Fil3 q2 Modyul3 Gamitngpangngalan v5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Filipino 3

Kuwarter 2 - Linggo 3
Gamit ng Pangngalan

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 - Linggo 3: Gamit ng Pangngalan
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such agency or office may,
among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted
to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Division of Malaybalay City

Development Team of the Module


Authors: Jean L. Bajala Raquel N. Anguay
Editors: Armando A. Agustin Maria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes
Valerie S. de Leon Guillerma S. Fortin Jeremy G. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna G. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja

Illustrator: Vanessa Joy D. Mirafuentes, Eugene R. Bustillo


Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Aliena S. Dajay, CESE


Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID

Members: Purisima J. Yap


EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Jesus V. Muring, EdD. PSDS—District V

Printed in the Philippines by Department of Education


Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: malaybalay.city@deped.gov.ph
3
Filipino
Kuwarter 2 - Linggo 3
Gamit ng Pangngalan

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng mga


dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang mga guro,
administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna, komento at
suhestiyon at ipadala o email sa malaybalay.city@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa


Gamit ng Pangngalan.
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng
Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa
iyong pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Paalaala Sa Mga Guro:


Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga
mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa paggamit nito.

Paalaala Sa Mga Mag-aaral:


Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo ang
mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga
gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbok sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng iyong
guro.
4. Kung mayroong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling
magkonsulta sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo. Naglalaman ito ng
mga paksang tiyak na kagigiliwan mo. Dito maipamamalas mo iyong
kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pag-unawa sa mga salita at paksa sa
bawat araw.
Pagkatapos ng iyong pagbabasa sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang tula , nagagamit ang pangngalan
sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao,lugar, bagay at mga pangyayari sa
paligid, nababasa ang salitang may klaster, Nakasusunod sa nakasulat na panuto
at Nababaybay nang wasto ang batayang talasalitaan.

Subukin
Isulat ang tamang sagot sa iyong aktibiti notbuk.
1. Ito ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay.
a. kuwento b. salita c. tula
2. Salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari ay
tinatawag na _____________________.
a. pasalaysay b. pangngalan c.bagay
3. Ang klaster ay tinatawag ding ________________________.
a. kambal- katinig b. kambal- tuko c. kambal –diwa

4. Ang ibig sabihin sa simbolong ipinakita ay____


a. Bawal magtapon ng basura
b. Bawal manigarilyo
c. Bawal pumarada dito.
5. Anong salita ang may tamang pagkabaybay?
a. ma-go-lang b. bo-kas c. u-ma-ga
Unang 1
Unang Araw Pagsagot ng mga tanong tungkol sa nabasang tula.
araw

Tuklasin
Ano ang alam mo sa isang tula? Bakit mahalaga ang tula sa buhay natin?
Ang tula ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng
tayutay, malayang paggamit ng mga salita sa iba’t ibang estilo at kung minsan ito ay
maiksi o mahaba. Ito ay binubuo ng saknong at taludtod na karaniwang wawaluhin,
lalabindalawahin,lalabing-animin at lalabing-waluhing pantig.

Suriin
Ang Pamayanan ay Kayamanan
ni Natasha B. Natividad
Ako ay mahilig mamasyal sa pamayanan na aking mahal.
Tuwing Sabado kami’y magkasama sa palaruang bago.
Minsan ako’y nagulat sa ‘king nakita
Aking kaibigan nag-iwan ng basura.
Mabilis ko siyang tinawag“Kaibigan, huwag mong gawin ‘yan.”
Dapat alagaan at ingatan ang ating pamayanan
Kung ito ay pababayaan tayo rin ang mahihirapan
Huwag nating hintayin kapaligiran ay dumumi
Kumilos at isaisip na ito ay pagyamanin.

Basahin ang sumusunod na mga tanong at piliin ang tamang sagot sa mga salitang
nakakahon sa ibaba.
a. sa pamayanan b. nagulat c. mamasyal at
maglaro
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano-ano ang hilig gawin ng bata sa tula?
3. Ano ang naging reaksiyon niya sa pangyayaring ito?

Pagyamanin
Basahing muli ang tulang Ang Pamayanan ay Kayamanan at sagutin ang
mga tanong sa iyong aktibiti notbuk.
1. Ano ang nasaksihan niya?
2. Ano ang mangyayari kung magpapatuloy ang kanyang nasaksihan?
3. Bakit dapat alagaan at ingatan ang pamayanan?
4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
5. Ano ang reaksyon niya sa pangyayaring ito?
Ikalawang araw Paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga
Ikalawang
Araw tao,lugar, bagay
2 at mga pangyayari sa paligid.

Balikan

Panuto: Basahing muli ang tulang Ang Pamayanan ay kayamanan at sagutin


ang mga katanungan sa iyong aktibiti notbuk.

