulat ang mga bahaging kinakitaan
nito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Anong kaisipan ang naikintal sa iyong kaisipan? Ipaliwanag ito kung bakit ito natamo sa iyong isipan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

40
3. Kilala mo ba ang iyong sarili? Bigyang pansin ito at iugnay sa nobelang nabasa. Tukuyin ang
tauhan/mga tauhang kinakitaan mo ng pagkakatulad sa iyong pagkatao at itala ang tiyak na bahagi o
pangyayari na kinakitaan nito.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Aralin 7
Pangwakas na Gawain: Paggawa ng Simposyum
Tunguhin
I. Tukuyin sa mga larawan ang mensaheng ipinahihiwatig nito at magbigay ng sariling obserbasyon na
nakikitang mensahe sa bawat larawan. Ilagay ang sagot sa talahanayan na nasa aytem 2.

41
2. Talakayin ang mga larawan. Gamiting gabay ang talahanayan sa pagsagot.

Mga Larawan Obserbasyon

Larawan #1

Larawan #2

Larawan #3

3. Magbigay ng konklusyon buhat sa mga obserbasyon sa mga larawan ng bawat pangkat.


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Isipin
Pokus na tanong
Panitikan: Paano nagagamit sa pag-unlad ng kaalaman ang masusing kritisismo sa alinmang akdang
pampanitikan?
- Nagagamit sa pag-unlad ang masusing kritisismo sa alinmang akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga dapat baguhin sa lipunan na pinuna sa mga akdang pampanitikan.

Balarila: Gaano kahalaga ang kasanayan sa pakikipagtalastasan sa pagsasagawa ng isang simposyum?


- Mahalaga ang kasanayan sa pakikipagtalasatan sa pagsasagawa ng isang simposyum upang
mailahad at maibahagi ang iyong kaalaman at kabatiran sa iba.

Subukin
Pakikinig
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 91, aytem A – C.

Unawain
A. Alamin

42
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 91 – 92. Hanapin sa kahon sa ibaba ang
mga salita na kaugnay ng Critique at Simposyum.

programa paglilinaw pagpuna

kalahok pamimintas

komite tagapakinig pagpapaliwanag

pagtutuwid talakayan

iba’t ibang isyu

B. Basahin
Simposyum
Kalinangan 10 pahina 92 – 94

C. Talakayin
Sagutin ang mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 94 – 95, aytem 1 – 7.

Suriin
A. Panonood
1. Marahil ikaw ay nakasaksi na ng simposyum sa paaralan bago ang SSG Election.
2. Suriin ang simposyum at tingnan kung paano nila ito isinagawa,
3. Ano-ano ang kagamitang inihanda ng mga mag-aaral sa nasaksihang simposyum para maisakatuparan
ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita ng mga mag-aaral ang paghahanda sa isang simposyum?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Paano gumanap ang inanyayahang tagapagsalita?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
6. Ano ang naging reaksiyon ng mga tagapakinig sa simposyum?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

B. Pagpapahalagang Pangkatauhan

43
Isagawa ang mga sumusunod na mga mungkahing gawain.
A. Gumawa ng isang imbitasyon upang dumalo sa isang simposyum ukol sa akdang Mediterranean
B. Gumawa ng alituntunin sa paghahanda ng simposyum
C. Gumawa ng programa o palatuntunan sa simposyum na gawain.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 97, aytem 1 – 5.

Pagnilayan
1. Anong kaisipan ang iyong natutuhan sa aralin na ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Sa mga gawaing ginawa, alin dito ang sa palagay mo ang ankop na paksa upang maintindihan ang
simposyum?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

44
Mga Layunin
Aralin 8 – Hindi Kayang Hadlangan ang Pag-ibig
A. Mitolohiya: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga
tauhan
B. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
C. Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
D. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
Aralin 9 – Pagpapahalaga sa Sarili
A. Dula: Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng
mga tauhan
B. Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
C. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito(epitimolohiya)
D. Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
E. Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa
napanood na bahagi nito
F. Naisusulat nang wasto ang ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung
ihahahambing sa kultura ng ibang bansa
Aralin 10 – Pag-ibig, Pananalig at Pananampalataya
A. Tula: Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula
B. Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula
C. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
D. Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay
E. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula
Aralin 11 - Nangibabaw ang Katotohanan
A. Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda
B. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
C. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipagugnayang pandaigdig
D. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
Aralin 12 – Katotohanan Laban sa Imahinasyon
A. Nasusuri ang nobela sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan
B. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito
C. Nabibigyang- kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa
panunuring pampanitikan
D. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may paksang kaugnay ng binasa
Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring –basa o panunuring
pampanitikan
E. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teroyang
pampanitikan
Aralin 13 – Simbahan o Pamahalaan: Panitikan ng Kanluranin

45
A. Sanaysay: Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita,
komentaryo, talumpati, at iba pa
B. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa
nakasulat na akda
C. Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal)
D. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
E. Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa: - paksa - paraan ng pagbabalita at iba pa
F. Naipahahayag ang sailing kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa sa isang talumpati
G. Naisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu
H. Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap
Aralin 14 – Pangwakas na Gawain: Pagkilala sa Iba’t Ibang Uri ng Social Media
A. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-
mail, at iba pa)
B. Natutukoy at nabibigyang-kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social media
C. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media
D. Naisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda
E. Nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at makahulugang
akda

Aralin 8
Hindi Kayang Hadlangan ang Pag-ibig
Tunguhin
1. Sa paanong paraan ipinakikita sa mga larawan ang katapatan sa pag-ibig?

46
2. Anu-ano ang salitang maiuugnay sa salitang “pag-ibig”? Isulat ito sa kahon na nasa ibabang bawat
larawan.

Gawain
Bigyang-diin sa gawain na ito ang kaisipang hango kay Balagtas na, “Ang pag-ibig ay makapangyarihan;
pag pumasok sa puso ninoman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”
Magsaliksik ng mga taong dumaan sa matinding pighati dahil sa hindi makayanang pagsubok sa pag-ibig.
Ilahad ito sa pamamagitan ng data retrieval chart sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 103.
Halimbawa: Romeo at Juliet

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Sa paanong paraan maipakikita ang katapatan at katapangan sa ngalan ng pag-ibig?
- Maipakikita ang katapatan sa pag-ibig sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagpapadama
ng tunay na pagmamahal sa sinomang nilalang at katapangan naman kung kailangang ipaglaban ito.

47
Gramatika: Paano magagawang epektibo ang pagsang-ayon at pagsalungat sa anomang bagay na pinag-
uusapan?
- Magiging epektibo ang pagsalungat o pagsang-ayon kung nakabase ang dahilan sa lohika at
katwiran. Mahalaga rin na maayos at maglang ang pagpapahayag.

Subukin
A. Alalahanin at muling balikan ang pagmamahalan nina Juan Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa
nobelang “Noli Me Tangere” ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na inyong tinalakay at
pinag-aralan noong kayo ay nasa ika-siyam (9) na baitang.
B. Isagawa ang ilang mungkahi upang maging epektibo ang pakikinig.
1. Sikaping makuha ang pinakamahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
pagbubuod.
2. Magsagawa ng pagbubuod sa nobelang natalakay.

Pagbubuod:___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang mga pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10), pahina 104 – 105, aytem 1 – 5.

B. Basahin
Maituturing na mayaman ang kultura ng mga Kanluranin tulad sa sining, pilosopiya at
panitikan na kaakibat ng kanilang kultura at nasusulat sa iba’t ibang wika ng Europa kasama ang wikang
Indo-European ayon sa kanilang kasaysayan. Ang ilan sa wikang ito ay Basque Hungarian, at iba pa.
Isa sa pinakamahalagang elemento ng sibilisasyon ng mga bansang Kanluranin ang Western
Culture.

Basahin ang teksto:


Pyramus at Thisbe
Mitolohiyang Kanluran
Isinalin ni Amelia V. Bucu
Kalinangan 10, pahina 105 – 107

C. Talakayin

48
Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 108 –
109, aytem 1 – 10.

Suriin
A. Pagbasa
Suriin ang nilalaman, elemento, at kakanyahan ng binasang mitolohiya sa inyong aklat (Kalinangan 10)
pahina 109 – 112.

B. Pagsasalita
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 112 sa pamamagitan pagsasalita sa
inyong voice record at i-send sa messenger account ng inyong guro.

C. Panonood
Sagutin ang tsart sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 113, gawing batayan ang mitolohiyang tinalakay
“Pyramus at Thisbe” upang masagot ang grapikong pantulong.

Sukatin
Sagutin ang mga sumusunod na pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 114 – 115, A – aytem
1 – 5 at B.
Paunalrin
A. Wika at Gramatika
Pokus ng Pandiwa
1. Pokus ng Pandiwang Tagaganap / Pokus sa Aktor
Ang pandiwa ay nasa pokus tagaganap kapag ang paksa o simuno ng pangungusap ang
gumaganap ng kilos na kinatawan ng pandiwa. Sa pagpapahayag,gumagamit ito ng mga panlaping mag-,
um-, mang-, maka-, at makapag-.
Halimbawa:
1. Bumalik sila sa Pilipinas na dala ang mga alaala ng mga magulang.
2. Nagkaroon ng lakas ng loob ang mga biktima na lumaban sa mga magnanakaw.
Ang mga simuno ng pangungusap na ginamit na gumanap ng kilos ay sila at biktima. Ginamit
naman sa pangungusap ang mga pandiwang bumalik at nagkaroon.

2. Pokus sa Layon
Nasa pokus sa layon ang pandiwa kapag ang layon ang nagiging paksa o simuno ng
pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ano. Ang pandiwang ito ay karaniwang may panlaping i-, -in/-
hin, -an/-han, -ipa, paki-, ma-, at iba pa.
Halimbawa:
1. Pinaiibestigahan ng Pangulo ang drogang nasabat galing sa China.
2. Ipinahinto ng DOH ang pagpapaturok ng Dengvaxia sa mga estudyante.
Ang droga at Dengvaxia ang simuno o pinag-uusapan sa pangungusap. Ginamit sa
pangungusap ang pandiwang pinaiimbestigahan at ipinahinto.

49
B. Pagsasanay
Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa o simuno at ikahon ang pandiwa.
Pagkatapos, isulat sa linya kung ang pokus ng pandiwang ito ay tagaganap o layon.
_______________ 1. Ang magkapatid ay nag-away ng matindi.
_______________ 2. Nagmamadaling umalis sa isla sina Pele at kanyang pamilya.
_______________ 3. Ang itlog ay ipinagkatiwala ng magulang kay Pele.
_______________ 4. Ang apoy ay ginamit ni Pele laban sa kapatid.
_______________ 5. Naghanap ng matitirhan ang pamilya.
Gamitin sa pangungusap ang mga pandiwa batay sa pokus na hinihingi sa bawat bilang.
1. nagmamahal (tagaganap o aktor)
_____________________________________________________________________________________
2. nagtutulangan (tagaganap)
_____________________________________________________________________________________
3. ipinahihiram (layon)
_____________________________________________________________________________________
4. ibinigay (layon)
_____________________________________________________________________________________
5. nagkakaisa (tagaganap)
_____________________________________________________________________________________

Payamanin
A. Pagsulat
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 117 – 118, aytem 1 – 2.

50
Aralin 9
Pagpapahalaga sa Sarili
Tunguhin
Suriin ang mga larawan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 121 at pagkatapos, ihambing ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang set ng larawan. Isulat sa patlang ang pagkakatulad at
pagkakaiba.

Pagkakatulad
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pagkakaiba
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Paano maipakikita ang tunay na pagpapahalaga at pantay na pagtingin sa kapwa?
- Maipakikita ang tunay na pagpapahalaga at pantay na pagtingin sa kapwa kung sa
pamamagitan ng pagbibigay ng patas na pagtrato sa lahat ng pagkakataon anomang katayuan sa buhay
sila kabilang.

Gramatika: Paano magagamit ang pokus sa kagamitan at pinaglalaanan sa mabisang pagpapahayag ng


damdamin at saloobin?

51
- Magagamit ang mga pokus ng pandiwang ito upang bigyang tuon ang nais pag-alayan o
patungkulan ng kilos sa pahayag (pinaglalaanan) at kung paano ito maisasakatuparan (kagamitan) na
siyang lalong magpapalinaw sa mensahe at tindi ng damdaming nakapaloob dito.

Subukin
Pakikinig
Magtanung-tanong sa inyong magulang, lolo at lola o ilan sa matatanda sa inyong lugar hinggil sa
kwentong bayan kilala sa atin, ang kwento ni Maria Sinukuan. Tukuyin ang kulturang mayroon ang lugar
na iyon batay sa pagsasalaysay sa tauhan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang tsart sa inyong aklat (Kalinangan 10) aytem 1 – 10, pahina 123.

