Pasko

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PASKO - Dula-dulaan

Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales


Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay)
(Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.)
Nanay: Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.
Anak 1: Nandiyan na po ako, Nanay.
Anak 2: Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.
Anak 3: Handa na po ako, Tatay.
Anak 4: Ako rin po.
Nanay: O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.
Tatay: Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.
(Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.)
Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa)
(May mga tindera. May tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.
Mga Anak: (Magmano) Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.
(May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.)
Anak 1: Ano po ang tinda ninyo?
Tindera 1: Mayruon akong puto at kutsinta.
Anak 1: Pagbilhan po ninyo ako ng puto.
Anak 2: Mayruon po ba kayong suman?
Tindera 2: Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?
Anak 2: Dalawa po.
Anak 3: Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.
Anak 4: Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!
Nanay: Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) Tuloy kayo mga anak.
Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: Mano po, Lolo. Mano po, Lola.
Lolo at Lola: Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.

(Nanay at Tatay magmamano rin)


Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.
Ninang at Ninong: Kaawaan ka ng Diyos.
Anak 2: Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!
Lola: Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.
Lolo: Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.
Anak 3: Gutom na nga ako eh.
Anak 4: Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.
(Matapos kumain - Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: Nanay, Tatay, sanay maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.
Mga Anak: Lolo, Lola, aalis na po kami. Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa
lahat.
Nanay at Tatay: Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.
Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) Paalam na po. Mamasko pa po kami sa
ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.
Lolo at Lola: Mag-iingat kayo sa daan.
Tilon
Mga Tauhan:
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero

You might also like