Panitikan_ng_Mindanao___Layron___Wilma.pptx

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 63

PANITIKAN NG

MINDANAO
Inihanda nina;
Christian Mark M. Layron &
Wilma Racab
Paunang Gawain!
Bawasan Mo Ako Para Mabuo!�

1. QFOJOTVMB OH ABNCPBOHB
2. IJMBHBOH NJOEBOBP
3. BOH EBWBP
4. TPDDTLBSHFO
5. BOH DBSBHB
6. BVUPOPNPVT SFHJPO JO NVTMJN NJOQBOBP
Layuning Pangnilalaman
■ Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Makilala at maunawaan ang ibat-ibang akdang pampanitikan sa Mindanao


partikular sa anim na rehiyong bumubuo rito,

b. Maikumpara ang paniniwala ng literaturang Mindanao sa iba‘t-ibang


rehiyon, at

c. Masuri ang mga popular na mga akdang pampanitikan sa Mindanao


bilang bahagi ng etnikong grupo na kanilang kinabibilangan.
• Ang ikalawang pinakamalaking
pulo sa katimugang bahagi ng
Pilipinas at isa ito sa tatlong
pinakamalaking grupo sa mga isla
sa bansa.
• May sukat na 94, 640 kilometro
kwadrado, mas maliit sa Luzon
ng mga 10,000 km

• Napapaligiran ng mga anyong tubig; Dagat Sulu - Kanluran, Dagat ng


Pilipinas - Silangan, at Dagat Celebes - sa Timog na bahagi.
• Ito ay mabundok at dito
matatagpuan ang bundok
Apo, ang pinakamataas na
bundok sa bansa.
• Ang grupo ay nahahati
sa anim na rehiyon na
nahahati naman sa 25
na mga probinsya.

• Dito naninirahan ang karamihan sa mga Moro o Muslim sa


bansa na kinabibilangan ng labintatlong (13) etnikong grupo
gaya ng mga sumusunod;
■ Jama Mapun ng Cagayan De ■ Iranon ng Cotabato
Tawi-tawi
■ Kaagan ng Davao del
■ Kalibugan ng Zamboanga Norte, Davao del Sur, at
■ Maguindanao ng Maguindanao Davao Oriental
■ Maranao ng Marawi ■ Tausug ng Sulu
■ Palawanon at Molbog ng Palawan ■ Yakan ng Basilan
■ Sama ng Tawi-tawi ■ Bangingi ng Tongkil at
Zamboanga
■ Sangil ng Sarangani
Para sa kabatiran ng lahat…

■ Ang mga grupong etniko sa Mindanao


ay may sariling mga katutubong
literatura, kung saan naipakikita ang
identidad o pagkakakilanlan bilang mga
grupong etnolingwistiko na nagpakilala
sa bawat grupo.

■ Nagkakaugnay sila sa kanilang


paniniwala at pananampalataya sa
Islam na kapansin-pansin sa kanilang
mga katutubong Literatura.
Para sa kabatiran ng lahat…
■ Ang katutubong literatura dito ay karaniwang oral ang tradisyon.
Nangangahulugang hindi lahat ay nakasulat at salinlahi sa pamamagitan ng
pagtatanghal at pagbibigkas nito dahil ang mga katutubong kwento ay
partisipatori ang katangian. Matapos makinig ang mga manonood, ito ay
nagbibigay ng reaksyon, bago niya ito muling ikuwento sa iba.
■ Ang komunidad ang nagmamay-ari sa akda at hindi iisang tao lamang.
■ Hindi mapagnilayan o mapagtuunan ng pansin ang paglilikom at
pagdodokumento dahil karamihan sa mga interesado sa ganitong gawain
ay mga iskolar at hindi Taga-Mindnao.
■ Nauubos na ang mga mamamayang nagpapahalaga sa kulturang yaman
nito. Karamihan ay nagsisitanda na, nagsilikas na sa ibang lugar, at
nangamatay na.
Anim na Rehiyon sa
Mindanao
• A. Peninsula ng Zamboanga
(Rehiyon IX)
• B. Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
• C. Ang Davao (Rehiyon XI)
• D. SOCCSKSARGEN (Rehiyon
XII)
• E. Ang CARAGA (Rehiyon XIII)
• F. Autonomous Region in Muslim
Mindanao (ARMM)
A. PENINSULA NG ZAMBOANGA (REHIYON IX)

■ Ang dating kanlurang Mindanao na binubuo ng ng;


