Editor's Note

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pambansang Punong Rehiyon

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Caloocan


MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNGSOD NG CALOOCAN
10th Avenue, cor. P. Sevilla St., Grace Park, Caloocan

Marso 23, 2024


Sabado

Liham mula sa Punong Patnugot

Masikhay na araw sa lahat:

Nais kong batiin ay bigyang-pugay ang lahat ng naging bahagi ng ang unang isyu
para sa taong panuruan 2023-2024. Hindi biro ang pagsisikap natin na muling ibalik
ang buhay na diwa ng Ang Sihay. Nakamit natin ang ating mithiin; ang Midyang Totoo,
Balitang Sigurado.

Sa aking Ikalawang Punong Patnugot at Tagapamanihalang Patnugot na sina


Godfrey Eugenio at Arianne Cariaga, bagaman marami tayong mga pinagdaanan sa loob
ng mga nakalipas na buwan, naging susi ito upang mas maging maayos at maganda ang
takbo ng patnugutan. Saludo ako sa inyong lubos na dedikasyon sa pahayagan.

Sa mga patnugot, hindi madali ang iyong mga naging gampanin sa pagbuo ng
inyong kanya-kanyang mga seksyon. Ilang buwan rin ang inyong ginugol upang makalap
ang mga kwentong nakasentro sa mga Kalsayenyo.

Sa mga staffers, kayo ang dugong bumubuhay sa ating pahayagan. Walang Ang
Sihay kung wala ang inyong buong dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Kayo ang
sandigan at pundasyon ng ating pahayagan. Sa 63 staffers na nakiisa at nag-alay ng
kanilang sarili upang paglingkuran ang pamayanang Kalsay. Salamat nang marami sa
inyong lahat

Higit sa lahat maraming salamat sa buong pamayanan ng Caloocan City Science


High School, ang paaralang aming pinaglilingkuran at dahilan ng aming pamamahayag.
Sa aming mga guro na walang humpay ang suporta, kay Bb. Angelica Besite na aming
tagapagsanay, kay Gng. Genefe Roxas na aming Ina sa publikasyon, at kay G. Philip
Villamor na todo-suporta sa dalawang pahayagan at sa lahat ng mga Kalsayenyo,
iniaalay namin itong diyaryo na ito para sa inyo. Dahil ang tanging mithiin namin ay
maipahayag ang boses ng mga Estudyante bilang mga Midyang Totoo sa aming mga
Balitang Sigurado.

Isang militante at taas-kamaong pagpupugay, Ang Sihay! Mabuhay ang Kalsay!


Mula sa Masa, Tungo sa Masa!

Para sa Malayang Pamamahayag,

GABRIEL LOUIS A. GUAÑO


Punong Patnugot

You might also like