AP6-Q4-MODULE-1-SALITA

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

6 Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng
Batas Militar

Manunulat: Carol-Lyn A. Salita

0
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Suliranin at Hamon sa
1 Ilalim ng Batas Militar

Alamin

Bakit mahalagang malaman ang katatagan at pagsisikap ng mga Pilipinong


maibangon ang kabuhayan ng bansa noong ikatlong Republika?

Ang modyul na ito ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng


batas militar.

Paano nakaapekto sa politika, kabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino ang


pagsasailalim ng bansa sa batas militar?

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng batas militar;
1.1 naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay daan sa
pagtatakda ng Batas Militar;
1.2 nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng batas militar sa
politika, pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin

Word Search. Hanapin at markahan ang mga salita sa kahon.

Balikan
Sagutin ang mga tanong: Ilagay ang iyong sagot sa patlang
1. Alin sa mga programa ng pamahalaan noong ikatlong republika ang nagustuhan
mo? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Anong programang pang edukasyon ng pamahalaan ang nakapagpataas ng


antas ng ating pamayanan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Sa iyong paraan, paano ka makatutulong lumutas sa problemang pang
edukasyon?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Sa programa ng dating Pangulong Garcia na Pilipino Muna, paano kaya


makatutulong ang isang mag-aaral na gaya mo?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Paano makatutulong ang isang mag-aaral na mapaunlad ang ating bansa?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Tuklasin

Sa pagtalakay sa modyul na ito ay iyong mauunawaan ang mga kaganapan na


humantong sa pagkakaproklama ng Batas Militar at ang mga naging epekto nito sa bansa at
mamamayan.

Suriin

Basahin at Suriin

Natapos ang Ikatlong Republika ng ideklara ng noong Pangulong Ferdinand


Marcos ang Batas Militar.
Ang unang termino ni Marcos ay natatangi. Naging maayos ang pangkabuhayan
ng mamamayan sa bansa. Ngunit ito ay nabago pagdating ng ikalawa niyang termino.
Naging magulo ang bansa. Kaliwa’t kanan ang rali at demonstrasyon. Upang
masolusyunan ang lumalalang kahirapan at kaguluhan, noong ika-21 ng Setyembre,
1972, sa isang television broadcast, inihayag ni Marcos ang pagsasailalim ng buong
bansa sa Batas Militar. Nasaksihan ng madla ang hindi malilimutang pangyayari noong
Setyembre 23, 1972. Ang pangulo ng Pilipinas, na siya ring pinuno ng Sandatahang
Lakas ay nagdeklara ng Batas Militar sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 1081.

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang mga pangyayaring nagtakda sa Batas Militar
 Mga rali at demonstrasyon ng mga
kabataan at manggagawa ay naging
laganap at kadalasang nauuwi sa
karahasan sa pagitan ng mga welgista at
mga pulis
 Pagkatatag ng mga kilusang makakaliwa:
Communist Party of the Philipines (CCP)
ni Jose Maria Sison, New People’s Army
(NPA) Bernabe Buscayno, at Moro
National Liberation Front (MNLF) ni Nur
Misuari.
Ang Plaza Miranda Bombing
Sa gitna ng pangangampanya ng Partido Liberal ng mga tatakbong senador
noong Agosto 21, 1971, isang malakas na pagsabog ang narinig sa gitna ng Plaza
Miranda sa Quiapo, Manila. Maraming nasugatan at mayroon din namatay. Sinasabing
ang grupo ng NPA ang may kinalaman sa madugong kaganapan. Ngunit, hanggang
ngayon, matapos ang limampung taon, wala pa ring napatunayan sa may kagagawan.

Ang Writ of Habeas Corpus


Ang sunod-sunod na kaganapan ng mga kaguluhan at karahasan ang naging
basehan ng desisyon ng Pangulong Marcos na ihayag ang Proklamasyon Bilang 889
na nagsususpinde o pumipigil sa karapatan o pribilehiyong writ of habeas corpus. Ang
Writ of Habeas Corpus ang nagbibigay ng karapatan sa isang mamamayan ng kanyang
karapatan na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis. Ang isang mamamayan ay
may karapatang basahin muna ang warrant of arrest bago tuluyang hulihin. Ang
pribilehiyong ito ang nangangalaga sa tao upang sila ay hindi makulong ng labag sa
batas. Ang pagpapatigil ng Habeas Corpus ang simula ng paghuli sa mga hinihinalang
mga lider na nagnanais pabagsakin ang namumuno ng pamahalaan.

