Pananaliksik
Pananaliksik
Pananaliksik
MGA LAYUNIN:
• Nabibigyan halaga ang pananaliksik bilang pang-akademikong
gawain.;
• Nakikilala ang iiba’t ibang bahagi pananaliksik at gamit nito;
• Nakagagawa ng isang payak na banghay ng pananaliksik.
ANO ANG PANANALIKSIK?
• Sistematikong pag-iimbestiga at pag-aaral upang makapagpaliwanag at
makapaglatag ng katotohanan gamit ang iba’t ibang batis ng kaalaman.
• Ito ay isinasagawa bilang lohikal, at organisadong batayan ng mga karagdagang
kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan.
• Ginagamit upang palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa
mga institusyong pang-akademiko.
• Paghahanap, pangangalap, pagtatasa o pagtataya, at pagiging kritikal ay mga
kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
PANANALIKSIK
• Nagsisimula sa mga tanong sa pananaliksik (research question).
• Sinasaklaw ng mga tanong ang pinakabuod o sentro ng pananaliksik
• Tinutukoy nito ang uri at layunin ng panaliksik at nagsilbi rin itong
patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.
TUGON SA SULIRANIN
• Tumutukoy ito sa paksa, usapin o pangyayari na nais siyasatin,
kailangang alamin.
• Mga kondisyong dapat baguhin
• Mga hamon na dapat bigyan ng solusyon ng isang mananaliksik
PAGBUO NG TANONG SA PANANALIKSIK
(DUKE WRITING STUDIO)
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-
aaral na maisagawa tungkol dito.
Paggamit ng orihinal na teksto. Kinukuha ang mismong pananalita ng orihinal na teksto mula
sa sanggunian.
Maaaring nakapahilig ang titik nito (italicized) o ginagamitan ng panipi (“/”).
Maaaring direktang sipiin ang buong pahayag o maaari ding bahagi lamang.
Gumagamit din ng tatlong tuldok (… o ellipsis) sa dulo o unahan nh pahayag bilang pananda
na may mga bahagi mula sa orhinal na hindi isinama sa sipi.
BUOD
Nilalagom ang mahahalagang punto o teksto at ilanh suportang detalye. Isinusulat ito
gamit ang sariling pananalita.
Maaaring gamitin bilang paraan ng pagtatala kung ang layunin ay magbigay ng
pangkalahatang ideya tungkol sa isang paksa, konsepto, teorya, at iba pa.
PRECIS
Personal na interpratasyon ng isang akda o ekspresyon ng saloobin. Ito
ang eksaktong replica sa mas malaking pahayag na kadalasan ay 1/5
lamang ang haba kung ihahambing sa orihinal na teksto. Ibinubuod ng
precis ang nilalaman ng orihinal na sulatin.
HAWIG (PARAPHRASE)
Muling paglalahad ng ideya ng iba sa sariling pananalita upang mas medaling mauunawaan.
Nagkakaroon ng pagbabago sa :
1. Estruktura ng salita ay pangungusap
2. Mga salitang ginamit
Kailangang hindi ito lumihis sa orihinal na teksto o mapanatili ang eksaktong ipinahahayag nito.
ABSTRAK
Matatagpuan sa mga unang pahina ng tesis at disertasyon ang mga
asbtrak. Naglalaman ito ng kabuuan tulad ng mga layunin ng pag-aaral,
teoryang ginamit, metodolohiya, resulta ng pag-aaral, konklusyon, at
rekomendasyon.
PAGSASALING -WIKA
Isang napakahalagang kasanayan lalo na sa akademya. Itinataas nito ang
antas para sa intelektuwalisasyon ng wika sa disiplinang
pinagkakadalubhasaan. Sentral ang wika lalo na sa pananaliksik na nag-
uuri mula sa kaugnay na pag-aaral, pangangalap, hanggang sa pagsusuri,
at representasyon ng mga datos.