1. Dapat ba nating pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo ngayon? Bakit?

Tuklasin
Punuin ang tsart ng mga salitang mula sa talaan ng
mga karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar. Isulat ang
sagot sa aktibiti notbuk.
Tao Bagay Hayop Pook o lugar

baka nars bundok dyaket


kambing hospital plato Pedro

Suriin
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, at pangyayari.
Halimbawa: tao – Carl. JJ. Tatay, nanay
bagay – dyip, gulay, papel
lugar – baryo, Little Baguio, Cebu
hayop – isda, aso, pusa
pangyayari – Pasko, kaarawan, Hunyo 12,

May dalawang uri ang pangngalan.


1. Pantangi – tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, kalagayan at
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa: Quezon City Bb. Sol Mercado
Pamantasan ng Maynila Bagong Taon
2. Pambalana – karaniwan o balanang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook,
kalagayan, at pangyayari; nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa: lungsod pagdiriwang guro
paaralan doktor palengke
3
Pagyamanin:

A. Tukuyin ang kategorya ng pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang T kung tao, B
naman kung bagay, H kung hayop , at L kung lugar. Isulat sa aktibiti notbuk ang
inyong sagot.
______1. Malaybalay City ______2.karpintero ______ 3.lapis
______4. ate ______5.ibon

B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pangngalan. Gawin ito sa inyong


aktibiti notbuk.
bag guro Pilipinas kabayo kuya

Ikatlong araw
Ikatlong
araw Pagbasa ng mga salitang may Klaster.

Tuklasin
Kilalanin ang sumusunod na mga larawan. Isulat ang tamang
pangalan ng mga ito sa inyong aktibiti notbuk.

1.______________ 2. __________________

Suriin
Ang klaster ay tinatawag din na kambal katinig.
Mga halimbawa:
dra dya tra tsi blu
kla tru tso bla gri
pri gra bra
Ano ang palatandaan na ang isang salita ay may klaster?
Ang klaster ay maaaring nasa unahan gitna at hulihang bahagi ng salita. Ang klaster
ay salitang may magkasunod na katinig sa isang pantig. Iyon ay maaaring makikita sa
unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng mga salita.
Halimbawa: plato, gripo, klase, prinsepe, prito.

Kopyahin ang salitang may klaster sa inyong aktibiti notbuk.


1. mesa bag kard
2. eroplano aso pusa
3. bag papel tsinelas
4
Pagyamanin:
Isulat ang salitang may klaster sa inyong aktibiti notbuk.
1. Ang kanyang grado ay mababa.
2. Si Maya ay sumakay ng traysikel sa kanyang pag-uwi.
3. May programa bukas sa aming lungsod.
4. Ang kanyang blusa ay bago.
5. May maraming prutas sa aming bukirin.

Pagsunod sa Panutong Nakasulat


Ikaapat na
Ikaapat na
araw
araw

Balikan:
Pantigin ang mga salita at kilalanin kung ito ba
ay may klaster o wala. Isulat ito sa inyong aktibiti notbuk.

Salita Pagpapantig May klaster o wala


Hal. buhangin bu-ha-ngin klaster
1.salamin
Tuklasin 2.gripo

Basahin ang sumusunod na kuwento at sagutin ang mga tanong.

Sa Bukid
ni Jean L. Bajala
Isang araw, pumunta sila Sarah sa bukid kung saan matatagpuan ang hardin ng
kanyang lolo Tino.
Masayang namasyal si Sarah at ang kanyang ina dito. Nabasa ni Sarah ang karatula
na For your eyes only. Sa unahan naman, Basura ko, linis ko. At sa dulo ng hardin ay may
nakasabit na Alagaan mo Paligid. Palingon-lingon siya sa mga ito. “Ina, ano ba ang mga
karatulang nakasabit dito”? “Ang mga karatulang nakasabit dito ay mga panuto o babala na
dapat sundin natin upang mapangalagaan ang hardin na ito” wika ng ina. Kaya ikaw, kung
ano ang nakasulat sa mga karatulang iyan ay dapat mong sundin. “Opo ina”, sabi naman ni
Sarah.

Mga tanong:
1. Sino ang pumunta sa bukid?
2. Ano ang napansin ni Sarah sa paligid ng bukid?
3. Kaninong hardin ang kanilang pinasyalan?
Suriin 5
Ang mga babala o paalala ay ginagamit upang bigyang-diin ang mga
importanteng impormasyon. Ito rin ang mga panutong dapat sundin ng
bawat isa. Ito ay nagbibigay sa atin ng direksyon kung ano ang dapat at
hindi puwedeng gawin. Upang makasunod nang maayos at wasto sa mga
nakalimbag na panuto kailangan mong basahin at unawain ang mga ito.

Basahin muli ang kuwentong Sa Bukid at unawaing mabuti. Sagutin ang mga
tanong sa iyong aktibiti notbuk.
1. Para kanino ang mga paalalang ipinahayag?
2. Dapat bang sundin ang paalalang ito?
3. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nakabasa ng mga babala?

Pagyamanin

Isulat ang titik ng larawang maaaring iugnay sa mga pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa aktibiti notbuk.

a. b. c.

d. e.

