Human Sexuality-Script
Human Sexuality-Script
Human Sexuality-Script
Script :
CHARACTERS:
Hevean Lou Francisco - Narrator/DJ, tatay, kapitbahay(2), kaklase (2)
Kaye Abrera - Makoy
Hayra Mae Recana – Nanay, kaklase(1), kapitbahay (1)
Rodelia Yadao - kaibigan
Narrator/DJ:
"Sa bahay raw, poprotektahan ka. Sa eskwelahan, ganoon din daw dahil ito nga 'yung
pangalawa nating tahanan. Kapag daw may kaibigan ka, ipagtatanggol ka. Sa komunindad, dito
ka raw matututo kung ano ang tama sa mali. Puro akala ko lang pala ang mga 'to, hindi naman
totoo."
N/D:
Ito ang tumatak sa isip ng isang onse anyos na itago na lang natin sa pangalang "Makoy."
Habang tumatanda, naiintindihan niya na ang kanyang sekswalidad ay wala sa dalawang
pagpipilian: lalaki at babae. Isinawalang bahala na lamang niya ito, dahil siguro nalilito lamang
siya, sapagkat halos puro babae ang nakakalasamuha niya sa buhay. Magmula sa mga kapatid,
mga tiyahin, may iilan siyang kaibigan na lalaki, ngunit mas lamang ang babae. Hanggang sa
eskwelahan, mas malapit siya sa mga babae.
Kaye/Makoy:
Hoy ang taas naman ng garter, ibaba mo hindi pantay oh!
Rodelia/kaibigan:
Oy bestie ako muna, ikaw 'yung huling titira kasi ikaw ang mother namin diba
(Pasigaw na sisingit si nanay)
Hayra/Nanay:
Makoyyyy!! Tanghaling tapat bata ka nasa labasan ka. Atsaka ano 'yang nilalaro mong chinese
garter pambabae 'yan diba.
Kaye/Makoy:
Ma, laro lang naman 'yan. Bakit si ate pinapayagan niyong maglaro ng baril-barilan sa
cellphone niya.
Hayra/Nanay:
Matanda na ate mo, alam na niya ang mga ginagawa niya. 'Wag ka na ngang sumagot diyan.
(Sa bahay)
Tatay/Hevean:
Makoy, anong 'tong nabasa ko sa notebook mo? Paborito mong kulay green?
Kaye/Makoy:
Opo, bakit pa?
Tatay/Hevean:
Green? (tawang mahina) E pambakla 'yang green na 'yan. Bakit hindi na lang asul o dilaw?
Kaye/Makoy:
Hindi naman papa. May kaklase nga akong babae, paborito niyang kulay blue pero ayos lang sa
mama niya.
Nanay/Hayra:
Anak, Makoy. Walang bakla sa pamilyang 'to. Isa ka lang lalaki, ikaw lang ang magdadala ng
apilyedo ng tatay mo. Naiintindihan mo ba?
Hevean/DJ:
Sa mga live audience natin sa facebook, anong magsasabi niyo kaya sa perspective ng tatay ni
makoy when it comes to color churvanes? (REVISE!!!)
(Insert question)
Hevean/DJ:
Sa pagdaan ng mga araw, hindi pa rin mawari ni Makoy kung bakit parang sakit sa kanyang
pamilya, ang pagkakaroon ng iba pang sekswalidad.
(Sa eskwelahan)
(Tunog ng bell)
Rodelia/kaibigan:
Makoy, diba sabi ni ma'am mag bobotohan daw tayo ng magiging president ngayon? Bet kong
isali ka bestie.
Kaye/Makoy:
Hala bestie bakit naman ako? Crazy ka na ba? Hindi ko nga kasundo mga classmate natin eh.
Rodelia/kaibigan:
Inggit lang sa'yo 'yang mga 'yan. Palibhasa never pang nakatanggap ng award simula kinder.
Hayra/kaklase:
Si Makoy? E paminta 'yan diba? Malamang kung siya magiging president ng section natin, puro
arte lang alam niyan. (Tatawa nang mahina)
Heaven/kaklase:
Oo nga, atsaka ang mga bakla mahihina. Paano na lang kapag may nagsuntukan dito sa
classroom natin, paano niya aawatin? Titili na lang siya?
Rodelia/kaibigan:
Hindi naman porket bakla siya, mahina na agad si Makoy. Ikaw nga, kalalaki mong tao pero ang
hina ng utak mo.
Kaye/makoy:
Bestie! 'Wag mo na lang patulan 'yang mga shonget na 'yan. Siguro hindi sila mahal ng mga
mudrakels nila.
Rodelia/kaibigan:
Hatian mo na lang ako ng pagkain mo bestie, tom jones na kasi ako.
Kaye/makoy:
Alam mo kahit kailan talaga PG ka (tatawa)
Hevean/DJ:
Ayon na nga mga ka-sismars. Kebabata pa lang ng mga ito, grabe na ang pag-iisip. At dahil
malapit na ang eleksyon sa tingin niyo ba, nakaaapekto ang sexuality ng isang magiging leader
sa kanyang pamumuno. Bakit?
Mga live audiences natin na estudyante dyan sa facebook, anong mga opinyon niyo?
