Fildis 7
Fildis 7
Fildis 7
(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 15
1. Introduksiyon
2. Paglalahad ng Suliranin
3. Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral
4. Layunin
5. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang isang panukalang saliksik ay karaniwang
binubuo ng sumusunod na bahagi:
6. Teoretikal na Balangkas
7. Metodo
8. Saklaw at Delimitasyon
9. Daloy ng Pag-aaral
Mga Bahagi ng Panukalang Saliksik
Introduksiyon
Tinutukoy na sa bahaging ito ang paksa at
suliranin ng saliksik upang magkaroon agad ng ideya
ang babasa ng panukalang saliksik kung tungkol saan
ang pag-aaral. Mahalagang mapag-iba ang paksa at
suliranin. Ang suliranin ng saliksik ay isang katanungan
hinggil sa isang aspekto ng paksa.
Halimbawa, kung ang paksa ay “wika at agham,”
isang posibleng suliranin ng saliksik ay “Bakit kaunti o
halos walang nagsusulat ng siyentipikong babasahin sa
wikang Filipino?”
LAYUNIN
Isa-isahin ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na
tumutukoy sa mga espesipikong gagawin sa saliksik. Dahil
ang mga layunin ay tumutukoy sa dapat gawin, nakasulat
ang bawat layunin gamit ang mga verb o pandiwa.
Karaniwan, may mga tatlo hanggang limang tiyak na
layunin ang isang may katamtamang habang saliksik (mga
30 hanggang 50 pahina).
Ang bawat layunin ay dapat na espesipiko, maaaring
isakatuparan, at nasusukat. Kapag naisulat na ang saliksik,
karaniwang binabalikan ang mga tiyak na layunin para
matiyak kung natamo ang lahat ng mga layuning ito.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Dito ipinaliliwanag kung bakit mahalagang gawin
ang pag-aaral. Maaaring mahalaga ang pag-aaral dahil
sa maiaambag nito sa isang akademikong disiplina, o
maidaragdag na impormasyon o kabatiran hinggil sa
isang napapanahong isyu, o maibibigay na sagot sa
isang problema ng lipunan.
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Para sa marami, isang mabigat na salita ang teorya.
Karaniwan, iniuugnay ito sa mga salitang nagtatapos sa “-
ismo” tulad ng pormalismo, marxismo, peminismo, pos-
estrukturalismo, at iba pa. Pero hindi lang naman ang mga
salitang ito ang maituturing na teorya. Sa halip na salitang
teorya, maaari ring gamitin ang salitang konsepto o ideya.
Sa Teoretikal na Balangkas ipinaliliwanag ang mga
ideyang gagamitin sa pagtingin, pagpapahalaga, o
pagsusuri sa mga datos na natipon sa saliksik. Sa bahaging
ito rin ipinaliliwanag kung paano ilalapat ang mga ideyang
ito sa datos.
TEORETIKAL NA BALANGKAS
Kapag sinabing mga konsepto o ideya, maaaring
nasa anyo ito ng mga salita o pangungusap. Ang mga
konsepto o ideyang ito ay maaaring nabuo ng ibang
mananaliksik, iskolar, o eksperto mula sa kanilang sariling
malawakan o malaliman o tuloy-tuloy na pananaliksik sa
isang larang. Dahil sa kahalagan ng kanilang nabuo o
nadebelop na konsepto o ideya, maaaring gamitin din ng
ibang mananaliksik o iskolar ang mga konsepto o ideyang
ito sa pag-aaral ng ibang paksa o ng ibang aspekto ng
paksang niluwalan ng konsepto o ideyang ito.
METODO