LP FILIPINO

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Mga Layunin
 Naiuugunay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa mga tekstong binasa;
 Natutukoy ang sanhi at bunga sa mga tekstong binasa; at
 Nakapagbibigay ng halimbawa ng sanhi at bunga.

Pagpapahalaga:
Pangalagaan ang ating likas na yaman

II. Paksang - Aralin


Paksa: Sanhi at bunga ng mga pangyayari

Sanggunian: (K-12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino) Batang Pinoy Ako 3 (pahina 220-221)

Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Projector

Methodolohiyang Panturo: 4 A’s: Diffrentiated Instruction: Think-Peer-Share

III. Mga Pamamaraan


Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-Aaral
A. Panimulang Gawain
1) Panalangin
- “Lahat tayo ay tumayo para sa ating panalangin.” - Sasabayan nito ang kanilang guro sa panalangin.

2) Pagbati
- “Magandang umaga mga bata!” - “Magandang umaga din po guro!”

3) Pagtukoy sa mga lumiban


- “Maari bang malaman kung sino ang lumiban sa - “Wala po guro”
ating klase ngayon?”

4) Balik - Aral
- “Mga bata bago tayo dumako sa ating bagong - “Guro ang natalakay po nating kahapon ay
aralin sino ang makapagbahagi ng kanyang tungkol sa pandiwa.”
natutunan sa araling ating natalakay kahapon?”

- “Magaling, ngayon magbigay ng isang “Si Anna ay sumasayaw”


pangungusap na may pandiwa?

- “Mahusay na halimbawa! Saan doon ang - “sumasayaw”


pandiwa?
- “Ang pandiwa ay isang salita na nagsasaad ng
- “Magaling, ang pandiwa ay sumasayaw. Ano ang kilos o galaw, isang pangyayari, o isang
ibig sabihin ng pandiwa?” katayuan.”

- “Mahusay bigyan ng masigabong palakpakan ang


lahat.” - (Pumalakpak)

5) Pagganyak
- “Mga bata, mayroon akong isang video na nais
kong ipakita at ipakanta sa inyo kantahin nating ito
ng sabay sabay. Pagkatapos mayroong katanungan
na inyong sasagutin. Handa na ba kayo mga bata?” - “Opo, Guro”

- Ang guro ay ipapalabas ang isang video clip


patungkol sa mag exercise tayo.

- “Nagustuhan niyo ba ang video?” - Ang mga mag-aaral ay papanooring at ikakanta


- “ Anong pandiwa ang nasa kanta?” ang kantang nasa video.

- “Opo, Guro”
- “Tama ang lahat na inyong binanggit. - “ Mag jojoging jogging, magtumbling, tumbling
Palakpakan ang bawat isa. ipaling- paling, ipakending kending isusuntok.

(Nagpalakpakan)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Mga bata, ano kaya ang mangyayari sa
ating mga likas na yaman o sa ating kapaligiran
kung walang tigil ang pagmimina ng mga tao?

2. Pag-alis ng sagabal:
Panuto: Tingnan ang nasa larawan. Itugma ang
mga salita ayon sa larawang ipinakikita.

Hanay A Hanay B

1. A. Kakapusin

2. B. Nagmimina

3. C. Sagana

4. D. Nasisira

3. Paglalahad: (Gamitin ang Estratehiyang


Chunking Reading)
Sa araw na ito may babasahin tayong isang
kuwento. Handa na ba kayo?

4. Pagsasagot ng mga tanong:


1. Ano-ano ang maaring ibunga ng walang tigil na
pamimina?
2. Ano ang dapat gawing hakbang ng pamahalaan
tungkol sa pagmimina?
3. Alin-alin ang maaaring masira sa madalas na
pagmimina?
4. Ano kaya ang magiging bahagi ng paaralan sa
mga suliraning katulad ng nasa kwento?

Pagpapahalaga:
5. Ano-ano ang maaaring magawa ng kabataang
katulad mo upang maiwasan ang tuluyang
pagkasira ng ating kapaligiran?

5. Pangkatang Gawain: (Activity)


Pangkat I
Panuto: Ibigay ang maaaring ibunga ng
sumusunod na sitwasyon.

1. Palaging ipinagtatapon ng mga tao ang kanilang


mga basura sa dagat. ___________
2. Nililinis ni Nanay Martha araw-araw ang
kanilang tahanan at bakuran. __________

Pangkat II
Panuto: Kulayan ng kulay dilaw ang sanhi at kulay
berde ang bunga.

Pangkat III
Panuto: Basahin ang pangungusap at tumalon ng 2
beses kung sanhi. Pagkatapos, tumalon din ng
isang beses kung bunga.
1. Malakas ang hangin kagabi. Nabuwal ang
malaking puno ng manga.
2. Natutuwa kaming lahat. Pumasa ng pasulit si
Ate.
3. May bukol sa mukha si Marco. Kinagat siya ng
mga putakti.

Paglalahad ng Awtput.

6. Pagsasagot ng mga tanong: (Analysis)


1. Ano-ano ang ipinakikita ng bawat pangkat?
2. Ano ang ibig sabihin ng sanhi?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng bunga?

7. Paglalahat (Abstraction)
Ang sanhi ay ang dahilan ng mga pangyayari.
Ang bunga o resulta ay ang kinalabasan ng
sanhi.

8. Paglalapat (Application)
“Panuto: Narito ang 5 pangungusap. Tukuyin ang
Sanhi at Bunga na nasa pangungusap. Ikahon ang
sanhi at salangguhitan naman ang bunga.”

1. Nagmamadaling naglakad si Anna dahil


nais niyang maabutan ang pagtataas ng
bandila.

2. Naglinis ng sili-aralan ang mga Grade 3


Antonio-Luna dahil dito natuwa ang
kanilang guro.

3. Masakit ang tiya ni Belle dahil hindi siya


kumain ng almusal.

4. Nahuli sa pagpasok sa klase si Anna Belle


dahil nanood siya ng kangyang paboritong
Fanta Serye kagabi.

5. Nakakuha ng malaking puntosi si Lovely


dahil nag-aaral siya ng buong husay kagabi.

IV. Pagtataya (Evaluation)


Panuto: Bilugan ang pangungusap na tumutukoy sa
sanhi at lagyan ng salangguhit ang tumutukoy sa
bunga.

1. Napakainit ng panahon. Uminom kami ng aking


kaibigan ng malamig na tubig.
2. Tinapos ni Kaye ang kaniyang mga takdang
aralin. Pinayagan siyang maglaro ng candy crush
3. Puno ng mga pasahero ang mga dyip. Sumakay
nalang si Anna ng motorsiklo.
4.Napakalakas ng bagyo. Kinansela ng Dep-Ed ang
mga klase.
5. Mababa ang nakuhang mark ani King sa
pagsusulit. Hindi nag-aaral si King.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Sa iyong kuwaderno, isulat ang mga
maaaring maging sanhi sa mga sumusunod na
bunga o resulta sa pangyayari.

1. Matamlay si Mea na pumasok sa silid-


aralan, _____________.
2. Nanalo sa patimpalak ang grupo nini
Kezeiah, ____________.
3. Pinagalitan ng guro ang mga mag-aaral sa
Section A, __________________.
4. Binilhan si Neodily ng mga bagong laruan
ng kanyong ama, ____________________.
5. Maagang pumasok si Jenny sa kanilang
paaralan. ______________.

Inihanda ni: ANNA BELLE S. KIUNISALA


Pangalan ng Gurong Nagsasanay

You might also like