Lesson PROPER 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Area : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4 (Q4-W2)

Time: 1:00-1:45 P.M.


Grade Level : FOUR
Date : JUNE 19, 2023

A. Pamantayang Pangnilalaman : Nauunawaan at naipapakita ang pananalig


sa diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa
mga likha;
B. Pamantayang sa Pagganap : Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa
pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa likha
C. Mga Kasanayan ng Pagtuturo : Hayop: pagkalinga sa mga hayop na ligaw
at endangered (EsP4PD-IVd-11)

I.LAYUNIN

1.Natutukoy ang mga gawaing nagpapakita ng wastong pagkalinga sa


mga endangered species;
2.Nakapagbibigay ng mga paraan tungkol sa pangangalaga at
pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered;
3.Napapahalagahan ang pagkalinga sa mga hayop na ligaw
at endangered.

II.NILALAMAN :

A.Paksang Aralin : PAGKALINGA SA MGA HAYOP NA LIGAW O


ENDANGERED

B.Sanggunian
1.Gabay ng Guro :Most Essential Learning Competencies
2.Kagamitan ng Mag-aaral : Edkasyon sa Pagpapakatao kagamitan
ng Mag-aaral
3.Sangguniang Aklat : Region XI - ESP4 Module - Quarter 4
4.Kagamitang Panturo: Powerpoint presentation, Larawan, Charts,
Pentel pen, laptop

C. Pagtatakda ng Alituntunin:

 Panalangin
 Pagbati
 Pagsuri ng Attendance
 Pagbati sa mga mag aaral. Itanong din kung sino sa kanila ang
mahina ang pandinig at malabo ang paningin upang mabigyan
ng maayos na pwesto.

Integrasyon sa Iba’t-ibang Asignatura : ENGLISH, SCIENCE, ARALPAN,


MATH, FILIPINO
MGA TUNTUNIN BAGO MAG SIMULA ANG KLASE
 Maupo ng Maayos.
 Itaas ang kamay kapag gustong sumagot.
 Makinig sa guro at sumagot sa mga tanong kung kinakailangan.
 Igalang ang bawat isa sa klase.

III. PAMAMARAAN

A. Pagsasanay:
Panuto: Pagkanta ng “ If your happy and you it, clap your hands”.

B.Pagganyak:
Panuto: Ang mga mag aaral ay kinakailngang alamin ang uri ng hayop na
ipapahiwatig mula sa bugtong na babanggitin ng guro na may kalakip na
kalahating larawan ng hayop na tinutukoy.
A.Hulaan mo, anong hayop ako. Ang abot ng paa koy abot rin ng ilong
ko.
Sagot: Elepante

B.Sa araw ay nahihimbing at sa gabi ay gising


Mata’y nagmamasid sa dilim,gamit ang pakpak na maitim.
Sagot: Paniki

C.Ibon kong saan man makarating,makababalik kung saan nanggaling


Sagot: Kalapati

C.Pagalalahad:

WORDS UNLOCK
Filipino - nabibigyang kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pormal
na depinisyon

Endangered

Wildlife

Clean-up Drive

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Basahin at unawain ang kwento.
PAMBIHIRANG NILALANG

Isang araw sumali ang dalawang matalik na magkaibigan na sina


Pedro at Juan sa isang Coastal Clean-Up Drive na isinasagawa sa
kanilang lugar sa Sito, Bali-balik,Guihing. Sabik na sabik silang makasali
dahil gusto nilang makatulong sa lipunan. Gusto nilang maging malinis
ang baybayin. Kahit tirik ang araw ay hindi nila iniinda ito, sa halip ay
ginanahan pa sila sa paglilinis. Bitbit pa nila ang mga kagamitang
panlinis.Sa gitna ng kanilang paglilinis ay may napansin silang may
lumulutang na supot sa may baybayin na parang may gumagalaw sa
loob. Ang supot ay inanod ng alon papunta sa may buhanginan.
Nilapitan nila ito at nagulat sila nang ito ay gumagalaw. Parang may
pambihirang nilalang sa loob ng supot. Kanila itong inusisa at napag-
alamang ang nasa loob ng supot ay isang pawikan. Inilabas nila ang
pawikan at napansing may lubid na nakatali sa leeg nito. Kaya dahan-
dahan nila itong tinanggal. Kanila ring inusisa kung may sugat ba ito na
marka ng lubid, mabuti na lang at wala.Nagmungkahi si Juan kay Pedro
na kanila itong ibenta sa palengke o ‘di kaya ay gawin nila itong laruan.
Ngunit tumutol si Pedro at sinabihan si Juan na ang pawikan ay isa sa
mga endangered species sa Pilipinas. Dagdag pa nito na may
nangangasiwa sa pangangalaga ng endangered species, ito ay ang
Department of Environment and Natural Resources (DENR) at
mapaparusahan ang sinumang kumuha o magmamay-ari nito.
Sinabihan ni Pedro si Juan na mas mabuting hayaan itong mamuhay na
malaya at pakawalan na lang ito sa natural nitong tirahan sa baybayin
dahil ito rin ay likha ng Panginoon. Masaya silang makita na parang
tuwang-tuwa ang pawikan sa natamasa nitong kalayaan.