1. Bawal magtapon ng basura kahit saan.


2. Tapat ko linis ko.
3. Bawal pumitas ng mga bulaklak dito.
4. Bawal pumarada dito.
5. Bawal umihi dito.

Ikalimang Pagbabaybay nang wasto sa batayang Talasalitaan


araw

Tuklasin
Sa pagsulat nang wasto ng mga salita kailangan nating basahin at
unawaing mabuti ang mga salitang binabasa nang sa gayon ay mabaybay ng tama.

Piliin ang salitang tama ang pagkabaybay sa bawat bilang at isulat ang sagot
sa aktibiti notbuk.
1. magolang magulang
2. sulat solat
3. omaaga umaga

6
Suriin
Tingnan mabuti ang sumusunod na mga larawan at isaayos ang mga
titik upang makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa aktibiti notbok.

1. 2. 3.

bayoka ________ kanima _________ hayba ____________

Pagyamanin
Kopyahin ang salitang tama ang pagkabaybay sa bawat bilang at isulat ito
sa aktibiti notbuk.
1. sasakyan magolang frutas
2. bassahan sapatos lapes
3. wattawatt saggisag bituin
4. kahuy saging manngka
5. solat bassa talino

Isaisip
Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ang sagot sa aktibiti notbuk.
1. Ang ______ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.
2. Ang _____ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari.
3. Ang ___________ay tinatawag din kambal katinig.
4. Ang _________ ay ginagamit upang bigyang diin ang mga importanteng
impormasyon.
5. Dapat ___________ang mga salitang binabasa nang sa gayon ito ay mabaybay
ng tama.

4.
Isagawa
Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ang
pahayag ay mali. Isulat ito sa iyong aktibiti notbuk.
1. Sa pagbasa ng tula, kailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.
2. Ang salitang lola ay ngalan ng hayop.
3. Ang salitang tsinelas ay halimbawa ng salitang may klaster
4. Ang mga babala o panuto ay hindi dapat sundin.

7
5. Sa pagsulat nang wasto ng mga salita, kailangan natin basahin
at unawain ng mabuti upang mabaybay ng tama.

Tayahin

Piliin ang titik ng tamang sagot .


1. Ang salitang Malaybalay ay ngalan ng_____________________
a. tao b. bagay c. lugar
2. Tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay at lugar.
a. Pantangi b. Pambalana c. Payak
3. Halimbawa ng salitang may klaster.
a. gripo b. bato c. salamin
4. Ang __________ay ginagamit upang bigyang diin ang mga
importanteng impormasyon.
a. babala b. aklat c. salita
5. Masarap ang inihandang _____________ ni nanay.
a. pagkaen b. pagkain c. pagkainn

Karagdagang Gawain
Isaayos ang mga titik upang makabuo ng tamang salita at pagkatapos
ay gamitin ito sa pangungusap.
1. terklas
2. lannga
3. alut
4. talisa
5. langmagu

8
Susi sa Pagwawasto

Subukin: 1. C 2. B 3. A 4. B 5. C
Aralin 1
Suriin: 1. A 2. C 3. B
Pagyamanin: 1. Nag-iwan ng basura ang kanyang kaibigan 2. Maging marumi ang ating kapaligiran
3. Dapat alagaan upang hindi ito masira 4. Pagtapon ng basura sa tamang lalagyan
5. Nagulat siya.
Aralin 2
Balikan: 1. Oo, dahil ito ay nakakatulong sa pang- araw araw na pamumuhay
Tuklasin:
tao bagay hayop Pook/lugar
nars dyaket baka hospital
Pedro plato kambing bundok
Pagyamanin: 1. L 2. T 3. B 4. T 5. H
Aralin 3
Balikan: 1. hayop
Suriin: 1. kard 2. eroplano 3. tsinelas
Pagyamanin: 1. grado 2. traysikel 3. programa 4. blusa 5. prutas
Aralin 4
Balikan:
Salita Pagpapantig Klaster/wala
salamin sa-la-min wala
gripo gri-po klaster

Suriin: 1.para sa mga tao 2. upang maging maayos ang lahat 3. Sundin
Pagyamanin: 1. B 2. D 3. A 4. E 5. C
Aralin 5
Tuklasin: 1. magulang 2. sulat 3. umaga
Suriin: 1. kabayo 2. manika 3. bahay
Pagyamanin: 1. sasakyan 2. sapatos 3. bituin 4. saging 5. talino
Isaisip: 1. tula 2. Pangngalan 3. klaster 4.babala 5. basahin at unawain
Isagawa: 1. T 2. M 3. T 4. M 5. T
Tayahin: 1. C 2. A 3. A 4. A 5. B
Karagdagan Gawain: 1. Klaster 2. Ngalan 3. Tula 4. Salita 5. Magulang

Sangunian
K to 12 Curriculum Guide (MELC)
Batang Pinoy 3
Ang Bagong Batang Pilipino 2
Batayang Aklat sa Wika 3
Patnubay ng Guro

You might also like