Retorika Worksheet 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

1|Masining na Pagpapahayag

Republic of the Philippines


City of Lapu-Lapu
Lapu-Lapu City College
Gun-ob, Lapu-Lapu City

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Pangalan: _____________________________________ Programa: ______________________


Guro : ______________________________________ Iskor : ______________________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng kahulugan ng idyomang sinalungguhitan sa mga


sumusunod na pahayag.
1. Nahalata ng guro na sila’y naglulubid ng buhangin lamang kaya hindi na sila
pinapasok sa klase.
A. nagpapakitang tao
B. nagsisinungaling
C. naglalakwatsa
D. nagbibiro
2. Naniningalang-pugad pa kasi si Darwin kay Heidi kaya siya ginagabi ng uwi.
A. nanliligaw
B. namamasyal
C. nanghuhuli ng ibon
D. nagsisimba
3. Parang hinihipang-pantog ngayon si Jay kaya halos hindi ko siya nakilala.
A. biglang gumanda
B. biglang pumayat
C. biglang tumaba
D. nag-iba ng ayos
4. Napakatamis ng dil ng pulitiko kaya niya naakit ang mga botante.
A. Magaling mangusap
B. Napakatapat
C. May diabetes
D. Manloloko
5. Parang pinitpit na luya ang dalaga nang makita niya ang binatang kanyang
hinahangaan.
A. Nangulubot
B. Hindi nakapagsalita
C. Nanlaki ang mata
D. Nagtago
6. Kapansin-pansinsa mga dalagang iyon ang maagang pagwasak sa makalumang
paniniwala ng matatanda.
A. Pagsuway sa nakagisnang ugali
B. Pagyurak sa kulturang Pambansa
C. Pagsira sa mga magagandang halimbawa
D. Pagtalikod sa mga pangaral ng magulang
7. Ang trahedyang iyon ang kinalugmukan ng kanyang mga pangarap sa buhay.
2|Masining na Pagpapahayag

A. Nagpatuloy sa pag-asa
B. Naging sagabal ng tagumpay
C. Dahilan ng mga layunin
D. Sumira sa magandang hinaharap
8. Nabasa ko sa kanyang makulimlim na mukha ang kaloobang may sugat.
A. Damdaming nagagalit
B. Damdaming nagsusumamo
C. Damdaming may sakit
D. Damdaming naghihinakit
9. Kitang kita ko nang tumakas ang kulay sa kanyang mukha nang hulihin siya ng
mga pulis.
A. Nangitim
B. Namutla
C. Namula
D. Nangintab
10. Ang tinanggap nilang tulong ay tila hamog sa uhaw na tatulot ng bulaklak.
A. Tubig sa halamanan
B. Mahigpit na kagustuhan
C. Pagkain ng mahihirap
D. Biyayang nakalunas ng kahirapan

II. Panuto: Uriin ang tayutay na ginamit sa sinalungguhitang bahagi ng mga


sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
11. Binulungan ng kabaitan ang naguguluhanang isip ng bata.
A. Personipikasyon
B. Metapora
C. Metonomi
D. Hayperboli
12. Bumabaha ng dugo nang magsagupa ang dalawang pangkat
A. Simili
B. Metapora
C. Personipikasyon
D. Eupemismo
13. Ang bait bait mo naman! Sana kunin ka na ni Lord.
A. Simili
B. Metapora
C. Personipikasyon
D. Eupemismo
14. Nahiya ang buwan sa kanilang kabastusan.
A. Simili
B. Metapora
C. Personipikasyon]
D. Eupemismo
15. Nahuhumaling si Mang Efren sa isang Magdalena.
A. Simili
B. Sinekdoki
C. Alusyon
3|Masining na Pagpapahayag

D. Hayperboli
16. Abalang-abala sa gawain ang mga ghaligi ng tahanan.
A. Metonimi
B. Sinekdoki
C. Appostropi
D. Hayperboli
17. Kapag binato ka ng bato, natuhin mo ng tinapay.
A. Metonomi
B. Sinekdoki
C. Apostropi
D. Alusyon
18. Halika panaginip at tulungan mo akong malimot ang mga pighati sa buhay.
A. Metonomi
B. Sineksdoki
C. Apostropi
D. Hayperboli
19. Sampung nanlilisik na mga mata ang nakatitig sa lalaking criminal.
A. Metonomi
B. Sinekdoki
C. Oksimoron
D. Ironiya
20. Siansaksak mo ang puso ko nang sabihin mong wala akong pag-asa sa iyo.
A. Simili
B. Metapora
C. Personipikasyon
D. Hayperboli

III. Bumuo ng isang sulatin na makikitaan ng mga angkop na idyoma at tayutay


hinggil sa kasalukuyang nangyayari sa mundo.
IV. Gumawa ng balangkas (topic outline) sa isang paksa na may kinalaman sa
kasakukuyang pangyayari.
V. Sumulat ng komposisyon batay sa paksang balangkas na iyong ginawa sa pasulit
IV. Sikaping magkaroon ng kaisahan, kohirens at diin ang iyong komposisyon.

PAALALA:
Isulat ang mga kasagutan sa “Bondpaper Short”. Ipapasa ang mga gawain sa
araw na muling magpatuloy ang pasukan.
Inaanyayahan ko ang lahat na magdasal na maging maayos ang lahat. Huwag
sana ninyong kalimutan na sa kabila ng mga pagsubok na ating kinakaharap
ngayon ang pagtutulungan, pagmamahalan at pag-uunawaan sa isa’t isa ay
kailangan. Nawa’y makinig tayo at gawin kung ano ang nararapat. Hanggang sa
muli nating pagkikita. Maraming Salamat.

-Bb. Ma. Kristel J. Orboc

You might also like