B. Basahin
Ang dula ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro.
Elemento ng Dula
1. Iskrip - Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon
sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Aktor - Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas
ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan - Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;
tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng
mga mag-aaral sa kanilang klase.
4. Direktor - Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood - Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito napanood ng
ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula ay maitanghal at kapag sinasabing
maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.
6. Eksena at Tagpo - Ang Eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
Sangkap ng Dula
1. Tagpuan - Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
2. Tauhan - Ito ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari;
ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

52
3. Sulyap sa Suliranin - Bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng
saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na
nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na suliranin ang isang dula.
4. Saglit na Kasiglahan - Ito ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
5. Tunggalian - Ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid at
tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang
isang dula.
6. Kasukdulan - Dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinaka-kasukdulan ang tunggalian.
7. Kakalasan - Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
8. Kalutasan - Sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa
dula.

Basahin ang teksto:


Pygmalion
ni George Bernard Shaw
Isinalin sa Filipino ni Morena Moreno
Kalinangan 10, pahina 124 – 126

C. Talakayin
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 126 – 127,
aytem 1-8.

Suriin
A. Pagbasa
Sagutin pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 128. Isulat ang sagot sa ibinigay na grapikong
pantulong.

Sukatin
Sagutin ang mga pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 130, aytem 1-10.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Nagiging malinaw ang paglalahad ng damdamin o saloobin kung wasto ang paggamit ng mga
pandiwa sa ginawang pangungusap. Samakatuwid, kailangang malinaw at maayos ang paggamit ng pokus
ng pandiwa partikular sa pinaglalanan at pokus sa kagamitan.
1. Pokus sa Pinaglalanan – tinatawag na pokus sa pinaglalanan ang pandiwa kapag ang pinaglalanan ay
ang paksa o simuno ng pangungusap. Gumagamit ito ng mga panlaping makadiwang i-, ipag-, ma+ipag,
at ipagpa.
Halimbawa:
A. Ipagpapaliban ni Henry ang pagtuturo ng palabigkasan kay Liza.
B. Ipagbibigay-alam nina Henry at Pickering sa mga pulis ang pagkawala ni Liza.

53
2. Pokus sa Kagamitan – tinatawag na pokus sa kagamitan kapag ang instrumento kasangkapan sa
pagsasagawa ng kilos sa isinasaad ng pandiwa ang gumaganap bilang paksa o simuno ng pangungusap.
Gumagamt ito ng panlaping ipang-, at ma+ipang.
Halimbawa:
1. Ipanlalaban ni Liza ang mga nasirang bulaklak sa paghingi nito ng kababayan kay Gng. Hill.
2. Ipinambayad ni Liza sa taksi ang natanggap niyang halaga sa pagpayag niya sa gagawing pag-aaral sa
kanya ni Higgins.

B. Pagsasanay
Sagutin ang mga pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 131 – 132 aytem 1- 5.

Payamanin
A. Pagsulat
Sagutin ang grapikong pantulong sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 132.

Pagnilayin
Sagutin sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 133.

Aralin 10
Pag-ibig, Pananalig at Pananampalataya
Tunguhin
Suriin ang larawang nakalaan, pagkatapos ay ibigay ang makuhang mensahe rito.

54
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Paano maipakikita ang malalim na pananampalataya sa Diyos?
- Ang malalim na pananampalataya sa Diyos ay naipakikita sa pamamagitan ng pagiging
makatarungan sa iba lalo na ang mga walang kakayahan sa buhay sapagkat ang pagiging makatarungan
ay isang uri ng dalisay na pag-ibig at ang pagmamalasakit sa tao ay repleksiyon ng pag-ibig sa Diyos.

Gramatika: Bakit kailangan gumamit ng matatalinghagang pananalita sa tula?


- Nakadaragdag sa kagandahan at bisa ng tula ang paggamit ng matatalinghagang pananalita.

Subukin
Pakikinig
I. Pakinggan ang saknong ng isang tula na ipapadala ng inyong guro sa inyong messenger account o
group chat.
II. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) aytem a – d, pahina 135.

Unawain

55
A. Talasalitaan
Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 136 – 137, ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita
na may salungguhit at isulat ang sagot sa inilaang patlang. Hanapin ang kasagutan sa mga nakatala sa
ibaba.
A. Ang salapi ang pinakamakapangyarihan sa lahat sang-ayon sa mga bangkero
B. Kung walang integridad ang isang tao, maihahalintulad siya sa walang halagang kagamitan
C. Ang pagsunod sa batas ng kagandahang asal at mabuting gawain ay maituturing na kayamanan ng tao
D. Napakahalaga ng kalusugan sa isang tao
E. Sa mga pilosopo, ang dunong ay maihahalintulad sa batong kumikinang

B. Basahin
Si St. Teresa ng Avila ay itinuturing na pinakamahusay na
manunulat ng panitikan ng Kastila. Ibinigay rin sa kanya ang
karangalan ng pagiging unang manunulat sa Europa. Siya
ay nabibilang sa kongregasyon ng Carmelite at
idineklarang isang Santa noong 1622.

Ang tulang isinulat ni St. Teresa de Avila ay nabibilang sa


katipunan ng mga tula na nasa mga aklat ng panitikan.
Basahin ang teksto:
Magtiwala
ni St. Teresa de Avila
Isinalin sa Ingles ni Henry W. Longfellow
Isinalin sa Filipino ni Marissa Bernabe
Kalinangan 10, pahina 138

C. Talakayin
Sagutin ang mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 138 – 139, aytem 1 – 8.

Suriin
A. Pagbasa
Elemento ng Tula
1. Sukat – Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. May dalawang pangkat ng sukat:
gansal at pares.
Halimbawa: “Ang Bato” ni Jose Corazon de Jesus
Ba/tong/tun/tu/ngan/mo/sa/pag/ka/da/ki/la = 12
Ba/tong/tun/tu/ngan/ka/sa/pa/ma/ma/ya/pa = 12
Ta/la/gang/ga/ni/to/sa/la/pad/ng/lu/pa = 12
ay/ba/li/ba/lig/tad/la/mang/ang/ka/wa/wa = 12

56
2. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat dulo ng taludtod. Ang tugmaang
ganap ay tumutukoy sa mga dulong salita sa bawat taludtod na magkakapareho ang bigkas at diin. May
dalawang uri ng tugmaang ganap: ang tugmang katinig at tugmang patinig.
Halimbawa:
Nagmamatandang kulit, tugmang patinig
Nagmumurang kalumpit
May katawan walang mukha, tugmang katinig
Walang mata’y lumuluha

Tugmaang di-ganap – ito ay tumutukoy sa pagkakahawig lamang ng tunog ng mga dulong salita sa
bawat taludtod at nagkakaiba rin ito ng mga diin. May pangkat ng patinig at katinig na magkakasintunog.
Tingnan ang talahanayan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 140.

3. Talinhaga – Dito gumagamit ng matatalinghagang salita ang tula. Ibig sabihin may natatagong
kahulugan sa salita o pahayag.
Halimbawa:
Ayon sa bangkero’y salapi ang higit
na makatutugon sa anomang nais,
kung may naghaharing Bathala sa langit,
sa lupa’y salapi ang walang kaparis.

Ang salapi ang pinakamakapangyarihan sa


lahat sang-ayon sa mga bangkero
4. Persona – Ito ang tawag sa tinig na naririnig sa tula. Sa pamamagitan ng mga detalye sa tula
naipakikilala ang “tinig” na maririnig sa tula. Malaki ang ambag ng pagtukoy sa pagkaunawa sa persona
upang maunawaan ang o maigiya ang direksiyon ng pagbasa ng tula.

Halimbawa:
Ang Guryon
Ildefonso Santos
I.
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat na papel de Hapon;
persona: ama /
magandang laruang pula, puti at asul tatay

na may pangalan mong sa gitna naroon.

5. Sining o kariktan – Tumutukoy ito sa paggamit ng mga pili, angkop at malikhaing mga salita.

6. Larawang-diwa – Tumutukoy ito sa mga salita na kapag binanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at
tiyak na mga larawan sa isipan ng mga mambabasa

7. Paksa – Ito ang buto at laman, diwa at kaluluwa ng isang tula. Sa pagsulat ng tula, mahalaga na alam
mo ang iyong paksa. Hindi ka maaaring sumulat ng tula na hindi mo alam ang iyong paksa. Maaaring
maging paksa ng tula ang mga bagay na nakikita sa kapaligiran o mula sa isang karanasan.
57
8. Saknong – ito ang bilang ng estropa o bilang ng pinagsama-samang taludtod.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


sa pagkadalisay at pagkadakila saknong
gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala

Sukatin
Sagutin ang mga pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 142, aytem 1-10.

Paunlarin
Wika at Gramatika
Lalong nagiging kaakit-akit ang pagsulat ng tula kung ito ay gagamitan ng matatalinhagang
pananalita. Sa paggamit nito, makakalikha ito ng mga larawan o imahe na siyang nagbibigay ng bisa sa
mayamang diwa ng naturang tula.
Halimbawa:
1. Ang buhay ng tao ay parang kumunoy
Kung napanonood lamang sa panahon
Sa laspag na buhay kapagka natunton.
- Rogelio Mangahas
B. Pagsasanay
Magliksik ng ibang impormasyon sa pagpapalawig ng kaalaman sa talinghaga bilang elemento ng tula.
Maglikom ng mga impormasyon, datos at mga halimbawa upang mas lubos na maunawaan ito.

Payamanin
A. Pagsulat
Gumawa ng isang tula na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, isa-alang alang ang mga elemento sa pagsulat
ng isang tula.
_____________________________

I. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
II. ______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

III. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
58
____________________________________________________
IV. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

B. Pagsasalita
Basahin ang inyong ginawang tula at ito ay irecord sa inyong voice recorder at isend ito sa messenger
account ng inyong guro.

Pagnilayin
Sagutin sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 145, aytem 1 – 5.

Aralin 11
Nangibabaw ang Katotohanan
Tunguhin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 146, suriin at sikaping pansinin ang detalye mula sa larawan.
Sagutin ang mga tanong.
A. Ano ang paksa ng larawan? Bakit mo ito nasabi? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
B. Anong mensahe ang binibigyang-diin sa kabuuan ng larawan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan: Paano maipakikita ang katapatan ng tao sa lahat ng oras?
- Naipakikita ang katapatan ng isang tao sa lahat ng oras kung ikaw ay mapagkakatiwalaan kahit
walang nagbabantay o tumitingin sa iyo.

Gramatika: Paano natutukoy ang relasyong pangkahulugan ng pandiwa ayon sa pokus na tagaganap at
pokus sa layon.

59
- Natutukoy ang relasyong pangkahulugan ng pandiwa batay sa mga panlaping ginamit.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 148.

B. Basahin
Basahin, unawain at intindihing mabuti ang teksto.

Ang Pagtuklas ng Katotohanan


Kalinangan 10, pahina 148 - 149

Archimedes
C. Talakayin
Sagutin ang mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 150, aytem 1 -10.

Suriin
A. Pagbasa
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 151, gamitin ang grapikong pantulong.

Sukatin
Sagutin ang mga katanungan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 152 – 153, aytem 1 – 10.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Ang pandiwa ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananalita sapagkat sa pamamagitan nito
ay nagkakaroon ng kahulugan ang panaguri ng pangungusap. Ibig sabihin, ito ang pinakakaluluwa ng
pangungusap.
Isa sa dapat maunawaan sa paggamit ng pandiwa ay ang pokus rito. Nag-iiba ang relasyong
pangkahulugan ng pandiwa sa pokus ng pandiwa o sa simuno ng pangungusap.
Suriin natin ang dalawang pokus ng pandiwa:
1. Pokus sa Tagaganap o Tagaganap ng Kilos
Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap
ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Gumagamit ito ng mga panlaping mag-, um-, mang-, maka-, at
makapag-.
Panlapi Pandiwa
-um kumain

60
mang- manguha
maka- makakita
makapag- makapaglaba

2. Pokus sa Layon
Nasa pokus ng layon ang pandiwa kung ang layon ang paksa o simuno na binibigyang – diin
sa pangungusap.

Kumain ng manggang hilaw si Elena. Kinain ni Elena ang manggang hilaw.


ayon ng pandiwa tagaganap tagaganap paksa/pokus ng layon

Panlapi Pandiwa
i- iluluto
-an bantayan
na- nasira
ipa- ipatapon
B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinanaan 10) pahina 154, aytem 1 – 5.

Payamanin
A. Pagsulat
Sumulat ng isang kwento ng sariling karanasan na katulad ng pangyayaring naganap sa binasang kwento.
Isulat ito sa putting papel.

B. Pagsasalita
Basahin at isalaysay ng maigi ang isinulat na kwento at irecord ito sa voice recorder o i-video ang sarili
ninyo habang binabasa at isend ito sa messenger account ng inyong guro.

Pagnilayin
Sagutin sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 156, aytem 1 – 5.

61
Aralin 12
Katotohanan Laban sa Imahinasyon

Tunguhin
Tukuyin ang ipinakikita ng bawat larawan at magbigay ng hinuha san ais ipahiwatig ng mga ito.

__________________________________ _______________________________________

____________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:

62
Panitikan – Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng suring-basa?
- Sa suring-basa higit na napapalalim ang pag-unawa sa iba’t ibang aspekto ng lipunan
tulad ng kultura, politika, kabuhayan at iba pa, na tinatalakay sa sulatin.

