Filipino: Ikatlong Markahan-Modyul 1: Parabula NG Kanlurang Asya

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

9

Filipino
Ikatlong Markahan- Modyul 1:
Parabula ng Kanlurang Asya
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Parabula ng Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Romer D. Murillo
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Vivencia R. Dumdum
Tagaguhit:
Tagalapat: Jecson L. Oafallas
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Region XI Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 1:
Parabula ng Kanlurang Asya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin
Parabula ng
1 Kanlurang Asya

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Marami-rami na rin ang bansang tila iyong nilakbay mula pa sa unang


markahan hanggang ikalawang markahan. Alam kong ang pagtamo ng
kaalaman ay isang mahirap na proseso subalit kapalit naman nito ay
katiwasayan. Kung kaya magpursige at ipagpatuloy ang pagkatuto para sa
kaalamang iyong magagamit sa kinabukasan. Sa ikatlong markahan ay
mababasa mo rito ang mga akdang pampanitikan ng Kanlurang-Asya.

Ang Kanlurang Asya ang sinasabing hangganan ng Asya sa


kontinenteng Africa at Europa. Kabilang sa bansang nasa kanlurang-Asya
ang Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza Strip, Georgia, Iran, Iraq,
Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey,
UAE, at Yemen.

Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din


dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism,
Kristiyanismo at Islam. Karaniwang may maliit na populasyon ang ibang
bansa sa Kanlurang Asya kahit malaki ang sakop nilang lupain. Ito ay sa
kadahilanang maraming disyerto sa rehiyon na mapanganib tirahan dahil sa
pabago-bagong panahon.

Sa araling ito ay mababasa mo ang parabula ng Kanlurang Asya.


Bahagi rin ng pag-aaral ang paghubog sa iyong kasanayan sa
matatalinghagang pahayag.

Sa araling ito, inaaasahang:

1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay


maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan
(F9PB-IIIa-b-50)
2. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang
pahayag (F9WG-IIIa-b-53)

1
Subukin Natin

Basahin at suriin ang bawat katanungan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na nagsasaad ng dalawang


bagay para ________.

A. pagsamahin C. paglayuin
B. paghambingin D. pagtambalin

2. Ang mga pangyayari sa parabula ay mga makatotohanang pangyayaring


naganap sa panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa _____________.

A. cuneiform C. Banal na Aklat


B. kasaysayan D. sampung Utos ng Diyos

3. “Siya ay langit na hindi kayang abutin ng kahit na sinoman” Ang pahayag


ay isang halimbawa ng anong tayutay?

A. pag-uyam C. pagwawangis
B. pagsasatao D. pagmamalabis

4. Alin sa mga akdang pampantikan sa ibaba ang isang halimbawa ng


parabula?

A. Ang Ama
B. Nyebeng Item
C. Ang Hatol ng Kuneho
D. Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

2
5. Ang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli”
ay nangangahulugang ___________.

A. mahalaga ang oras sa paggawa.


B. ang nahuhuli ay kadalasan ang unang umaalis
C. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.
D. lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.

Aralin Natin

Sa bahaging ito ng aralin ay iyong babasahin ang isang parabula mula


sa Kanlurang Asya. Basahin at unawaing mabuti ito upang higit mo pang
malaman kung paano naiiba ang parabula sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan.

“Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng


Ubasan”
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang


maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan.
Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang
mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang
muli nang mag- ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo
lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho
sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa”. At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang
mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima
na ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring
ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong
maghapon?” ‘Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,’ sagot nila.

3
Kaya’t sinabi niya, ‘Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking
ubasan.’

Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit may mga manggagawang hindi
nabigyan ng trabaho sa kabila ng buong hapong paghihintay?

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala,


“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli
hanggang sa unang nagtrabaho. Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng
hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.” Nang lumapit ang mga
nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y
binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho
sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagparepareho ninyo ang aming
upa?”

2. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin ba ang


upa na ibibigay mo sa mga manggagawa? Ipaliwanag.

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita


dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang
para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli
nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”

“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan.


Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon nga kay
Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

4
3. Batay sa iyong karanasan, ano ang ibig ipakahulugan ng
“Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”?

Alam mo ba na…
ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na

nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar o pangyayari)

para paghambingin. Ito’y gumagamit ng pagtutulad at metapora upang

bigyan ng diin ang kahulugan. Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap

noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral

na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng

mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang

pahayag. Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat

nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na

pagkatao.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang hinahanap ng may-ari?