(tunog ng telephone *ring ring ring*)
Hevean/DJ:
Mukhang speed ang mga internet niyo mga sismars ha.
Hello?
Hevean/DJ:
"Hanggang sa lumipas na po ang limang taon DJ, tsaka ko lang napagtanto na may pusong
babae ako. Pero itinago ko pa rin po ito sa pamilya ko, dahil lason ang magiging tingin nila
sa'kin. Ilang beses ko na po sinubukang mag out, kaso nauunahan pa rin po ako ng kaba at takot
na baka palayasin ako sa aming bahay. Sa edad ko pong sixteen, saan ako tutuloy non?"
Kaye/makoy:
Friend, ano kaya kung sabihin ko na kila mama na ako ay prinsesa rin tulad nila ate?
Rodelia/friend:
Bakla ka, diba ayaw nga ng mudrakels at pudrakels mo ng sirena. 'Wag muna ngayon siguro, sa
ibang time na lang.
Hayra/kapitbahay (1):
(biglang sisingit)
Oy oy! Nako! Kahit 'wag mo na sabihin sa mga magulang mo, halata naman nilang paminta ka.
Jusko! Sayang ka. Ikaw lang nag-iisang lalaki sa inyo.
Hevean/kapitbahay (2):
Kaya hindi na ako nag taka noong nakita ko siyang naka lipistik na kulay pula. Putok na putok,
akala mo sinapak ng tatay e (tawa).
Rodelia/friend:
Naapektuhan po ba ang buhay niyo, dahil gay ang friend ko? Nahirapan ho ba kayong huminga,
dahil gay ang friend ko? At higit sa lahat, nagutom po ba kayo dahil ganito ang kaibigan ko?
Kaye/makoy:
Hayaan mo na 'yan. Sa tagal nating mag kakapit-bahay rito, never ko pa yatang nakita o narinig
na merong achievements mga anak niyan. Okay lang ho na bakla ako, atleast pinalaki ako ng
magulang kong may tuwid na pag-iisip.
Rodelia/friend:
Tama ka na accla, baka umusok mga ilong niyan sa galit.
Kaye/makoy:
Bakla, nabalitaan mo ba 'yung sister dear ni Elsa. E diba, lesbian siya, hindi raw tinatanggap sa
mga trabahong pinag-aaplyan. Kaya ayon, hirap sila sa ngayon.
Rodelia/makoy:
Ha? E bakit naman? Matalino 'yon, atsaka masipag diba?
Kaye/makoy:
Oo super sipag non beks. Karamihan kasi yata sa pinag-aapplyan niya hindi tumatanggap ng
third sex.
Rodelia/makoy:
Ay oo, halos laman din ng socmed ngayon 'yan. Ewan ko ba sa mga tao, as if namang
maapektuhan 'yon ng personal nilang lifestyle.
Kaye/makoy:
Bestie natatakot ako. Pa'no kung hanggang sa pagtanda natin, ganoon pa rin 'yong setup ng
culture natin? Paano naman kaming mga may ibang sex, saan naman kami hahanap ng
pagkakakitaan?
Rodelia/friend:
Oo nga no. Pero siguro naman ako, na kapag nagkaroon tayo ng maayos na gobyerno,
maaaddress din 'tong issue na ganito.
Hayra/nanay:
(sisingit)
Makoy!!
Kaye/makoy:
Mama bakit po?
Hayra/nanay:
Hinahanap ka ng tatay mo. Nako ka talangang bata ka. Hindi ka na nag tanda.
Hevean/DJ:
Ayon na nga mga ka-sismars. Kapag ganyan linyahan ng nanay niyo, mag siuwi na kayo.
(kunwari may mga nag cocomment)
Ano kayang masasabi niyo sa discrimination when it comes to opportunities ng mga third sexes?
Tignan nga natin mga comment ng mga audience natin dito. (basa comment)
(Sa bahay)
(pag bukas ng pinto)
Kaye/makoy:
Pa, bakit ho?
Hevean/tatay:
Ano 'tong mga make up make up sa bag mo?! Sa'yo ba ang mga 'yan?
Kaye/makoy:
Bakit niyo naman po pinakialaman ang bag ko?
Hevean/tatay:
Sinasabi namin sa'yo noon pa, walang bakla sa pamilyang 'to. Nakakahiya ka!
Kaye/makoy:
(umiiyak lang)
(sniff sniff, ano sa tagalog niyan HAHAHAAHAHHA)
Hevean/DJ:
"Dj, pagkatapos po ng gabing malagim na 'yon, nagkaroon na po ng lamat ang relasyon namin
ng tatay at nanay ko. 'Yung isa kong ate, siya lang po nakatanggap sa'kin. Bago po ako mag
college, lumipat ang ate ko kasama pamilya niya. Nakakahiya man po, pero sumama ako sa
kanila. Sukang suka ho ang pudra ko sa akin, DJ."
" Sa bahay raw, poprotektahan ka. Sa eskwelahan, ganoon din daw dahil ito nga 'yung
pangalawa nating tahanan. Kapag daw may kaibigan ka, ipagtatanggol ka. Sa komunindad, dito
ka raw matututo kung ano ang tama sa mali. Puro akala ko lang pala ang mga 'to, hindi naman
totoo."