AP 10 by Raica Louise (1) - AP-10

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Epekto ng paglabag sa

karapatang pantao
Ano mang karapatan na hindi natatamasa o
naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag
sa karapatang pantao.
Halimbawa, ang pagkitil ng buhay ay isang
pagpigil sa karapatang mabuhay.
Ang paglabag sa karapatang pantao ay
makikita kapag hindi sinunod ng tao at ng
estado ang konstitusyon ng Pilipinas at ang
mga pandaigdigang instrumento sa
karapatang pantao.
Iba’t iba ang epekto ng
paglabag sa karapatang
pantao tulad ng pisikal,
sikolohikal o emosyonal, at
istruktural.
Pisikal na epekto
kapag ang nasaktan ay ang pisikal na
pangangatawan ng tao. Halimbawa ay
pambubugbog, pagputol sa ano mang
parte ng katawan, at sekduwal na
pananakit tulad ng pananamantala a
kahinaan ng mga babae.
Sikolohikal na epekto
-Ang pisikal na pananakit ay
nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito
ang nagiging dahilan kaya bumababa
rin ang pagtingin niya sa kanyang
sarili. Maging ang pagsasalita ng
masama sa tao ay may sikolohikal na
epekto sa kanya sapagkay ito ay
nagreresulta ng balisang estado ng
Istruktural na epekto
-Ang istruktural na epekto ay makikita
kung ang tao ay walang kabuhayan,
mababa ang kanyang kalagayan sa
lipunan, at wala siyang
kapangyarihang magdesisyon para sa
sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa
bansa, at sa daigdig.
Saan at paano nagaganap ang
mga paglabag sa karapatang
pantao?
Tahanan
-Dito kadalasang nagaganap ang pang-
aabuso sa mga bata at kababaihan. Katulad
nang hindi pagbigay ng pagkain ng
magulang sa bata, hindi pagpapaaral, at
ang hindi pagbibigay ng pangalan at
damit.
Pamayanan
Kapag ang mga lokal na opisyal ng
pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling
panatilihing malinis, maayos at mapayapa ang
kapilihiran, ito ay paglabag ng karapatang
pantao.
Paaralan
-Ang pisikal, seksuwal, at sikolohikal na
pananakit sa mga mag-aaral ay may dulot na
masamang epekto at paglabag din sa karapatan
ng mga mag-aaral.
Bansa
Ito ay itinuturing pisikal at sikolohikal kapag
nananakit ang mga kinatawan ng pamahalaan
kagaya ng pulis, militar, pinuno at kagawad
ng barangay o iba pang may sangay ng
pamahalaan.
Istruktural na epekto ang paglabag kapag ang
pamahalaan ay walang programa upang
umangat ang buhay, panlipunan at kultural
na kalagayan ng mga mamamayan.
Mundo
-Lahat din ng uri ng paglabag ay madarama
kapag ang kinatawan ng bansa ay nakasakit
sa mga tao o kaya ay gumawa ng mga
kasunduang nakasasama sa tao. Katulad ng
pakikidigma, paggawa ng mga armas
pandigma, at pakikipagkalakal sa
mayayamang bansa lamang ang may
pakinabang.
Mga hakbang upang mabigyan
ng proteksiyon laban sa mga
paglabag sa karapatang pantao
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
2. Pagdulog sa International Court of Justice
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
Ang Commission on Human Rights at Public
Attorney’s Office ng Department of Justice
ay nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga
pilipinong mahihirap.
Mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao
Epekto ng Pagtaas ng tuition fees
Matinding pahirap sa kabataan ang taunang pagtaas
ng tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan. Ang
epekto ng pangyayaring ito ay ang paglaki ng bilang
ng mga di makapag-aral.
Hustisya para sa SAF 44
Batay sa pangyayari, karumal-dumal ang ginawang
pagpaslang ng mga MILF at BIFF sa mga
commandos. Binaril sa mukha, pinutol ang mga paa,
at hinubaran ang mga ito. Maliwanag na ito ay
paglabag sa karapatang pantao. Mahalaga na
ipagpatuloy ang proseso ng kapayapaan o Peace
Ang sikolohikal na epekto ng sirang pamilya
Ang sirang pamilya o broken family ay ang
pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa na
dahilan ng pagkawatak-watak ng pamilya.
Malaki ang epekto ng broken family hindi lang
sa mag-asawa lalo na sa mga bata. Ito ay nag
bubunga ng pagrerebelde at pagkakapariwara sa
buhay. Nararapat lang na ipadama pa rin sa mga
anak ang kanilang pagmamahal at ituloy ang
kanilang obligasyon sa mga anak upang ito ay
mamuhay ng normal.

You might also like