Filipino: Quarter 3 Sanhi Atbunga

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

3

FILIPINO
Quarter 3 – Module 9:
Sanhi atBunga

DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Filipino – Grade 3 Alternative
Delivery Mode Quarter 3 –
Module 9
First Edition, 2019

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall


subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall
be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., pictures, photos, brand names, trademarks,


etc.) included in this modules are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors
do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of


Education Secretary: Sara Z. Duterte
Undersecretary: Gina O. Gonong

Development Team of the Module

Writer/s: ALMA SHERIE D. SABAS


Editors:
Illustrators:
Management Team:
RIZA E. PERALTA - Librarian II
GRYAN LYLE C. NAVARRO - Project Development Officer II
BERNARDO P. BERONILLA - Education Program Supervisor LRMS
HENRIETA A. BRINGAS, EdD - Education Program Supervisor ESP/Kindergarten

Consultants:
HEDWIG M. BELMES - Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division
CHRISTOPHER C. BENIGNO PhD, EdD, CESO VI - Assistant Schools Division Superintendent
AMADOR D. GARCIA SR. PhD, CESO VI - Schools Division Superintendent

Printed in the Philippines by

DEPARTMENT OF EDUCATION – SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ABRA


Office Address: Actividad-Economia Street, Zone 2, Bangued, Abra
Telefax: (074) 614-6918
E-mail Address: abra@deped.gov.ph
3

Filipino
Quarter 4 – Module 9
Sanhi at Bunga
Introduction
This material is written in support of the K to 12 Basic Education Program to
ensure attainment of standards expected of students.

In the design of this learning material, it underwent different processes –


development by writers composed of classroom teachers, school heads, supervisors,
specialists from the other Department and other Institutions; validation by experts,
academicians, and practitioners; revision; content review and language editing by
members of Quality Circle Reviewers; and finalization with the guidance of the
consultants.

With the different activities provided in every module, may you find this
material engaging and challenging as it develops your critical-thinking and problem-
solving skills.
Lesson
Sanhi at Bunga
1

Alamin

Ang modyul na ito sa Filipino ay para sa mga mag-aaral na


tulad mo.
Marami ka nang narining o nabasang mga pangungusap na
naglalahad ng tinatawag na sanhi at bunga. Sa araling ito,
tutulungan ka niyang matukoy o mailahad ang mga sanhi at
bunga sa napakinggang kwento.

Gamit ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Makapagsasabi ng sanhi at bunga ayon sa nabasang
pahayag.

Subukin

Panuto: Basahin ang talata.

Nagulat si Ada paglabas niya ng paaralan dahil nakita


niyang nag-aabang ang kanyang ina. Gusto niyang malaman ang
dahilan kung bakit kaya nagmamadali siyang tumawid. “Inay,
bakit po kayo nandito?” and nag-aalalang tanong ng bata sa ina.
“Gusto ko kasing makita ang iyong reaksiyon kaya nagpasiya
akong magpunta na sa iyong paaralan,” ang sagot naman ng
kanyang ina. May lalaking lumapit sa mag-ina. Biglang napatalon

1
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
si Ada sapagkat naroon pala ang kanyang ama. Napaiyak ito sa
tuwa dahil halos isang taon din niyang hindi nakita ang kanyang
ama. Nagtratrabaho kasai ito sa Dubai kaya minsan lang ito
makauwi sa bansa. Tuwang-tuwang umuwi ang mag-anak.

Isulat sa loob ng kahon ang dahilan ng mga pangyayari.

Nagulat si Ada

Nagmamadali siyang tumawid

Nagpunta ang kanyang ina


sa paaralan

Biglang napatalon si Ada

Napaiyak si Ada sa tuwa

Minsan lang makauwi ang


tatay niya

2
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Balikan

Panuto: Punan ng angkop na sanhi at bunga ang


mga kahon kaugnay ng sinundang detalye.
Sulyap sa Buhay Mag-aaral

Mga Sanhi Mga Bunga

Tamad na mag-aaral

Nagkasakit sa baga

Mahilig maglakwatsa

Nakulong sa bilangguan

3
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Tuklasin

May napapansin ka ba sa mundo at sa buhay natin ngayon?


Anu-ano ang mga ito? May mga pagbabago ba na nangyayari
sa pang-araw-araw natin na ginagawa? Nakabubuti ba o
nakasasama ang mga ito? Sa palagay mo, sino kaya ang may
gawa nito?

