Kwentong Bayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KONTEKSTO

Ang pagputok ng Bundok Pinatubo noong 1991 ay isa sa mga pinakamatinding sakunang
naganap sa kasaysayan ng bansa. Ang pagsabog ng bulkang ito ay pangalawang
pinakamalaki sa buong mundo noong ikadalawampu’t siglo. Higit 800 ang namatay at halos
100,000 ay nawalan ng tirahan.

ANG ALAMAT NG BUNDOK PINATUBO


Sa kahariang Masinlok, may isang matandang datu na hindi masaya kahit sariwa ang
hangin at luntian ang mga dahoon ng mga batang halaman sa paligid. Ang kagandahan ng
umagang iyon ay walang epekto sa ugali ng datu. Malungkot ang matandang datu dahil nais
niyang mangaso ulit tulad ng dati sa isang malayong bundok. Ngunit, hindi niya ito kaya dahil
mahina na ang kaniyang katawan.
Isang araw, may dumating na salamangkero sa kaharian. Nais ng salamangkero na
magpakasal kay Prinsesa Alindaya kaya nagbigay siya ng solusyon sa problema ng datu.
Magpapatubo ang salamangkero ng isang bundok para sa pangangaso ng datu. Kumuha siya
ng maliit na bato at itinanim niya ito sa lupa katulad ng pagtatanim ng isang halaman. Biglang
tumubo ang isang bundok sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan itinanim ang maliit na
bato.
Namangha ang hari sa ginawa ng salamangkero at nagpasiya na ipakasal niya si
Prinsesa Alindaya sa salamangkero. Nalungkot ang prinsesa sa ginawang pasya ng kaniyang
ama dahil parang ipinagpalit lang siya ng isang bundok. Nagkasakit ang prinsesa dahil sa
walang tigil na pag-iiyak. Hindi na natuloy ang kasalan.
Umuwi nang galit ang salamangkero dahil sa kaniyang kabiguan. Dahil nagulo ang
kaniyang loob, hindi niya napansin na lumalaki ang bundok. Ito’y naging problema ng datu at
inutusan niyang pugutan ang salamangkero. Hinuli nga ang salamangkero at siya’y pinatay.
Ngunit, wala itong ginawa sa lumulubhang suliranin at nakaabot ang balita sa kaharian
ng Pangasinan. Narinig ni Prinsipe Malakas ang nagyaring suliranin sa kahariang Masinlok at
agad siyang pumunta roon.
Nang dumating ang prinsipe, binunot lang niya ang bundok nang walang kahirap-hirap
at ihinagis niya ito sa lugar na kinaroroonan nito ngayon. Nagkaroon ng isang malaking
pagdiriwang para kay Prinsipe Malakas at nagpakasal siya kay Prinsesa Alindaya.
Ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay unti-unting napuno ng tubig
hanggang ito’y naging isang lawa. Tinawag nila ito “Lawa ni Alindaya” dahil ang kagandahan
ng prinsesa at ang pag-ibig niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bundok Pinatubo.

BAKIT MAHALAGA ITO?


Maraming ipinakita ang alamat na ito. Ipinakita rito ang pagmamahal ng isang pinuno sa
kaniyang pinamumunuan at ang kaniyang kalupitan sa isang inosente. Ipinapakita nito ang
pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak. Ang pinakamahalagang ipinakita ng alamat na
ito ay ang pagbibigay ng pansin sa kapaligiran. Makikita rin sa alamat na ito ang mga
kaugalian ng ating mga ninuno na nakahubog sa kanilang kapaligiran: tulad ng pagkahilig sa
pangangaso.
RIHAWANI
(Ang epiko ng mga kapampangan)

Sa isang kagubatan maraming bundok sa isang lugar ng Marulu, isang liblib na pook,ang mga
naninirahan doon ay may pinaniniwalaang isang diyosa o diwata ng mgaputting usa. Ito ang kuwento
ng kanilanga mga ninuno na unang nanirahan doon.

Ang Diyos raw na ito ay tinatawag na Rihawani. Kung minsan ay nagpapalit daw ito ng anyo bilang isa
ring puting usa. Ang mga naninirahan sa liblib na pook na ito natakot na takot na magawi o maglagalag
sa kagubatan pinananahanan ni Rihawani, kahit alam nilang dito sila maraming makukuhang mga
bagay-bagay na maari nilang magamit o mapagkakitaan. Mga prutas, mga hayop-gubat, mga
halamang gubat, at ibapa.

