3rd Periodical Test in AP IV

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan: ____________________________________________ Iskor:


__________________
Baitang/Seksyon: __________________________________ Petsa:
__________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A B C D
1. Ito ay tumutukoy sa samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng grupo ng mga tao
na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
A. mamamayan B. pamahalaan C. bansa D. kapangyarihan

2. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pamahalaan maliban sa isa.


A. Ito ay namumuno sa pagpapatupad ng mga proyekto
B. Bumubuo ng mga programa para sa iba ibang larangan na nababatay sa
pangangailangan ng tao
C. Nangangasiwa ng pambansang badyet
D. Nangangalaga sa gawaing iligal sa bansa

Kilalanin kung kaninong gawain ang nakatala sa bilang 3-5


A. Tagapagpaganap B. Tagapagbatas C. Tagapaghukom

3. Pinamumunuan ng pangulo ang sangay na ito at nagpapatupad ng batas._________


4. Ito ang sangay na nagbibigay-kahulugan sa mga batas ng bansa.__________
5. Gawain ng sangay na ito ang gumawa ng batas._________
6. Alin sa mga lugar sa buong Metro Manila ang hindi pa Lungsod dahilan sa maliit na sukat ng
lupa nito?
A. Pateros B.Makati C. Mandaluyong D. Quezon City
7. Gaano kalawak ang lupang sakop ng isang lugar upang matawag na lalawigan?
A. 1,000 kilometro kuwadrado o higit pa
B. 2,000 kilometro kuwadrado o higit pa
C. 3,000 kilometro kuwadrado o higit pa
D. 4,000 kilometro kuwadrado o higit pa
8. Ang pamahalaang lokal ayon sa itinadhana ng Batas Republika Blg.7160 ay bumu-buo ng
lalawigan, lungsod, bayan at barangay.
A. tama B. mali C. Maaari D. walang basehan
9. Sino ang pinuno ng estado at pamahalaan?
A. Pangalawang Pangulo B. Ispiker C. Alcalde D. Pangulo
10. Siya ang pinuno ng kapulungan ng mga kinatawan.
A. Pangulo B.Gobernador C. Ispiker D. Alcalde
11. Ang ___________ ang may kapangyarihang alisin sa tungkulin ang sinuman sa kanyang
hinirang.
A. Ispiker B. Pangalawang Pangulo C. Pangulo D. Punong Mahistrado
12. Ang sangay na ito ang may hawak ng kasong kinasasangkutan ng mga embahador, konsul
at iba pang opisyal.
A. Korte Suprema B. Pangulo C. Mambabatas D. Senado
13. Ito ang tawag sa pagsusuri na maaaring gawin kapag nagmalabis sa kanyang
kapangyarihan ang isang sangay
A. Separation of Powers C. Supreme Court
B. check and balance D. Impeachment
14. Ang sinumang pinuno ng pamahalaan gaya ng pangulo, pangalawang pangulo,mahistrado,
ombudsman at mga kasapi ng Komisyong Konstitusyunal na nagkaroon ng kaso ay
maaaring maalis sa tungkulin sa pamamagitan ng __________.
A.Separation of Powers C. Supreme Court
B. Check and Balance D. Impeachment
15. Ang bawat sangay ng pamahalaan ay malaya sa panghihimasok ng iba pang sangay.
A. Tama B. Mali C. di-tiyak D. walang katotohanan
16. Maiiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan kung ang saklaw lamang ng bawat sangay
ang hahawakang tungkulin o gawain.
A. Tama B. Mali C. di-tiyak D. walang katotohanan
