Lesson 4
Lesson 4
Lesson 4
Isa sa mga mabisang paraan upang matuto ng mga bagong kaalaman ay sa pamamagitan ng
pagbabasa. At mga mga babasahin, tulad ng aklat at mga pahayagan ay nagtataglay ng mga
teksyo.
Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t
ibang impormasyon. Maaari din itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa
paraang pasulat o nakalimbag.
Matutukoy ding teksto ang orihinal na mga salita o pahayag ng isang awtor sa isang dokumento
kabilang ang kaniyang mga paliwanag, puna, pagsasalaysay ng karanasan, paglalarawan ng mga
bagay, pagbibigay ng pagtataya o paglalahad ng impormasyon o pag-aanalisa.
Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maaari ding sumaklaw sa ilan pang isinusulat na
akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon, awitin, patalastas, at iba pang nakalimbag
na paalala.
May iba’t ibang uri ng teksto ayon sa impormasyon o mensaheng nais nitong ibigay sa
mambabasa. Ang ilan ay ang mga sumusunod.
Tekstong Impormatibo
Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop,
o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong
anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga
kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa
paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na
ano, sino, at paano.
Tekstong Deskriptibo
Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay
nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay,
lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga
ito sa mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng masining na pagpapahayag
ng paghanga sa ilang bagay.
Tekstong Naratibo
Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ
o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong naratibo ay magbigay ng
impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo,
kompleto sa panahon, tagpuan, at mga tauhan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din itong piksyon at di piskyon.
Tekstong Persweysib
Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga
mambabasa. Ginagamit ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo. Karaniwang ginagawa ang
tekstong persuweysib upang mapukaw ang interes ng mga tao at maniwala sa sinasabi nito.
Nagagamit ito sa mga advertisements o mga patalastas sa TV o radyo. Maaari din itong gamitin
sa mga kampanya o pag-aalok ng mga serbisyo.
Tekstong Argumentatibo
Ito naman ay uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa
mga mahahalagang isyu o iba pang bagay. Katulad ng tekstong Persweysib, layunin din nito na
manghikayat ng mga mambabasa. Gayunman, gumagamit ito ng mga argumento at mga
pangangatuwiran. Karaniwang sinasagot ng mga tekstong argumentativ ang tanong na ‘bakit?’
Bagaman nais nitong makapaglahad ng damdamin, kailangan pa ring suportado ito ng
katotohanan o facts.
Tekstong Humanidades
Kapag sinabing humanidades, tumatalakay ito sa disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga
sining na biswal kabilang ang mga pinta, awitin, arkitektura, dula, sayaw, o anumang akdang
pampanitikan. Sa madaling sabi, ang tekstong humanidades ay isang uri ng teksto na
tumatalakay sa opinyon, nadarama, adhikain, o pangamba ng isang tao sa mga akdang nabanggit.
Tekstong Propesyonal
Ang uri naman ng tekstong ito ay isang komprehensibo at organisadong pagkakalahad ng mga
impormasyong isinulat ng isang may-akadang mayroong mahusay at sapat na kaalaman tungkol
sa isang paksa. Kumbaga, isang pagsasaliksik itong ginawa ng isang tao mula sa isang larangan
at inilimbag sa isang uri ng babasahin o dokumento. Hindi maligoy at direkta ang paglalahad ng
mga impormasyon sa tekstong propesyonal. Layon lamang nitong magbigay ng isang konkretong
pag-aaral at kaalaman tungkol sa isang paksa at hindi ang bigyan ng aliw ang mga mababasa.
Kilala rin ito bilang tekstong akademiko.
Binubuo ang katangian ng teksto ng mahahalagang elemento. Kabilang dito ang pagtataglay ng
mga mahahalagang impormasyon o datos. Katangian din nito ang maayos na pagkakasulat ng
mga impormasyon kabilang ang pagkakasunod-sunod nito. Mayroong diwa o kaisipan din ang
mga teksto at mayroong nais ipahiwatig.