- Zamboanga de Norte - Zamboanga del Sur - Zamboanga Sibugay
- Kasama ang dalawang lungsod (Syudad ng Zamboanga at Isabela)
■ Ang Zamboanga at Isabela ay hindi sakop ng alinman sa mga lalawigan.
■ Tandaan: Ang buong rehiyon dati ay iisang probinsya na tinatawag na
Zamboanga
■ Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa
Basilan. Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakihan ng rehiyon
subalit mababa ang establisyemento
Mga Tao at Kultura
■ Marami sa mga naninirahan dito ay mga Muslim,Pagano at mga Kristiyano.
■ May ibat ibang pangkat ng Muslim gaya ng Tausog, Subanon, at Yakan na
naninirahan sa Basilan.
■ Cebuano ay isa sa mga diyalektong sinasalita.May iba’t-ibang wikain tulad
ng Bagjao, Cebuano, Kalibugan, Tausog, Subanum, Sanduka, Sibuku,
Sama at Chabakano.
Mga Tao at Kultura

■ Ramadan o Pausa - Ito ay ang hindi pagkain ng mahabang panahon bilang


sakripisyo at alay kay Allah,ang diyos ng mga MuslimHariraya
■ Hadji - Matapos ang mahabang panahon ng hindi pagkain o sakripisyo ay
nagdiriwang naman sila ng kapistahang ito.
■ Tulak Bala - Isang tradisyon na ginaganap isang buwan sa isang taon at apat
na beses sa isang buwan tuwing Huwebes. Ang mag-aanak ay sabay-sabay
na maliligo sa dagat.

■ May paniniwalang ang mga Muslim na ang isang namatay ay dapat suotan
ng kanyang paboritong damit at bigyan o pabaunan ng tubig at pagkain dahil
malayo ang lalakbayin nito.
Mga Tao at Kultura

■ Samals - Dito matatagpuan ang magagaling sa paggawa ng Bangka na


ang tawag ay Vintas. Itinuturing silang matatapang na mandirigma sa
dagat. Magaling din silang magsaka ng lupa at balita rin sa paggawa ng
tanso.

■ Nanatili pa rin ang kaugalian ng mga Tausog na ang mga magulang


ang mag-aasikaso upang makasal ang kanilang mga anak kahit na
hindi pa nila halos kilala ang bawat isa. Dapat na magbigay ng dote ang
lalaki sa magulang ng babae na maaring alahas,pera,lupa o mga ani.
Panitikan sa Panig na Ito
■ A. Iringa o Kwentong Bayan
Hal. Si-amo ago si bowaya at Manik Buangsi

■ B. Alamat (Ang Dalawang Bundok, Alamat ng Yakan, at Anghel sa


Kalangitan) Anghel sa Kalangitan (alamat kung bakit umuulan)
Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung
bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa
kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay
umabot sa Diyos. Sabi ng Bathala.” Gabriyel, magtungo kasa mundo at
sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga anghel ay naliligo. Dahil
dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na
umuulan dahil naliligo ang mga anghel. At pagkatapos noon ay bumalik na
si Gabriel sa langit.
Panitikan sa Panig na Ito
■ C. Kabaraperanga - mga tulang papuri sa bayani ng digmaan.
■ D. Panaroon - mga salawikain
■ E. Antoka - bugtong (sa Tausog Tigum-Tigum) - ito ay bugtong para sa mga
Tausug na mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan.

Ito ay nahahati sa dalawang uri;


- tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap (kailangang magbigay ng
reaksyon ang kausap)
- inaawit sa isang okasyon (mang-aawit na siyang umaawit ng bugtong ang
siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood)
Panitikan sa Panig na Ito

■ Mga halimbawa:
a. Isang pirasong kahoy na maliit na halaman na mayroong maliit na sanga.
Hindi tumutubo sa Burol subalit sa gitna ng dagat. - Itim na Koral
b.Nagsabit ako ng bato, subalit nakakuha ako ng tubig – Niyog
c. Bulaklak sa tuktok ng puno mabilis na mahulog. – Durian
d. Habang ang itlog ay nasa loob, mayroon na itong buntot – Bawang
e. Ang katawan nito ay puno ng mata, namumunga ito ng maliit na buto
tuwing miyerkules. - pinya
Panitikan sa Panig na Ito
■ F. Dedao so wata - awit sa pagpapatulog ng bata.
■ G. Awiting Bayan - Inaku Duringding (Awiting Bayan mula sa
Zamboanga)

Pamagat at Nilalaman ng Nilalaman ng Awiting Bayan


Awiting Bayan

(Inaku duringding) Ang awiting bayan na ito ay nagpapahiwatig


Umaga na yata ng mga pang-araw-araw na mga gawain at
Nagtitilaukan na uri ng pamumuhay ng mga Taga-Mindanao.
Ang manok sa lupa. Wala silang sinasayang na mga sandali
Kayat ang sabi ko pagsikat ng araw. Bawat oras sa kanila ay
Sa matanda’t bata mahalaga at ang lahat ay kumikilos.
Matulog n ngayon
Bukas ay gawa.
Panitikan sa Panig na Ito

■ H. Isang Awit
Nilalaman ng Awit Salin sa Filipino

(Tap Tap mamamayan) Tap Tap mamayan (Ang Pag-ibig natin)Pag-ibig nati’y walang
ha daimman Ing saksi nato ing kiramanIkaw katapusanSaksi nating ang kalangitanIkaw’y
baa-yan buddiman Tungal wai limbangan ubod ng kadalisayanIsang walang
makapantay.