Gramatika – Paano nakatutulong ang mabisang pahayag sa pagsusuring-basa?


- Higit na napapadali ng mabibisang pahayag ang pag-unawa sa lalim ng mensaheng nais
ipabatid ng akda sa nagbabasa.

Subukin
Pakikinig
Ang tunggalian ay ang pakikipaglaban ng mga tauhan sa isang kwento. May anim na uri ng
tunggalian:

A. Tao laban sa Kalikasan

B. Tao laban sa Lipunan

C. Tao laban sa Makinarya

D. Tao laban sa Supernatural

63
E. Tao laban sa Sarili

F. Tao laban sa Tao

Tukuyin ang tunggalian ng mga tauhan batay sa paraan ng pananalita ng mga ito. Isulat ang inyong
kasagutan sa patlang bago ang bilang.
____________________ 1. Alice: “Mamamatay ako, Ate, kapag kinuha mo sa akin si Alex!”
Lorna: “Ipalilibing kita.”
Alice: “Ate, please!”
Lorna: “Nung inagaw mo sa ‘kin si… muntik na rin akong
mamatay. Puwes, ikaw naman ngayon ang
mamamatay.” (Nagbabagang Luha, 1988)
____________________ 2. “Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng
mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain,
ayoko ng putik!” (Kaya kong Abutin ang Langit, 1984)
____________________ 3. “Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!” (Heneral Luna,
2015)

____________________ 4. “Hindi ako kumakain ng bigas, Major, sinasaing ko muna bago


ko kainin. Ikaw, Major, palay pa lang, kinakain mon a.” (Kapag
Puno na ang Salop, 1987)

Unawain
A. Alamin - Talasalitaan

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 159 – 160, Sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 8.

B. Basahin.

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 160 – 161, Basahin ang buod ng isang nobela.

“Don Quixote”
- Miguel de Cervantes
Isinalin ni Edward Suarez

64
Miguel de Cervantes

C. Talakayin

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 161 – 162, Sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 6.

Suriin
A. Pagbasa

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 162 – 163, Sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 3.

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 163, Sagutin ang tsart.

Sukatin

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 165 – 166 , Sagutin ang pagsasanay aytem 1 – 10

Paunlarin
A. Wika at Gramatika

Sa panunuring pampanitikan o pagsasagawa ng suring-basa, dapat isaalang-alang ang


pangangatuwiran dahil ito ay isang uri ng pahayag ukol sa kaalaman at paniniwala. Higit na magiging
mabisa at epektibo ang mga pahayag kung maisusulat nito ng balanse o pantay na maihahayag hindi
lamang ang nakikitang kabutihan kundi pati na ang mga kapintasan nito.

Sa paggawa ng rebyu, naipahahayag ang sariling haka-haka o kuro-kurong nagsusuri. Mababasa


rin kung bakit pinaninindigan ng nagsusuri ang kaniyang sinasabi sa rebyu. Nagpapahayag siya ng suporta
o ebidensya kung bakit nasabi ang kaniyang palagay o damdamin sa kanyang binasa.

Upang maging mabisa ang pagsulat ng rebyu, isaalang-alang ang sumusunod:

1. Magbigay ng palagay o pagsusuri sa nilalaman ng aklat, akda at iba pang genre ng panitikan.

2. Gumamit ng mga angkop na salita at mabisang pahayag sa pagsasagawa ng ng suring-basa.

3. Mag-isip ng mabisang panimula sa isusulat na rebyu.

4. Ilahad nang maayos ang mga kaisipan sa loob ng pangungusap.

5. Sikaping maging obhektibo sa pagbibigay ng suring-basa.

6. Maglahad ng kongklusyon sa ibinigay na pagsusuri.

Payamanin
A. Pagsulat

Ang suring-basa ay rebyu ng nabasang nobela, maikling kwento, tula o sanaysay, o iba pang
genre ng panitikan. Sa pagsasagawa ng suring-basa gumawa ng isang balangkas tulad ng sumusunod:

1. Pamagat

2. Buod

65
3. Lugar o pook na pinagyarihan (Tagpuan)

4. Daloy ng mga Pangyayari (Banghay)

5. Kabisaan sa isip o damdamin

6. Kaisipang nais ipabatid sa mga mambabasa

7. Konklusyon sa pagbibigay ng suring-basa

Pagnilayin

Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 169, Sagutin ang tsart.

Aralin 13
Simbahan o Pamahalaan: Panitikan ng Kanluranin

Tunguhin
Suriin ang ipinahihiwatig na mensahe ng mga larawan. Magbigay hinuha kung kalian ito nagaganap.

66
___________________________________ ____________________________________

________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Sa paanong paraan nakatutulong ang pananampalataya upang
mapabuti ang kalooban ng isang nilalang?
Malaki ang nagagawa ng pananampalataya upang mabago ang daigdig magmula sa
kasamaan tungo sa kabutihan sapagkat itinuturo bilang bahagi ng pananampalataya ang tamang paraan ng
pamumuhay ng bawat isa.

Gramatika – Gaano kahalaga ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng


pangungusap?
Sa pamamagitan ng mahusay na pagsusuri sa kasanayan, higit na mapalalawak ang
kaisipang taglay ng mga pangungusap.

Unawain
A. Alamin – Talasalitaan
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 172, aytem 1 – 5.

B. Basahin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Basahin ang teksto.
Ang Impluwensiya ng Kristiyanismo noong Sinaunang Panahon sa Kanluran
67
pahina 172 – 173

 Dalawang Sangay ng Kristiyanismo: Katolisismo at Kristiyanong Orthodox

 Ayon kay Rosenwein, ang kapangyarihan ng simbahang Katolika ay lumago at dahil dito
naimpluwensiyahan ito ng mga bansa mula sa Europa.

 Sina Anselni ng Canterbury, Thomas Aquinas at Pierre Abelard ay ilan lamang sa mga
nakapagsulat na may kinalaman sa teolohiya.

 Ang paglalarawan sa buhay ng mga santo ay isa sa mga nilalaman ng sinaunang panitikan.
Binubuo ito ng isang uri ng genre na ang tawag ay Hagiographies.

 Ang Goraldic poetry ay naiibang anyo ng panulaan na ang layunin ay makasulat ng paksang
panrelihiyon.

 Mystery play ang makabagong sangay ng panitikan na magkasanib ang dula at sining
panrelihiyon.

 Ang Morality play ay naging pangkaraniwan na napapanood sa kanlurang Europa sa layuning


maituro ang kagandahang-asal at wastong pag-uugali.

 Ang kauna-unahang morality play na nagsimula noong huling bahagi ng ika-isandaang siglo. Ito
ay nakilala bilang paternoster play at isa sa naging tanyag ang dulang Euryman at sa
kasalukuyan ay nananatili pa rin itong isinasadula.

C. Talakayin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay, pahina 174, aytem 1 – 7.

Sukatin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 177 - 178, aytem 1
– 15.
Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Pagpapalawak ng Pangungusap
Ang pangungusap ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri. Sa pangkalahatang bahagi nito
ay mapapalawak pa sa pamamagitan ng maliliit na bahagi. Ito ay mga paraan ng pagpapalawak tulad ng:
- pagdaragdag ng mga paningit o ingklitik
- paggamit ng panuring
- pagsasama ng mga pamuno sa pangngalan
- paglalagay ng mga kaugnay na parirala
A. Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na
maging malinaw ang kahulugan nito.
Halimbawa: ba, kasi, kaya, daw/raw, din/rin, ko, mo, lamang/lang man, muna, at iba pa.
1. Ang bata muna ang unahin mo.
2. Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.
3. Bakit ka nga ba hindi dumating?

68
B. Paggamit ng Panuring
Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa pangngalan o
panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Halimbawa:
Pang-uri na Panuring: Ang masipag na ina ay isang doktor.
Pang-abay na Panuring: Mabilis na sumagot ang guro sa tanong ng
tagapagsalita.
Pandiwang Panuring: Ang lalaking mag-aaral na iyon ay nagpapaliwanag
sa kanilang guro.

C. Paggamit ng pamuno sa pangngalan:


1. Si Gng. Reyes, ang punong-guro, ay darating ngayon.
2. Si G. Matias, ang may-ari ng kompanya, ay dadalo sa pagpupulong.

D. Paggamit ng parirala na may parehong kahulugan sa naunang parirala.


Halimbawa: Nakalulungkot isipin na sa araw na iyon ay kinalimutan na ang mataas na
ambisyon o kaya’y kasama nang sumabog na pangarap ang matagal nang inaasam-asam.

B Pagsasanay
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 179, aytem 1 – 5.

Payamanin
A. Pagsulat
Talumpati
Ang pagtatalumpati ay sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit at makahikayat
sa mga nakikinig. Ang kasanayan sa pagtatalumpati ay nakatutulong sa isang indibidwal na matutong
tumayo at humarap sa madla. Makapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob ang mga kaalaman sa wastong
paraan ng pagbigkas.

Mga Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati


1. Isinulat na Talumpati – kailangang nabasa na ng ilang ulit ang isinulat na talumpati upang maging
madulas na ang pagbasa at sa gayo’y mabigyan diin ang mahahalagang punto. Habang bumibigkas ay
malimit na tumingin sa madla upang maipalagay nilang sila ang kinakausap.

2. Isinaulong Talumpati – ito ang ginagawa ng mga mag-aaral na sumasali sa timpalak ng pagbigkas ng
talumpati. Isinaulo nila ang lahat ng mga salitang nakapaloob sa talumpati. Subalit ang mga bihasa na ay
isinaulo lamang ang buod ng talumpati.

3. Dagliang Talumpati – ginagawang patnubay ng mananalumpati ang isang balangkas upang hindi
maligaw sa punto ng pagpapahayag. Ito ang sinsasabing pinakamahusay na paraan ng pagbigkas ng
talumpati sapagkat maaaring baguhin ng tagapagsalita ang pahayag kung hinihingi ng pagkakataon.
69
4. Impromptu – pagtatalumpati ito na batay lamang sa mga nabasa, sariling kaalaman at karanasan ng
mananalumpati. Iuugnay na lamang sa uri ng pagtitipon ang mga katagang bibitawan.
Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati
1. Pagpili ng Paksa
2. Maging malinaw ang layunin sa Pagsulat
3. Alamin kung sino ang magiging tagapakinig – kung bata, kabataan, nakatatanda, may pinag-aralan o
wala.
4. Alamin ang limitasyon ng panahong ibinigay sa iyo upang magtalumpati. Kung mahabang oras o
maikli ba ang iyong gugugulin sa pagsasalita nang sa ganoon ay alam ang haba o ikli ng ihahandang
talumpati.
5. Alamin ang magiging istilo sa pagtatalumpati. Ikaw lamang ba ang magsasalita o kukuhanin mo ang
pakikibahagi ng tagapakinig?

Dapat Asalin sa Entablado


1. Tindig. Tumindig nang maginhawa. Maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo sa harap
ng maraming tao. Dapat tuwid ang katawan sa paglalakad sa entablado ngunit huwag namang tindig
militar na animo’y makikipaglaban. Iwasang idukot ang mga kamay sa bulsa at mamamaywang na tila
lilipad na ibon.
2. Galaw - ito ang panawag pansin sa mga nakikinig nang sa gayon ay mapigil ang kanilang antok.
Nakatutulong ito sa paghahatid ng kaisipan sa mga tagapakinig.

3. Kumpas – ito ang galaw ng kamay na ang layunin ay maihatid ang isang kaisipan sa mga nakikinig.
May kumpas na kinaugalian at may kumpas na mapaglarawan.

4. Tinig – kailangan sa pagtatalumpati ang wastong paggamit ng tinig. Kailangang sapat ito upang
marinig ng lahat ang mga sasabihin. Bigyang diin ang mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng
pagbigkas nang may kabagalan. Ang katangian ng tinig na maaaring pag-iba-ibahin ay ang mga
sumusunod: diin, tulin, taas o baba ng tinig at ang uri ng tinig.

Performance Task
I-video ang sarili habang nagtatalumpati. Ang paksa ng inyong talumpati ay nararapat na napapanahon.
Maaaring i-send ang inyong talumpati sa messenger account (Ephraim Jeremiah Dizon Matias) o gmail
account (ephraimjeremiahm@gmail.com) ng inyong guro.

70
Aralin 14
Pangwakas na Gawain: Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Social Media

Tunguhin
Isa-isang suriin ang mga larawan sa ibaba.

Paano ipinakita sa mga larawan ang gamit at halaga ng teknolohiya, lalo na ang
social media sa tao?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Paano maipakikita ang pagiging responsible at maingat sa paggamit ng
social media bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon?
Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at
pagbabahagi ng impormasyon subalit kaakibat nito ang responsible at maingat na paggamit upang hindi
makapinsala. Kung gayon ay dapat na laging isaalang-alang ang etika sa paggamit nito.

Gramatika – Paano maibabahagi ang natatagong talino sa paglikha ng sariling akda?

