Dula Dulaan
Dula Dulaan
Dula Dulaan
ng Trahedya
ni: Jodelyn
B. Rios
Tagpuan 1: Sa tambayan
Tagapagsalaysay: Isang araw, inaya si Isko ng kanyang kabarkada sa isang munting salo-salo at
kasiyahan doon sa kabilang barangay na di kalayuan sa kanila.
Alvien: Pare, punta ka sa amin bukas, kaarawan ko. May konting salo- salo tayo.
Isko: Sige pre. Magpapaalam lang ako sa inay.
Badet: Sus. Baka naman magpapaalam tapos hindi ka pupunta. Porket nalayo ka lamang ng
bahay e nakalimot ka na. hahahaha.
Isko: hindi naman par. Kahit ako’y napalayo e hindi naman ako nakakalimot. Pupunta ako
bukas.
Alvien: Siguraduhin mo ha at iyon ay kaarawan ko. Minsan lamang iyon.
Kinabukasan ng hapon…
Tagpuan 2: Sa bahay
Tagpuan 3: Sa ospital
Doktor: Pasensya na po kayo. Sinubukan po naming irevive ang pasyente subalit di niya na po
kinaya.
Mang Juli: Wa…wa…la na po talaga? Diyos ko!
Doktor: Pasensya na po talaga. Wala na po tayo magagawa.
Dingdong: Tay Juli. Lakasan niyo ho loob niyo. Wala po tayong magagawa. Hanggang doon na
lamang po talaga.
Mang Juli: Dios ko! Bakit nagkaganoon? Ambilis ng pangyayari. Ayos pa siya kanina umaga e.
huhuhu.
Tagpuan 4: Sa bahay
Tagapagsalaysay: Sa matinding pag- aalala ng mag- inang si Aya at Aling Fely, biglang
tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Aya.
Aya: Helow? Sino po ito?
Dingdong: Neng, layo ka sa nanay mo.
Aya: Bakit po?
Dingdong: Neng…wag kang mabibigla…ahm..ahm…wala na si kuya mo!
Aya: Huhuhu..Totoo po ba ang sinasabi niyo? Wala na po si kuya? Huhuhu.
Dingdong: Oo neng. Wala na nagawa ang mga doctor sa kuya mo. Di na siya nakaabot sa
ospital.
Aya: Dios ko! Kuya ko! Kuya ko!
Tagapagsalaysay: Sa pagkakahandusay ni Aya sa sahig ay patakbong lumapit si Aling Fely sa
anak at kinuha ang telepono.
Aling Fely: Helow? Anong nangyari?
Aya: Nay! Huhuhu…Nay!
Aling Fely: Helow? Anong nangyari!?
Dingdong: Aling Fely! Wala na po si Isko.
Aling Fely: Dios ko! Wala na talaga?! Ha? Wala na talaga!?
Dingdong: Magpakatatag po kayo!
Tagapagsalaysay: Napalumpasay na lamang si Aling Fely at Aya sa puntong iyon. Iyon ay
lumipas na parang isang bangungot. Kinaumagahan ay umuwi na rin galing sa Maynila ang isa
pang anak ni Aling Fely at kapatid ni Aya na si Kuya Jun nang mabalitaan ang nangyari. Sa pag-
uwi nito ay nabalot ng luha ang buong sambahayan.
Kuya Jun: Nay, Aya!
Aya: Kuya, anong gagawin natin? Wala na si Kuya Isko!
Kuya Jun: Bakit naman nangyari iyon? Nakainom ba siya?
Aya: Hindi naman daw siya lasing e sabi ng mga kaibigan niya.
Kuya Jun: E bakit nangyari iyon? Dapat di na siya pinayagan umalis. Dios ko!
Aya: Kuya si nanay e kanina pa di kumikibo. Hinihintay pa din ang pag- uwi dito ni kuya Isko.
Kuya Jun: Nay, andito na ho ako. Magpakatatag kayo inay! Andito pa po kami ni Aya.
Aling Fely: Bakit si kuya mo pa? Di nalang ako ang kinuha, Bakit siya pa?
Kuya Jun: Inay wag niyo sabihin yan! E paano kami ni Aya kung kayo ang mawawala sa amin.
Inay may dahilan ang Diyos. Magpakatatag kayo para sa amin na natitira. Huhuhu.
Aya: Nanay, mas di naming kaya kapag kayo ang Nawala sa amin. Parang awa niyo na po.
