AP 10 by Trisha-Modyul-21

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

MODYUL 21

KASARIAN AT
SEKSUWALIDA
D
MGA ISYU SA KASARIAN O GENDER
 PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG MGA KASARIAN
Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay nangangahulugan na
ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong mga karapatan
at pananagutan, at ang lahat ay may magkakatulad na pagkakataon
sa lipunan.

GENDER EQUALITY OR GENDERS EGALITARIANISM


Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.layunin nito ang
mabigyan ng tamang pagtingin sa lipunan ng bawat isa sa larangan
ng edukasyon at trabaho.ang pagbabago ay kinabibilangan din ng
mga pagbabago sa mga panlipunang pananaw kabilang dito ang
“pagkakapantay ng kabayaran o suweldo sa magkakapantay na
trabaho”pati na rin sa pagkakaroon ng pantay na bilang ng trabaho
sa kalalakihan at kababaihan sa maraming bansa.
Maraming mga tao peminista man o hindi ang hindi pa rin lubusang tanggap ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian.isa sa mga pinagtatalunang isyu na may
kaugnayan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay ang papel na ginagampanan ng
mga kababaihan sa simbahan kristiyan at mga babaeng pari.

SEKSUWALIDAD NG TAO
Ang seksuwalidad ay tumutukoysa paraang ng isang tao kung paano siya naaakit sa iba
pang mga tao.ang maari nilang maramdaman ay maaring HETEROSEKSUWAL
(naaakit sa katapat o kasalungat na kasarian),HOMOSEKSUWAL (naakit sa
kaparehong kasarian) BISEKSUWAL( naakaki sa kapwa kasarian ).

Ang sekswalidad ng tao ay nakakaapekto sa pangkalinangan,pampalotika,pambatas,at


pampilosopiyang mga aspeto ng buhay.
KASARIAN-
Ang kasarian ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pangitan ng mga lalaki at
ng mga babae.Ang pagkakakilanlan o identidad ay pagkakakilala ng
isang tao kanyang pagiging lalaki o babae.

TRANSGENDER OR TRANSSEKSUWAL-
Ang isang tao na ipinanganak na may babaeng katawan ay may kasarian
bilang babae.Ang isang tao na ipinanganak na may lalaking katawan ay
may kasarian bilang lalaki.ang konseptong ito ay tinatawag na panloob
na pang-unawa ng kasariang babae at lalaki.
TRANSGENDER:
 Lalaki ng gustong magdamit bilang babae o babae na
gustong magdamit bilang lalake(cross dresser)
 Magpapaopera,nagpaopera at hindi magpapaoperang
transseksuwal
 Mga taong ipinanganak na may parehong kasarian

