Aralin 2.2 DULA

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

ARALIN 2.

2 DULA

INIHANDA NI :
GNG. MA. TERESA P. BARCELO
DALUBGURO I
PANIMULANG GAWAIN
Gamit ang grapikong presentasyon, ibahagi ang inyong nalalaman tungkol
bansang ENGLAND.
TURISMO

RELIHIYON
KALIGIRANG KASAYSAYAN

ENGLAND

PANITIKAN

TRADISYON O KULTURA
MGA TAO
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga
dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang
dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
 Samantalang, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa
malungkot na wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng dula/drama mula sa
Sinaunang Gresya. Kabilang sa mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa
Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles at Euripides.

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare
tungkol sa dalawang maharlikang angkan na nagkaroon ng alitan kung
kaya’t naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa
kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The
Tragical History of Romeous and Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan
ni Romeo at Julieta) na isinulat ni Arthur Brooke noong 1562 at muling
isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo
ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567.
PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT 1 - GAWAIN 5. PAGLINANG NG TALASALITAAN

Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa sumusunod na pangungusap.


 Ang salitang hikaw mula sa pahayag na “katulad ng hikaw sa tenga ng babaing Ethiopia” ay hiram na salita
mula sa Tsino. Ano kaya ang kahulugan nito? Orihinal na salita: hikaw Kahulugan: ___________
 Ang salitang “alipin” ay galing sa salitang “oripun” ng mga Bisaya na pinatingkad sa antas na “bug-os” o
“lubos na alipin” na lumaganap lamang sa Katagaluggan bago pa dumating ang mga taga-Europa dito sa Luson
o pulo ng ginto. Ang kahulugan ng alipin ay __________.
 Ang salitang padre ay hiram na salita mula sa salitang Espanyol na katumbas ay pari. Ang kahulugan ng pari ay
________________.
 Sa pahayag na “ang Konde ay darating sa Huwebes na pakakasal kay Juliet.” Ang salitang Konde na mula sa sa
salitang conde sa Espanyol ay nangangahulugang _________________________.
 Ang salitang “toxicus” na ngangahulugang “poisoned” at “toxicum” na ang ibig sabihin ay lason. Ang lason na
ginamit ni Romeo at Juliet ay nangangahulugan na ________________.
PANGKAT 2: SUBUKIN MO

Pumili ng isang pangyayari sa dula. Pagkatapos, ipahayag


ang saloobin at damdamin nito sa iyo sa pamamagitan ng
pagpili ng isang awit na angkop dito. Awitin at ipaliwanag
kung bakit ito ang napili.
 
PANGKAT 3 – PAGHAMBINGIN MO

 Ipakita sa pamamagitan ng venn diagram ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng kulturang nakapaloob sa dulang Romeo at Juliet sa iba
pang dulang nabasa o napanood o narinig.

Iba pang
Romeo at Juliet
Akda
PANGKAT 4: PAGGUHIT NG LARAWAN

Paano ipinakita sa dula ang dalisay na konsepto ng pag-


ibig? Ihambing ito sa tulang tinalakay na “Ang Aking
Pag-ibig”.
PAMANTAYAN SA PAG-UULAT

Kaangkupan sa Paksa ………… 5


Nilalaman ……….. 5
Malikhain …….. 5
Kabisaan ………5
Kabuuan ……………… 20
Ang trahedya ay isa sa mga uri ng dula ayon sa anyo na ang
tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob,
nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang
nasasadlak sa kamalasam, mabibigat na suliranin,
kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan. Ito’y
karaniwang nagwawakas nang malungkot.
PAGSASANAY

 PANUTO: Punan ang talahanayan batay sa tagpuan ng dulang tinalakay sa


ating bansang Pilipinas.
Paghahambing batay sa: Bansang Tagpuan ng Dula Bansang Pilipinas
(England)
Pinuno ng Estado    
Uri ng Pamahalaan    
Tawag sa mamamayan    

Tirahan ng Pinuno    
Tradisyon/    
Kultura sa Pag-ibig
PANGKATANG GAWAIN

Isa kang binatang napaibig sa isang dalagang napakahigpit ng


magulang, anong plano o paraan ang gagawin mo upang
maipakilala ang wagas na hangarin mo para sa kaniya? Anong
kultura ang naging batayan mo sa pagbuo ng plano?
 
Ang iyong plano Tradisyon/Kulturang
Pinagbatayan
Hakbang na gagawin    

Kagamitan na Kakailangan    
Paano nakatutulong ang dula sa
paglalarawan tradisyon at kultura ng isang
bansa?
PANUTO: MAGHAMBING NG MGA PANGYAYARI SA TUNAY NA BUHAY O SA ATING
KULTURA SA SUMUSUNOD NA INILAHAD NA KULTURA SA DULANG TINALAKAY.

 Madalas na pagpunta ni Romeo at Juliet sa simbahan dahil ito ang kanilang tagpuan.
 Nangangakilala kay Padre Laurence, isang pari ang nakaprotekta sa kanilang pag-
iibigan.
 Ang marangyang pamumuhay ni Juliet ang kanyang pamilya ay ipinakita sa kanilang
mga bahay, mga kagamitan, taong nakakasalamuha at paniniwala.
 Ang pagkapit nina Romeo at Juliet sa simbahan sa panahon ng suliranin.
 Si Padre Laurence ay isa sa mga taong laging nagbibigay ng payo.

You might also like