Mga Hayop Na Ligaw At: Kalingain at Alagaan: Endangered
Mga Hayop Na Ligaw At: Kalingain at Alagaan: Endangered
Mga Hayop Na Ligaw At: Kalingain at Alagaan: Endangered
Endangered: Kalingain
at Alagaan
ESP Q4 W4
Layunin:
•Napahahalagahan ang lahat
ng mga likha na may buhay:
- pagkalinga sa mga hayop na
ligaw at endangered
Balik-aral:
Paano mo ipinapakita ang paggalang sa iyong kapuwa? Ilagay ang hugis-
puso sa patlang kung nagpapakita ito ng paggalang sa kapuwa at
malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Binabati ni Pining ang kaniyang guro sa tuwing nakasalubong niya ito
sa daan.
2. Sumasagot nang pasigaw si Ashley sa kaniyang nanay.
3. May sinasambit na masasamang salita si Janet kung nakikipag- usap
sa labas ng kanilang bahay.
4. Nagmamano si Ken Rovic sa kaniyang lolo pagkarating sa bahay galing
paaralan.
5. Tinutukso ni Zymon ang kalarong may kapansanan
Tuklasin:
•Nakarating ka na ba sa Manila
Zoo? Sa Wildlife o Animal Park
sa inyong lugar?
Basahing mabuti ang kuwento at sagutin
ang mga tanong pagkatapos.
Fieldtrip sa Manila Zoo
ni Josephine Bruselas Mien
Masayang masaya ang klase ni Bb. Bida
nang ibalita niya na magkakaroon sila ng
lakbay-aral sa susunod na araw. Lahat ay
nasasabik sa gaganapin na pamamasyal.
Dumating ang araw ng lakbay-aral, lahat
ay handang-handa na lalo na si Zymon,
ang mag-aaral na mapagmahal sa mga
hayop. Hindi niya maaaring palagpasin
ang pamamasyal patungo sa Manila Zoo.
Pagdating nila sa zoo ay
ginabayan sila ng zookeeper o ang
tagapangalaga ng mga hayop. Isa-
isang ipinakita sa kanila ang mga
hayop na ligaw at endangered
tulad ng ahas, giraffe, tamaraw,
usa, Philippine eagle, crocodile,
tigre, leon, at marami pang iba.
Namangha ang mga bata sa dami
ng mga hayop na nakita nila.
Kanya-kanya silang kuha ng
larawan ng mga hayop. Ibinahagi
ng zookeeper ang tamang
pamamaraan sa pangagalaga ng
mga ito.
“Mga bata, nais kong malaman ninyo
ang mga dapat tandaan upang
mapanatiling ligtas ang mga hayop
na tinuturing na endangered at ligaw.
Iwasan ang panghuhuli at pananakit
sa mga hayop. Bawal ang pagpatay
sa kanila. May kaukulang parusa
ang sinumang gumawa nito. Ang
mga inaalagaang hayop naman ay
ituring na parang kaibigan at huwag
pabayaan. Magsaliksik ng tamang
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga
ito. Iulat sa may kapangyarihan ang
sinumang nagmamaltrato nito.
Protektahan ang tirahan nila”.
“Mahalin natin sila upang
maiwasan ang pagkaubos nila.
Mangako kayo na aalagaan ang
mga hayop dahil katulad din
natin sila na nilikha ng Diyos”,
paliwanag muli ng zookeeper.
“Opo”, sabay sabay na sagot ng
mga bata.
“Sir, maaari po bang alagaan sa
bahay namin ang ligaw na
hayop o endangered animals”,
tanong ng batang si Zymon.
“Ayon sa Republic Act No. 9147
o ang Wildlife Resources
Conservation and Protection
Act, maaari naman ngunit
kailangang mabigyan ng
Certificate of Wildlife
Registration mula sa
Department 6 of Environment
and Natural Resources (DENR)
ang sinumang nais mag-alaga.”
paliwanag ng zookeeper.
Lahat ay may natutunan
sa kanilang
pamamasyal. Umuwi
silang masasaya at
gumawa ng maikling
kwento mula sa kanilang
naging karanasan bilang
bahagi ng kanilang
awtput sa Araling
Panlipunan.
Mga Tanong:
1. Saan nagpunta ang mga bata?
2. Ano ang naramdaman nila pagdating doon? Bakit?
3. Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang
mga hayop na ligaw at endangered animals?
4. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang
mga hayop na ligaw at endangered animals? Bakit?
Suriin:
• Lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga at may gampanin sa
mundo. Tulad ng mga hayop sa ating paligid. Dapat alagaan
ang mga hayop sapagkat sila ay nilalang ng Diyos at
nakatutulong sila sa atin sa maraming paraan. Katulong
natin ang mga hayop sa ating mga gawain tulad ng mga
kalabaw na katuwang ng magsasaka sa pag-aararo sa
bukid. Ang mga kabayo naman ay nagsisilbing
transportasyon sa ilang lugar. Samantalang ang aso ay
napakikinabangan sa pagpapanatili ng siguridad ng mga tao.
• Ang mga hayop ay nagbibigay din ng pagkain tulad
ng baboy, baka, at manok na madalas ihanda sa
hapag-kainan. Ang balat ng ilang hayop ay
maaaring gamitin bilang material sa iba’t ibang uri
ng produkto tulad ng sapatos at bag. Ang mga
hayop din ay nagdudulot ng kasiyahan sa atin.