 I. Darangan - Pinakatanyag na epiko ng Mindanao na tinatawag rin na


“ang kwento ni batungan”. Binubuo ng 26 na aklat na may 8 tono at
inilimbag ng Mindanao State University.
Mga Manunulat ng Rehiyon IX

■ Antonio Descallar - Nagwagi siya ng unang gantimpala sa timpalak ng


pagsulat ng tula
■ Antonio Enrique - Siya ay sumulat ng mga maikling kwento tungkol sa
mga kristiyano at mga Muslim sa Timog
■ Ignacio Alvarez Enrique - Dalawa sa kanyang maikling kwento ay
nagwagi sa Philippine Free Press Short Story Contest
■ Olivia Acas - Baguhan pa lamang siya sa larangan ng pagsusulat ng
tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
■ Ibrahim A. Jubair - Siya ang kauna-unahang fictionist ng Zamboanga
■ Gonzalo Villa - Isang manunulat ng maikling kwento at mananalaysay
B. HILAGANG MINDANAO (REHIYON X)
■ Tandaan: Ang sentrong administratibo
ng Rehiyon ay Cagayan de Oro.Ang
mga Badjao ng Rehiyon X ay may
kakaibang uri ng pamamahay. Dahil sa
nakagisnan nila sa kanilang mga
magulang ang pagtira sa mga bahay
nanakatirik sa tubig, dala pa rin nila
ang ganitong uri ng pamamahay.

• Bagama't ang kanilang mga bahay ay yari sa nipa at dahon ng niyog, ang mga
ito ay matitibay at matagal din bago masira.Mais ang ginagawang pamalit sa
bigas at mahilig sa pagkaing may gata ng niyog.
Sining

■ Orkir o Okkil - Ito ay isang disenyo na ang ibig


sabihin ay inukit na karaniwang makikita sa
kanilang bangka, puntod, sandata, at iba pa
nilang kasangkapan.
■ Karaniwang laro na kinagigliwan sa rehiyong
ito ang sipa, sumping, bunong braso at bunong
paa na karaniwang ginagawa ng mga lalake.
■ Nagiging libangan din nila ang karera ng
kalabaw at karera ng kabayo.
Sa larangan ng musika
■ Kubing - ay isang uri ng instrumentong hinihipan na parang silindro na yari
sa kawaya.
■ Kulintang - isang uri ng instrumentong pangmusika rin na ginagamit sa mga
pagtitipon o pagdiriwang na may sayawan.
■ Tagotok - ay instrumentong ginagamit nila kung nag-aani ng palay,
sinasabayan din ito ng sayaw. Yari ito sa isang espesyal na uri ng malaking
kawayan na pinutol sa biyas nito,
■ Gabbang - isang instrumentong pangmusika na karaniwang tinutugtog ng
mga babae. Hugis bangka ito at yari rin sa kawayan. Ang gabbang ay
tinutugtog sa mga' kasalang ginaganap sa dagat.
Mga Panitikan sa Panig na ito...

■ Limbay - isang uri ng tula ng Taga-Bukidnon na karaniwang ginagamit nila


sa mga pagtitipun-tipon. Ito ay binibigkas nang paawit na punung-puno ng
damdamin.
■ Manti-Av-Ay Manduraw - isang tulang pasalaysay na nauukol sa tunay na
buhay ng isang matapang na mandirigma na nakatira sa pagitan ng Basak
at Tikalaan (mga lugar sa Bukidnon) Ang mandirigmang ito ay nagkaroon
ng isang magiting na anak na ang pangalan ay Duraw. Ang salaysay ay
nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamahal ng mga taga-Bukidnon kay
Duraw, panganay na anak ng Mandirigma.
Halimbawa ng Manti-Ay-Ay Manduraw

Manti-Ay-Ay Manduraw (Bukidnon Version)


Manti-ay-ay Manduraw Yontok inay Binaus Hura labi ka biro So kabukad ko
hikdop koo Sa liwada ko daluman Hura labi ka damalig So bulak ko damogo
ko Agu-rahikon ko dagmal Sa iliyan nabigalan Agsulsugan ko dayabo Sa Alat
na panukalan Naka-uba ka sa dagmal Ta hura no kabalayo Sa bantugan ko
ha hibang Mu-oy ko sambunotan Naka-uba ka sa dayabo Ta hura no
kasampan Sa muoy ko sabunatan Hura labi kabido Ha ulipon sa ngadan ko
Pagotpot ad lubid Sasabot ad ho pis Bakuson ho salapad Sapod-Od ka
magsubay Sa maduduya ha sandir Ta hura inman magbaya Ko ibani-ay ko
inmo luso Hura labi mabiro Ha ulipon sa ngaran ko Taigtundagayadta Lanaw
Tagbaliwas ad pando baylo ad ko ampik Ta ulipon sa ngaran ko Ta ugdop sa
tuganm-a ko.
Mga Panitikan sa Panig na Ito..

