Grade 9 WS1
Grade 9 WS1
Grade 9 WS1
Department of education
Region iv - calabarzon
Division of Laguna
District of santa Cruz
St. Mary’s Montessori de Laguna Inc.
M.H Del Pilar st., Poblacion IV, Sta. Cruz, Laguna 4009 Philippines
Telephone no.: (049) 523– 4831
E–mail add.: stmarys_montessori@yahoo.com
THIRD QUARTER
Worksheet Number 1
English 9
IKATLONG MARKAHAN
Worksheet bilang 1
Filipino 9
IKATLONG MARKAHAN
Araling Panlipunan 9
Worksheet bilang 1
Mga Layunin:
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya.
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang bansa.
a. Export
b. GDP
k. GNP
d. Import
2. Alin sa sumusunod ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa?
a. GDP
b. GNP
k. NIFA
d. SDP
3. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
a. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal
b. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
k. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
d. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
4. Si Mr. Chen, isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan
dapat isinasama ang kanyang kita?
a. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito.
b. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita.
k. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
d. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
5. Alin sa mga sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
a. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa mga mamumuhunan
na magnegosyo sa loob ng ating bansa.
b. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
k. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
d. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.