Babasa ka ngayon ng kuwento ngunit bago ka mag-umpisa


alamin mo muna ang kahulugan ng mga salitang mahirap na
mababasa mo sa kuwento.

Talasalitaan:
1. Pagdiriwang - selebrasyon; pagpipista
2. Dukha - mahirap
3. Tradisyon- kaugalian na pamana ng unang panahon
4. Biyaya- grasya, kaloob ng Diyos
5. Nananaghoy- labis na pag-iyak

Ngayon, handa ka nang basahin ang kwento ng ilog na


nagagalit.
Minsan, Nagalit ang Ilog

https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipno-6-dlp-16-pagbibigay-ng-sanhi-at-bunga

4
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang
pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati,tatlong araw
na namang ipinagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si
Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na
pagsasaya ang magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng
pagdiriwang. Walang tigil ang handaan para sa lahat. Bawat
tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa.
“ Walang saysay ang ang tatlong araw na pagdiriwang kung
walang pagodang igagayak,” ang sabi ng Kapitang ng Barangay.
“ Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron,sakay
ang bangkang napapalamutian ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw
at sari-saring dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani
natin taun-taon,” dagdag pa ng Kapitan.
“ Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng
prosisyon sa ilog?” ang tanong ng isang lalaking may maputi nang
buhok.
“ Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di
ba?” ang balik na tanong ng Kapitan. “ Napakaraming biyaya ang
ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit na tatlong
doble ang inani nating palay kung ihahambing nating sa
nakaraang taon. At higit na maraming isda tayong nahuli sa taong
ito.
Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na
maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,”
paliwanag pa nito.
Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna
natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin,” ang malungkot
na sabi ng dalaga.
“ Hayaan mo’t bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog.
May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na
ating pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,”
ang sabi ng Kapitan.

5
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi pa naipalinis
ni Kapitan ang ilog. “ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong
lahat sa prusisyong gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan.
“ Hindi na bale, 6 pagdaraan ng bangka, tiyak namang
mahahawi ang mga dumi at sukal na naghambalang sa ilog.”
Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa
prusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron.
Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming
dekorasyon may iba’t ibang kulay, hugis at sukat. Kayraming taong
ibig sumakay sa bangka. Bata’t matanda.
Nangatakot ang lulang ng bangka. Ibig nilang makaalis. Ibig
nilang tumalon. Ibig nilang lumundag sa ilog.
Nagkagulo ang mga tao.Ang lahat ay nangatakot.
Nangagsisigaw. May mga nagdarasal. Maraming umiiyak at
nananaghoy.
At.. at..unti-unting lumulubog ang bangka, kasama ang di
mabilang na mga sakay nito.
Kinabukasan, laman ng pang-umagang pahayagan ang balitang
may 205 sakay ng bangka ang namatay sa aksidenteng iyon.
Mahigit pa ring 100 tao ang nawawala. Saka naisip mi Kapitan ang
ilog. Ang maruming ilog na pinarumi.

Sagutin:
1. Nakakapamiyesta ka na ba sa baryo? Ano ang napapansin
mo sa bawat tahanan?
2. Gaano kahalaga para sa kanila ang pagdiriwang na ito?
3. Ano ang naganap sa araw ng pista?
4. Anong aral ang natutuhan mo sa kuwento?
5. Bilang mag-aaral, anu- ano ang magagawa mo para sa
kalikasan?

6
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Suriin

May mga pangyayari sa kuwentong may ugnayan.

Ano ang dahilan ng pagiging marumi ng ilog?


- Tinambakan nila ito ng mga basura.

Ano ang nangyari nang maraming tao ang sumakay sa bangka?


- Lumubog ang bangka.

May mga pangyayaring maiuugnay sa isa pang pangyayari


at maaaring ito ang sanhi o bunga. Pag-aralan mo ang dayagram
ng ugnayang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa ibaba

BUNGA SANHI

Tinambakan ng Naging marumi


basura ng mga ito ang ilog.
ang ilog.

Hindi nakinig ang mga Lumubog ang pagoda.


tao at sila ay sumakay
sa pagoda kahit
punong-puno na ito.

Sa pagpapahayag ng sanhi at bunga, gumagamit tayo ng mga pang-


ugnay na pangatnig. Ang mga pangatnig o conjunction sa Ingles ay mga
salitang nag-uugnay ng salita, parirala, sugnay, pangungusap at talata sa
isa’t isa alinsunod sa layunin nang nagpapahayag.