■ Sala - isa rin sa tulang pasalaysay ng mga taga- Bukidnon.


Nagpapahayag ito ng pagmamahal, binibigkas din nang
paawit subalit ang pagpapahayag ay patanong.
Manunulat ng Rehiyon X
■ Emnmanuel Lacaba - Siya ang sumulat ng liriko ng awit ng pelikulang
"Tininmbang Ka Ngunit Kulang ni Lino Broca.
■ Francisco R. Demetrio - Nakapagsulat siya sa tulong ng mga kasama
niya sa panulat. Kabilang sa kanyang mga nasulat ay an "Christianity on
Context" Patunay ng kanyang kahusayan sa pagsusulat ang"The National
Press Awards for Myths and Symbols", "Nationa! Book Awards from
Manila Critics", "Premio Pitre Somomone-Marino".
■ Reuben R. Canoy - Nakasulat siya ng mga tula, kuwento at dula.
■ Kabilang din bilang mga manunulat sina Miguel A. Bermard at Albert
Eduave Alejo.
C. ANG DAVAO (REHIYON XI)
■ Tandaan: Ang look ng Davao ay
nasa Timog at ito ang sentro ang
sentrong administratibo sa
nasabing rehiyon.
■ Kabilang ang pagsasaka,
pangingisda at pagtotroso bilang
kanilang pangkabuhayan.
■ Kilala rin ang rehiyon sa pagiging
pangunahing pinagkukunan ng
mga yamang mineral tulad ngginto
gayundin ang mga marmol.

• Naninirahan dito ang mga "Cebuano, Tagalog, Ilokano at Ilonggo.


Mga Panitikan sa Panig na Ito
Panitikan sa Panig na Ito
Manunulat ng Rehiyon XI
■ Jose Angliongto - Sumulat ng nobelang “The Sultenate” na handog niya sa
mga young overseas "Chinese”. Siiya ay naging kolumnista ng Mindanao
Time at naging tagapamahalang Mindanao Publishers.
■ Josephine Malay Dischoso - Naging isa sa manunulat ng UP Summer
Writers Workshop noong 1974. Kilala siya sa larangan ng panitikan at
pagpinta.
■ Aida Rivera Farol - Naging editor ng “Lands of Coral”. Siya rin ang sumulat
ng maikling kwento ng na “Bridge of Tomorrow” noong 1948.
■ Pepito Deiparine - Kilala bilang Peps at bilang Billingual Fictionist, makata, at
kolumnista.
D. SOCCSKSARGEN (REHIYON XII)
■ Tandaan: Ang pangalan ng
rehiyon ay isang acronym ng
mga pangalan ng probinsya.
Ang lunsod ng Cotabato na
matatagpuan sa rehiyon ay
hindi kabilang sa probinsya,
ngunit itinuturing na sentro ng
administratibo.

• Ang panitikan na makikita sa isang bahagi ng SOCCSKSARGEN ay


madalas pasalita at naipasa-pasa na sa iba’t ibang henerayon.
Mga Anyo ng Panitikan
1. Kasabihan - ang mga ito ang siyang gumagabay sa mga tao
patungo sa daan ng kaayusan.

2. Alamat - nilalaman naman nito ang mga pangyayari sa kanilang


lugar na may kinalaman kung saan nagsimula ang mga kahanga-
hangang pangyayari sa lugar nila.
Halimbawa: Alamat ni Bulan at Adlaw

Noong unang panahon ay may mag-asawang may mabuting pagpapasunuran at


pagmamahalan. Sila'y sina Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming bituin. Napansin
ni Adlaw na lubha ng masikip sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-aanak si Bulan.
Kinausap ni Adlaw si Bulan at sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba nilang
mga anak upang lumuwag ang kanilang tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni Adlaw
at ito ang naging dahilan ng mainit nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa kanilang
bahay sapagkat halos araw-araw ay nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at ipinasya
niyang makipaghiwalay sa asawa na lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi nagtagal ay
pumayag na rin si Adlaw na makipaghiwalay sa kasunduang isasamang lahat ni Bulan ang
mga anak na bituin at hindi na pakikita sa kanya ang mag-iina.
Kaya mula noon, makikitang nag-iisang simisikat si Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi
naman ay lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga anak na bituin. Kapag ang dating
mag-asawa'y nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni Adlaw kay Bulan kaya
hinahabol niya ito na nagiging dahilan ng eclipse.
Mga Anyo ng Panitikan

3. Parang Sabil - Ito ay isang awit na para sa mga bandido. Halaw


mula sa salitang Malaysian ang „parang‟ na ang ibig sabihin ay
“giyera” at ang „sabil‟ naman ay “sa paraan ng Diyos o ni Allah.”