English - Analyze a story in terms of its elements


Sagutin ang mga tanong.

Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Sino-sino ang dalawang matalik na magkaibigan?

2. Ano ang kanilang sinalihan?

3. Ano ang kanilang nakita na inanod ng alon sa may buhanginan?

4. Ano ang mungkahi ni Juan kay Pedro?

5. Bakit kailangang pakawalan ang pawikan?


D.Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #1

 Ang guro ay magbabahagi ng panibagong aralin.

Pagmasdan ang larawan.

Ang mga larawan na inyong nakita ay mga pook pasyalan na kung saan
makikita dito ang iba’t-ibang uri ng hayop.

1..Malagos Garden Resort- Ang Malagos ay matatagpuan sa Baguio


District, Calinan-Baguio-Cadalian Rd, Davao City

2..Davao Crococdile Park - Ang Davao Crococdile Park ay matatagpuan


sa Maa Davao City.

3.Manila Zoo – Ang Manila Zoo na matatagpuan sa Malate, Maynila

4. Manila Ocean Park – Ang Manila Ocean Park ay matatagpuan sa


Luneta, Manila.

Ngayon sabihin ninyo ang mga pangalan ng mga hayop na inyong


makikita at kung saan sila nakatira
Karamihan sa kanila ay pinangangambahan na malapit ng maubos
kaya ang ating pamahalaan ay nagtalaga ng mga mamumuno upang
mapangalagaan ang mga hayop at isa narito ay ang Department of
Environment and Natural Resources.
Ang DENR ang tinatawagan ng mga taong nakakita o nakakasagip ng
mga hayop. Handa silang tumugon sa anumang oras.
Kinakailangan nating makipagtulungan sa DENR dahil para rin ito sa
atin lalo na sa mga sumusunod na henerasyon. Sayang naman kung hindi
masisilayan ang kagandahan ng mga hayop na ito.
AralPan - Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at
pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa.
Science - Infer that body structures help animals adapt and survive in
their particular habitat.

PARAAN NG PAG-AALAGA AT PAGKALINGA SA MGA HAYOP NA LIGAW

1.Magbigay ng tirahan para sa mga hayop sa pamamagitan ng pagtatanim


ng katutubong halaman sa inyong bakuran;
2.Iwasan ang paggamit ng “herbicides at pesticides.”.
3. Huwag bumili kailanman ng mga produktong ginawa mula sa nanganganib
nang maubos na hayop o endangered animals;
4. Iulat o i-report ang anumang panggigipit o pagbaril ng mga endangered
animals; at
5. Protektahan ang tirahan ng mga hayop.

MGA BATAS NA TUNGKOL SA PAGKALINGA NG HAYOP

1. Republic Act No. 8485 o ang “Animal Welfare Act” ang unang batas na
komprehensibong nagtadhana sa tama at maayos na pangangalaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas.

2. Republic Act No. 9147 – o ang “Wildlife Resources Conservation and


Protection Act” na maaari naming mag—alaga ng kahit anong “threathened
indigenous and endemic,” mga “exotic species” ang kahit sino. Kinakailangan
lamang mabigyan sila ng DENR ng Certificate of Wildlife Registration (CWR).

Ang mga hayop ay may malaking pakinabang sa atin. Hayop man kung
sila ay maituturing pero kailangan natin sila. Kaya nararapat lamang na
sila ay ating alagaan.

Ang pagkalinga sa hayop ay isa sa mga katangian nating mga


Pilipino. Sa pamamagitan nito ay ipinakita natin ang ating pagmamahal
sa Diyos sapagkat kabilanng ito sa kanyang mga nilikha.
E.Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #2

Mga Tanong:
1. Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang mga hayop na
ligaw at endangered animals?
2. Sa anong paraan mo mapoprotektahan ang ating mga hayop na ligaw
at endangered animals?
3. Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop na
ligaw at endangered animals? Bakit?
4. Paano mo mahihikayat ang iba upang gawin din ang mga tamang
paraan ng pagkalinga sa mga hayop na ligaw?

F.Paglinang ng Kabihasnan
Math - Interprets dat presentd in different kinds of bar
graphs(vertical/horizontal,single/double bars)

GROUP 1
(INTERPRETING)
Panuto: Gamit ang datos na ibinigay ng guro sagutin ang sumusunod na
tanong.

1. Isulat kung ilang porsyento ang nawawala sa bawat endangered species.


2. Alin ang pinakamadaming endangered specie ang nawala? Pinakamaliit?
3. Kung bibigyan mo ng pamagat ang datos, ano ito?
4. Ano ang pumapangalawa sa bilang ng may madaming endangered
species?
5. Sa tingin mo bakit kaya kasali ang pananim sa endangered species?