 Lalaki at babae na ano man ang kanilang kasarian o kahit


sino na hindi nabibilang sa ano mang kasarian ,ay
itinuturing ng hindi tapikong kasarian
MAGNA CARTA OF WOMEN
Ang magna carta of women o republic act no.9710 ay
isinabatas noong 2009 upang alisin ang lahat ng uri ng
dikriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay
itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
pilipinas at mga pandaigdigang instrumento .Magna
carta of women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad(primary duty bearer) ng
komprehensibong batas na ito.
PROTEKSIYON SA PANG-AABUSO AT
KARAHASAN
Bawat babae ay may karapatang maging ligtas sa lahat
ng uri at anyo ng pangaabuso at karahasan-
pisikal,seksuwal,emosyonal at mental kabilang ang mga
karahasan ng estado.Ilan sa mga halimbawa ng violence
against women Ang
pananakot,pambubugbog,panggagahasa,
prostitusyon,at human trafficking.Bukod-tanging pansin
ang dapat igawad sa mga babaeng dumaranas ng pang-
aabuso o karahasan sa panahon ng kalamidad ,armadong
sigalot at iba pang krisis ayon sa internasyonal na
pamantayan sa pagbibigay-proteksiyon sa mga sibilyan.
KALIGTASAN SA PANAHON NG
KALAMIDAD AT KRISIS
Bawat babae a dapat unahin sa pagbibigay ng
proteksiyon at kaligtasan sa panahon ng sakuna at
kalamidad tulad ng pagbaha, lindol,sunog at iba pang
krisis.responsibilidad ng pamahalaan at ang mga
ahensiya at yunit nito na iligtas ang mga babae sa
panahon ng krisis at bigyan ng agarang tulong at
serbisyong medikal, sikolohikal,at pinansyal.kailangan
din pangalagaan ang mga babe sa kanilang
pagpapagaling at rehabilitasyon o pagbabawi ng lakas ng
katawan.
PANTAY NA KARAPATAN SA
PARTIPASYON SA POLITIKA AT
PAMAMAHALA
 Bawat babae ay may karapatang bomoto, tumakbo sa
eleksiyon, at manungkulan sa ano mang pwesto sa
pamahalaan. Karapatan din niyang magtayo, lumahok, o
mamuno sa mga non-government organization [NGO] at
mga samahang may kaugnayan sa politika at sa political
na kalagayan ng bansa. Maaari rin siyang maging
kinatawan ng pamahalaan sa internasyonal na antas at
lumahok sa mga gawaing pang internasyonal.
PANTAY SA PAGTURING NG BATAS
 Bawat babae ay may karapatang proteksiyonan laban sa
lahat ng diskriminasyon sa ilalim ng batas.
Responsibilidad ng pamahalaan na pag-aaralan at kung
kailangan ay repasuhin at tanggalin ang mga batas na
hindi patay ang turing sa mga babae at sumasalungat sa
pangangailangan at kabutihan nila. Tungkulin din ng
pamahalaan na lumikha ng mga batas sa gagarantiya sa
tunay na kapakanan ng kababaihan.
PANTAY NA MAKAMIT ANG
EDUKASYON
 Karapatan ng bawat babae anng makapag-aral at matamo
ang mga biyaya ng edukasyon. Karapatan din nila ang
sumailalaim sa mga makabagong pagsasanay upang
paghusayim at palawakin ang kanilang mga kaalaman at
kakayahan. Ipinagbabawal ng Magna Carta ang ano
mang uri ng diskriminasyon sa larangan ng edukasyon.
PANTAY NA MABIGYAN NG
KOMPREMISONG KALUSUGAN
 Bawat babae ay may karapatang makatanggap ng
komprehensibong serbisyong pangkalusugan. Sadyang
karapatan din niya bilang at pag-aawat ng mga anak, na
magkaroon ng pantay na responsibilidad ang kalakihan
sa pag-aalaga at pagpapalaki ng anak, at ang
pangangalaga sa kanyang kapakanan at kalusugan sa
pagtatrabaho sa loob at labas ng bahay.
SENIOR CITIZEN (MAY EDAD 60 PATAAS)
 Ang nakatatandang kababaihan ay dapat igalang,
alagaan, at bigyan ng matiwasay na buhay. Karapatan
nila na hindi maabandona at maging ligtas sa pang-
aabuso, karahasan, pagsasamantala, at diskriminasyon.
KABABAIHANG MIGRANTE
 Sagutin ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga babaeng
migrante laban sa pang-aabuso at karahasan habang
naghahanabuhay sa ibang bansa, tulad ng illegal
recruitment at human trafficking. Dapat sila ng
mabigyan ng proteksiyon at matatakbuhan sa panahon ng
ano mang uri ng krisis. Responsibilidad din ng
pamahalaan na tulunga ang mga babaeng nais
maghanapgbuhay sa ibang bansa.
MGA BATAYANG PANGANGAILANGAN
NG MARGINALIZED WOMEN
 Binibigyan ng natatanging pansin ng Magna Carta of
Women ang mga sumusunod na pangangailangan ng
marginalized women;
SAPAT NA PAGKAIN
 Ang unang pangangailangan ng bawat babae ay sapat,
ligtas, at masustansiyang pagkain at pagkakaroon ng
pagkukunan nito. Upang matamo ito, mahalgang
makalahok ang kababaihan sa produksiyon ng pagkain,
magmay-ari ng lupa ang bbaeng magsasaka, at gumamit
at mamahala ng mga yamang tubig ang babaeng
mangingisda. Malaki ang maitutulong ng suportang
pinansyal, teknikal, at pang-imprastaktura ng
pamahalaan.
DISENTING PAMAMAHAY
 Kailangan ng bawat babae ang sariling bahay na
matutuluyan ng kanyang pamilya. Responsbilidad ng
pamahalaan na magtatag ng programa at proyekto para
sa ligtas at matibay, maayos at disente, at abot kayang
pabahay sa mga pook na may tubig at elktrisidad at kung
saan may matatagpuang hanapbuhay.
DISENTENG TRABAHO
 Ang pangunahing pangangailangan na dapat tutukan ng
pamahalaan sa lalong madaling panahon ay ang
paglilkha ng trabaho para sa nakararaming mamamayan
kasama na ang kakabaihan. Dapat magkaroon ang
kababaihan ng pantay na pagkakataon na makhanap ng
disenteng trabaho o hanapbuhay kung saan sila ay
makakatanggap ng sapat na sahod at mga benepisyon,
may, mahusay at ligtas na kalagayan, may kalayaan sa
pagpapahayag, at may pantay na pagkakataon sa pag
unlad at promosyon.

You might also like