■ Isang halimbawa ng Parang Sabil ay ang „Kissa kan Panglima


Hassan‟, na tungkol sa isang matapang na bayani na
nakipaglaban sa mga Amerikano na nais magpatupad ng
sistemang demokrasya.
Mga Anyo ng Panitikan
4. Kwentong Bayan
a. Molingling - Ang Molingling ay isang tradisyonal na kwento na
inilahad ni Tano Bayawan. Ang kwentong Molingling ay kilalang-
kilala sa mga Manobo na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng
anit — ang mga ipinagbabawal na gawain tulad ng incest at
pakikipagrelasyon sa mga hayop at mga ispiritu.
b. Kwentong Pituy - ay isang tradisyonal na naratibo ng mga
Manobo ng rehiyon 12. Si Pituy ay isang tamad na bata na
walang ginawa kundi ngumuya ng nganga.
Halimbawa: “Ang Humuhuning Ibon at ang Pusa”
ni Badette Pescadera
5. Sayaw at Awit - Bahagi ito ng kanilang pag-alala sa mga
tradisyon at kultura ng kanilang nakaraan. Gaya ng ilang pangkat
dito sa Pilipinas, ang mga Manobo ng Kotabato ay mahilig din
magpista. Isa sa pinakamasayang piyesta nila ay ang bulang.
■ Bulang - ay isang pasasalamat na idinaraos sa una hanggang
ikapitong araw sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Sinusundan nito ang panahon ng tag-ani.
Mga Manunulat ng Rehiyon XII

Kabilang sa mga manunulat ng rehiyong ito sina


■ Francis Macansantos,
■ Datu Suhod V. Sinsuat,
■ Sahara Alia Jauhali Silongan,
■ Farida D. Mending,
■ Gutierrez Mangansakan II,
■ Zainudin Malang.

 “THE SACRED BOOKS OF EACH NATION, THE SACTUARY


OF THE INSTITUTIONS”
Ang CARAGA (Rehiyon
XIII) ■ Matatagpuan naman ito sa hilaga-
kanlurang parte ng Mindanao.
■ Ang mga kabilang na probinsya ay
ang mga sumusunod;
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Surigao del Norte
- Surigao del Sur
- Kabilang din ang Isla ng Dinagat, Isla
ng Siargao, at Bucas Grande.
1. Mga Bugtong
2. Salawikain/Kasabihan
☑Halimbawa: Ke etew ne kena edlilingey de impuun din kena ebpekuuna diya
te edtamanan din.
☑Salin sa Wikang Filipino: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay di
makakarating sa paroonan.

3. Mga Kilalang Awitin


Ginagamit bilang ritwal na mga awitin. Ilan sa mga kilalang awitin ay mga
sumusunod:
☑ a. Owaging/ Uwahingen - isang mahalagang awiting pang – epiko .
☑ b. Delinday - awit ng hanapbuhay, pakikidigma,pagpapatulog, pagtatanim
at pag-aani.
☑ c. Nalit - isang uri ng awiting nakauugnay sa buhay
☑ d. Awiting Pangritwal
Uri ng Awiting Ritwal
☑ Andal - hinihiling sa isang mang-aawit bilang panimula.
☑ Dingding - awit panggising
☑ Bityara - benedicto used in the Langkat
☑ Mahidlay - awiting panggising, patungkol sa pagdating ng limukon
☑ Mangahinay- bee hunting song

e. Mga Awiting Panlibang


☑ Dalwanay - tungkol sa pag-alala ng isang ina sa isang sundalong anak
☑ Mantiay-ay - awit sa pakikisalamuha/sosyal
☑ Migkoy - awit tungkol sa isang taong tinalo ng ahas
☑ Piririt - nakatatawang awitin
f. Awit ng Pag-ibig

☑ Dalinday - panunuyo ng lalaki sa babae na sana ay huwag


munang umalis
☑ Kasumba sa rawasan - awit na pamamaalam at nagpapaalala
sa maiiwan na magpakabuti.
☑ Lawgan - tungkol sa isang babaeng na-inlove sa lalaking
mahusay tumugtog ng kudyapi.
F. Autonomous Region in Muslim
Mindanao (ARMM)
■ Ito ang espesyal na rehiyon
na kinabibilangan ng mga
teritoryo kung saan ang
mayoriya ng populasyon ay
Moro o Muslim. Kasama sa
rehiyong ito ang buong
Kapuluang Sulu.

