Madilim Pa Ang Umaga

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Madilim pa ang

umaga
ni: Teodoro A.
Agoncillio
I. Anyo ng Panitikan: Maikling Kuwento
II. Pamagat: “Madilim pa ang umaga.”
III. May-akda: Teodoro A. Agoncillio

Si Teodoro ANDAL. Agoncillo ngunit kilala rin sya bilang teddy o ago.
Siya ay tanyag na istoryador, mangangatha, at makata. Isinilang siya sa Lemery,
Batangas noong 9 Nobyembre 1912, at yumao noong 14 Enero 1985. Kinilala
dahil sa kontribusyon niya sa pagsulat ng kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat
siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya
ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior
Chamber of the Philippines noong 1963 at "Distinguished Scholar of the
University of the Philippines" noong 1968.
Pambansang Alagad ng Agham, si Teodoro Agoncillo ang kinikilálang “ama
ng makabansang pananaw sa pagsulat ng kasaysayan.” Iginiit niya na dapat
sulatin ang kasaysayanng Filipinas ng isang Filipino at sa pananaw na Filipino
at ipinakita ito sa kaniyang mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig
noon sa historyang likha ng mga dayuhan. Iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist), postumo, noong 11 Hulyo
1985.
IV. Gawad na Natamo:
V. Taon: 1943
VI. Buod

Ito ay kwento ng isang binatang lalaki na nagngangalang Ruben.


Siya ay dating maituturing na “chickboy” dahil sa magara nitong dating,
Subalit isang araw ay bigla na lamang nag-iba ang kanyang nayo. Hindi na
siya ang dating Ruben na maituturing ng kanyang mga kaibigang
chickboy”. Madalas ay malalim mag-isip ang binatang ito at napapansin
iyon ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. Madalas niyang isipin ang
sinasabi ng kanyang mga kaibigan na siya ay madamot subalit hindi
nalalaman ng kanyang mga kaibigan na siya ay may isang malaking
pamilya na iniwan ng kanyang Ama. Madalas din siyang pagtawanan ng
Mga ito sapagkat nagbago na nga ito mula nang yumao ang kanyang Ama. Madalas
niyang nakikita ang kahirapan sa paligid at ang mga taong nilulustay ang pera sa mga
walang kwentang bagay bagamat may mas nangangailangan ng perang iyon. Sa kwentong
ito masasalamin natin ang dalawang mukha ng ating Lipunang kinagisnan, ang isang
mukha ay para sa nakaririwasa na walang ibang inaalintana kundi ang magsaya at walang
pakialam sa mga hirap na hirap na mga taong walang makain, pangalawa ay ang Lipunan
ng mga taong mahihirap na katulad ni Ben ay pinagkakasya ang kinikita para sa pagtulong
sa pamilya subalit hindi iyon napapansin o nakikita ng mga nakaririwasa. Sila’y walang
pakundangan sa pagwawaldas ng kanilang pera sa walang kabuluhanng bagay
samantalang sa kalye ay naroroon ang mga yagit na naghihintay ng baryang kumalasing
kanilang harapan. Sila bang mayayaman ay bulag? O nag bubulag bulagan lamang?
Panimula
Hindi na siya ang dating magara ngunit’y duwag. Nagmaliw na sa balintataw ng
kanyang mga mata ang amo ng malamlam na umagang malamig at may simoy ng
amihang nagpapayuko sa hitik na uhay ng manilaw-nilaw na palay. Hindi na
kahinhinan ng loob ang namimintana sa kanyang mga mata. Hindi na. Mapusok na
siya ngayon. Hindi na siya mahihiyaing tulad noon. Ngayo’y lubhang matingkad
na ang kislap ng kanyang mga mata. May liwanag na ngayong nakasusunog sa
bawat titigan. Ngunit ang mga titig na iya’y hindi ang mga titig na kinababaliwan
o kinabaliwan ng mga dalaga. Ang liwanag ng kanyang mga mata’y naglalarawan
na ngayon ng mgamga pangyayari’t pagbabago. Walang nakahahalata sa mga
pagbabago ni Ruben.
Mga elemento
Paksa
Ang responsibilidad ng panunahing tauhan sa kanyang pamilya
Mababasa sa kuwento ang responsibilidad ni ruben sa kanyang pamilya na
itinugon ng ama ni Ruben sa kanya bago ito pumanaw. Ang gawing ito ay likas
sa mga Pilipino na mapahanggang sa ngayon ay nararanasan parin ng mga
Pilipino. Ang anak na mayroong trabaho ay sa kanila inaasa ang mga bigat ng
responsibilidad sa pamilya. Na kung ito ang naranasan ng pangunahing tauhan
ng kuwento.
Tagpuan
Naganap ang tagpyan ng kuwento sa Maynila- natukoy ko ang tagpuan
sapagkat naibanggit sa kwento ang ilang lugar sa Kamaynilaan tulad ng Sta.
Cruz, Quiapo, Liwasang Goiti, Liwasang Burgos at Liwasang Sta. Cruz
Saglit na kasiglahan

Makikita ang pagbabago sa personalidad ni Ruben, mula sa dating duwag at


mahinhin patungo sa isang mapusok at matapang na indibidwal.
Tauhan
Ruben- Pangunahing tauhan sa kuwento na may responsibilidan sa kanyang
pamilya. Kilala siyang dating chickboy.
Nene- kasamahan ni Ruben sa trabaho
Lydia- kasamahan ni Ruben sa trabaho
Isang, Sisa, Gloria, Juanita, Carling, Fe at Totoy- mga kapatid ni Ruben
Tunggalian

Tao laban sa sarili

Ang tunggalian ay nagaganap sa loob at labas ng isipan ni Ruben. Siya


ay nakikipaglaban sa kanyang mga bagong saloobin at pananaw sa
buhay, na tila hindi naaayon sa kanyang dating pagkatao at sa lipunan.
Kasukdulan

Narating ni Ruben ang kanyang kasukdulan nang siya’y magbigay ng tulong sa


isang taong nangangailangan, kahit na ito ay nangangahulugang pagtanggap sa
kanyang sariling kahirapan
Sa gitna ng kanyang pag-aalala at kalungkutan, nagkaroon si Ruben ng isang
pagkakataon na tumulong sa isang batang nanlilimos. Sa pagtulong na ito,
ipinakita ni Ruben ang kanyang pagbabago at pagiging makatao.
Kakalasan
Ang kakalasan ay ang pagtanggap ni Ruben sa kanyang bagong
pananaw at pag-unawa sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Wakas
Sa wakas ng kuwento, mapapansin ang kabutihang-loob ni Ruben
sa kanyang pagtulong sa maralitang lalaki. Ito ay nagpapakita ng
kanyang pagbabagong-loob at pagkakaroon ng mas malalim na
pag-unawa sa buhay.
Teoryang pampanitikan

Ang kuwentong “Madilim Pa ang Umaga” ay maaring suriin gamit ang


teoryang realismo sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tunay na
pangyayari at karanasan ng mga tauhan sa pang-araw-araw na buhay.
Ipinakita nito ang mga hamon at kahirapan ng buhay, pati na rin ang mga
pagbabago at pag-asa na maaaring dala ng kabutihan at paglilingkod sa
kapwa. Ang karakter ni Ruben at ang kanyang mga pagsubok ay
nagpapakita ng realidad ng buhay at ng proseso ng pagbabago at pag-unlad
ng isang tao sa lipunan.

You might also like