A. mamimili C. kakain
B. manggagawa D. magbabantay

5
2. Magkano ang napagkasunduang upa sa mga manggagawa?
A. isang salaping pilak C. isang salaping ginto
B. dalawa salaping pilak D. dalawang salaping ginto

3. Saan magtatrabaho ang hinahanap ng may-ari?


A. bahay C. ubasan
B. kaharian D. gobyerno

4. Bakit maghapong nakatayo ang mga naghahanap ng trabaho?


A. tamad silang magtrabaho
B. hindi sila maagang nagising
C. nakatayo lang sila buong maghapon
D. walang gustong magbigay ng trabaho sa kanila

5. Bakit nagreklamo ang mga naunang manggagawa sa may-ari?


A. hindi nagbigay ng bayad ang may-ari
B. mas malaki ang natanggap ng mga nahuli.
C. hindi tumupad ang may-ari sa usapan
D. pantay-pantay ang natanggap na sahod ng nauna at nahuli

Gawin Natin

Ang mga gawain na isinagawa ay nagpapatunay na ang parabula ay


natatangi sa iba pang akdang pampanitikan dahil ang mga pangyayari ay
makatotohanan na nakasaad sa Banal na Kasulatan. Ang mga mensahe rito
ay isinulat sa paraang gumamit ito ng matatalinghagang pahayag gamit ang
pagtutulad at metapora.

6
Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Mga Halimbawa:
1. a. bola – bagay na ginagamit sa basketball (literal)
Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. bola – pagbibiro (metaporikal)
Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

2. a. pawis – lumalabas na tubig sa katawan (literal)


Punasan mo ang pawis mo sa likod para hindi ka
mapasma.
b. pawis – pinaghirapang gawin (metaporikal)
Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad ko sa tuition
fee mo.

May dalawang paraan ng paghahambing sa matatalinghagang


pahayag.

Pagtutulad o simile- Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing


ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa, gamit ang mga
salitang pantulad.

1. Nakakasilaw ang iyong ngiti kagaya ng isang bituin.


Paliwanag: ginamit ang pantulad na “kagaya” upang ihambing
ang “ngiti” sa isang “bituin”.

2. Ang puso niya ay kasing tigas ng bato.


Paliwanag: ginamit ang pantulad na “kasing” upang ihambing
ang “puso” sa “bato”.

7
Pagwawangis/Metapora- Ang pagpapakahulugang metaporikal ay
pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.
Ito ay magkaiba sa simile o pagtutulad sapagkat ang pagwawangis ay
hindi gumagamit ng mga salita o pariralang pagtutulad. Ito ay nakabatay
kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.

Iba pang halimbawa.


1. Ang kalusugan ay kayamanan.
Paliwanag: pinaghambing ang kalusugan sa kayamanan sa
tuwirang paraan na hindi ginagamitan ng
pantulad. (tulad/gaya/magkasing)

2. Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.


Paliwanag: dahil nakasisira sa baga ang sigarilyo ayon sa
pag-aaral ginamit na pagtutulad ang salitang
lason.

Maling halimbawa ng pagwawangis o metapora


Ang mahabang buhok ni Rapunzel ay kagaya ng seda.
Paliwanag: pansinin na ang mahabang buhok ay
inihalintulad sa seda subalit ito ay ginamitan ng
salitang pantulad na “kagaya” na sumasalungat
sa tuntunin ng pagwawangis o metapora.

8
Basahin at unawain ang bawat tanong. Hanapin ang metaporikal o
matalinghagang kahulugan ng sumusunod na may salungguhit na salita.

1. Ang ubasan sa akda ay inihahalintulad sa _________.

A. harden C. hacienda

B. kompanya D. kaharian

2. Ang manggagawa sa akda ay inihahalintulad sa __________.

A. batas C. tagasunod

B. mayayaman D. mahihirap

3. “Bakit naman pare-pareho ang aming natanggap na upa”?

A. biyaya C. responsibilidad

B. kayamanan D. kapangyarihan

4. Ang katiwala ng may-ari ng ubasan ay maaaring tumutukoy sa…

A. anghel C. tagasunod

B. propeta D. Panginoon

5. Ang may-ari ng ubasan ay maaaring tumutukoy sa...

A. anghel C. tagasunod

B. propeta D. Panginoon

Sanayin Natin

Isulat sa patlang ang S kung ang pangungusap ay pagtutulad o simile at M

naman kung ito ay pagwawangis o metapora

S
_______ 1. Kasing-lamig ng yelo ang relasyon niyo.

9
S
_______ 2. May payaso rin kami sa silid-aralan, si Mike.

S
_______ 3. Kawangis ng makahiya ang magugulating si Ana.
M
_______ 4. Maruming basahan ang suot ng batang lansangan

M
_______ 5. Isang araw na nakakasilaw ang kanyang kakisigan
S
_______ 6. Kasing-itim ng kalangitan ang kanyang mga balak.

S
_______ 7. Ang buhay ay parang laro-minsan talo, minsan panalo.
M
_______ 8. Ang pag-ibig mo ang tanglaw sa aking madilim na buhay.
S
_______ 9. Umaandar na naman ang bibig na tulad ng isang sirang plaka.
M
_______ 10. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukang-

liwayway.

Tandaan Natin

Pagsasanay 1
Panuto: ibigay ang literal at metaporikal na kahulugan ng sumusunod

Salita Literal Metaporikal

Halimbawa Matigas ang kamay o Mahigpit ang pamumuno


Kamay na bakal may bakal ang kamay.

10
1. Ahas

2. Ilaw ng
tahanan

3. Tupa

4. Hulog ng
langit

5. Anghel

Pagsasanay 2
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salita sa pagbuo ng pangungusap
ito man ay pagtutulad o pagwawangis.