Sang-ayon sa kanila, may nakasumpong na kay Rihawani. Isa sa mga taong nanirahan din doon. Minsan
daw, nang maligaw ito sa pangunguha ng mga kahoy at prutas ay napadako ito sa pook ni Rihawani.
Nakita raw at nasumpungan nito ang diyosa. Kahit sa malayo ay kapansinpansin ang angking
kagandahan nito, habang nakikipag-usap sa ilang mga usang puti na nasa kaniyang paligid, Nang
maglakad ang mga ito sa dakong patungo sa kinaroroonan ng tao ay mabilis na humangos ito sa bahay
ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kaniyang nasaksihan. Mula noon ay lalo nang nagging
katatakutan ang kagubatang iyon.

Isang araw ay may mga dayuhan na dumating doong na ang pakay ay mangaso o mamaril ng hayop sa
gubat. Nagtanong daw ang mga ito kung sang gubat marami ang mga hayop o ibon na maaring
puntahan. Itinuro nila ang gubat ngunit isinalaysay rin ang kasaysayan nito na pinananahan ni
Rihawani. Itinagubilin ding huwag pagnasaang puntahan ang pook na iyon. Paara sa ikasisiguro ng
lakad ay ipinagsama ng mga itoang isang tagapaggabay. At lumisan ang mga ito patungo sa gubat na
pupuntahan.Pagdating sa paanan ng isang bundok ay napagkasunduan ng mga itong maghiwa-
hiwalay at magkita-kita na lamang sa isang lugar sa dakong hapon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat,
ang isa ay nagka-interes na dumako sa gubat na pinananahanan ni Rihawani. Hindi nito pinakinggan
ang tagubilin ng nakatatanda sa lugar na iyon. Nang makasapit na ito sa dakong itaas ng bundok ay
naglakad-lakad muna at nagsipat-sipat ng mababaril na hayop. Naisip nito ang maputing usa na
sinasabi ng matatanda. Nang mapadako ito sa gawing ilang, napansin niya ang isang pangkat ng
mapuputing usa. Nang maramdaman ng mga hayop na may tao, nabulabog ang mga ito at
nagtakbuhan papalayo. Hinabol nito ang isa at tinangkang barilin, ngunit walang natiyempuhan.
Hanggang sa may Makita ito sa dakong kadawagan ng gubat, agad inasinta at binaril. Tinamaan ang
putting usa sa binti at hindi na nakatakbo. At nang lalapitan na ng mangangaso ang puting usa may
biglang sumulpot sa likuran na isang putting usa na malayo sa hitsura ng nabaril. Lalo itong namangha
nang ang usa ay mag-iba nganyo at nagging isang napakagandang babae. Sinumbatan nito ang
mangangaso. Sa ginawang iyon ng dayuhan, umusal ng sumpa ang diwata at ang lalaki ay maging isang
putting usa rin at mapabilang na sa mga alagad ni Rihawani. Nang dakong hapon na, hinanap ito ng
mga kasamahan. Tinawag nang tinawag ang pangalan nito ngunit walang sumasagot. Napaghinuha na
lamang ng lahat lalo na ng kasamahan gabay nasinuway nito marahil ang tagubilin, tuloy nabilang sa
sumpa ni Rihawani. Mula noon, bukod sa nagging aral na sa mga nandoon ang pangyayaring iyon, ay
pinangilagan na ng mga mangangaso ang dakong iyon ng kagubatan.
Tauhan:
Rihawani — Ang pangunahing tauhan sa kwentong Rihawani.Siya rin ay Diyosa at minsan ay nag
papalit ng anyo bilang isang puting usa.

Dayuhan --- Ang sumuway sa tagubilin ng matanda at napabilang sa alipin ni rihawani.

Matanda --- ang nag bigay ng payo sa mga mangangaso.

Tagpuan:

Sa kagubatan ng Marulu sa dakong itaas ng bundok --- dito naganap ang pangangaso ng dayuhan na
naging isang puting usa resulta ng pagkakasumpa dahil sa hindi pag sunod sa tagubilin ng matanda at
pag baril na rin sa puting usa.

Banghay:

Ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga dyos at diyosa --- Batay sa mitolohiyang nabasa ang banghay
ng kwento ay nakatuon sa Kagubatan kung saan nakatira ang diyosa na kilala bilang Rihawani at ang
gubat din na ito ay kinakatakutan ng mga tao na nakatira sa lugar ng Marulu.

Tema:

Tungkol ito kung gaano kahalaga ang pag sunod ng tagubilin o payo na ibinigay sa iyo. Tulad ng
nangyari sa kwento kung saan sinuway ng mangangaso ang hagubilin ng matanda at dahil doon may
malaking kababalaghang nangyari .

Mga Aral na Nakuha:

*Dapat maging maingat sa pagdedesisyon dahil nakaakibat dito ang iyong buhay at maaaring
magdulot ng kapahamakan na hindi inaasahan. Kayat anomang payo ang matanggap ay ating sundin
dahil nagpapakita ito ng rispito sa iyong sarili at kapwa.