Ang Batas Militar


Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng espesyal na kapangyarihan ang
pangulo. Nakagawa at nakapagpatupad ng mga batas sa ilalim ng:
 Presidential Decree (Kautusang Pampanguluhan)
 General Orders (Kautusang Pangkalahatan)
 Letter of Instruction ( Liham-Pagpapatupad)

Sa ilalim ng General Order No.2-A, inatasan ang Kalihim ng Tanggulang Pilipinas


na dakpin o hulihin ang mga taong nakagawa ng krimen o sino mang may kinalaman
sa anumang paghihimagsik sa pamahalaan. Sa ilalim ng Batas Militar, tanging ang
pangulo lamang ang makapangyarihan sa lahat. Siya rin ang tumayong Punong
Ministro. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, binago ang Saligang Batas. Sa
pagpapatibay nito noong 1973, ang pangulo na rin ang siyang puno na namamahala sa
batasan at gabinete, at pamamahala ng korteng militar, siyang tagapaglitis sa mga
sundalo at mamamayang nagkasala sa batas.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ilan sa mga pinairal na batas:
 Curfew mula ika-12 ng hatinggabi hanggang ika-4 ng madaling araw.
 Pagkontrol at pagsala sa media-telebisyon, radyo at pahayagan.
 Pagbabawal ng mga rali, demonstrasyon at welga.
 Pagsuspinde, maliban sa utos ng gobyerno, ng pangingibang bansa.
 Paggawad ng parusang kamatayan sa sinumang mahuling may dalang armas ng
walang pahintulot.

Mga Epekto ng Batas Militar


Positibo:
 Naging sapat ang suplay ng bigas sa bansa
 Sumigla ang agrikultura at iba pang industriya
 Nakontrol ang mga kaguluhan
 Lumaganap ang mga proyektong pang imprastraktura gaya ng mga highway,
mga tulay at kalsada.
 Lumawak ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
 Naging masigla ang kulturang Pilipino
 Nakapagpatayo ng mga paaralan, ospital at mga daycare center.
 Pabahay para sa mga maralitang taga-lunsod

Negatibo:
 Paglaganap ng nepotismo o mga magkakamag-anak sa politika
 Pagtaas ng katiwalian
 Pagsasara ng mga himpilan ng telebisyon, radyo at pahayagang tumutuligsa sa
gobyerno
 Pagpapatigil sa operasyon ng ilang piling mahahalagang industriya- telepono,
kuryente, tren at eroplano.
 Pagsikil sa karapatang pantao
 Pagpapahirap at pagpatay sa mga political prisoner at sinumang
mapagbintangang kalaban ng pamahalaan.

Dahil na rin sa pagkamulat ng mga Pilipino sa mga nagaganap, at sa patuloy na


pagtutuligsa sa mga korapsyon at paglabag sa karapatang pantao, winakasan ang
Martial Law sa buong bansa noong Enero 17, 1981 sa Proklamasyon Blg. 2045 ni
Pangulong Marcos.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung ito ay
ay wasto ayon sa tinlakay na paksa. Kung mali, salungguhitan ang maling salita at
isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________ 1. Umangat ang bansa sa unang termino ni Marcos.


__________ 2. Sa pangalawa niyang termino, lumaganap ang kaguluhan at kahirapan.
__________ 3. Upang mapigilan ang mga pagrarali ng mga tao, ipinahayag ni Marcos ang
Proklamasyon Blg. 889.
__________ 4. Naging lubos ang kapangyarihan ni Marcos sa ilalim ng Batas Militar.
__________ 5. Ang Writ of Habeas Corpus ay karapatan ng mamamayan sa tamang
proseso ng paglilitis.
__________ 6. Tagapamahala si Marcos ng batasan at gabinete pati na rin ng ibang
sangay ng tagapagpaganap.
__________ 7. Ang kilusang New People’s Army ay kilusan ng mga Moro sa Mindanao.
__________ 8. Ang Plaza Miranda ay isang lugar sa Maynila.
__________ 9. Marami ang natuwa sa pagkakaproklama ng Batas Militar.
__________ 10. Natapos ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972.

Isaisip
Ang bansa ay nakaranas ng lubhang kaguluhan at karahasan. Ang panganib sa
kaligtasan at kapayapaan ay dahilan kung bakit sinailalim ang bansa sa Batas Militar.
Mga dahilan ng pagproklama ng Batas Militar:
1. Pagsilang ng mga kilusang makakaliwa
2. Paglaganap ng mga suliranin sa kaayusan at kapayapaan.
3. Ang pagpapasabog sa Plaza Miranda
4. Pagsuspinde sa pribilehiyon ng Writ of Habeas Corpuz