7
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Sanhi- ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito
ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Narito ang mga
pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.
• Sapagkat/pagkat
• Dahil/ dahilan sa
• palibhasa
• kasi
• nagging
• sanhi nito
Bunga- ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto
ng kadahilanan ng pangyayari. Narito ang mga pang-ugnay na
nagpapakita ng bunga o resulta.
• kaya/kaya naman
• dahil ditto
• bunga nito
• tuloy
Tandaan: Hindi lahat ng sanhi at bunga ay pinagmulan ng pang-
ugnay.

Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba, nakasalungguhit


ng isa ang sanhi habang dalawa naman ang bunga.
7
* Sapagkat masama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na siya
nakapasok sa paaralan.
* Nagkagulo sa palengke dahil sa balitang may nakatanim na
bomba roon.

May mga pahayag namang nagbibigay ng sanhi at bunga


nang hindi gumagamit ng pangatnig na pananda tulad ng
pangungusap sa ibaba. Ikinalungkot niya ang iyong pag-alis.

Batay sa mga halimbawa, ang sanhi ay ang mga dahilang


pangyayari at ang bunga ay ang epektong pangyayari.

8
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwang hanay sa angkop na
bunga sa kaliwa. Isulat ang titik ng
iyong sagot.

____ 1. Napakaingay ng mga a. Nagkaroon siya ng ulser sa


tao sa bahay kanyang sikmura
____ 2. Nakalimutan ni Andrew b. Pumunta siya sa klinika para
ang kanyang pitaka humingi ng gamot
____ 3. Hindi kumakain sa c. Nagising ang natutulog na
tamang oras si Mang Kanor sanggol
____ 4. Kaarawan ni Wilson d. Nabangga ang kanyang
ngayon. minamanehong dyip sa
nakatigil na kotse
____ 5. Sumakit ang ulo ni e. Hindi niya nabayaran ang
Diana habang siya ay nasa mga pinamili
klase
____ 6. Tumakbo si Aileen f. Napaso ang dila niya.
papasok ng kwarto habang
naglalampaso ang
kanyang kuya.
____ 7. Nagmamadaling ininom g. Antok na antok siya buong
ni Tatay ang kanyang bagong araw.
gawang kape
____ 8. Madaling-araw na h. Niregaluhan siya ng bagong
nakatulog si Renato bisikleta ng kanyang
tatay
____ 9. Gumagamit ng i. Nadulas siya s basing sahig
telepono ang drayber habang
siya ay nagmamaneho

9
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
___ 10. Napakalakas ng ulan j. Nahirapang umuwi ang mga
kaninang hapon tao dahil sa baha na sa mga
daanan
Pagsasanay 2
Panuto: Suriin ang mga piling pahayag sa kuwentong Minsan,
Nagalit ang Ilog. Alamin kung ano ang sanhi at bunga nito sa
magkaibang kahong nakalaan dito.

1. Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na


naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Sanhi: ________________________________________

Bunga: ______________________________________________

Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na


2.
maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa
taong ito,” paliwanag pa nito.

Sanhi: _______________________________________________

Bunga: ________________________________________________

3. “ Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa


prusisyong gaganapin.”umpisang paliwanag ng Kapitan.

Sanhi: _____________________________________________________

Bunga: ____________________________________________________

10
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ng isang
beses ang sanhi at dalawang beses ang bunga. Tingnan ang
halimbawa.

Hal: Hindi nakaligo si Daryl dahil nawalan ng tubig sa kanilang


bahay.

1. Ininom ni Dominic ang kalahating pitsel ng tubig sapagkat siya


ay uhaw na uhaw.

2. Iniipon ni Harry ang kanyang baong pera kasi gusto niyang bumili
ng laruang robot.

3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Erica dahil hindi niya ito isinara
ng maayos.

4. Nakalabas ng tarangkahan ang mga alagang aso ni Eunice


dahil hindi nila naisara ang pinto.

5. Dahil palagi siyang kumakain ng labis-labis, tumaas ang timbang


ni Jerome.

Isaisip

Ang ____________ ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga ______________ ng mga
pangyayari.

11
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Ang ____________ ay ang resulta, kinalabasan o dulot ng
pangyayari. Ito ay _________ ng mga kadahilanan ng mga
pangyayari.

