Presentation1 Pamilya de Jesus

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG PAMILYA DE JESUS

Mga Tauhan:
Tagapagsalaysay Lolo
Tatay Lola
Nanay Kapitbahay
Anak (Ate) Anak ng Kapitbahay
Anak (Bunso) Kasambahay
Tagapagsalaysay: Ang pamilya De Jesus ay katulad lang ng
iba ngunit para sa kanilang mga kapitbahay sila na yata ang
pinakamabait na pamilya sa barangay.

Ate: Yaya, puwede po ba ito kainin? Nagugutom na po kasi


ako eh.
Kasambahay: Naku! Para sa kapatid mo yan! Kakain na
naman ng hapunan eh. Sandali na lang.

May tumama sa bubong


Bunso: Ate narinig niyo po yung tumama sa bubong?

Ate: Huwag kang mag-alala baka kahoy lang yon na nahulog


dahil sa lakas ng hangin.

May kumakatok sa pintuan

Lola: Apo, may kumakatok yata. Baka tungkol sa bagay na


bumagsak sa bubong natin yan. Paki-tignan mo nga kung
sino?
Pagbubuksan ang pintuan

Ate: ano po yun?

Kapitbahay: Naku, pasensiya na po. Yung anak ko po kasi


naglalaro ng bato ngayon dahil sa lakas ng hangin tumama
siya sa bubong ninyo. Hindi ko po alam kung may nasira.

Ate: Manang, sila mama na lang po ang kausapin ninyo


diyan. Mamayang gabi pa po sila makakauwi.
Kapitbahay: Sige babalik na lang ako mamaya. Pakisabi na lang
sa kanila ang tungkol dito. Salamat.

Sa loob ng bahay

Lolo: Sino daw iyon, apo?

Ate: Tama po si lola, tungkol nga po sa pagtama sa bubong ito.


Babalik na lang daw siya kapag dumating na sila mama.

Bunso nakadungaw sa bintana


Bunso: Nandiyan na sila mama!

Papasok ang magulang

Tatay: Mga anak nandito na kami. Tamang-tama lang ang


dating namin para sa hapunan.

Papasok sa loob

Nanay: Oh siya kain na tayo.


May kakatok

Bunso: Ako na po!

Bubuksan ang pintuan

Bunso: Sino po sila?

Kapitbahay: (kasama ang kanyang anak). Ako po ang


kapitbahay ninyo. Natamaan po ng anak ko ang inong bubong
dahil sa kakulitan niya. Puwede bang makausap ang mga
magulang mo tungkol dito?

Bunso: Sige po. Pasok po kayo.

Sa kainan

Nanay: Tungkol saan po ang gusto niyong sabihin?

Kapitbahay: Tungkol po sa bubong ninyo, natamaan po kasi


ng
anak ko, di ko po nakita kung may nasira man o nabutas
ngunit babayaran ko naman po ito.

Tatay: Nasabi nga po ng aking anak ang tungkol diyan.


Tinignan ko po at nasira ang bubong ngunit di naman ito
nabutas dahil sa hindi naman malakas ang tama.

Kapitbahay: Naku, pasensiya na po. Magkano po ba ang


kailangan kong bayaran?
Nanay: Hindi na po kailangan. Hindi naman malakas ang
tama kaya’t hindi naman kami mapapamahal. Sa inyo na lang
ang pera para sa pampagawa niyo sana ng aming bubong.

Kapitbahay: Naku, maraming Salamat po. Sa totoo nga po


kailangan ko ang pera para sa pagpagawa ng inyong bubong.
Anak humingi ka ng tawad at magpasalamat.

Anak ng Kapitbahay: Maraming Salamat po. Paensiya na po


sa nagawa ko.
Lolo: Okay lang iyon iho. Basta’t huwag paglalaruan ang mga
bato sa susunod ha?

Anak ng kapitbahay: tumango-tango siya.

Tagapagsalaysay: Kitang-kita nga naman ang pagiging


mabait sa kapwa ng pamilyang De Jesus kaya’t sila ang
tinatawag na pinakamabait na kapitbahay sa barangay.

You might also like