Lesson Plan in Filipino1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Lesson Plan in Filipino

I. Layunin:

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ang pag-unawa sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa
pamayanan.

B: Pamantayang sa pangganap: Ang mga mag-aaral ay inaasahang makalalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan.

C. Mga kasanayang Pagkatuto: Nailalarawan ang mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan. F3WG-MC-d-4

II. Nilalaman:

Paksa: Paglalarawan ng bagay, tao, at hayop

III: Mga Kagamitang Panturo:

Laptop, Telebisyon, Mga larawan,

IV: Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag- aaral

Panimulang Gawain

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Binibining


Kate!

Pagbungad ng Panalangin

Maari bang tumayo ang lahat para manalangin (Pumili ng mag-aaral na maaring mamuno) Sa ngalang ng ama, ng anak, ng
Espiritu santo amen.
Salamat

Kamusta kayo nagyong umaga? ( Sumunod sa sinabi ng guro)


Kayo ba ay nasa mabuting kalagayan?
Kung gayon ipadyak ang mga paa ng tatlong beses, pumalakpak ng tatlong beses at
magsabing okay kmi!

Magaling!

Bago kayo umupo, maari nyo bang tingnan at pulutin ang mga kalat? (Sumunod sa guro)
.

Pagtala ng Liban

May mga lumiban ba sa klase ngayong araw?


Wala po ma’am

Mabuti naman kung ganon

Pamukaw sigla

Inaanyayahan ang lahat na tumayo at sumabay sa ating pamukaw sigla, upang gumalaw
galaw naman ang ating mga katawan.
(Pagtugtog ang Tatlo bibe)

A. Sino ang mga tauhan sa kanta? (Nakabase sa sagot ng estudyante)


B. Ano ang kanilang mga katangian?

A. Balik aral at/o pagsisimula ng bagong aralin

Bago tayo magsimula sa ating pagbalik aral may ituturo ako sainyo.
Pumalakpak ng limang beses at ithumb ups ang kanang kamay, ithumb ups ang kaliwang
kamay at mag sabing ang galing, ang galing, ang galing galing! Opo ma’am!

Ito ay inyong gagawin kung tama ang sagot ng inyong mga kaklase.
Maliwanag ba?

Kung gayon, tayo ay magsimula na.


(Nagtaasan ng mga kamay ang mga
Tanong: mag-aaral)

1.Ano- ano ang pangalan batay sa napag-aralan natin kahapon?

2. Ano ang mga halimbawa ng pangalan.

Magaling! Tumpak ang inyong mga kasagutan.


B. Paghahabi sa mga layunin
Bago magsimula sa ating aralin sa araw na ito, mayroon akong inihandang gawain sainyo
upang makapukaw sa inyo diwa.

“Ipasa mo, Ilarawan mo”.

Sundin ang mga hakbang:


1. Mayroon akong inihandang kahon na naglalaman ng mga larawan na may
kaugnayan sa ating tatalakayin ngayong araw.
2. Bago tayo magsimula mayroon akong inihanda musika sainyo.
3. Tututugtog ang musika habang ang kahon ay hinahawakan ninyo. Handa napo ma’am
4. Paghinto ng musika at kung sino ang nakahawak ng kahon, siya ang bubunot at
kanyang ilalawan ang larawan na kanyang nabunot.

Dapat tandaan:
1. Ang mga kahon ay dapat nahahawakan ng pinaka unang estudyante sa harapan at
ipapasa niya ito sa kanyang katabi.
2. Bawal itapon ang mga larawan kung saan-saan sapagkat masama iyon. Maliwag?
3. Dahan- dahan lang dapat ang pagpasa ng mga kahon upang hindi ito masira.
4. Dapat sumasabay kayo sa kanta.
Handa naba kayo mga bata?

Kung gayon, simulan na natin!

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ilalim.

(nag taasan ng mga kamay ang mga


bata)
1. Ano ang inyong nakikita na larawan?
2. Ano mga katangian mayroon sila?
D. Patatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

1. Alam niyo ba kung ano ang naglalarawan sa tao, bagay, at hayop? Pang-uri ma’am

Magaling mga bata, tumpak ang inyong mga kasagutan.

Mukhang alam na ninyo ang ating bagong aralin ngayong araw, kaya bago ang lahat
magbabasa muna ako na maikling kwento. Makinig kayo mga bata!
(Basahin ang kuwento at ipresenta sa Powerpoint Presentation)

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay. Ang aking Tatay Pio ay
isang kawani ng Gobyerno. Si Nanay Conching naman ay isang guro sa paaralan na aking
pinapasukan.

Tatlo kami sa aming bahay. Pero lahat ng gawain ay nagiging madali dahil amimg
pinagtutulungan. Ang aming kapag-kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan
namin ng mga pangyayayri sa buong maghapon. Kapag may libreng oras at may sobrang
pera namamasyal din kami kung saan-saang lugar. Sa panahon naman na may problema, ito
rin ay nagiging magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa
Poong Maykapal.

Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa maikling kuwento?
2. Ano ang kanilang bahay? (nakabase sa sagot ng mga mag-aaral)
3. Ano ang mga pang-uri na makikita niyo sa maikling kuwento?
4. Ano ang inyong mga napulot na aral?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain:
Panuto: Mayroon tayong pangkatang gawain na kung saan bibigyan ko kayo ng isang ginto
bayong na naglalaman ng mga larawan. Ang mga larawan na ito ay inyong ilarawan at isulat
sa papel. Pagkatapos, ipaskil sa pisara at pumili ng isang mag-aaral na magpepresenta nito
sa harap ng klase.
Opo ma’am
Naintindihan niyo ba mga bata?

“Bunutin mo, Ilarawan mo”.

F. Paglinang ng kabihasan(Tungo sa Formative Assesment)

Panuto:May inihanda akong mikropono rito sa harap. Paunahan sa pagkuha ng mikropono at


ikonekta ang mga larawan sa kanyang kantangian. Kung sino ang makatama may papremyo.
1. Maganda a.

2. Tumatawa b.

3. Mabilis c.

4. Matulungin d.

5. Mabagal e.

G. Paglapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Panuto: Haliin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat isa ay bibigyan ko ng envelop kung
saan nakalagay sa loob ang larawan ng lugar na inyong isadula. Ilarawan niyo ang mga
sitwasyon na ginagawa doon. Pwede kayong gumamit ng inyong sariling lenggwahe sa
paglalarawan.

H. Paglalahat ng Aralin

Bilang paglalahat sa ating aralin ngayong araw dudugtungan ang pahayag na ito:

1. Ang natutunan ko sa araw na ito ay tungkol sa_________.

2. Ilarawan ang inyong mga sarili gamit ang mga pang-uri:


- Ako ay____________________________.

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap na nasa ibaba at salungguhitan ang mga
salitang naglalarawan.

1. Si Aling Rosa ay mabait.


2. Ang mga pusa ay natutulog.
3. Tumatakbo ang bata.
4. Simple ang pamumuhay sa probinsya.
5. Ang lion ay matapang.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Panuto: Magbigay ng sampung(10) pangungusap na gamit ang mga pang-uri at bilogan ito.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan bg iba pang gawain para sa remediation.
C.Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa aralin.
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istrahiyang panturo ang nakakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

Inihanda ni:
Kate Angelou S. Aguirre

You might also like