Group 2
(APPLYING)
Panultol: Isulat ang mga pamamaraan ng pag-alaga o pagkalinga ng mga
nakasulat na hayop na ligaw o endangered animals.
PANGALAN NG HAYOP NA PARAAN NG PAG-AALAGA O
LIGAW O ENDANGERED PAGKALINGA
ANIMALS
PHILPPINE EAGLE
TAMARAW
SEA TURTLES
BALABAC MOUSE DEER

Group 3
(VALUING)
Panuto: Basahin at unawain ang katanungan. Gumupit ng hugis puso at isulat
dito ang iyong kasagutan.

Magbigay ng pamamaraan kung paano mag alaga nga mga endagered


species.

Group 4
(UNDERSTANDING)
Panu: Ang mga sumusunod na pangungusap ay patungkol sa mga
endangered species. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung sang-ayon ka at
sabihin ang dahilan kung bakit ikaw ay hindi sang-ayon sa mga ginagawa ng
mga bata.

_____1. Sumali si Eda sa grupong ‘Bantay Agila’ upang makatulong.


_____2. Ginawang laruan ni Kardo ang kakaibang gagamba na
kaniyang nakita.
_____3. Pinamunuan ni Lina ang Tree Planting upang hindi maubos ang
tirahan ng mga hayop.
_____4. Nagsaliksik si Isko kung ano ang tamang paraan ng pangangalaga
sa tarsier.
_____5. Binuhusan ni Susan ng mainit na tubig ang mga paniki.
G.Paglalapat ng Aralin sa pang araw-araw na buhay
Application

Basahin ang mga sitwasyon at pindutin ang masayang mukha kung


nagpapakita ito ng wastong pagkalinga sa mga endangered species at
malungkot na mukha naman kung hindi.

1. Gagamutin ko ang sugatang unggoy.


2. Mainam na pangdesenyo ang sungay ng usa kaya kakatayin ko ito.
3. Aalagaan ko ang kuwago.

H.Paglalahat ng Aralin
Generalization

1.Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa ating mga hayop?

2.Ano ang tawag isang pangkat o populasyon ng mga halaman, mga hayop, o
iba pang mga organismong nasa panganib na mawala o hindi na umiral.

3.Paano natin mapangangalagaan ang mga endangered na hayop?

I.Pagtataya ng Aralin
Evaluate

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at lagyan ng salitang TAMA ang patlang
kung nagpapakita ito ng wastong pagkalinga sa mga endangered species at
MALI naman kung hindi.

______1. Wala akong pakialam sa mga endangered species na ‘yan!


______2. Okay lang na magmulta ako basta maging laruan ko lang ang
gagamba.
______3. Makilahok ako sa mga programa na makatulong sa pagkalinga ng
endangered species.
______4. Ibebenta ko sa intsik ang tuko dahil gamot daw ito sa hika.
______5. Nakatatakot ang mata ng tarsier kaya susundutin ko ito.
______6. Kung makakita ako ng endangered species na napahamak,
tatawagan ko ang DENR.
______7. Papatayin ko lahat ng whale shark kasi nakatatakot sila.

Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang
titik na may tamang sagot.
1. Sa loob ng klase, nakita mong pinapaaway ng iyong kaklase ang mga
gagamba na may kakaibang itsura. Ano ang gagawin mo?
A. Pababayaan ko sila sa kanilang ginagawa.
B. Sasali ako sa kanilang ginagawang paglalaro.
C. Payuhan ko sila na ihinto ang kanilang ginawa dahil mali ito.
D. Pagsasabihan ko sila na dapat may pustahan kapag naglalaro.
2. Nakita mo ang bata na tinalian ang leeg ng pawikan at ginawa itong parang
laruang sasakyan. Ano ang gagawin mo?
A. Ibalewala ang pangyayari.
B. Kukunin ko ang pawikan at paglalaruan ito.
C. Payuhan ang bata na manghuli pa ng maraming pawikan.
D. Pagsabihan ang bata na hindi tama na gawing laruan ang pawikan.

3. Alam mong ipinagbabawal ng pamahalaan ang panghuhuli ng endangered


species ngunit nakita mo ang iyong ama na nanghuhuli ng paniki at ginawa
pa itong pulutan. Ano ang iyong gagawin ?
A. Isusumbong ko siya sa nanay ko dahil hindi ako pinakain ng paniki.
B. Payuhan ko ang aking ama na ituloy lamang ang kaniyang
pinaggagawa.
C. Kausapin ko ang aking ama na ihinto na ang kaniyang ginawa dahil
mali ito.
D. Pagsabihan ko ang aking ama na manghuhuli pa ng marami para
may pang-ulam kami.

J.Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin

Panuto: Kahit bata pa kayo ay maaari na kayong makagawa ng kabutihan sa


mga hayop o endangered species. Paano mo maipapakita ito? Punan nang
wastong sagot ang bawat patlang. Sagutin ito sa iyong sariling opinyon.
1. Paano mo maipapakita ang iyong pagmamalasakit sa iyong nakita na
sugatang usa?
2. Bakit tinawagan ni Alma ang pamunuan ng Department of Environment and
Natural Resources noong makakita siya ng agila?
3. Ano ang gagawin mo kung may nakitang kang kakaibang palaka na
lumulundag papasok sa bakuran ninyo?

Prepared by:
Hazel S. Dela Peña

You might also like