*Kailangan din nating pangalagaan ang ating inang kalikasan dahil dito nakasalalay ang ating
kinabukasan.
Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at
bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at
pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at
nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa
palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na
sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang pauwiin ang
mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming
bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay
sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon.
Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan.
Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw
na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling
Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga
alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig
mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad
ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy
na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay
pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.

Ang katapora ay ang paggamit ng salita na sa hulihan lumalabas ang tinutukoy.

Cataphora is the use of a word or phrase that refers to or stands for a later word or
phrase.
HALIMBAWA NG KATAPORA

Pagkatapos niyang kumain, umalis ang sundalo sa kusina.


After he ate, the soldier left the kitchen.

Sa unahang bahagi ng pangungusap ay ang salitang “niyang” — nalaman lang natin


sa pangalawang bahagi ng pangungusap na ang tinutukoy ay ang sundalo.

Ang ganda niya. Ang ganda ni Ana.


She is so beautiful. Ana is so beautiful.

Ang kabaligtaran ng katapora ay anapora.

HALIMBAW A NG ANAPORA

Pagkatapos kumain ng sundalo, umalis siya sa kusina.

Dito, sa unahan pa lang ng pangungusap, alam na natin na ang sundalo ang pinag-
uusapan, at pagdating sa hulihang bahagi ng pangungusap, alam na natin na ang
“siya” ay ang sundalo.

Ang ganda ni Ana. Ang ganda niya.

Banghay-Aralin sa Filipino 7
I. Layunin
a. Nailalahad ang mga elemento ng alamat
b. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng alamat

II. Paksang-Aralin
A. Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Alamat ng Saging
B. K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 7, PB2Aa, PB2Ab, PB2Ac
C. sipi ng alamat, larawan, chart, graphic organizers
D. Pagpapahalaga sa Katutubong Panitikan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng mga larawan ng mga napapanahong kwento ng pag-ibig (halimbawa: Aldub,
Jadine o Kathniel).
Itanong: Kilala niyo ba ang mga nasa larawan?
Ano ang kanilang kwento?
Paano/Saan niyo nalaman ang kani-kanilang kwento?

B. Panlinang na Gawain (4As)


1. Mga Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin
Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang mga katutubong Pilipino ay may mga kani-kaniyang
kwento ng pag-ibig at ilan sa mga ito ay nailalahad sa mga alamat.

b. Pag-alis ng Sagabal
Pagtapat-tapatin ang mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.
A B
1. nasambit a) nakikipagkita
2. nakikipagtagpo b) ibinaon
3. binunot c) nakikipagkita
4. inilibing d) kinuha

c. Pagbasa nang Tahimik


Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alamat ng Saging”.
Ipaalala ang batayan ng tahimik na pagbasa.

2. Pagsusuri (Analysis)
a. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawaing batay sa
Multiple Intelligence
Pangkat Gawain

(Verbal-Linguistic)
1
Paggawa ng PLOT (Pamagat, Lugar, Oras, Tauhan)

(Logical-Mathematical)
2
Pagsunud-sunod ng pangyayari gamit ang Time Sequence Pattern Organizer

(Visual-Spatial)
3
Pagbuo ng sariling wakas sa pamamagitan ng isang poster

(Musical-Rhythmic)
4
Pag-awit ng kantang maaring iugnay sa nabasang alamat

3. Paghahalaw at Pagahahambing (Abstraction and Comparison)


Gamit ang Venn diagram, ipakita ang pagkakahalintulad at pagkakaiba ng katutubong
kwento ng pag-ibig sa alamat at makabagong kwento ng pag-ibig sa telebisyon.

4. Paglalapat (Application)
Itanong: Kung kayo si Juana, susuway ba kayo sa utos ng iyong ama? Oo o
hindi?
Dapat bang tularan sina Juana at Aging? Ipaliwanag ang iyong sagot.

C. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Itanong: Anong aral ang inyong natutunan mula sa alamat?
Sa tinging ba ninyo ay mahalaga ang mga alamat? Bakit?

IV. Ebalwasyon
Iguhit ang kung ang pangyayari ay naganap sa alamat at kung hindi.

1. Si Mang Pedro ang ama ni Juana na tutol sa pag-iibigan ng magkasintahan.


2. Si Aging ang lalaking iniibig ni Juana.
3. Dinalaw ng binata si Juana at siya ay pinatuloy sa bah-takotay ng dalaga.
4. Naduwag si Aging nang makita niya ang ama ni Juana.
5. Tumubo ang isang halaman mula sa buhok ni Juana.
V. Kasunduan
Magtanong sa mga magulang o nakatatanda tungkol sa mga alamat na kanilang nalalaman
ditto sa Iloilo. Isulat sa isang buong papel at ibahagi ito sa klse.

You might also like