☑ Tandaan: Ang sentrong administratibo ng rehiyon ay ang


Lungsod ng Cotabato na hindi kasama sa ARMM.
1. Pabula o Panganganyamon
Mahilig ang mga kabataan sa mga nakakatuwang kuwento.
Bukod pa dito, mahilig rin sila sa mga kuwento tungkol sa mga
hayop o pabula.
☑ Halimbawa nito ay ang Unggoy at Ang Tagak

2. Tubad-tubad o Maiiksing Tulang Pampag-ibig


Noong una, ang mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing
mga berso para ipahayag ang kanilang nararamdaman at
pagkadismaya. Patula nilang pinapahayag ang mga ito para di
masakit sa iba. Ito ay kalimitang isang saknong lamang.
Halimbawa ng Tubad-tubad
Flying hard the swift is
Trying hard to catch up with the hawk
But he can not equal him
Because he is far too small.

3. Kadaonga o Love Fest


Nagaganap ito kapag gusto ng lalaki magpahayag ng pag-ibig sa
babae, binibisita niya ito sa bahay at may kasama siyang dala na
nagsisilbing tagapagmensahe niya. Sa ganitong paraan, ang babae
mayroon ring tagapagmensahe. Ito ay di pormal na okasyon.
4. Pananaroon o Matalinghagang
Kasabihan
Ito ay binibigkas tuwing pinaparusahan ang
isang bata upang matuto o uyamin ang tao.
Kahit karamihan sa mga ito ay di nakasulat,
English
isinasapuso ito ng mga bata at nagiging bahagi
ng kanilang pagpapahalaga at paniniwala.
5. Bung-bong – Lalabay
Kinakanta ito ng mga nakakatandang kapatid na babae kapag pinapatigil ang
iyak ng sanggol at kapag pinaputulog ang sanggol kapag umaalis sa bahay
ang ina.

6. Masaalaa (proverbs/ kasabihan)


Ito ay nagpapakita ng pandaigdigang pananaw sa buhay at kadalasan maririnig
sa mga pagdiriwang, sa kasiyahan, kalungkutan, o pagkadismaya.

☑Gam muti in bukug, ayaw in tikud-tikud.


Salin sa Ingles: It is better to die rather than run away from trouble in
☑Isug ha way akkal’ way guna’.
Salin sa Ingles: Courage without discretion is useless.
☑ In tau nagbubuluk bihasa mahumu marayaw in parasahan niya.
Salin sa Ingles: A person who works hard often has a comfortable life.
Panitikang Pang-islam
Ang panitikan pang-Islam ay maipapakita sa mga teksto ng Arabo sa
pamamagitan ng hadis (commentaries on Islamic law), khutba (Friday
sermon), at salat (prayers).

A. Mga Dasal

1. Duwaa - Ito ay mga debosyonal na dasal, na dinadagdag sa pang-araw-


araw na dasal bukod pa salat. Ito ay dinadasal sa mga indibidwal, pamilya
at sa mga komunidad na karanasan sa saya at sa kahirapan.

a. Magtaubat - Ito ay isang duwaa ng pagsisi. Ito ay idinadasal kapag


naghihingi ng kapatawaran kay Allah sa mga kasalanan.
b. Duwaa arowa - Ito ay mga dasal para sa mg a anibersaryo ng kamatayan.
c. Duwaa ulan -for the alleviation of drought. Ang mga dasal ay may kasamang
jamu (feast).
2. Jihiker - Ang mga dasal na ito ay pagpbigkas ng 99 pangalan ni Allah na
gamit ang tasbih (prayer beads). Pribado itong isinasagawa bilang bahagi ng
salat.

B. Pangadji (Pagbabasa ng Koran) - ay isinasagawa ng mga Muslim upang


ipakita nag kanilang pagmamahal at pananampalataya kay Allah.

Ito ay maaring gawin sa publiko o sa sariling pagpapahayag ng


debosyon kay Allah.Isinasagawa rin kapag may namatay sa pamilya. Pitong
gabi ang inilalaan para dito. Magsisimula ito sa unang gabi ng pagkamatay.
Ibinibigkas ito mula sa Koran ng mga lalaki at babae pasalit-salit hanggang
buong aklat ay nabasa. Ito ay isinasagawa para sa mabuting paglalakbay ng
namatay.
C. Hadith o Hadis
Ito ay mga kasabihan o mga kagawian ng Propeta Muhammad na
pinagsama ng mga iskolar ng Islam. Ang mga ito ay isa rin sa batayan ng mga
batas ng Islam. Ang mga ito ay nagpapaliwanag rin ng mga mahahalagang
punto sa Koran. Ang wikang gamit ay Arabo.