Nagkakaroon ng mga espesyal na kapangyarihan ng pangulo na makagawa at


makapagpatupad ng batas.
Sa panahon ng Batas Militar, ang pangulo lamang ang may hawak ng kapangyarihan
sa pamahalaan.
Nagbigay ng positibo at negatibong epekto ang Batas Militar sa buhay ng mga Pilipino.
Maraming dahilan ng pagwawakas ng Batas Militar:
1. Pagkamulat ng ng mamamayan sa paglabag sa karapatang pantao
2. Nasiwalat ng mga pinagtakpang katotohanan ng mga media na hawak
ng pamahalaan.
3. Sumidhi ang damdamin ng mga kilusang tumutuligsa sa pamahalaan
4. Dumami na rin ang mga sector sa lipunan na tumutuligsa sa
pamahalaan
5. Ang pagdaing ng mga mag-aaral sa ilalim ng mga Student Council para
sa isang malayang pamamahayag,

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa

Sagutin ang Diagram: Ibigay ang hinihinging impormasyon.

Mga Dahilan at Epekto ng Batas Militar sa mga mamamayang Pilipino

Epekto
Dahilan

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Poster-Slogan. Gumawa ng isang poster-slogan na nagpapakita ng epekto ng Batas
Militar sa mga Pilipino. Gawin mo ito sa iyong kwaderno.
Mga pamantayan sa paggawa:

5 4 3 2

Paksa Mabisang Di-masyadong Medyo magulo Walang


naipakikita ang naipakita ang ang mensahe mensaheng
mensahe mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakagandang Maganda at Di-masyadong Di maganda
naipakita ang naipakita ang maganda ang ang
mga guhit at mga guhit at pagkakaguhit pagkakaguhit
titik titik at pagkatitik.
Kaugnayan Kita ang May Di-masyadong Di naipakita
malaking kaugnayan sa naikita ang ang
kaugnayan sa paksa kaugnayan sa kaugnayan sa
pakas paksa paksa.
Kalinisan Maganda at Malinis ang Inapura, Marumi ang
malinis ang pagkagawa. ngunit di pagkagawa.
pagkakagawa. marumi.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

A. Natutukoy ang mga importanteng mga detalye tungkol sa Batas Militar.


Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Siya ang pinakamatagal na nanungkulan bilang pangulo ng bansa.


a. Manuel L. Quezon c. Diosdado Macapagal
b. Ferdinand Marcos d. Elpidio Quirino

2. Sa ilalim ng Saligang Batas, ang pangulo ng bansa, ay may karapatan na magdeklara


nito bilang pinuno ng Sandatahang Lakas.
a. Writ of Habeas Corpus c. Search Warrant
b. Court Marshall d. Martial Law

3. Ang Batas Militar ay idineklara sa isang broadcast sa telebisyon ni Pangulong Marcos


noong:
a. Setyembre 21, 1972 c. Setyembre 23, 1972
b. Setyembre 20, 1972 d. Setyembre 22, 1972

4. Ito ang pribilehiyo ng mamamayan sa kanyang Karapatan sumailalim sa tamang


proseso ng paglilitis na sinuspinde sa ilalim ng Batas Militar.
a. Writ of Execution c. Writ of Habeas Corpus
b. Writ of Amendment d. Warrant of Arrest

5. Kilusang binubuo ng mga Muslim sa Mindanao.


a. NPA c. CCP
b. MNLF d. NBA

6. Ang pangulo ng bansa ay nasa ilalim ng anong sangay ng pamahalaan?


a. Ehekutibo c. Lehislatibo
b. Hustisya d. Parokyal

7. Dito naganap ang isang pambobomba na isa sa dahilan ng Martial Law.


a. Luneta Park c. Fort Santiago
b. Plaza Miranda d. Intramuros, Manila

8. Ang partidong nangangampaya ng maganap ang pambobomba sa Maynila.


a. Partido Liberal c. Partido Nationalista
b. Partido Demoktratiko Pilipino d. Pwersa ng Masang Pilipino

9. Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines.


a. Benigno Aquino c. Nur Misuari
b. Jose Maria Sison d. Mao Tse Tung

10. Samahan itinatag nina Bernabe Buscayno at Lucio Manlapaz.


a. NPA b. CCP c. MNLF d. ISIS

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi sa Pagwawasto

10. Enero 17, 1981 10. a

9. Di natutuwa 9. b

8.Tama 8. a
7. Kilusang Manggagawa 7. b

6. Mali 6. a
5. Tama 5. b
4. Tama 4. c

3. Prolamasyon Blg.1081 3. c
2. Tama 2. d
1. Tama 1. b

Pagyamanin Tayahin

Sanggunian

https://www.officialgazette.gov.ph/featured/declaration-of-martial-
law/#:~:text=President%20Ferdinand%20E.,the%20Philippines%20under%20Martial%20Law.&text=Throughout%20
the%20Martial%20Law%20period,by%20virtue%20of%20Proclamation%20No.

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carol-Lyn Salita


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene Corañez /John Miciano

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

You might also like