71
Isang paraan ang paggamit ng social media upang maibahagi ang natatagong talino sa
paglikha ng sariling akda. Lumikha kung gayon ng makabuluhang akda at ibahagi sa social media upang
magkaroon ng akses ang mas maraming tao.

Unawain
A. Alamin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 186, aytem 1 – 15.

B. Basahin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Basahin ang teksto.

Social Media: Makabagong Pakikipagtalastasan


pahina 187

 Ang social media ay Internet-based platform na pinahihintulutang mag-interact ang iba’t


ibang mga tao.

C. Talakayin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 187 - 188, aytem 1
– 10.

Sukatin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay titik A aytem 1 – 5 at titik B
aytem 1 – 5 sa pahina 191.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Diskurso/Anyo ng Pagpapahayag
Ang karanasan ang isa sa maaaring pagkunan ng ideya, kaisipan, o repleksiyon ng isang nagsusulat.
Subalit kung magsusulat man, kinakailangang may pamantayang dapat isaalang-alang. Tulad ng
pamantayang gramatikal at anyong partikular na diskurso ang nais ipahayag ng kaniyang isinusulat.
Narito ang ilang anyo ng pagpapahayag o diskurso.
1. Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magkwento. Ito ay naghahayag ng
wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na maaaring totoo o likhang-isip lamang. Itinuturing itong
pinakamatandang anyo ng pagpapahayag.
Ang kabuuan ng salaysay ay may tiyak na simula, katawan o nilalaman at may wakas. Marami ang
maaaring mapagkunan ng paksa tulad ng sariling karanasan, nabasa, napakinggan, nabalitaan, nakita, kathang
isip at iba pa.

72
2. Ang paglalarawan ay paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay ibigay ang kabuuang anyo ng isang
tao, bagay o lugar na inilalarawan. Katulad ng isang pintor, maaaring lumikha ang manunulat ng isang
larawan sa pamamagitan ng mga salitang mapaglarawan.

3. Ang paglalahad ay paraan ng pagpapahayag na naglalayong gumawa ng isang malinaw, tiyak, at


walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay sa mundo. Ito’y pagpapaliwanag sa kahulugan
ng isang salita, paraan kung paano gagawin ang isang bagay, ano ang simulain ng isang samahan at
tungkol saan ang teorya.
Sa mga aklat, peryodiko, artikulo sa magasin na ating nababasa at ensayklopedya, paglalahad ang
malimit gamiting paraan ng pagpapahayag.

4. Ang pangangatwiran ay paraan ng komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang


makaimpluwensiya o makahikayat. Nagmamatuwid tayo upang mapaniwala natin ang iba sa katotohanan
ng ating pananalig at kaalaman. Dito’y nararapat na maging kapani-paniwala ang ating katwiran.
Mahalaga sa pagmamatuwid ang pagkakaroon ng katibayan o ebidensya na siyang magpapatunay
ng katotohanan.

B. Pagsasanay
Sa inyong aklat (Kalinangan 10), Sagutin ang pagsasanay sa pahina 193 - 194, aytem 1
– 4.

Performance Task
Mag-aatas ang inyong guro ng 5 pangkat sa bawat seksyon na kung saan gagawa ang bawat
pangkat ng isang dulang panradyo na may iba – ibang genre gaya ng comedy, horror, drama at love story.
At gagawa ng kanilang poster ang bawat pangkat.

73
Yunit III
Pag – unawa at Pagpapahalaga sa mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia

Aralin 15 – Tunay na Matimbang ang Dugo


Mitolohiya:

74
 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia

 Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa:


- suliranin ng akda
- kilos at gawi ng tauhan desisyon ng tauhan

 Nabibigyang-puna ang napanood na video clip

 Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng


debate/pagtatalo)

 Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika

Aralin 16 – Mangarap Hanggang Magtagumpay


Anekdota:

 Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota

 Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor paraan ng pagsula at
iba pa

 Nabibigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi

 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa YouTube

 Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota

 Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na


anekdota

Aralin 17 – Walang Hanggang Kalayaan


Tula:

 Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan

 Nabibigyang -kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula

 Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa

Aralin 18 – Kapit sa Patalim (Maikling Kuwento ng Aprika)


Epiko/ Maikling Kuwento:

 Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan

 Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa

 Nabibigyang -puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang katulad ng binasang
akda

 Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:


- sarili
- panlipunan pandaigdig

 Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang socila media

 Nabibigyang -kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda

75
Aralin 19 – Pakikibaka sa Karapatan

 Naipaliliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan

 Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda

 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya)

 Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube

 Naisusulat ang isang talumpati na pang -SONA

 Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe

Aralin 20 – Pabigla-biglang Desisyon: Bubuo o Sisira ng Buhay?


Nobela:

 Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo

 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw / teoryang pampanitikan na angkop dito

 Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela

 Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-ugnay sa panunuring
pampelikula*

 Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa
at/o Persia

Aralin 21 – Pangwakas na Gawain: Isang Pagtatanghal

Aralin 15
Tunay na Matimbang ang Dugo
Tunguhin
Kumuha ng mga larawan kasama ang inyong kapatid. Pagkatapos ay idikit ito sa espasyong nakalaan sa
inyong modyul.

76
Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Hanggang saan ang pagmamahal at pagsasakripisyo ng isang tao para sa kaniyang
kapatid o kadugo?
- Anuman ang mangyari, ang kapatid ay kapatid; ang kadugo ay kadugo.
Inaasahan ang pagmamahalan, paggalang, at pagbibigayan sa bawat
isa.
Gramatika – Ano ang dapat tandaan sa pagsasaling-wika?
- Tandaan, ang isinasalin ay ang diwa ng pangungusap, talata, o teksto at
hindi ang bawat salitang ginamit dito.

Unawain
A. Alamin
Ang etimolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa pinagmulan at debelopment ng isang salita. Sa
pagtukoy sa etimolohiya ng isang salita, maaaring banggitin ang wikang pinagmulan nito, ang mga
morpemang bumubuo sa salita, at gayundin ang kategorya (word class) ng salita. Nagmula sa salitang
Griyego na etymon, na nangangahulugang ‘ang natatanging tunay na kahulugan ng isang salita’.

Gawain
Buuin ang tsart. Piliin sa ibaba ang mga salitang pinagmulan ng mga salitang nasa unang hanay.
Old English – sunne Old English – purpul Old English – snaca
Old English – fisc Latin – rosa Old Norse – skinn
Proto-Germanic – fiskaz Proto-Indian-European – sken Old English – wurm
Proto-Germanic – skintha Old Irish – fursunnud Old English - buttorfleoge
Proto-Indian-European – sneg Proto-Germanic - snakon

Salita Salita sa Wikang Ingles Pinagmulang Salita Kahulugan

sweldo salary Latin – “sal” sahod

1. balat

2. ahas
77
3. paru-paro

4. uod

5. isda

6. lila

7. rosas

8. araw

B. Basahin
Mitolohiya
 Ito ay hango sa kuwentong ang kadalasang pinapaksa ay relihiyon o paniniwala, mga diyos o
diyosa, at kung paano nilikha ang daigdig.
 Ito ay kadalasang nasa anyong panrelihiyon.

Mga Pangunahing Layunin ng Mito


 1. maipaliwanag ang natural phenomena

 2. maipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig

 3. maituro sa tao ang mga pangyayaring pangkasaysayan

 4. maipaliwanag ang ilang matatandang ugaling panrelihiyon

 5. maisiwalat ang pangkaraniwang pag-asa at takot ng mga tao.

Elemento ng Mito
 1. Tauhan

 2. Tagpuan

 3. Banghay

Mahalaga ang tauhan sa ano pa mang uri ng akdang pampanitikan. Walang istorya o kuwento kung
walang tauhan. Sila ang nagpapagalaw sa kuwento at sa kanila umiikot ang istorya. Ang bawat tauhan ay
may personalidad na kinakatawan.Sa mga karakter o papel na ginagampanan ng mga tauhan, mayroon
tayong hinahangaan sa kanila na nakatulong upang magbago ang ating karakter o ugali.

Basahin sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 201 – 202.


Sagbata at Sogbo
Mitolohiyang Africa
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 203 – 204, aytem #1 (a – i) at aytem #2.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklay (Kalinangan 10) pahina 206 – 207, aytem 1 – 10.

Paunlarin

78
A. Wika at Gramatika
Pagsasaling-wika
 Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang
pananalita. -Webster’s New World Dictionary of the American Language
 Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda na hindi
nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika. – Alfonso Santiago,1976
 Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinangsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas
na diwa ng salita o pahayag. Lagi lang tandaan ang diwa ng pangungusap o ng talata ang
isinasalin at hindi ang bawat salita na bumubuo nito.
Mga ilang bagay na dapat bigyang-pansin kung nais maging tagasalin ng isang komyunikeytor
 1. Wikang Sangkot – may sapat na kaalaman ang tagasalin sa dalawang wikang kasangkot

 2. Gramatika – may sapat na kaalamang gramatika ng pinagmulan at pinatutunguhan ng wika

 3. Paksa – Napakahalagang alam ng tagasalin ang paksa upang madali niyang matalakay ang
konseptong nais bigyang-diin.
 4. Paraan ng Pagpapahayag – may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag tulad ng pagsasalaysay,
pangangatuwiran, paglalahad kaya’t nararapat lamang na ang tagasalin ay bihasa sa kung paano
niya nais ipahayag ito. Pumasok din dito ang kasanayan sa pampanitikang paraan ng
pagpapahayag.
 5. Kultura – Nababanaag o nasisinag ang kultura ng bawat bansa sa wikang ginagamit nito.
Dahil hindi lamang salita ang isinasasalin, ang kaalaman sa kultura ng pinagmulang wika ay
makatutulong upang maging mas mabisa ang pagsasalin sa mga kaalamang kultural.
Mga Gabay sa Pagsasaling - Wika
 1. Basahin ng buo ang tekstong isasalin. Hindi maaaring babasahin ang unang pangungusap at
pagkatapos ay isasalin.
 2. Hindi ka maaaring magsalin nang literal ayon sa mga salitang ginamit lamang o isa-sa-isang
salita.
 3. Unawain ang nilalaman.

 4. Kapag naisalin na, basahing muli ang orihinal na teksto. Punahin kung pareho ang diwang
isinasaad.
 5. Maaaring gumamit ng diksyunaryo subalit kailangan ay iangkop sa orihinal na teksto.

 6. Gamitin ang salitang madalas na ginagamit.

Pagsasanay
Isalin sa wikang Filipino ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Congratulations! You made it.
_____________________________________________________________________________________
2. Erase the writings on the blackboard.
_____________________________________________________________________________________
3. It’s windy.
_____________________________________________________________________________________
4. I like the place.

79
_____________________________________________________________________________________
5. Study hard.
_____________________________________________________________________________________
6. Tone down your voice.
_____________________________________________________________________________________
7. Do good to your fellowmen.
_____________________________________________________________________________________
8. Please throw your waste in the garbage can.
_____________________________________________________________________________________
9. She is studying in an exclusive school in Quezon City.
_____________________________________________________________________________________
10. I wish you were with me in times of trouble.
_____________________________________________________________________________________
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 209, aytem #1 (a – e), #2 (a – e).

Gawaing Pagganap
Isalin sa Filipino ang teksto.
Lakota Creation
(American Indian Myth)
Inyan – Rock – is shapeless and omnipresent, and his spirit is Wakan Tanka: the Great
Mystery. Han, Darkness, also exists. Inyan longs to exercise his powers, or his compassion, so
he creates another being – as part of himself in order to keep control of his powers. This being
is Mother Earth, or Maka. But in doing so he sacrifices his blood, which becomes the waters,
and he shrivels up and becomes hard, losing his power. The water cannot retain the power, and
goes into the making of Skan, the sky. Maka, meanwhile, complains to Inyan that all is cold and
dark, so he creates Anp, the red light. This is not enough for her, so he creates Wi, the Sun.
Maka now wants to be separate, not part of her creator. Inyan can only appeal to Skan,
in his role as supreme judge. Skan rules that Maka must stay bound up with Inyan – which is
why rocks are bound up with soil. In another version, Inyan loses all his power when he makes
Maka, and she taunts him with his impotence, so that he appeals to Skan. Skan then banishes
Han, Darkness, and creates Anp to light the world. When Maka complains that she is still cold,
Skan creates Wi, the Sun. Maka now complains that she is too hot. Skan therefore orders Han
and Anp to follow each other round the world, thus creating day and night.
To the Lakota, the most significant thing is Inyan’s self-sacrifice in making the world. It is
interesting that the prime mover of the universe is motivated by a desire to interact, and has to
create a dynamic deity to continue creation. Duality, represented by day and night, is
considered essential to this creation. Skan, Father Sky, resembles Zeus, and even creates for
himself a daughter, the beautiful Wohpe, patron of beauty, harmony and pleasure – very like the
Greek Aphrodite, daughter of Zeuz: harmony springs from judgement. This myth is also
interesting in relation to scientific accounts of the beginnings of the universe – the Big Bang.