D. Khutba
Ito ay isang sermon o pangaral sa Biyernes na ibinibigay tuwing
magdarasal ang kongregasyon at ginagawa ito ng khatib mula sa mimbar
(platform). Ito ay tungkol sa mga relihiyosong paksa at ang gamit ito sa
pangarawaraw na buhay. Ang lokal na wika ang gingamit sa khutba kahit ang
mga berso mula sa Koran ay binanabasa sa wikang Arabo.
Mga Sikat na Literatura sa Mindanao
Si Anak at Ang Uwak (Kwentong Bayan)

Sa kaharian ng Amaniyog, may isang sultan na makapangyarian at may apat na


anak na dalaga. Ang ngalan ng mga ito ay Potri Bonso, Potri Intan Tihaya, Tingtinga
Bolawa, at ang bunso na si Anak. Napagkasunduan na apat ang itayong tore para sa
mga dalaga. Mula sa kalapit na bayan, humingi ng tulong ang uwak bitbit ang isang
bangkay na humihinge ng mapaglilibingan. Lumapit ang uwak sa apat na mga dalaga
ngunit tanging si Anak lamang ang naawa rito. Winika nitong sa bakurang lupa ng dalaga
ilibing ang bangkay at nagpasalamat ang uwak. Sa paglipas ng panahon ay may
tumubong halaman at naging mabilis ang paglaki hanggang sa namunga ito't nakawin ng
mga kapatid ni Anak. Kinuha lahat ang bunga maliban sa isang pirasong dalanghita.
Hanggang sa ipinasya niya itong ibigay sa ina at ipinakuha sa kaniyang alipin ang prutas.
Nagulat ang alipin dahil wala na ang prutas at ang natuklasan ng Prinsesa ay isang
lalaking kumikislap ang kasuotan. Sinabi nito na siyay napadpad upang pakasalan ang
dalaga.
Darangan (Epikong Maranao)
Halimbawa: Bantugan
Kilala si Bantugan bilang magiting na mandirigma sa Kaharian ng
Bumbaran dahil sa naipanalo niyang mga digma at labanan. Minsan,
kinainggitan siya ng kaniyang kapatid na si Haring Madali dahil dami ng
naliligawan nito na pinakamagagandang prinsesa sa mundo. Ipinagbawal ni
Madali ang kausapin si Bantugan ng sinoman kaya't sa lungkot ay umalis si
Bantugan hanggang magkasakit at mamatay. Nang mabalitaan ito ng
Haring kapatid, binawi niya ang kaluluwa ng kapatid sa langit upang maging
buong muli sa Bantugan. Kumalat ang balita sa muling pagkabuhay nito
hanggang sa kalabang hari kaya't sinugod ng mga kawal ang kaharian ng
Bumbaran. Nabihag si Bantugan at nang magbalik ang lakas, pinuksa niya
ang hukbo ng kaaway at iniligtas ang buong kaharian. Nagkaroon ng
pagdiriwang at nawala ang inggit ni Madali at namuhay si Bantugan
kasama ang prinsesa nang masaya.
Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Magindanaw)
Si Indarapatra ay isang matalino, magiting, at mabuting hari ng Mantapuli. Mayroon
siyang kakaibang sandata—isang sibat na kapag inihagis sa kaniyang mga kaaway ay babalik
sa kaniya. Tinatalo niya ang mga salot na gumagambala sa kaharian, tulad ng mga
dambuhalang halimaw. Gayunman, mayroong apat na salot na gumagambala noon sa
Mantapuli. Hindi ito kakayanin ni Indaraptra kaya naman nanghingi siya ng tulong sa kanyang
kapatid na si Sulayman. Layunin nitong matalo ang apat na salot na kinabibilangan nina
Kurita, maraming paa at kayang kumain ng limang tao sa isang buka ng bibig; Pha, isang
ibong may malaking pakpak na kayang padilimin ang isang lugar; Tarabusaw, anyong tao na
kayang kumain din ng tao; at si Kurayan na isang ibong mayroong pitong ulo. Kumasa si
Sulayman sa misyon. Naglagay siya ng mahiwagang bulaklak sa bintana. Sa oras na malanta
ito at hindi pa nakababalik si Sulayman, ibig sabihin ay namatay na ito. Napuksa ni Sulayman
ang lahat ng halimaw, ngunit nadaganan siya ng malaking pakpak ng isang halimaw na
ikinamatay niya. Nalanta ang bulaklak. Nagtungo si Indaraptra sa kinaroroonan ni Sulayman.
Sa pamamagitan ng panalangin kay Bathala ay muling nabuhay si Sulayman. Ikinasal si
indarapatra sa isang magandang dilag na kaniyang nailigtas.
Bidasari (Epikong Mindanao)