Mahalaga at kapaki-pakinabang ang nagagawa
para sa atin ng mga hayop kaya dapat na
matutunan natin silang pangalagaan at
protektahan.
• Bukod sa mga karaniwang hayop na ating inaalagaan at nakikita sa
kapaligiran, may mga ligaw na hayop at endangered animals din na
dapat nating alagaan at protektahan. Tinatawag na endangered
animals ang mga hayop na nanganganib nang maubos at maaaring
mawala pagdating ng panahon. Nawawala ang mga hayop kung ang
huling uri ay namatay na maaaring dahil sa pagkasira ng kanilang
tirahan, polusyon, at ilegal na pangangaso. Ibig sabihin, kapag ang
mga natitirang hayop ay namatay, hindi na sila muling makikita sa
mundo. Mawawala na sila magpakailanman. Ilan sa mga ligaw na
hayop at endangered animals ang giraffe, baboy ramo, gorilla, buwaya,
Philippine eagle, tamaraw, tarsier, spotted deer, pagong, pilandok,
ahas, at iba pa. Kadalasan, makikita ang ilan sa mga ito sa zoo. Ang
zoo ay isang lugar kung saan pinangangalagaan ang iba’t ibang hayop.
May mahalagang parte itong ginagampanan upang proteksiyunan ang
mga hayop laban sa pagkalipol.
• Ang Republic Act 8485, na mas kilala
bilang Animal Welfare Act, ang unang
batas na komprehensibong nagtadhana
sa tama at makataong pangangalaga ng
mga mamamayan sa lahat ng hayop sa
Pilipinas. Sa pamamagitan ng batas na
ito nabuo ang Committee on Animal
Welfare na siyang mamumuno sa
pagpapatupad ng batas.
• Ayon sa batas na ito dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng
wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang
mapatunayang lumalabag dito. Sa seksiyon 6 ng batas,
ipinagbabawal ang pananakit o pagpatay sa mga hayop maliban
sa mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, manok, kambing,
tupa, kalabaw, at kabayo. Ayon naman sa Republic Act 9147 o
ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
maaaring mag-alaga ng anumang klase ng protected at
endangered species ngunit kinakailangan lamang na mabigyan ng
Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng
Certificate of Wildlife Registration (CWR). May proseso na dapat
sundin kung nais mag-alaga ng anumang uri ng protected at
endangered species at kapag nilabag ito ay may kaukulang
parusa o multa.
• Ingatan at protektahan natin ang mga hayop upang
maiwasan ang pagkaubos nila. Kapag nawala sila, wala na
rin tayong mapagkukunan ng ating mga kailangan at
pagkain. Maraming paraan ang maaari nating gawin upang
alagaan at mahalin sila. Bigyan sila ng tama at sapat na
pagkain, linisin ang kanilang tirahan, gamutin kung maysakit,
huwag sirain ang kanilang tirahan, iwasan din ang pagputol
ng mga kahoy na nagsisilbing tirahan ng ibang mga hayop,
mas mabuti kung magtanim ng mga puno para sa kanilang
tirahan, magsuporta sa ahensya ng pamahalaan na
kumakalinga sa mga hayop, at magkaroon ng kaalaman sa
wastong paraan ng pag-aalaga ng mga hayop.
• Mayroong mga ahensya at organisasyon na
tumutulong sa mga endangered at ligaw na hayop
katulad ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Yaman (DENR) na nakatutok sa pangangalaga at
proteksyon sa mga hayop at halaman sa bansa. Isa
rin sa mga organisasyon ay ang PARC o PAWS
Animal Rehabilitation Center na nagsisilbing
pansamantalang kanlungan para sa mga aso, pusa,
at iba pang mga hayop na naligtas mula sa kalupitan
o kapabayaan na may layuning rehabilitahin at ilagay
sila sa mga mapagmahal na tahanan.
•Dapat nating pahalagahan ang
mga hayop dahil nilalang din sila
ng Diyos. Higit nating paunlarin
ang pagmamahal at pag-aalaga
sa Kaniyang mga nilikha upang
patuloy na yumabong ang lahat
ng biyaya Niya sa atin.
Subukin:
Basahing mabuti ang mga pahayag tungkol sa pagturing ng tao sa
mga hayop. Isulat sa sagutang papel ang titik T kung ito ay tamang
gawi at M kung mali.
____1. Pinapaliguan ang alagang aso upang mapanatili itong malinis.
____2. Hinuhuli ang mga ibon upang alagaan sa bahay.
____3. Sinasaktan o pinagmamalupitan ang mga alagang hayop.
____4. Nagbabasa tungkol sa mga batas upang maproteksyunan ang
mga hayop.
____5. Inaalagaan ang mga hayop na may sakit.
____6. Pinapanatiling malinis at maayos ang kulungan
para sa alagang hayop sa bahay.
____7. Pinapakain ang mga alagang hayop isang beses sa
loob ng isang linggo.
____8. Sinisira ang mga punongkahoy na tirahan ng mga
ibon.
____9. Hindi nililinis ang kulungan o tirahan ng alagang
hayop.
____10. Inaalam ang mga tamang paraan ng pag-aalaga
ng hayop gamit ang internet.