Q3 - MAPEH 5 - Week 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 51

New Printing Technique

CONTINUATION OF
WEEK 4
Anu anong mga disenyo
ang inyong nagawa noong
nakaraan?
1. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo
ng disenyong ito?
3. Paano ginagawa ang disenyong ito?
Ang paghuhudhod ay isa sa mga
paraan ng pag-iwan ng bakas ng isang
bagay upang makabuo ng isang kawili-
wiling disenyo.
May dalawang paraan sa paghuhudhod:
1. Isa nito ay ang paglagay ng isang bagay o
dahon sa ilalim ng papel at ihudhod ang
krayola sa ibabaw ng papel upang makaiwan
ng bakas.
2. Ang pangalawa ay ang paglipat ng isang
kinulayang disenyo sa ibang papel.
Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng disenyong ating
tinalakay gamit ang papel, lapis, pintura, gunting, diyaryo at
karton. Tingnan mo muna ang rubriks para sa mga
kaukulang puntos.

1. Ano ang nabuo mong disenyo?


2. Anong kagamitan ang ginamit sa pagbuo ng disenyong ito?
3. Nasunod mo ba nang wasto ang mga hakbang sa pagbuo
nito?
Bilang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki
sa sa ibang tao ang iyong sariling likhang
disenyo?
Ano ang paglilimbag?