Sa paglalakbay ng isang mangangalakal na si dayuhara kasama ang


kaniyang anak, mayroon silang nakitang isang batang babae na mayroong
kasamang buhay na isda. Naisipang apunin ng mangangalakal ang batang
babae dahil sa kakaibang katangian nito. Ang bata ay pinangalanang Bidasari.
Sa paglipas ng mga taon, lumaki si Bidasari bilang isang magandang babae.
Kasabay nito ang pag-ahon sa kahirapan ng pamilya ng mangangalakal.
Pinaniniwalaan nila na si Bidasari ang nagdala ng swerte sa kanilang buhay.
Dahil sa angking kagandahan ni Bidasari, marami ang naiinggit rito. Si Lila
Sari ang nagdulot ng kapahamakan sa buhay ni Bidasari. Ang prinsipe ang
nagligtas kay Bidasari sa tuluyang pagkakapahamak nito. Sa huling bahagi ng
kwento ay natuklasan nila na si Bidasari pala ay nawawalang prinsesa.
Pag-Islam
Dumating si Tarhata, ang kapatid ni Ibrah, upang ibalita sa kaniyang nariyan na ang kanyang
hinihintay. Sa wakas! Nanganak na ang asawa ni Ibrah na si Aminah kaya nag-iisip kung babae
ba o lalaki ang kanyang anak. Tuwang-tuwa siya ng makita ang kaniyang anak na isang lalaki
at ito’y malusog na malusog. Sinundo niya ang Imam upang maisagawa ang bang sa kaniyang
anak dahil ito ang dapat gawin sa pagkasilang pa lang ng sanggol na siyang unang yugto ng
Pag-islam.Nagsimula na ang Imam sa pagbulong ng bang- ang mga unang salitang dapat
marinig ng sanggol sa kaniyang pagsilang . Pitong araw makalipas ang bang ay kailangan
gawin sa sanggol ang paggugunting. Habang hinihintay ang ikapitong araw,umisip sina Ibrah at
Aminah ng ipapangalan sa kanilang anak. Abdullah! Ito ang pangalang naisip ni Aminah na
labis na nagustuhan ni Ibrah. Sumapit na ang ikapitong araw at ang lahat ay naghanda para sa
paggungunting kay Abdullah bilang ikalawang yugto sa kaniyang pag-islam. Nagsimula na ang
Imam sa paggupit ng buhok ni Abdullah. Inilagay ng Imam ang nagupit na buhok ni Abdullah sa
isang mangkok na may tubig. Ang kahat ay nagdiwang nang makitang wala ni isa man na hibla
ang lumubog sa tubig. Ang paglutang ng buhok ni Abdullah ay nangangahulugan ng
magandang buhay sa hinaharap dahil sa patnubay ni Allah. Naging masaya ang lahat sa
resulta ng paggugunting kay Abdullah. Sa paglipas ng 7 taon, dadako naman siya sa ikatlo at
huling yugto ng kaniyang pagislam.
Mebuyan
Noong unang panahon, nagkaroon ng pagtatalo si lumabayat at ang kanyang kapatid
na babae. Gustong pasamahin ni lumabayat ang kapatid na babae sa langit ngunit ayaw
nito. Sa pag-aaway ng dalawa ay naisipan ni lumabayat na pumunta sa ilalim ng lupa sa
Gimokudan. Sinabi niya sa pag-uga niya ng puno ng limon ay may isang mamamatay sa
mundo at kapag hinog naman ang bumagsasak ay may matandang mamamatay at kapag
berde pa ay nalaglag na isang bata naman ang mamamatay. Ang kapatid naman ni
Lumabat ay kinilala na Mebuyan. Si Mebuyan ay isang tagapamahala ng kanyang bayan
kung saan siya ang tagapangalaga ng mga sanggol na namamatay. Pinapainom niya ng
gatas ang mga ito bago magtungo sa Gimokudan na galing naman sa kanyang mga suso
na nakapalibot sa kanyang buong katawan. Dahil dito hindi maganda ang itsura niya.
Lahat ng mga espirito ay dumaan muna sa bayan ni Mebuyan para maligo sa ilog na itim
kung saan malilinis nila ang kanilang mga katawan bago sila magtungo sa Gimokudan .
Pamalugo ang tawag sa ritwal na ito kung saan ang mga espirito ay ginagawang
kampante sa bago nilang bahay at upang hindi na sila bumalik sa kanilang katawan.
Mga Sikat na Salawikain ng Zamboanga

 Where there are flowers , there the butterflies flock.


 Fear not death but retribution
 An old branch is hard to straighten
 A noisy person is coward.
 The mouth is even deeper from a wellWhat is food to one
man, maybe poison to another.
 The orange tree will not bear guavas.
Literatura ng mga Pilipino sa
Wikang Dayuhan

1. Dead Stars ni Paz Marquez Benitez
“Dead Stars” is a short story written by the Filippino author Paz
Márquez Benítez. The story was the first story by a Filippino writer to be
written in English. It was published in 1925 in the “Philippine Herald.” The
story focuses on a man, Alfredo, who is engaged to one woman but falls in
love with another.

2. A Child of Sorrow ni Zoilo Galang (sumulat ng


kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles)
3. A Rizal ni Cecilio Apostol
4. Crisalidas (Mga Higad)
5. “El Recuerdo y el Olvido”
6. EL NIDO ni Adelina Gurrea
7. AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap) ni
Isidro Marpori
8. LA PUNTA DE SALTO ( Ang Pook na Pamulaan ) ni
Macario Adriatico
9. DECALOGO DEL PROTOCIONISMO ni Pedro Aunario
10. BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan) ni
Claro M. Recto
Maraming Salamat
Po!

You might also like