80
Aralin 16
Mangarap Hanggang Magtagumpay
Tunguhin
Humanap ng larawan at idikit sa loob ng kahon ang isang sitwasyon na nagpapakita ng pagsisikap at
pagtitiyaga upang maabot ang pangarap.

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Paano makakamit ang pangarap?
- Sikap at tiyaga ang gamiting puhunan sa pangarap na nais makamtan.
Kung ito ang magiging panuntunan at pamantayan, tiyak na may gantimpalang
nakalaan mula sa Panginoon.
Gramatika – Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat at pagsasalaysay ng isang orihinal
na anekdota?
- Sa pagsusulat at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota, laging isaisip
ang kahusayang gramatikal, diskorsal at estratehiko upang malinaw na maipabatid ang
magandang karanasang kapupulutan ng aral.

81
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Buuin ang tsart.

Salitang Nilapian Panlaping Ginamit Uri ng Panlapi Kahulugan

1. naglalakbay

2. sinakay

3. kabataan

4. mainit

5. tumigil

6. unahan

7. paggalang

8. maglakad

9. nadaanan

10. nakasalubong

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 214 – 215, aytem #1 - #5.

B. Basahin
Alam ba ninyong nagsimula ang slavery o pang-aalipin sa Inglatera o Unang Daigdig (Old
World) nang dahil sa konsepto ng puritanismo o puritanism? Ang puritanismo ay ang paniniwala ng mga
Briton sa makalumang gawain ng mga tao sa Banal na Kasulatan at ang sinomang sumuway rito ay
nararapat lamang na maparusahan sa pamamagitan ng pagsunog ng bahay, pagpapakain sa mababangis na
hayop, paglublob sa kumukulong tubig at iba pa; kaabilang din dito ang nabuong kaisipang lahat ng itim
ay masama, marumi, hindi kaaya-aya, at salot kung kaya’t lahat ng makita nilang bagay, hayop, o maging
tao man na kulay itim ay dapat na puksain dahil sa taglay nitong kasamaan. Nagsimula naman ang pang-
aalipin sa Amerika o Bagong Daigdig (New World) noong panahon ng pananakop o colonial time
partikular sa Timog-Amerika. Nang nangailangan ng dagdag na mga tauhan ang may-ari ng malalawak
ng plantasyon dito ay kinailangan nilang mag-angkat ng mga alipin mula sa Africa kung kaya’t tumaas
ang demand o pangangailangan sa kanila. Libu-libong mga Aprikano ang sapilitang kinuha mula sa iba’t
ibang bansa sa kontinente ng Africa upang ilako nang lantaran sa mga entablado na tinaguriang black
market upang magsilbing alipin.

Ang anekdota ay isang maikling salaysay na maaaring hango sa hindi o tunay na buhay at mahalagang
pangyayari ng isang lugar o pook. Madalas, ito ay nag-iiwan ng mahalagang mensahe.
Sa pagsulat ng isang anekdota, isinasaalang-alang ang mga sumusunod:
1. paksa 4. layunin o motibo ng pagsulat
2. tauhan 5. paraan ng pagsulat
3. tagpuan 6. mensahe

82
Basahin ang teksto sa inyong aklat (Kalinangan 10)
Anekdota ni Langston Hughes
pahina 216
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 216 – 217, aytem 1 – 7.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 219 – 220, aytem A at B.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na tumatalakay sa mga pangyayaring magkakaugnay. Maaari
din itong tawaging pagkukwento. Isinasaalang-alang sa pagsasalaysay ang daloy ng impormasyon upang
higit na maging malinaw ang pagsasalaysay dito.
Maraming paraan ng pagsasalaysay. Isa na rito ay ang paggamit ng anekdota. Ang anekdota ay
isang kuwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layunin nitong
maipabatid ang isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
May ilang katangiang dapat taglayain ng anekdota:
1. May isang paksang tinatalakay
Ang kwento ay dapat nakatuon lamang sa isang tiyak na paksa. Bagaman maraming dapat
maikwento tungkol sa buhay ng isang tao, pipili lamang ng isang pangyayari o karanasan na iikutan ng
salaysay.
2. May malinaw na kaisipan
Gumagamit ng mga akmang salita at malilinaw na pahayag upang ipabatid ang mensahe. Simple at
hindi maligoy ang pagsasalaysay upang hind imaging dahilan ng pagkalito sa mga nagbabasa o nakikinig.

Kasanayang Gramatikal – ito ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika ayon sa
tuntunin sa gramatika.

Kasanayang Diskorsal – tumutukoy sa kakayahang mabigyan ng wastong interpretasyon ang


napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

Kasanayang Strategic – kasanayan kung paano gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon.

Aralin 17

83
Walang Hanggang Kalayaan
Tunguhin
1. Suriin ang mga larawan at pagkatapos, ibigay ang resulta ng iyong pagsusuri ayon sa
ipinakikita ng larawan.

2. Ano-ano ang uri ng paggawa ng kabutihan para sa kapwa at sa bayan upang maipadama ang ating
paglilingkod sa kapwa?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na tanong:
Panitikan – Sa paanong paraan maisasakatuparan ang pangarap mo sa buhay?
- Ang lahat ng pangarap ay maisasakatuparan kung ang lahat ng pagsubok ay walang
takot na haharapin at kumilos sa pag-abot nito.
Gramatika – Ano ang halaga ng mga simbolismo at matatalinghagang pahayag sa
isang akda?
- Mahalaga ang mga simbolismo at matatalinghagang pahayag sa isang
akda sapagkat inilalarawan at kinakatawan ng mga ito ang
magagandang kaisipan at damdaming nakapaloob sa teksto.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 228, aytem 1 – 5.

84
B. Basahin
Basahin at unawain ang tula sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 229 - 230
African Pilgrimage Banal na Paglalakbay
by Wayne Visser Isinalin ni Amelia V. Bucu

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 230 – 231, aytem 1 – 6.

Suriin
A. Pagbasa at Pagsasalita
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may mga sukat at tugma. Ito ay gumagamit ng mga
simbolo/imahen at matatalinghagang salita upang ipabatid ang nakapaloob ng mensahe sa akda.
Halimbawa:
magsunog ng kilay – mag-aral nang mabuti
balitang kutsero – tsismis lang
ginintuang puso – may mabuting kalooban
Gumagamit ng simbolismo o pahiwatig upang makapag-isip ang mga mambabasa at nang
mabigyan ng kahulugan o larawang diwa o imagery ang isang tula.
Halimbawa:
Krus – paghihirap
Bahaghari – pag-asa
Puting Bandila – pagsuko/kapayapaan
Gawain
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 231 – 232, Pangkat #1 at Pangkat
#2.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 235, aytem A at B.

Paunlarin
Wika at Gramatika
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga taludtod o taludturan. Tinatawag na
saknong ang kalipunan ng mga taludtod. Nagpapahayag ang tula ng damdamin at kaisipan gamit ang
matatalinghagang salita.
May apat na uri ng tula
1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin – ipinahahayag nito ang mga saloobin at damdamin ng makata.
Sa uring ito ng tula hayagang sinasabi ng makata sa kanyang mambabasa ang sariling damdamin, iniisip
at pananaw.
Mga Uri ng Tulang Liriko:

85
A. Kantahin – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,
kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan

B. Soneto- Nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay
tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas.

C. Oda- Pumupuri ito sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao, masigla
ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.

D. Elehiya- Tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

E. Dalit- ito ay tulang nagpaparangal sa Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa


buhay.

2. Tulang Pasalaysay- Naglalahad ng makulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig,


pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay


A. Epiko- Nagsasalaysay ito ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang pakikitunggali sa mga
kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan. Hindi kapani- paniwala ang ibang pangyayari at
maituturing na kababalghan

B. Awit at Kurido- Tungkol ito sa mga paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga
kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde, at iba pang
dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang kristiyanismo. Ang awit at korido ay dala
rito ng mga kastila

C. Karaniwang Tulang Pasalaysay- Ang mga paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa pang
araw-araw na buhay

3. Tulang Patnigan(Joustic Poetry)-Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. Ang uring
ito ng tula ay paligsahan sa pagbigkas na may pinagtatalunan. Ginagamit rin ito bilang libangan sapagkat
ito ay ginagamit sa paglalaro.

4. Tulang Pantanghalan o Padula-Katulad din ito ng karaninwang dula, ang kababaihan nga lamang
ang binibigkas ng mga tauhan ang kanilang diyalogo sa paraang patula. Maaaring isama sa uring ito ang
mga tulang binibigkas sa sarsuwela at komedya.

Ayon sa kayarian, ang tula ay may iba’t ibang elemento. Ito ay ang sumusunod:

1. sukat – tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


2. tugma – ito may kinalaman sa pagkakapareho ng tunog sa bawat dulo ng taludtod.

3. talinghaga – ito ay isa sa mga sangkap ng tula na may kinalaman sa itinatagong kahulugan ng tula.

4. kariktan – ginagamit ito ng mga salitang nagpapatingkad sa kagandahan ng tula sa kanyang kabuuan.
Ginigising nito ang mayamang imahinasyon ng mga mambabasa.

B. Pagsasanay

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 236 – 237, aytem 1 – 10.

Payamanin

A. Pagsulat

Batay sa nabasa o kaya’y napakinggan, maaari nang sumulat ng tula. Gamitin ang elemento ng
tula upang makabuo ng isang tradisyunal na tula na ang paksa ay “Nasyonalismo”. Sundin ang
sumusunod na mga panuto na matatagpuan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 237 – 238.

86
__________________________________
pamagat

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Pagnilayin

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 239, aytem 1 – 4.

Aralin 18
Kapit sa Patalim
(Maikling Kwento ng Africa)

Tunguhin

A. Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 240, tukuyin ang mga pagsubok o suliraning dinaranas ng
isang pamilya at kung paano nila ito napagtatagumpayan o nalulutas.

Larawan #1 – Sitwasyon: ____________________________________________________________


Solusyon: ______________________________________________________________

Larawan #2 – Sitwasyon: ____________________________________________________________


Solusyon: ______________________________________________________________

Larawan #3 – Sitwasyon: ____________________________________________________________


Solusyon: ______________________________________________________________

Larawan #4 – Sitwasyon: ____________________________________________________________


Solusyon: ______________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:

Panitikan – Paano nasusukat ang kahalagahan ng bawat miyembro ng pamilya sa mga pagsubok na
dumarating sa kanila?

87
- Nasusukat ang kahalagahan ng bawat miyembro ng pamilya sa kanilang
pakikiisa at pakikibahagi sa paglutas ng mga hamon at pagsubok sa buhay.

Gramatika – Sa paanong paraan maipapahayag ang damdamin sa isang nilalang?

- Naipahahayag ang damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga malilinaw at


mabibisang salita at pahayag na naglalarawan sa kaniyang nararamdaman at
mga saloobin.

Unawain

A. Alamin
Talasalitaan

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 242, aytem A at B.

B. Basahin

Ang Africa ay nahahati sa maraming kulturang etniko.


Sa panahon ng pananakop ng Africa o ng Europeo na
may ugaling mapagmataas, ay nagawang tanggapin,
lalo na ng mga Pranses, ang mga Africano dahil
nagawa ng isa sa mga kababayan na kalimutan ang
kultura ng Africa at handang yakapin ang kultura
Pranses. Ang paggamit ng wikang Portuguese ay tanda
ng pagtalikod sa sariling tradisyon at kultura ng mga
taga-Africa.

Ang South Africa ay isa sa bansang matatagpuan sa


timog na kontinente ng Africa.

Kabiserang Tagapagpaganap – Pretoria


Kabiserang Panghukuman – Bloemfontein
Kabiserang Tagapagbatas – Cape Town
Pangunahing Lungsod - Johannesburg

Basahin ang teksto sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 243 – 251.

Patungo Kung Saan


(Maikling Kwento ng Africa)
ni Lilian Akampurira Aujo
Isinalin ni Amelia V. Bucu
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 251 – 252, aytem 1 – 6.

Suriin
Pagsasalita
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 253 – 254.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 256, aytem 1 – 10.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika

88
Ang anumang uri ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat ay nangangailangan ng iba’t ibang
paraan. Isa rito ang pagpili ng tamang salita at ang mahusay na paghahanay nito sa pangungusap. Ito ay
kinakailangan upang maging epektibo at kaaya-aya sa mga mambabasa at tagapakinig. Mababatid ang
nangingibabaw na damdamin sa pagpapahayag sa pamamagitan ng pagkilala sa damdaming nakapaloob
dito, masusing pagbasa, pagkukwento at pag-uuganay nito sa iba pang akda. Ang ilan sa mga halimbawa
nito ay pagkainis, pagkagalit, pagkabigo at iba pa.

B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 257 – 258, aytem 1 – 10.

Pagnilayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 260, aytem 1 – 4.

Aralin 19
Pakikibaka sa Karapatan
Tunguhin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 261, suriin ang mga larawan at ibigay ang iyong palagay kung
ano ang ipinakikitang pangyayari sa mga larawan. Isulat sa patlang ang iyong hinuha.