Isagawa
Gawain A
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata. Kompletuhin ang
kahon sa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat ng sanhi at bunga
mula sa iyong nabasa.

Ang Pag-uwi sa Tagaytay


Ni: Charisse P. Talatala
Isang araw ng Sabado, nagpasyang umuwi ang mag-anak ni
Boyet sa Tagaytay. Nasasabik si Boyet na makita ang kanyang
Nanay Alice kaya niyaya niya ang kanyang mag-anak na
pumasyal doon. Malayo ang Tagaytay sa lugar ng mag-asawa
kaya matagal-tagal din ang kanilang biyahe.
Nasasabik din si Aling Alice sa kanyang anak kaya naghanda
siya ng masarap na pagkaing pagsasaluhan. Malamig ang simoy
ng hangin kaya nakadama agad ng ginhawa si Boyet. Masayang
nagsalo-salo ang buong mag-anak ni Amang Carpeng kaya
masasabing dadalasan ni Boyet ang pag-uwi sa Tagaytay.

SANHI BUNGA
Malamig ang simoy ng hangin
Niyaya ni Boyet ang kanyang
mag-anak na pumasyal sa
Tagaytay.
Matagal-tagal ang biyahe nina
Boyet.
Nasasabik si Aling Alice sa
kanyang mag-anak
Masayang nagsalo-salo ang
mag-anak

12
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Gawain B
Panuto: Magtala ng mga pangungusap na may sanhi at bunga
batay sa mga pangyayari sa kwento.

Isang araw si Juan ay sinabihan ng kanyang ina na mag dala


ng payong sapagkat nag babadya ang ulan dahil sa
makulimlim na kalangitan ngunit dahil sa pag mamadali ni
Juan ay hindi niya na inintindi ang bilin ng kanyang ina, at dali
daling nag tungo palabas. Habang naglalakad si Juan mga
ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang bahay ay
biglang bumuhos ang malakas na ulan at sa kasamaang
palad, wala siyang dalang payong, panangga ng ulan kaya
naman dali dali itong tumakbo palayo at sumilong, sa huli
matapos ang araw umuwi si Juan ng nilalagnat dahil siya ay
nabasa ng ulan .

Tayahin

Panuto: Basahin ang talata.

Nagulat si Ada paglabas niya ng paaralan dahil nakita


niyang nag-aabang ang kanyang ina. Gusto niyang malaman ang
dahilan kung bakit kaya nagmamadali siyang tumawid. “Inay,
bakit po kayo nandito?” and nag-aalalang tanong ng bata sa ina.
“Gusto ko kasing makita ang iyong reaksiyon kaya nagpasiya
akong magpunta na sa iyong paaralan,” ang sagot naman ng
kanyang ina. May lalaking lumapit sa mag-ina. Biglang napatalon
si Ada sapagkat naroon pala ang kanyang ama. Napaiyak ito sa
tuwa dahil halos isang taon din niyang hindi nakita ang kanyang

13
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
ama. Nagtratrabaho kasai ito sa Dubai kaya minsan lang ito
makauwi sa bansa. Tuwang-tuwang umuwi ang mag-anak.

Isulat sa loob ng kahon ang dahilan ng mga pangyayari.

Nagpunta ang kanyang ina


sa paaralan

Nagmamadali siyang tumawid

Nagulat si Ada

Minsan lang makauwi ang


tatay niya

Napaiyak si Ada sa tuwa

Biglang napatalon si Ada

Karagdagang Gawain

Bumuo ng 5 pangungusap na may sanhi at bunga. Suriin ang


sinalungguhitang pahayag kung ito ay sanhi at bunga.

Halimbawa:
Sa sobrang lakas ng pagtakbo ni Alex siya ay nadapa. Bunga

1.
2.