17. Ang sumusunod ay epekto ng mabuting pamumuno maliban sa isa.
A. Pag-unlad ng mga negosyo at kalakalan
B. Pagbawas sa paglaganap ng katiwalian
C. Mabuting serbisyong pangkalusugan
D. Paglaganap ng krimen at kahirapan
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mabuting pamunuan?
A. maayos na pangangasiwa C. may sabwatan
B. may paggalang sa batas D. walang katiwalian
19. Ang isa sa mga nakatalang simbolo ay nangangahulugan sa hangarin ng bansa na maging
malaya at may kasarinlan.
A. Agila B. Leon C.araw D. tatlong bituin
20. Ang agila ay sumisimbolo sa kasaysayan ng ating bansa na naimpluwensyahan ng
bansang _________.
A. Amerika B. Tsina C. Hapon D. Espanya
21. Alin ang pambansang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa serbisyong
pangkalusugan ng
mamamayan?
A. Department of Health C. Department of Justice
B. DepEd D. Department of Social Welfare
22. Ang isa sa mga sumusunod ay serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan na naglalayong
malabanan ang sakit na polio, diarrhea, tigdas at trangkaso.Alin ito?
A. Libreng pagpapaospital C. Pagbabakuna
B. Programa para sa kababaihan D. Free dental chek-up
23. Ito ay programang naglalayong makamit ng mag-aaral ang mga kasanayang kailangan
niya sa pag-aaral, pagpasok sa kolehiyo at pag-eempleyo.
A. Out of School Youth C.DSWD
B. Indigenous People D. K-12 Basic Educ. Program
24. Nahinto sa pag-aaral ang iyong kuya. Natutuhan mo sa paaralan na may programa sa
Edukasyon para sa mga nahinto ng pag-aaral. Ano ang iyong gagawin?
A. Alamin sa guro kung kanino magtatanong dahil alam mong interesado ang iyong kuya
B. Hindi na sasabihin sa kuya tutal namamasukan na sya
C. Hayaan na lamang ang iyong kuya dahil matanda na siya
D. Hindi na lamang papansinin dahil magastos ito.
25. Anong ahensya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkuling ipagtanggol ang bansa
laban sa kaaway o mananakop lokal man o dayuhan?
A. Sandatahang Lakas ng Pilipinas C. Phil. National Police
B. Barangay Tanod D. Local Government Unit
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi ahensya ng pamahalaan para sa kapayapaan?
A. Armed Forces of the Phil. C. Phil. National Police
B. Department of National Defense D. Department of Health
27. Anong batas ang nabuo sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino ang naging malaking
tulong sa
magsasaka na magkaroon ng sariling lupang sakahan?
A. Batas Republika Blg. 6657 C. Batas Republika Blg. 6659
B. Batas Republika Blg.6658 D. Batas Republika Blg. 6666
28. Ang ___________ ay tugon ng pamahalaan para sa pangangalaga ng kagubatan.
A. Consumer Price Index C. Reforestation
B. Fingerling D. monopoly
29. Paano ka makakatulong sa mga mangangalakal na Pilipino?
A. bumili ng produkto sa ibang bansa
B. magpabili sa kamag-anak na OFW ng mga imported goods
C. ikahiya ang produktong gawa sa Pilipinas
D. tangkilikin ang sariling produkto na gawa sa ating bansa
30. Makikita sila sa mga lansangan at namamahala ng batas-trapiko para sa mga motorista at
mga tumatawid na tao, sino sila?
A. Bumbero B. Pulis C. sundalo D. guro