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Sa paanong paraan mapananatili ang kapayapaan sa sanlibutan?
- Ang anumang lahi ay naghahangad ng kalayaan at kapayapaan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng hustisya at pantay-pantay na
pagtingin.
Gramatika – Paano magiging mabisa ang paghahatid ng mensahe na ginagamitan ng tuwiran at di-
tuwirang pahayag?
- Ang pagpapahayag ng kaisipan ay nagiging epektibo kung gagamitan ito ng
malinaw na mga salita at pahiwatig maging tuwiran man o di- tuwiran ang pahayag.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan

Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 263, aytem 1 – 5.

B. Basahin
Basahin ang teksto sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 263 – 264.
Apartheid: Sistemang Pampolitika
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 264 – 265, aytem 1 - 6.

89
Suriin
A. Pagbasa
ANG SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang akdang nakatuon sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng mga
kuro-kuro o pananaw ng may- akda.

Mga Uri ng Sanaysay:


1. Maanyo o pormal – nangangailangan ng maingat na pagpili at paghahanap ng mga salita,
maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan, lubos na kaalaman sa paksa at mahusay at malinaw na
pagbubuo ng mga pangungusap.

2. Malaya o di – pormal – higit na madali at magaang sulatin sapagkat simple, kadalasang


natural ang paglalahad ng mga kaisipan at parang nakikipag-usap lamang.

Gawain
A. Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 266, sagutin ang grapikong pantulong.

B. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa napapanahong isyung kinakaharap ng mundo ngayon. Ang
Bagong Strain ng COVID – 19.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagpapahalagang Pangkatauhan

90
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 267, aytem 1.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 268 - 269, aytem 1 – 10.
Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag
Ang pagpapahayag ay nagsasaad ng nilalaman, isipan at damdamin sa pamamagitan ng
pananalitang malinaw, mabigat, nakalulugod na mensahe.
May dalawang uri ang pagpapahayag; ang tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
1. Tuwirang Pahayag – naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyong ipinahahayag ng isang tao.
Tumutukoy rin ito sa estilo ng pagsulat kung saan hinango ang sinasabi ng tagapagsalita, ginagamitan ito
ng panipi.
Halimbawa:
1. “Dapat pagtibayin ang kampanya laban sa droga sapagkat ito ay sanhi ng maraming krimen sa
bansa” – Pangulong Rodrigo R. Duterte
2. “Ako ang magpapasimuno sa pagliligtas sa mga biktima,” ang sabi ng pangulo.
3. Ayon sa kalihim ng Department of Agriculture, “Hindi totoong may kakulangan tayo sa bigas.”

2. Di – Tuwirang Pahayag – tumutukoy ito sa esensiya ng pahayag na binigkas o sinulat ng isang tao.
Halimbawa:
1. Sinabi ni Helen Keller na tayo mismo ang humuhubog ng ating sariling daigdig.
2. Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw niya na may mga nagrereklamong mamamayan.
3. Sinabi ng miyembro ng organisasyon na dapat lamang na pakinggan ang hinaing ng mga
biktima ng Dengvaxia.

B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 270, aytem 1 – 10.

C. Gawain
Sumulat ng inyong sariling talumpati at i-video ang sarili na ikaw ay nagtatalumpati at i-send ito
sa messenger account (Ephraim Jeremiah Dizon Matias) o g-mail account
(ephraimjeremiahm@gmail.com) ng inyong guro.

Pagnilayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 272, aytem 1 – 5.

Aralin 20
Pabigla-biglang Desisyon: Bubuo o Sisira ng Buhay?

91
Tunguhin
Sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 261, suriin ang mga larawan at pagkatapos, gumawa ng isang
kwento o pagsasalaysay ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga larawan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Paano maipakikita ang pagpapakumbaba?
- Anuman ang gagawin, pag-isipan muna. Huwag pabigla-bigla sapagkat dito
masasalamin ang isang taong mapagkumbaba. Ang pagtanggap sa pagkatalo ay tanda rin ng
pagpapakumbaba.

Gramatika – Anong mga pag-ugnay ang maaaring gamitin upang magkaroon ng kaisahan at
pagkakaugnay ang pagpapaliwanag ng isang kaisipan?
- Maraming pang-ugnay tulad ng pangatnig, pang-angkop at pang-ukol na maaaring
gamitin upang maging malinaw, may kaisahan at may pagkakaugnay ang pagpapaliwanag ng isang
kaisipan. Kailangan nga lamang ay alam kung kalian at paano ito gagamitin.

Unawain
A. Alamin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 275, aytem 1 – 4.

B. Basahin
Basahin ang teksto sa inyong aklat (Kalinangan 10).
Ang Paglaho ng Isang Paniniwala
pahina 275 – 277
C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 277 - 278, aytem 1 – 8.

Suriin
A. Pagbasa
Ang pagtalakay at pagsusuri ng isang akda ay nagiging mayaman at malalim ang pagtalakay ng
isang akda kung ito ay susuriin batay sa pananaw o pagdulog pampanitikan.
Mga Ilang Pagdulog Pampanitikan:
1. Pagdulog na Humanismo – Ito ay tradisyong pampanitkkan na nagmula sa Europa noong Panahon ng
Renaissance at pangunahing tuon nito ang pangangalaga sa tao na nagbibigay-diin sa dignidad at halaga
ng mga ito. Sa panunuring pampanitikan, nagpapakita ito sa kakayahan ng taong mag-isip at magdesisyon
sa kanilang sariling buhay.
92
2. Siko-analitikong Pananaw- nakabase ang pananaw na ito sa psychoanalysis ng sikolohistang si
Sigmund Freud. Sa pagdulog na ito ng panitikan, tinitignan ang akda na katulad ng mga panaginip,
hangarin, o suliranin ng may-akda na maaaring magdulot sa kaniya ng pagkawala sa realidad ng buhay.
3. Pagdulog na Realismo – nakabatay ito sa makatotohanan at wastong paglalarawan ng lipunan at
buhay. Nagsimula ito noong kalagitnaan ng ika-19 siglo sa Pransiya at karaniwang ginagamit para sa
representasyon sa mga akda ng mga gitnang-uri o middle class.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 280 - 281, aytem 1 – 10.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Ang anumang paglalahad o pagpapaliwanag ng isang kaisipan o konsepto ay nagiging malinaw sa
tulong ng mga pang-ugnay. Ano nga ba ang tinatawag na pang-ugnay? Bakit ito mahalaga sa
pagpapaliwanag?
Ang mga pang-ugnay ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa salita, parirala, o pangungusap;
mahalaga ang gamit nito upang maging malinaw ang nais ilahad o ipaliwanag na kaisipan o konsepto.
Naipakikita rin nito ang koneksiyon ng isang salita/mga salita sa iba pang salita/mga salita sa isang buong
pahayag.
May tatlong uri ng pang-ugnay na maaaring gamitin sa pagpapaliwanag:
1. Pangatnig – ito ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Halimbawa: at, ng, upang, kapag, dahil sa, kung, bago, kapag, sapagkat, palibahasa, kung gayon, sana

2. Pang-angkop – ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


Halimbawa:
a. Ginagamit o dinidikit ang -g kung ang salita ay nagtatapos sa n.
Hal. – panahon – panahong
b. Ginagamit ang pang-angkop na na kung ang salita ay nagtatapos sa katinig.
Hal. malakas na tunog
c. Ginagamit ang pang-angkop na ng kung ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Hal. huli – huling
3. Pang-ukol – ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap.
Halimbawa: ni/nina, kay/kina, para sa, alinsunod sa, ukol kay, hinggil kay, ukol sa, para kay,
tungkol sa

Pagnilayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 284, aytem 1 – 3.

93
Aralin 21
Pangwakas na Gawain: Isang Pagtatanghal
Tunguhin
Sa nakalaang kahon, gumawa ng isang collage ng larawan na nagpapakita ng pagtatanghal.

94
Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Bakit kailangang pag-aralan ang katangian, kaugalian at kultura ng mga bansang Africa at
Persia.
- Napakahalagang malaman ang kagandahan ng bawat bansa tulad ng Africa at Persia
nang sa gayon, madaling maiangkop ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mamamayan.

Gramatika – Paano ka magbibigay ng puna sa napanood na pagtatanghal?


- Dapat na maging tiyak ang pagbibigay ng anumang puna sa napanood na pagtatanghal.
Tulad ng lugar na pinagtanghalan, mga tauhang gumanap, oras at iba pa.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 287, aytem 1 – 2.

B. Basahin
Basahin sa inyong aklat (Kalinangan 10) ang pahina 288 – 289.
Ang Sining ng Pagtatanghal

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 289 - 290, aytem 1 – 8.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 292 - 293, aytem A at B.

Gawain
A. Panoorin ang pelikulang Iskawt Ranger sa YouTube, i-search ang link (https://www.youtube.com/watch?
v=2N8ibtQUy4Y&t=1298s). Gamiting gabay ang mga sumusunod:
1. tauhan
95
2. tagpuan
3. suliranin
4. banghay
a. panimula
b. kasukdulan
c. kakalasan
d. wakas
5. usapan, galaw, pangyayari
6. estilo

96
Mga Layunin
Kailigirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo:
- Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng El Filibusterismo
-Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
A. pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
B. pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda pagtukoy sa
layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
- Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito
- Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline
- Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo
- Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo batay sa ginawang timeline
Mga Tauhan ng Nobelang El Filibusterismo
- Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
- Nagagamit ang iba -ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik
- Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:
A. pagtunton sa mga pangyayari
B. pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
C. pagtiyak sa tagpuan
D. pagtukoy sa wakas
Kabanata 1 – 39 ng Nobelang El Filibusterismo
- Nabibigyang -kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata ng nobela sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa
- Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda
- Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa:
97
A. katanpagkamakato-tohanan ng mga pangyayari
B. tunggalian sa bawat kabanatagian ng mga tauhan
- Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata Nagagamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa
pagsulat (baybay, bantas, at iba pa), gayundin ang wastong pag -uugnay ng mga pangungusap/ talata
- Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda
- Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, 160 kapwa -tao, magulang)
- Natatalakay ang mga kaisipang ito:
A. kabuluhan ng edukasyon
B. pamamalakad sa pamahalaan
C. pagmamahal sa: - Diyos - Bayan - Pamilya - kapwa-tao
D. kabayanihan
E.karuwagan
F.paggamit ng kapangyarihan
G. kapangyarihan ng salapi
H. kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
I. kahirapan
J. karapatang pantao
K. paglilibang
L. kawanggawa
M.paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa
- Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng :
A. karanasang pansarili
B. gawaing pangkomunidad
C. isyung pambansa
D. pangyayaring pandaigdig
- Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa mga kaisipang namayani
sa binasang akda
- Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang
namayani sa akda
- Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa
paghahayag ng saloobin damdamin
- Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag -uugnay ng ilang pangyayari sa
kasalukuyan
- Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol
- Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad na akdang binasa
- Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing Nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga
hilig/interes kawilihan/kagalakan/ kasiglahan /pagkainip/ pagkayamot; pagkatakot; Pagkapoot;
pagkaaliw/ pagkalibang at iba pa

- Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang:  romantisismo  humanismo  naturalistiko  at iba
pa
98
- Nabibigyang -pansin ang ilang katangiang klasiko sa akda Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan
ang mahahalagang pahayag ng awtor/ mga tauhan
- Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa nobela na isinaalang - alang ang
artistikong gamit ng may -akda sa mga salitang panlarawan
- Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin
- Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang -uring umaakit sa imahinasyon at
mga pandama

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

99
Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
- Kapanganakan: 19 – Hunyo, 1861 – Calamba, Laguna
- Kamatayan: 30 – Disyembre, 1896 – Bagumbayan (Liwasang Luneta)
- Pangpito sa labing-isang magkakapatid
1. Saturnina
2. Paciano – nag-iisang kapatid na lalaki ni Rizal
3. Narcisa
4. Olympia
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion – unang pighati ni Dr. Jose Rizal dahil sa maaga nitong kamatayan
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
- Don Francisco Mercado - ama
- Doña Teodora Alonzo – ina
- Ang palayaw ay Pepe
- Ang unang guro ni Rizal ay kanyang ina.
- Si Rizal ay nag-aral ng elementarya sa Biñan, Laguna at naging guro niya si Padre Justiniano Aquino –
Cruz
- Pinaghanguan ng kanyang apelyido:
Mercado – palengke
Rizal – Ricial “luntiang kabukiran”
- Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila kung saan nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining
at nakakuha ng karangalang sobresaliente o may mataas na karangalan.
- Ipinagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
- Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral sa Europa na kung saan nakuha ang Lisensya sa Medisina sa pag-
aaral niya sa Universidad Central De Madrid.
- Mga paaralang pinasukan sa Europa para sa pagpapalawak ng kaalaman sa medisina ay ang Pamantasan
ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
- Si Dr. Jose Rizal ay isang poliglot – mga taong nakakaunawa, nakakabasa at nakakasulat ng iba’t ibang
wika. ..