Magpakatatag kayo inay!
Tagapagsalaysay: Maya- maya pa ay dumating na rin si Aling Juli kasama ang bangkay ni Isko.
Labis ang pagluha ni Mang Juli at ng buong pamilya habang dahan- dahang ibinababa ang
bangkay. Sa pagpasok nito sa loob ng tahanan ay di napigilan ni Mang Juli ang mapahandusay sa
sahig sa sobrang hinagpis.
Mang Juli: Isko! Isko! Dios ko! Bakit ka Nawala sa amin!
Aya: Tay! Tay!
Mang Juli: Sino na lamang ang aasahan kong tutulong sa akin?! Anak!
Kuya Jun: Tay, nandito pa po kami. Tatagan niyo naman po ang loob niyo.
Aya: Tay, wala na po si kuya! Di po namin kaya kapag kayo rin e mawala pa sa amin. Tahan na
kayo tatay.
Tagapagsalaysay: Ang lamay ni Isko ay dinaluhan ng maraming kaibigan at kamag- anak. Ito ay
nagging pawang pista sa dami ng taong nakiramay.
CLefford: Nanay Fely, nakikiramay po kami.
Alvien: Ako rin po ante.
Badeth: Nakikiramay kami Aling Fely. Napakabait po ni Isko. Di po naming akalain na
magkakaganito. Nagbibiruan lang kami kahapon e.
Aling Fely: Salamat sa inyo. Hindi ko alam kung paano ko kayo iintindihin. Umupo nalang kayo
diyan.
Clefford: Ayos lang nay Fely. Kayo ho e magpahinga rin. Puyat na po kayo sa ilang araw.
Aling Fely: Hindi. Kaya ko pa. babantayan ko si Pare niyo dito.
Aya: Nay, ako na po muna magbabantay. Magphinga na po muna kayo.
Aling Fely: Hindi ako makatulong nene. Okey lang ako dito. Intindihin mo nalang ang mga
bisita.
Tagpuan 5: Sa sementeryo
Aling Fely: Anak, paalam! Huhuhu. Kami ay lagi mo babantayan! Mahal na mahal ka namin.
Mang Juli: Isko, wag mo na kami aalalahanin ha? Ikaw ay makakapagpahinga na. kami ay
magiging okey dito. Di ka naming makakalimutan.
Aya: Kuya, paalam. Salamat sa lahat. Wala nang mangangamusta sa akin sap ag- aaral ko at
kung kumain na ako. Mahal na mahal ka naming kuya.
Kuya Jun: Kuya patawad at nahuli ako. DI man lang kita naabutan nang buhay. Mahal na mahal
ka naming.
Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng libing ay nabalot na ng kalungkutan ang buong sambahayan.
Pagkatapos ng ilang buwan…
Tagpuan 6: Sa kusina
Aya: Nay.
Aling Fely: Ano yun anak?
Aya: ahm…ahm…
Aling Fely: Anong problema anak? Bakit ka umiiyak?
Aya: Nay! A…a…ahm…
Aling Fely: Ano nga iyon Aya?
Aya: Nay buntis po ako! Huhuhu.
Tagapagsalaysay: Nabalit ng katahimikan ang paligid sa mga sandalling iyon. Walang umiimik.
Tagpuan 7: Sa ospital
Nars: Sir, pakihanda po ng damit ng bata ng pasenteng si Aya Rios. Nasa delivery room na po
siya.
Ken: Talaga po?
Aling Fely: Naku! Lalabas na ang apo natin Juli.
Mang Juli: Ken, ano oras daw lalabas ang apo ko.
Ken: Di pa po alam tay pero nasa delivery room na po siya.
pagkatapos ng 10 minuto
Nars: Sir, kukunin ko na ang gamit ng bata. Nakalabas na po ang bata, babae po. Abangan niyo
na lamang at maya- maya e andiyan na! Congratulations po!
Ken: Salamat po!
Aling Fely: Ano daw ken ang sabi ng nars?
Ken: Nay nakalabas na daw po ang bata. Maya- maya po e andiyan na.
Mang Juli: Nakakatuwa naman! Makikita na natin apo natin.
Tagapagsalaysay: pagkalipas ng ilan pang sandali ay dumating na ang sanggol. Ang sanggol na
ngayon ay naghahatid ng saya sa kanyang buong pamilya. Ang dating malamlam na tahanan ay
nagbalik na muli sa dati nitong makulay na mundo.