Piliin sa dalawang titik ang mga nakatalang karapatan at tungkulin (31-34)


A. Karapatan ng Mamamayan B. Tungkulin ng
Pamahalaan
31. Paglahok sa pulong __________
32. Pagboto nang may katalinuhan ________
33. Pumili ng produktong gawa sa Pilipinas __________
34. Pagbuo ng samahan ___________
35. Ang _______ ay nagbibigay sa mga bata ng natatanging proteksyon laban sa pag-abuso,
pagsamantala at diskriminasyon.
A.Batas Republika Blg.7611 C. Batas Republika Blg. 7610
B.Batas Republika Blg. 7612 D. Batas Republika Blg. 7615
36. Saan pansamantalang inilalagak ang mga batang may suliranin gaya ng pag-abuso, ulila,
inabandona at batang lansangan?
A. DOJ B. DSWD C. Golden Acres D. GSIS
37. Aling ahensya ng pamahalaan ang sumusubaybay sa presyo at kalidad ng mga binibiling
pagkain at gamot ng mamamayan?
A. National Food Authority B. DepEd C. DSWD D. DOH

Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik A kung tama at B naman
kung ito ay mali.

A. Tama B.
Mali

38. Tungkulin ng pamahalaang panlalawigan na kumilos para sa kaunlaran at pamama-


hala ng mga yunit na kanyang nasasakupan._____________
39. Nag-uugnayan ang mga alkalde ng bayan sa loob ng isang lalawigan sa pamumuno
ng kanilang Gobernador.___________
40. Ang pamahalaang lokal ay binuo upang direktang magpatupad ng mga batas,
programa at serbisyo sa mga mamamayan.______________
Talahanayan ng Ispesipikasyon
IKATLONG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN IV
BILANG BILANG KINALALAGYAN NG
LAYUNIN BAHAGDAN
NG ARAW NG ITEM ITEM
1.Natatalakay ang kahulugan at 2 5 2 1-2
kahalagahan ng pambansang
pamahalaan
2.Nasusuri ang balangkas o
istruktura ng pamahalaan ng
Pilipinas
2.1 Natatalakay ang 7.5 3 3-5
3
kapangyarihan ng tatlong sangay
ng pamahalaan (ehekutibo,
lehislatura, hudikatura)
2.2 Natatalakay ang antas ng 3 7.5 3 6-8
pamahalaan (pambansa at lokal)
2.3 Natutukoy ang mga 2 5 2 9-10
namumuno ng bansa
2.4 Natatalakay ang paraan 2 5 2 11-12
ng pagpili at ang kaakibat na
kapangyarihan ng mga
namumuno ng bansa
3. Nasususri ang mga ugnayang
kapangyarihan ng tatlong sangay
ng pamahalaan
3.1 Naipaliliwanag ang
2
“separation of powers” ng 5 2 13-14
tatlong sangay ng pamahalaan
3.2 Naipaliliwanag ang “
check and balance ng 2
kapangyarihan sa bawat isang 5 2 15-16
sangay
4.Natatalakay ang epekto ng 2 5 2 17-18
mabuting pamumuno sa
pagtugon ng pangangailangan ng
bansa
5. Natatalakay ang kahulugan ng 2 5 2 19-20
ilang simbolo at sagisag ng
kapangyarihan ng pamahalaan
6.Nasusuri ang mga
paglilingkod ng pamahalaan
upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat
mamamayan
6.1 Naiisa isa ang mga 5 2 21-22
2
programang pangkalusugan
6.2 Nasasabi ang mga 2 5 2 23-24
pamamaraan sa pagpapaunlad ng
edukasyon sa bansa
6.3 Nakakapagbigay 2 5 2 25-26
halimbawa ng mga programang
pangkapayapaan
6.4 Nasasabi ang mga paraan 3 7.5 3 27-29
ng pagtataguyod ng ekonomiya
ng bansa
1
6.5 Nakakapagbigay 2.5 1 30
halimbawa ng mga programang
Pang-imprastraktura atbp ng
pamahalaan
7.Nasusuri ang tungkulin ng 4 10 4 31-34
pamahalaan na itaguyod ang
karapatan ng bawat mamamayan
8.Nasusuri ang mga proyekto at 3 7.5 3 35-37
iba pang gawain ng pamahalaan
sa kabutihan ng lahat o
nakararami
9.Nasusuri ang iba’t ibang 3 7.5 3 38-40
paraan ng pagtutulungan ng
pamahalaang pambayan,
pamahalaang panlalawigan at
iba pang tagapaglingkod ng
pamayanan
KABUUAN 40 100% 40 40

Inihanda ni:

CECILIE C. VILLARUBIN
Teacher I
Answer Key

1. B 21. A
2. D 22. C
3. A 23. D
4. C 24. A
5. B 25. A
6. A 26. D
7. B 27. A
8. A 28. C
9. D 29 .D
10. C 30. B
11. C 31. A
12. A 32. A
13. B 33. A
14. D 34. A
15. A 35.C
16. A 36. B
17. D 37. A
18. C 38. A
19. C 39. A
20. A 40. A

You might also like