Samahang itinatag ni Dr. Jose Rizal:


1. La Liga Filipina – isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan
2. La Solidaridad – pahayagang bumubuo sa kilusang propaganda kasama sina:
A. Graciano Lopez -Jaena
100
B. Antonio Luna
C. Marcelo H. Del Pilar
- sagisag-panulat ni Dr. Jose Rizal – Dimasalang at Laong-laan

- Ang Noli Me Tangere ay iniaalay ni Rizal sa inang bayan. Nangangahulugan sa Filipino na “Huwag
Mo Akong Salingin” o “Touch Me Not” sa Ingles. Ito ay hango sa Ebanghelyo ni San Juan.
- Ang 2 nobelang nag-udyok kay Rizal na isulat ang Noli Me Tangere.
1. The Wandering Jews
2. Uncle Tom’s Cabin
- Si Dr. Maximo Viola ang nagpahiram ng pera kay Rizal sa halagang 300 para sa pagpapalimbag ng
nobelang Noli Me Tangere…
- Ang El Filibusterismo o “Ang Paghahari ng Kasakiman” na iniaalay ni Rizal sa tatlong paring martir
“GomBurZa”.
1. Padre Mariano Gomez
2. Padre Jose Burgos
3. Padre Jacinto Zamora
- Si Valentin Ventura ang tumulong kay Rizal sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo
- Ang Noli Me Tangere ay naisulat sa Madrid, Espanya at naipalimbag sa Berlin Germany, samantalang
ang El Filibusterismo ay naipalimbag sa Ghent, Belgium.
- Si Ferdinand Blumentritt ang isa sa matalik na kaibigan ni Rizal na kapalitan niya ng mga sulat hinggil
sa mga usapin para sa kalagayan ng bansa.

Mga Babae sa Buhay ni Rizal


1. Julia Celeste - Smith

Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong gulang na


si Julia sa sa isang ilog sa Los Baños noong siya ay
labinlimang taong gulang pa lamang. Sila ay
nangunguha ng paru-paro sa tabing-ilog at doo’y
pinagsaluhan nila ang kaunting panahon ng saya at
tuwa. Ang pakiramdam na ito ay panandalian
lamang, isa lamang matamis na pagtatangi ng isang
binatilyo sa isang dalaga ang naganap sa kanilang
pagsasama.

2. Segunda Katigbak

Mula sa Lipa, Batangas si Segunda Katigbak na noon ay


labing-apat na taong gulang nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes at Linggo
bumibisita si Rizal sa Colegio de la Concordia
kung saan namamalagi ang kapatid niyang si
Olympia at si Segunda. Sa panahong ito tuluyan nang
nahulog ang loob ni Rizal kay Segunda. Ngunit sa kabila nito, pagkasawi muli sa pag-
ibig ang naranasan ni Rizal. Si Segunda ay nakatakda nang ikasal kay Manuel Luz kahit hindi
101
ito nais ni Segunda. Hindi na nagawang ipagtapat ni Rizal ang kanyang pag-ibig kay Segunda. Tila
siya’y nawalan ng tapang at lakas ng loob noong panahong iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala si
Segunda Katigbak.

3. Vicenta Ybardaloza
Siya ay tinatawag na Binibining L.
Pagkatapos ng pagkasawi kay Segunda, ibinaling
ni Rizal ang kanyang atensyon sa dalagang ito.
Dalawang magkasunod na gabi bumisita si Rizal
kay Bb. L. dahil sa nadarama niyang sakit sa piling
ni Segunda. Ngunit maagang natapos ang
pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin ng
kanyang ama.

4. Leonor Valenzuela
Nakilala ni Rizal noong siya ay nag-aaral sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni
Rizal ang bahay ng mga Valenzuela at palagi silang namamalagi ng
kanyang mga kaibigan doon. Unti-unting nahulog ang
loob ni Leonor kay Rizal dahil sa angkin nitong talino. Ngunit para kay Rizal,higit na
mainam kung ituring niya lamang si Leonor na isang kaibigan.

5. Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor.
May mga nagsasabing sila ay malayong magpinsan. Noong mga bata pa sila ay hindi
gaanong napapansin ni Rizal si Leonor. Nagkaroon ng
pagkamabutihan ang dalawa. Nang mga panahong ito, unti-unting umusbong si Rizal
bilang manunulat at nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay Leonorang
kanyang pag-alis patungong Europa, nalubhang
ikinasakit ng damdamin ng dalaga. Kung noong una’y suportado ng mga
magulang ni Leonor ang pag-iibigan ng dalawa, bigla
nila itong tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng panahon iyon. Marami pa ang
naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa pagharang ng mga magulang ni
Leonor sa mga sulat ni Rizal, ipinagpalagay ni Leonor na kinalimutan na siya ni Rizal na siyang nagtulak
kay Leonor na magpakasal kay Henry Kipping. Tumagal ang relasyon nila ng 11 taon.

6. Consuelo Ortiga y Rey


Anak si Consuelo ni Don Pablo Ortiga y Rey na alcalde
ng Maynila noon. Nagkita sila ni Rizal sa Madrid

102
kung saan balot pa rin si Rizal ng pagdadalamhati
dahil sa pagpapakasal ni Leonor Rivera sa ibang lalaki.
Nagkaroon ng kasunduan sina Rizal at Eduardo de
Lete kung sino ang pipiliin ni Consuelo sa
kanilang dalawa. Sa pagtatapos ng kasunduan, si
Lete ang nakabihag sa puso ng dalaga. Inihandog
ni Rizal kay Consuelo ang tulang A la Señorita C. O. y R.
isa sa mga magagandang tula na naisulat ni Rizal. Sa
kabila ng pagkabigo iniisip pa rin niya si Leonor.

7. Usui – Seiko

Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon


patungong Europa noong 1888, kanyang nakilala si Usui
– Seiko, 23 taong gulang. O-Sei- San ang tawag ni Rizal sa kanya. Nagmula si O- Sei-San
sa pamilya ng mga samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal si O-Sei-San dahil sa
magandang trabahong inilaan sa kanya roon. Ngunit
nanaig ang damdaming makabayan ni Rizal kaya’t hindi ito naisakatuparan.

8. Gertrude Beckett

Nang makarating si Rizal sa London, namalagi siya sa


tahanan ni Charles Beckett. Si Gertrude o “Gettie” ang panganay na anak ni Charles.
Tuwing umaga, bilang kaugalian ng mga Ingles,
hinahatiran ni Gettie si Rizal ng kanyang almusal.
At dahil sa angking karisma ni Rizal ay nahulog ang
loob ni Gettie sa kanya. Ngunit kagaya ng nangyari sa kanilang ugnayan ni Consuelo, higit
na pinili ni Rizal ang sariling bayan at si Leonor.

9. Nelly Bousted
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa
Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon ni Rizal kay
Nelly Bousted,isang Pranses. Hindi pumayag si Rizal sa
pakiusap ni Nelly na maging isang Protestante. Hindi rin
nais ng ina ni Nelly na magkaroon ng manugang na
doktor na hindi binabayaran ng sapat ng kanyang
mga kliyente. Maghiw alay ang dalawa ngunit
nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

10. Suzanne Jacoby


Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889
dahil sa maluhong pamumuhay sa Paris. Namalagi siya sa tahanan ng dalawang

103
magkapatid na sina Marie at Suzanne Jacoby. At
katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa kanya. Ngunit noong Hulyo 1890, umalis si
Rizal patungong Madrid at naiwan si Suzanne na
nagdadalamhati.

11. Pastora Necessario Carreon


Siya ay nakilala ni rizal sa dapitan, ang kanyang huling
pag-ibig bago makilala si Josephine bracken.
Siya ay anak-anakan ni George Toufor.
Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal ng
pagpapakasal dahil tutol ang marami sa kanilang
dalawa.
12. Josephine Bracken
Ang naging kabiyak ng puso ni Rizal. Nagkakilala sina
Josephine at Rizal nang dalhin ng una ang kinilalang ama kay Rizal upang ipagamot noong
Pebrero 1895. Dito na nagsimula ang malalim na
pagtitinginan, bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi
nagawang pigilan ng tadhana ang pag- iibigan nina Josephine at Rizal. Isang hindi
magandang pangyayari ang naganap noong katapusan ng
1895, nalaglag ang dinadalang anak ni Josephine. Si Josephine ang huling babae sa buhay
ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.

GAWAIN
1. Sa pamamagitan ng isang grapikong pantulong, isulat ang talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.

2. Isulat ang inyong sariling talambuhay.

3. Kilalanin ang mga babae sa buhay ni Rizal.

104
Mga Tauhan sa Nobelang El Filibusterismo
Simoun – Isang napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-heneral.
Makapangyarihan siya kaya iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle man.
Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang
paghahasik ng rebolusyon, linisin ang bayan at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng
kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
Kapitan-heneral – Hinirang siya ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Sinasabi
niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin at gawain.
Mataas na Kawani – Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang,
tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-
isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani.
Padre Florentino – Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Florentino kahit pinilit
lamang siya ng ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa
pamangking si Isagani nang maulila sa magulang.
Padre Salvi – Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang
prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni
Kapitan Tiago.
Padre Sybila – Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng
Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang
mga mag-aaral.
Padre Irene – Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya
ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at maipasa ang panukalang magkaroon ng Akademya
ng Wikang Kastila ang mga estudyante. Naging tagaganap siya sa huling habilin ng kaibigang si Kapitan
Tiago.
Padre Fernandez – Isang paring Dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga
mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila.

105
Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan at ng kapwa niya
prayle.
Padre Camorra – Isang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-
anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa
magagandang dilag.
Padre Millon – Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at
bantog siya husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang
aralin sa mga mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon.
Kabesang Tales – Telesforo Juan de Dios, ang napakasipag na magsasaka na dating kasama ng
mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera. Pinili siyang
maging Kabesa de Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting
tao.
Juli – Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang
madasalin, matiisin, masunurin at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang
mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
Tandang Selo – Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli
Me Tangere. Siya ang maunawaing ama ni Kabesang Tales. Mapagmahal na lolo nina Juli at Tano. Tiniis
niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
Tano / Carolino – Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng
amang siya’y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan
ng kasawian ng mahal niya sa buhay.
Basilio – Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa
pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang
anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang
diploma sa pagtatapos.
Isagani – Isang malalim na makata o manunugma. Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa
pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman. Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa
pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.
Macaraig – Isang mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbubukas ng akademya sa
pagtuturo ng Kastila. Siya ay masipag mag-aral, mahusay makipagtalo, mapitagan, nakalulugod na mag-
aaral at palabasa ng iba’t ibang aklat kaya’t nangunguna sa pagbabago.
Placido Penitente – Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang
pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ito, Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang
sumasabog at walang kinakatakutan.
Pecson – Mapanuring mag-aaral si Pecson. Masigasig siyang makipagtalo upang mailabas ang
matalinong kaisipan at kasagutan sa iba’t ibang usapin. Hindi siya kaagad naniniwala sa mga bali-balita
lamang kaya tila lumalabas sa iba na siya ay mapangambahin at laging nag-aalala.
Juanito Pelaez – Isang mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging inaabuso at tinatakot si
Placido. May kapansanang pisikal subalit hindi niya naipakitang sagabal ito sa kanyang pagkatao dahil
nakakamit niya ang mga nais. Masugid siyang manliligaw ni Paulita Gomez na pinaboran ng tiyahin ng
dalaga na si Donya Victorina.
Sandoval – Isang tunay na Espanyol si Sandoval na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng
Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay mahangaan. Nais niyang mailabas
ang katotohanan sa isang usapin.
Tadeo – Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakikita ng propesor.
Hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan,
walang ambisyonsa buhay, at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan siya at nagyayabang sa
walang-muwang na nilalang.