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining


na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng
bakas ng isang kinulayang bagay. Sa
pamamagitan ng kulay mapagyayaman ang
ganda ng mga gawaing sining dahil ito ay
nagpapakita ng damdamin at imahinasyon
ng gumawa
Paano mo tutulungan ang isang nagtitinda ng kakanin sa iyong
lugar upang makilala ang kanilang produkto ng mga tao? Igawa
mo siya ng poster.
Mga Uri ng Tinig
sa Pag-awit
AnswerS
Isa siya sa mga sikat na mang-aawit sa ating bansa,
Ang tinig ng mga mang-aawit tulad nila
Regine Velasquez, Lea Salonga, at Lani
Misalucha, ay Soprano. Samantalang Alto
naman ang tinig nila Aiza Seguerra, at Jaya.
Ang mga kilalang lalaking mang-aawit tulad
nila Daryl Ong at Jed Madela, ay may tinig na
Tenor. Sina Joey Ayala at Juancho Gabriel
(Idol Philippines) ay may tinig na Bass.
• Isa sa elemento ng musika ay ang Timbre.
• Ito ay tumutukoy sa kulay at lawak (mataas,
katamtaman, at mababa) ng tinig.
• Sa pamamagitan ng Timbre, madali nating
nakikilala ang isang mang-aawit dahil sa lawak
ng tinig na kanyang tinataglay.
• May apat na uri ng tinig na ginagamit sa pag-
awit. Ito ay naaayon sa pinakamababa at
pinakamataas na tono na naaabot ng isang mang
aawit.
MGA SAGOT
Paano mo mailalarawan ang
iyong kasiyahan sa kilalang
mang-aawit na iyong
napakinggan?
MGA SAGOT
Panuto: Ilarawan ang mga ng uri ng tinig. Isulat ang sagot sa
espasyong nakalaan. Dalawang puntos bawat aytem.
1. Soprano =
_________________________________________________________
2. Alto =
_________________________________________________________
3. Tenor =
________________________________________________________
4. Bass =
_________________________________________________________
MGA SAGOT
Lagyan ng TSEK (✓) ang bawat bilang ng mga larawan ng katutubong
sayaw at EKIS (X) naman sa hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
Lagyan ng TSEK (✓) ang bawat bilang ng mga larawan ng katutubong
sayaw at EKIS (X) naman sa hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
Lagyan ng TSEK (✓) ang bawat bilang ng mga larawan ng katutubong
sayaw at EKIS (X) naman sa hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
Pamilyar ka ba sa katutubong
sayaw na ito? Nakapagsayaw ka
na ba nito?
Pamilyar ka ba sa
katutubong sayaw na
ito? Nakapagsayaw ka
na ba nito?
Ang Tinikling ay isang pambansang sayaw sa ating bansa at
isang tradisyonal na katutubong sayaw na nagmula sa
panahon ng kolonyal ng Espanya. Ang sayaw na ito ay isa sa
pinakamatandang sayaw mula sa Pilipinas, at nagmula sa mga
isla ng Leyte sa Kabisayaan. Hango ang pangalan ng Tinikling
mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at
leeg, matulis ang tuka at malalambot ang balahibo. Ginagaya
ng sayaw ang paggalaw ng mga ibon na nakikiliti habang
umiiwas sila ng mga bitag ng kawayan na itinakda ng mga
magsasaka ng palayan.
Ginaya ng mga mananayaw ang biyaya at liksi ng
ibon ng tikling sa pamamagitan ng pagsayaw sa
pagitan ng malalaking mga poste ng kawayan.
Ang sayaw at musika ay nasa ritmong 3/4 na
binubuo ito ng 5 kasanayan na matatagpuan sa
mga susunod na pahina.
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bawat bilang kung ang
pangungusap ay Makatutuhanan at ekis (X) kung ito ay Hindi
Makatutuhanan. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Naihahalintulad ang sayaw na Tinikling sa mga ibong Tikling
na nakikita sa palayan.
_____2. Ang magkaparihang mananayaw ay kumakatawan sa ibong
tikling.
_____3. Samar ng Visayas ang pinagmulan ng sayaw na Tinikling.
_____4. Ang tinikling ay isang makabagong sayaw.
_____5. Mabilis at nasa batayang kumpas na 3/4 ang musika ng
sayaw na tinikling.
Bakit mahalagang matutunan at
ipagmalaki natin ang mga sayaw ng ating
katutubo?
Panuto: Markahan ng TSEK (✓) bawat bilang kung ang pangungusap ay
makatutuhanan at EKIS (X) kung ito ay hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. Ang Tinikling ay isang katutubong sayaw.
_____2. Lalawigan ng Leyte sa Visayas ang pinagmulan ng sayaw na Tinikling.
_____3. Panyo at pamaypay ang mga pangunahing kagamitan sa sayaw na Tinikling.
_____4. Ang magkapareha ay pawang mga lalaki.
_____5. Ang sayaw na Tinikling ay nasa palakumpasang 3 4.
_____6. Ang bilang ng ritmo ng sayaw ay 1,2,3,4.
_____7. Ang magkapareha ay pawang nakasuot ng pantalon.
_____8. Ang mga kamay ng lalaki ay nakahawak sa baywang.
_____9. Ang magkapareha ay nakasuot ng sapatos.
____10. Dalawang piraso ng bilao ang mga kasangkapang ginagamit sa sayaw na
Tinikling.
MGA SAGOT
Ikatlong Markahan –
Modyul 4: Pag-iwas at
Pagkontrol sa Paggamit at
Pag-abuso ng Gateway
Drugs
Paano mo
mapapanatiling malusog
ang iyong katawan?
Panuto: Basahin nang mabuti ang maikling kwento. Kulayan ang watawat
ng berde kung ang isinasaad na pangyayari sa tapat nito ay may mabuting
impluwensya, at pula naman kung walang mabuting impluwensya.Gawin ito
sa iyong kwaderno.
Unang grupo: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng tamang
pag-aalaga sa sarili.

Ikalawang grupo: gumawa ng isang tiktok video o campaign sa


pagsugpo ng mga pinagbabawal na droga.

Ikatlong grupo: Isadula ang isang pamgyayari na kung saan ang


isang kabataan ay nalulong sa masamang bisyo dahil sa
impluwensya ng kaniyang mga barkada at sa nakapaligid sa kaniya
at kung paano siya nagbago.
Bakit kinakailangang matutong magdesisyon ng tama at di
nagpapadala sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at
kabarkada
Ang paggamit ng gateway drugs ay pansariling kagustuhan
lamang. Magpapasya ka ba ng tama para sa kapakanan ng
iyong kalusugan o magpapadala ka sa maling sinasabi ng
iba, kaibigan at kabarkada? Kung ano ang desisyon mo sa
bawat araw ay may malaking epekto ito sa iyong sarili at sa
ibang taong nakapaligid sa iyo.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kahon kung ang pangungusap ay
nakatutulong sa sarili upang maiwasan ang pag-abuso ng paggamit ng
gateway drugs, at ekis ( X ) naman kung hindi.Gawin ito sa iyong
kwaderno.

You might also like