Kaalaman Sa Impormasyon

You are on page 1of 1

Ang Paglulunsad ng Information Literacy Awareness Month sa Pamantasan ng De La Salle Joseph M.

Yap Associate Librarian De La Salle University Ang pagtukoy at paggamit ng tamang impormasyon ay isang mahalagang bagay na dapat matutunan ng isang umuusbong na mag-aaral. Ang kaalaman sa impormasyon o information literacy ay isang kasanayan na unti-unting hinuhubog upang makuha mo ang tamang pamamaraan sa pagkuha ng tamang impormasyon sa tamang oras at tamang lugar. Ayon sa salin sa Filipino mula sa depinisyon ng American Library Association, ang kaalaman sa impormasyon ay ang kakayahan upang kilalanin, hanapin, suriin, at gamitin ang impormasyon ng mabisa at naaayon sa etika. Ayon naman sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ang kaalaman sa impormasyon ay nagbibigay ng kakayanan sa mga tao na magsalarawan at gumawa ng mga maalam na desisyon bilang mga gumagamit ng ibat ibang uri ng impormasyon, gayundin bilang mga taga-likha ng impormasyon sa kanilang sariling kakayanan. Ang kapasidad ng tao na sumuri at alamin kung saan makukuha ang tamang impormasyon ang makapagbibigay sa mga ito ng tamag desisyon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang pagtugon ng The Learning Commons ng Pamantasan ng De La Salle (De La Salle University Manila), maglulunsad ito ngayong Nobyembre 2013 ng isang taunang aktibidad para sa mga miyembro ng pamantasan para sa mga mag-aaral, guro at empleyado nito. Layunin nitong ipaalam sa bawat isa ang mga serbisyo, programa at koleksyon ng The Learning Commons. Para sa karagdagang detalye tungkol sa Information Literacy Awareness Month, ugaliing sumubaybay sa website nito: http://www.dlsu.edu.ph/library/.

You might also like