Salita Pangungusap

Halimbawa
Halimbawa
Kamay na bakal
Ginamit ni Juan ang kamay na bakal sa kanyang
-
nasasakupan.

11
1. Ahas

2. Ilaw ng
tahanan

3. Tupa

4. Hulog ng
langit

5. Anghel

Suriin Natin

Pagpapatunay na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring


maganap sa kasalukuyan at sa tunay na buhay.

Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa parabulang


binasa. Sa kabilang bahagi naman ay ihambing ang mga pangyayari sa akda
kung ito ba ay posible o hindi posibleng mangyari sa totoong buhay. Ihambing
ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay.

12
Mga pangyayari sa akda Mga Pangyayari sa tunay na buhay

Ito ay posibleng mangyari sa tunay


na buhay. Isang halimbawa nalang
nito ay ang mga balitang
napapanood natin sa telebisyon na
Hal. Nagreklamo ang mga nagsasagawa ng rally ang mga
manggagawa
empleyado laban sa kompanyang
sa ubasan
pinapasukan dahil sa tingin nila ay
hindi pantay at may mali sa
karapatan at benepisyong kanilang
natatanggap.
Maagang-maaga naghahanap ng
trabaho ang mga tao.

Mga taong maghapong nakatayo


sapagkat walang taong gustong
magbigay ng trabaho sa kanila.

Nakatanggap ng pare-parehong
upa kahit ang iba ay nauna at
ang iba ay nahuli sa pagpasok.

Basahin at unawain ang pamantayan sa ibaba bilang iyong gabay sa


pagbuo ng gawain. Ang pamantayan sa ibaba ay ang siyang gagawing gabay
ng guro sa pagmamarka ng iyong gawain.

13
Pamantayan sa Pagsulat ng Pagmamarka

NILALAMAN PAGPAPALIWANAG GAMIT NG WIKA

5 5 5

Ang pinaghambingan Naaakma ang Wasto at angkop ang

ay totoong nangyayari paliwanag sa baybay, gamit ng salita

sa tunay na buhay pangyayaring at bantas.

pinaghambingan

Payabungin Natin

Basahin ang isa pang parabula at sagutan ang hinihingi sa ibaba.

PARABULA NG BANGA

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang


tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay
mo.”
“Bakit madalas mong inuulit ang mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng
anak na banga na may pagtataka.
“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na
makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.”

Gabay na Tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Sapagkat ayokong


kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha
lamang sa ating mga kauring banga.”?

14
Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa
kanyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa
makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng bangang
porselana, ang isang makintab na bangang metal, at maging ang iba pang
babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay magkakaiba.

Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit hindi siya maaaring
makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa sila mula sa iba’t ibang
materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay
tsokolate at may dilaw. Sila ay may kaniya-kaniyang kahalagahan. Hinulma
sila nang pantay-pantay. Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o
dekorasyon.

Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa


kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig
sa kanya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit siya
sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang
disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon
ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa
kaniyang tindig.

“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri


ng banga. Wala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili.
At sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, “Oo, maliligo ako sa lawa
kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan.”

‘’Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa.


Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.

Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang


porselanang banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit hindi nila gusto,
bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang malaking alon ang humampas
mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

15
Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari.
Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na
banggaan nila.

Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog sa ilalalim ng tubig


naalaala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

2. Anong aral o mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais


ipabatid ng parabula?

Gawain 1

Panuto: Paghambingin ang dalawang parabulang nabasa.

PAMAGAT May-ari ng Ubasan Parabula ng Banga

SAAN
NAPATUNGKOL
ANG AKDA

MENSAHE O ARAL NA
NAKAPALOOB

16
Pagnilayan Natin

Alamin natin ang naging kabisahan sa iyo ng mensahe ng parabula sa


pamamagitan ng pagdurugtong mo sa panimula ng mga pangungusap.

Matapos kong mabasa ang dalawang parabula nalaman


ko at tumatak sa aking isipan na
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________
Nararamdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________
Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula
ngayon kagaya ng
______________________________________________________________

17
18
Sanayin natin
1. S 6. S
2. M 7. S
3. S 8. M
4. M 9. S
5. M 10. M
Subukin Natin Aralin Natin Gawin natin
1. b 1. b
1. d
2. c 2. a
2. c
3. c 3. c
4. d 3. a
4. d
5. d 5. d 4. b
5. d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• Romulo N. Peralta, Donabel C. Lajarca, Eric O. Cariňo, Ma.


Aurora C. Lugtu, Mary Grace A. Tabora, Jocelyn C. Trinidad,
Sheila C. Molina, Lucelma O. Carpio, Julieta U. Rivera, Vilma
C. Ambat, Panitikang Asyano Modyul ng Mag- aaral sa Filipino,
Kagawaran ng Edukasyon, Meralco Avenue, Pasig City
Philippines, Unang Edisyon 2014.

• K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department


of Education, 2016.

• K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino


Grade 9. Department of Education, Curriculum and
Instruction Strand 2020.

19
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Rehiyon XI

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like