14
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
Isagawa
DO_Q3_Filipino 3_Module 9 15
- Magkakaiba ang sagot
Karagdagang Gawain
5. Naroon pala ang kanyang ama.
4. Nakita niya ang kanyang ama.
3. Nagtratrabaho sa ibang bansa.
2. Gusto niyang malaman ang dahilan.
reaksiyon. Pagsasanay 3
1. Ininom ni Dominic ang kalahating pitsel ng tubig
1. Gusto niyang makita ang kanyang
sapagkat siya ay uhaw na uhaw.
Tayahin
2. Iniipon ni Harry ang kanyang baong pera kasi gusto
niyang bumili ng laruang robot.
3. Tumapon ang tubig sa baunan ni Erica dahil hindi niya
Isaisip ito isinara ng maayos.
- Sanhi 4. Nakalabas ng tarangkahan ang mga alagang aso ni
- Kadahilanan Eunice dahil hindi nila naisara ang pinto.
- Bunga 5. Dahil palagi siyang kumakain ng labis-labis, tumaas
- Epekto ang timbang ni Jerome.
Pagsasanay 2 Pagyamanin
1. Sanhi: Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan Pagsasanay 1
1. C 6. I
Bunga: Tuwang-tuwa ang buong baryo.
2. E 7. F
2. Sanhi: Napakaamo ng dagat
3. A 8. G
Bunga: Ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang 4. H 9. D
kapistahan natin sa taong ito 5. B 10. J
3. Sanhi: Abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin.
Bunga: Hindi ko naipalinis ang ilog.
Subukin
1. Dahil nakita niyang nag-aabang
ang kanyang ina
2. Gusto niyang malaman ang
dahilan.
3. Gusto kasi niyang makita nag
kanyang reaksiyon.
4. Naroon ang kanyang ama.
5. Nakita niya ang kanyang ama.
Balikan
Susi sa Pagwawasto
5
4.
3.
References
Auguis, Catrina S. znnhs.zdnorte.net. n.d. https://znnhs.zdnorte.net/wp-
content/uploads/2020/11/Fil7_Q1_W4.pdf (accessed November 30, 2020).
bleimartinez. quizizz.com. 2018.
https://quizizz.com/admin/quiz/5b7f2cdf3e64720019071dce/formatting-
text (accessed November 25, 2020).
careeronestop.org. n.d.
https://www.careeronestop.org/WorkerReEmployment/JobSearch/ReflectA
nalyzeAndExplore/knowledge-skills-and-abilities.aspx (accessed November
28, 2020).
courses.lumenlearning.com. n.d. https://courses.lumenlearning.com/sac-
counseling116/chapter/professional-skill-building/ (accessed November 28,
2020).
educationplanner.org. n.d. http://www.educationplanner.org/students/career-
planning/find-careers/careers.shtml (accessed November 28, 2020).
Grover, Chris. oreilly.com. n.d. https://www.oreilly.com/library/view/word-2007-
the/059652739X/ch04.html#word2007tmm-CHP-4-FIG-1 (accessed
November 25, 2020).
Johnson, Steve. informit.com. May 1, 2003.
https://www.informit.com/articles/article.aspx?p=2030049&seqNum=15
(accessed November 25, 2020).
Mateo, Kyle. quizizz.com. n.d.
https://quizizz.com/join/game/U2FsdGVkX1%252FOno1IbXnrNZlF%252B
HS0pK8Vo6SHjTem%252FwAkJF8gQIH1gAii9mh8fbw3?gameType=solo
(accessed November 25, 2020).
Noel Menor, Fritz Dominic Zarate. Realistic Math Scaling Greater Heights . Quezon
City: Sibs Publishing House, 2015.
prezi.com. n.d. https://prezi.com/stsetq9e0mdq/sanhi-at- (accessed November 30,
2020).
prezi.com. n.d. https://prezi.com/stsetq9e0mdq/sanhi-at-
bunga/?frame=fdbac09cb8d5974e98a3367fa50c4ece2428ad69 (accessed
November 30, 2020).
Roma G. Perez, Lino C. Reynoso, Evangeline Ilagan, Misael Jose Fisico. 21st Century
Mathematics. Quezon City: Phoenix Publishing House, 1999.
sallen04. quizizz.com. 2018.
https://quizizz.com/admin/quiz/5bb43736a1d0d5001a813df8/word-2016-
104-paragraph-formatting (accessed November 25, 2020).
teacherabiworksheets.blogspot.com. n.d.
http://teacherabiworksheets.blogspot.com/2015/11/filipino-sanhi-at-
bunga.html (accessed November 30, 2020).

16
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
teststeststests.com. n.d. https://www.teststeststests.com/microsoft-office/word-
2016/tests/3-formatting/2-formatting-paragraphs/index.html (accessed
November 25, 2020).

17
DO_Q3_Filipino 3_Module 9
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Schools Division Office of Abra
Actividad - Economia Street, Zone 2, Bangued, Abra
Telephone No.: (074) 614-6918
Email: abra@deped.gov.ph
Website: depedabra.com

You might also like