106
Paulita Gomez – Isang masayahin at ang napakagandang dalagang hinahangaan ng karamihang lalaki.
Pamangkin siya ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani. Larawan siya ng dalagang laging maayos at
maalaga sa sarili.
Donya Victorina – Larawan si Donya Victorina ng isang Pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang
lahi. Inaalimura, tinutuligsa at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.
Don Tiburcio de Espadaña – Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasiyang
hindi na muling pakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto,
sunod-sunuran at takot sa asawa.
Kapitan Tiago – Dating kaibigan ng mga prayle subalit sumama ang loob sa mga ito. Nawalan ng
kahulugan ang kanyang buhay nang pumasok na si Maria Clara sa monasteryo. Nalulong siya sa sabong
at paghithit ng apyan. Nawala siya sa katinuan. Siya ang naging kasangkapan sa pagbabagong buhay ni
Basilio.
Maria Clara – Ang tanging babaeng iniibig ni Simoun sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng
pagbabalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais niyang kunin at itakas si Maria Clara ni
Simoun sa monasteryo.
Kapitan Basilio – Isang mayamang mamamayan na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni
Kapitana Tika. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang
problema o kagipitan sa mga pabor na kanyang kakailanganin.
Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo – Nakapag-asawa ng maganda at mayamang
mestiza. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitan-Heneral dahil
sa likas niyang talino.
Ben Zayb – Ang mamamahayag na malaya raw mag-isip. Minsan ay kakatwa ang paksang nais niyang
isulat magkaroon lamang ng ilalathala. Mababa ang pagtingin kay Padre Camorra. Siya ang tulak sa
lumalabas na magaganda at mabubuting balita tungkol sa Kapitan-Heneral at sa iba pang matataas na
opisyal upang mapalapit ssiya sa mga ito.
Ginoong Pasta – Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na
abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot
siyang mamagita para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang kabutihan.
Pepay – Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba ang kulay sa karaniwang Pilipina.
Mahilig siyang humingi ng mga pabor sa “kaibigang” si Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog.
Kaibigan din siya ni Juanito Pelaez.
Hermana Bali – Siya ang nangunguna sa pagbibigay payo sa mga may suliranin sa kanilang baryo. Siya
ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales. Siya rin ang
nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakulong ni Basilio.
Hermana Penchang – Isang masimbahing manang. Naging amo ni Juli. Mapanghusga siya sa mga taong
sawimpalad- pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan. Takot siya sa mga
prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.
Kapitana Tika – Asawa ni Kapitam Basilio at in ani Sinang. Ayaw niyang magpahalatang nagugustuhan
nilang mag-ina ang magaganda at mamahaling alahas upang hindi raw taasan ni Simoun ang presyo ng
kanilang mga ibig na alahas.
Sinang – Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya ay anak ng mayamang
si Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika. Mahilig siya sa antigo, mamahalin at magagandang alahas.
Kabesang Andang – Butihing ina ni Placido Penitente. Kahit balo na, matiyaga niyang pinag-aral ang
anak.
Quiroga – Isang mayamang Intsik na mangangalakal. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan.
Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.
Don Timoteo Pelaez – Siya ang ama ni Juanito Pelaez. Larawan siya ng mapangdustang mangangalakal.
Siya ang nakabili ng tahanan ni Kapitan Tiago sa murang halaga. Naging kasosyo siya sa negosyo ni
Simoun.
107
Mr. Leeds – Ang nagmamay-ari ng peryahan sa Quiapo.
Kapitan ng Bapor – Isang beteranong marinero, siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa
iba’t ibang panig ng mundo lulan ng matutulin at malalaking barko noong kanyang kabataan subalit
nagpapatakbo ng mababang uri ng barko sa kanyang pagreretiro.
Sinong – Ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guwardiya sibil bago amg-noche Buena dahil sa wala
siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa. Naging kutsero siya ni Simoun sa huli at naging
kasapi sa lihim niyang kilusan.
Camaroncocido – Ang tanging nilalang na walang pakialam sa pinagkakaguluhan ng lahat sa siyudad na
operetta mula sa Pransiya. Dati siyang mamamahayag at anak ng kilalang pamilyang Espanyol subalit sa
kadahilang hindi nabanggit sa nobela ay namuhay nang maralita.
Tiyo Kiko – Isang matandang pandak na buhay na buhay ang mata. Nabubuhay sa pagbabalita ng mga
palabas at pagpapaskil ng mga anunsiyo. Kaibigan siya ni Camaroncocido. Isa siyang mahirap na Indio.
Mr. Jouy – Ang nagdala ng pangkat ng mang-aawit na Pranses para sa isang opera sa Maynila.
Sa tahanan ng mga Orenda:
pamilya Orenda – masipag at mayamang mag-aalahas ng Sta. Cruz
Chichoy – ang nakasaksi ng mga pangyayari sa kasalan na siyang nagkwento sa mga tao sa tahanan ng
mga Orenda
Momoy – matanda sa magkakapatid na Orenda
Kapitana Loleng – masipag at matalinong kapitana
Kapitan Toringgoy – Si Domingo na walang inatupag kundi ang pumasyal at makipagkwentuhan
samantalang nagtatrabaho ang kanyang pamilya.
Tia Tentay – Tiyahin nina Sensia na nagsabing demonyo si Simoun na nabili ang kaluluwa ng mga
Kastila.

GAWAIN
PARADE OF CHARACTERS
Ipapangkat ng guro sa dalawa ang kanyang mga mag-aaral sa bawat section. Ang bawat mag-aaral ay
kukuha ng kanilang mga larawan at video na nakabihis sa mga naka-atas na tauhan sa kanila. Ito ay
kanilang isesend sa kanilang lider upang ayusin ang video ng kanilang Parade of Characters.

Aralin 22
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Tunguhin
Iguhit ang imahe ni Rizal sa loob ng kahon.

108
Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Bakit naisipang sumulat ni Rizal ng ikalawang nobela?
- Naisipan ni Rizal na dugtungan ang ikalawang nobela upang makita ng mga Pilipino ang uri
ng pamamalakad ng mga Kastila at ang sanhi kung bakit kailangan ng paghihimagsik.

Gramatika – Bakit kailangan ang pagtatala ng impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian?
- Kailangan ang pagtatala ng impormasyon buhat sa iba’t ibang sanggunian dahil ang
paggamit ng mga sanggunian ang nagpapatunay ng pagkamakatotohanan sa isinagawang pananaliksik.

Subukin
Pakikinig
Pakinggan ang awit na “Pag-asa ng Bayan” (Pag-asa ng Bayan-PETA “Batang Rizal). Isulat ang liriko ng
awit habang nakikinig. Sikaping maawit ang bahagi ng awiting ito.

109
Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 301 – 303, aytem 1 – 10

B. Basahin
Basahin sa inyong aklat (Kalinangan 10) ang teksto pahina 303 – 307.
Buhay Si Rizal sa Kaniyang Likhang Panulat

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 307 – 308, aytem 1 – 10.

Suriin
A. Pagbasa
Pagsusuring Historikal at Biograpikal
Pagsusuring Historikal – ito ay nakatuon sa panahon kung kalian isinulat ang isang akdang panliteratura
kaya sa kaligirang pangkasaysayan iniuugnay ang isang teksto. Sa makabagong pagsusuring historical,
iniuugnay ito sa kultura, sa ideolohiya o sa estrukturang pampolitika o pagbabahagi ng kapangyarihan at
kung sino ang may taglay ng kapangyarihan sa lipunan nang panahong isinulat ang akda.

Pagsusuring Biograpikal – Sinusuri ang isang akda at iniuugnay ito sa naging buhay ng may-akda, sa
kanyang mga naging karanasan na bumuo ng talambuhay ng may-akda.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 312 – 314, aytem 1 – 10.

Paunlarin
A. Wika at Gramatika
Basahin sa inyong aklat (Kalinangan 10)
Pagtatala ng Impormasyon Mula sa Iba’t Ibang Sanggunian
pahina 314 – 316

B. Pagsasanay
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 316 – 317, aytem 1 – 10.

110
Aralin 23
Ang Pagbabalik sa Lupang Sawi
Isipin
Pokus na Tanong:
Panitikan – Bakit tinutulan ni Simoun ang pagkatuto ng wikang Kastila ng mga kabataan?
- Ang wikang Kastila ay hindi katugma ng diwa ng pag-iisip at tibok ng pusong Pilipino

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 323 – 325, aytem 1 – 10.

B. Basahin
Mga Kabanata
Kabanata I – Sa Itaas ng Kubyerta (pahina 325 – 326)
Kabanata II – Sa Ibabang Kubyerta (pahina 326 – 327)
Kabanata III – Mga Alamat (pahina 327 – 328)

111
Kabanata IV – Si Kabesang Tales (pahina 328 – 329)
Kabanata V – Noche Buena ng Isang Kutsero (pahina 329)
Kabanata VI – Si Basilio (pahina 330)
Kabanata VII – Si Simoun (pahina 330 – 332)
Kabanata VIII – Maligayang Pasko (pahina 332)
Kabanata IX – Mga Pilato (pahina 332 – 333)
Kabanata X – Kayamanan at Karalitaan (pahina 333 – 334)

C. Talakayan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 334 – 336, aytem 1 – 12.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 342 – 345, aytem 1 – 15.

Aralin 24
Ang Ugnayan ng Lipunan, Kultura at Politika
Isipin
Pokus na Tanong sa Panitikan – Paano masusuportahan ng pamahalaan ang edukasyon ng mga mag-
aaral?
- Masusuportahan ng pamahalaan ang edukasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagpapatayo ng mga gusaling pampaaralan, pagbibigay ng mga aklat na kailangan at pagkuha ng mga
karagdagang guro at iba pang pangangailangan sa paaralan.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 353 – 354, aytem 1 – 10.

B. Basahin
Mga Kabanata
Kabanata XI – Los Baños (pahina 354 – 356)
Kabanata XII – Placido Penitente (pahina 356 – 357)
Kabanata XIII – Klase sa Pisika (pahina 357)
Kabanata XIV – Sa Bahay ng Estudyante (pahina 357 – 358)
Kabanata XV – Si Señor Pasta (pahina 358 – 359)
Kabanata XVI – Mga Hapis ng Isang Intsik (pahina 359 – 360)
Kabanata XVII – Ang Perya sa Quiapo (pahina 360 – 361)

112
Kabanata XVIII – Mga Kadayaan (pahina 361)
Kabanata XIX – Ang Mitsa (pahina 362 – 363)
Kabanata XX – Ang Nagpapalagay

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 363 – 365, aytem 1 – 10.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 369 – 373, aytem 1 – 15.

Aralin 25
Bantang Panganib

Isipin
Pokus na Tanong sa Panitikan: Bakit mahalagang iwasan ang paghahasik ng digmaan sa isang bansa?
- Maraming sibilyan ang madaramay nang walang kasalanan, babagsak din ang
ekonomiya ng bansa, maraming mawawalan ng hanapbuhay, at mahihirapang bumangong muli sa normal
na pamumuhay kaya hindi solusyon ang digmaan upang mabago ito.

Unawain
A. Alamin
Basahin at sagutan ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 380 – 381,
aytem 1 – 7.

B. Basahin
Mga Kabanata
Kabanata XXI – Anyo ng mga Taga – Maynila (pahina 381)
Kabanata XXII – Ang Palabas (pahina 381 – 382)
Kabanata XXIII – Isang Bangkay (pahina 382)
Kabanata XXIV – Mga Pangarap (pahina 382)
Kabanata XXV – Tawanan at Iyakan (pahina 383)
Kabanata XXVI – Mga Paskin (pahina 383)
Kabanata XXVII – Prayle at Pilipino (pahina 383 – 384)
Kabanata XXVIII – Mga Katatakutan (pahina 384)
Kabanata XXIX – Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiago (pahina 384)

C. Talakayin

113
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 384 – 385, aytem 1 – 10.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 388 – 389, aytem 1 – 10.

Aralin 26
Hiwaga ng Buhay
Isipin
Pokus na Tanong sa Panitikan: Bakit hindi solusyon ang rebolusyon sa pagbabago sa sistema ng
pamahalaan at sa pagbabago ng mga pinuno ng bayan?
- Maraming madaramay na sibilyan at inosenteng mga tao sa paghahasik ng rebolusyon
at walang garantiya na mababago ang sistema ng pamahalaan gayundin ang mga namumuno sa bayan.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 394 – 395, aytem 1 – 10.

B. Basahin
Mga Kabanata
Kabanata XXX – Si Juli (pahina 395 – 396)
Kabanata XXXI – Ang Mataas na Kawani (pahina 396)
Kabanata XXXII – Mga Ibinunga ng mga Paskin (pahina 396 – 397)
Kabanata XXXIII – Ang Huling Matuwid (pahina 397 – 398)
Kabanata XXXIV – Ang Kasal (pahina 398)
Kabanata XXXV – Ang Piging (pahina 398 – 399)
Kabanata XXXVI – Kagipitan ni Ben Zayb
Kabanata XXXVII – Mga Hiwaga (pahina 399 – 400)
Kabanata XXXVIII – Kasawian (pahina 400 – 401)

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 401 – 402, aytem 1 – 12.

Sukatin
Sagutin ang talaan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 405.

114
Aralin 27
Pangwakas na Gawain: Paggawa ng Video Documentary

Isipin
Pokus na Tanong sa Panitikan: Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao?
- Napangangalagaan ng tao ang mga tinatamasa niyang karanasan at maaaring
ipaglaban ito kung sakaling nilabag ng ibang tao.

Unawain
A. Alamin
Talasalitaan
Sagutin ang talaan sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 414 – 415.

B. Basahin
Kabanata XXXIX – Wakas (pahina 415 – 419)

C. Talakayin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 419 – 421, aytem 1 – 8.

Sukatin
Sagutin ang pagsasanay sa inyong aklat (Kalinangan 10) pahina 423 – 427, aytem 1 – 15.

Pangwakas na Gawain
Dulang Panradyo ng Nobelang El Filibusterismo
Ipapangkat ng guro ang kanyang mga mag-aaral sa dalawa sa bawat seksyon. Gagawa ang bawat pangkat
ng kanilang Dulang Panradyo at ito ay kanilang i-a-upload sa Facebook. Ang mga mag-aaral na modular
at online ay magkakasama sa bawat pangkat.

115

You might also like